CHAPTER FOUR

1442 Words
KALALABAS KO LANG NG HOTEL. Sinulyapan ko iyong relo ko at sinimulan ko nang maglakad. Pasado alas dose na pala ng madaling araw. May mga bukas pa ring tindahan sa mga nadadaanan ko. Sa totoo lang ay nilalakad ko lang mula sa hotel patungo sa apartment dahil hindi naman kalayuan iyon. At saka wala naman akong extra'ng pera para mag-commute. “Isang special lomi nga, ate,” sambit ko roon sa tindera ng lomihan. May mga tao pang kumakain doon karamihan ay mga empleyadong may trabaho ng gabi at inaabot ng madaling araw. Marami pa ring bukas na tindihan at bilihan ng kung ano-ano. “Dine in or take out na lang?” tanong nito. Nginitian ko ito bago ibigay ang bayad. “Take out na lang ho ate, salamat po!” Kinuha ko na iyong isang supot ng lomi at nagpatuloy na sa paglalakad. Sandali kong pinagmasdan ang laman ng pitaka ko. Wala sa sarili na lang akong napabuntong-hininga at ibinulsa iyon. Kakaunti na lang ang badyet ko papaano na kaya sa susunod na buwan? Hindi pa ako sumasahod at napakahirap kumita ng pera ngayon. Na-upo na lang ako sa sementadong upuan malapit sa nilalakaran ko. Bahagya akong namahinga. Iniisip ko kung sakaling buo pa ang pamilya ko, eh, 'di sana ako nahihirapan ngayon. Mas dumoble ang hirap dahil pinili kong magsarili at hindi tanggapin ang tulong ng aking ina. Isang malakas na busina ang umagaw sa atensyon ko. Isang kotse ang nakaparada sa harap ko. Mayamaya pa ay ibinaba nito iyong bintana niya. “Malalim na ang gabi, bakit nag-iisa ka?” Napangiti na lang ako. Kahit kailan ay kung saan-saan ko na lang nakikitang pagala-gala itong si Rio. Paniguradong gumigimik na naman ito. Bumaba ito sa sasakyan niya at tumabi sa aking umupo. May bitbit itong pagkain. “Pagsaluhan natin 'tong nabili ko,” aniya. Binigyan niya ako ng disposable na mangkok para doon ko ilagay iyong lomi na nabili ko kani-kanina lang. May dala rin siyang tubig at ilang mga tinapay. “May nadaanan akong bagong bukas na karinderya malapit dito. Naisipan kong bumili. At saka... alam kong mga ganitong oras ay naglalakad ka na pauwi. Nagbabaka-sakali akong makita kita.” Sumubo ako ng ilang beses bago ito sinagot. “Nag-abala ka pa. Pero salamat, Rio, ha?” “Hindi ka ba nababagot sa buhay mo? Alam mo 'yon, eskulahan, bahay, trabaho na lang palagi ang umiikot sa oras mo. Hindi ka ba nagsasawa?” Awtomatiko akong napa-iling. “Hindi. Hinding-hindi ako magsasawa dahil para din iyon sa kinabukasan ko,” pagpapaliwanag ko sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Gutom na gutom ako. Madalas akong nalilipasan ng gutom dahil sa sobrang abala ko. Sa madaling araw lang yata ako nagkakaroon ng oras para kumain, eh. Napabuntong-hininga si Rio. “Wala na akong ibang narinig sa iyo kundi trabaho. Pagbutihin mo.” Hindi ko na ito pinansin. Abala ako sa pagkain. Susulitin ko na itong mga dala niya para sa akin. Ngayon lang ulit ako makakakain ng marami. “Hinay-hinay naman, Sam!” Napansin kong binuksan nito iyong isang water bottle at ibinigay sa akin. “Oh, uminom ka. Kapag nabilaukan ka, hahampasin ko talaga 'yang likod mo ng bonggang-bongga!” Bahagya akong natawa sa sinabi nito at saka ininom iyong binigay niyang tubig. Sa unang tingin, aakalain mong bad girl siya dahil sa pormahan niya. Laging mala-gangster kasi ang awrahan nitong si Rio at mga ganitong oras ay matatagpuan mo siya sa mga clubs at gumigimik. “Ikaw naman, hating gabi na at gumigumik ka na naman! Tumakas ka, 'no?” tanong ko sa kanya na ikinangisi niya. “Nothing new, Sam... as always! Masaya kayang gumimik sa mga clubs, alam mo 'yon, party party!” Natawa kami sa isa't isa. Kahit kailan talaga si Rio. Ngunit napakabuti niyang kaibigan. Napakunot-noo ako. Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakapasok sa mga clubs gaya ng sinasabi niya. “Ano ba hitsura ng mga club na 'yan?” tila inosenteng tanong ko. “Hindi mo pa nasusubukang pumasok sa mga club?” Umiling ako na ikinatawa niya. Wala na sa isip ko ang gumimik kung may responsibilidad naman akong dala-dala. “Sa labas ng club, bago ka pumasok, may mga naglalakihang katawan ang mga bouncer. Sa loob naman, bubungad sa iyo ang napakalakas na party music at lahat ng mga taong naroon ay nakikipagsayawan, umiinom... may mga nakikipaghalikan na nauuwi sa momol. Gets mo?” “Momol? A-Ano 'yon?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Tumatawa lang ito habang nilalantakan iyong tinapay. “Huwag mong sabihing...” dugtong ko. Nagkatinginan kami sa isa't isa. Alam kong alam niya na ang ibig kong sabahin. “'Yong ano... alam mo na..” Tumangu-tango ito na ikinahagikgik naming dalawa. Nakakaloka! Hindi ko akalaing makakakita ka rin pala ng mga ganoong pangyayari sa loob ng clubs. “Pero hindi nila ginagawa ro'n syempre,” paglilinaw niya. Pinaningkitan ko ng tingin si Rio. “Ikaw, Rio... have you tried it? Umamin ka!” Pinangkunutan ko pa ito ng noo. Natawa na lamang ito sa tanong ko ngunit mayamaya pa ay tumango ito. “Likas sa katawan ko 'yan, Sam!” Wala sa sarili akong napahagikgik. Hindi ko alam ngunit natatawa ako sa sagot niya. May mga sekreto pala itong ngayon ko lang nalaman. “But I don't do it every time. Ginagawa ko lang 'yon kapag stress at pagod na ako sa buhay. Kinabukasan, hayun, inspired na ako ulit! Parang nakahugot ako ng lakas ng loob... mga ganoon ba!” “Grabe! Hindi ako makapaniwala, Rio!” Napa-iling-iling pa ako dahil sa mga narinig kong kuwento sa kanya. Ang akala ko ay sadyang bad girl lang ang dating niya pero totoo naman pala. “Para maniwala ka, tingnan mo 'to!” Ibinaba nito ang zipper ng leather jacket niya at bahagya niya ring ibinaba iyong damit niya hanggang sa makita ko ang kurba ng kanyang mayayaman na dibdib. Napatakip na lang ako sa bibig ko nang makita ang nagraramihang kiss marks sa dibdib niya. “You did it tonight?” Umiling siya. “Hindi! May tampuhan kasi kami ni Kian kaya hindi ko siya pinayagan.” “He is your boyfriend right?” Tumango siya. “My boyfriend, my s*x partner, my everything!” Kumikislap pa ang mga mata nito habang binabanggit ang mga katagang iyon. “Heto, oh! Dumaan ako sa book store at nakita ko 'tong sikat na romance book. Sayo na 'yan, para naman hindi ka na ma-curious kung anong ginagawa ng mga... alam mo na...” Ibinigay nito sa akin iyong libro na agad ko namang tinanggap. Nang mahawakan ko iyon ay agad kong binasa ang pamagat at tiningnan ang book cover nito. Laking pagtataka ko dahil kung hindi ako nagkakamali, ito rin 'yong ipinakita sa akin ni Yadiel kanina sa library. [Flashback] Laking gulat ko na lamang nang mabasa ko ang pamagat ng libro pati na rin ang book cover nito. Awtomatiko akong nag-angat ng tingin sa kanya. “This kind of book is prohibited in our school library, Mr. President. It is an erotic-romance book and I hope you know that!” [End of flashback] Hindi nga ako nagkamali, ito nga iyong librong ipinakita niya sa akin kanina. Talaga bang sikat ang libro na ito? Ibinaba ako ni Rio sa tapat ng apartment ko. Siya na ang nag-insist na ihatid ako. Pumayag na ako dahil sobrang napagod ako ngayong araw. “Salamat, Rio, ha? Nag-abala ka pa!” sambit ko nang maisara ko iyong pinto ng kotse niya. “Ano ka ba?! Hindi ka na iba sa akin, Sam!” “Good night!” paalam ko sa kanya na ikinatango nito. “Good night, Sam!” Sandali niya akong kinawayan. Bumalik na ito sa loob ng kotse niya at mabilis na pinaandar iyon paalis. Hawak-hawak ko pa rin iyong libro. Pagpasok ko sa apartment ay inihagis ko iyon sa ibabaw ng mesa. Wala akong oras para pagtuunan ng pansin ang isang iyon. Inalis ko iyong bag ko at ibinagsak na lamang iyong katawan ko sa kama. Araw-araw na lang akong napapagod. Tama nga ang sabi nila, masyado na akong nalulunod sa trabaho. Paano naman ang sarili ko? Napabalikwas ako ng biglang tumunog iyong telepono ko. Hinanap ko iyon sa loob ng bag ko at tiningnan kung sino iyong tumatawag. “Si mama?” bulong ko sa hangin. Napabuntong-hininga ako at binitiwan ko na lang iyong telepono at hinayaan na lamang iyon. Nagpahinga na lamang ako dahil pakiramdam ko ay mas bibigat pa ang bawat trabahong papasanin ko bukas. Sa ilang minutong pagmumuni ko ay hindi ko na pala namamalayang nakatulog na ako. I wanna call it a day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD