CHAPTER SIX

1998 Words
SAMANTHA RIVERA'S POV KASALUKUYAN akong naglalakad ngayon. Naghahanap ako ng sasakyang masasakyan upang makapasok na pero sa tingin ko ay wala ni isang may gustong magpasakay sa akin. “Sam! Sakay na!” Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Agad namang gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Rio sa hindi kalayuan, kumakaway ito sa bintana ng kotse niya. “Nag-abala ka pa. Binigyan mo na nga ako ng pagkain at inihatid kagabi, pati ba naman ngayon nagpapakabait ka?” natatawang sambit ko nang makasakay sa passenger seat ng sasakyan ni Rio. “Ano ka ba? Wala lang 'yong mga ginagawa kong kabutihan sa iyo. At saka, nagkataon lang na nakita kita kaya tinawag na kita. Alam ko namang male-late ka na naman, eh!” Isinandal ko ang ulo ko sa kinauupuan ko at nagpakawala ng mahabang buntong-hininga. “Ano pa nga ba? Wala nang bago,” mahinang sagot ko. Napalingon ako sa labas, sa gilid ng bintana ko. Nadaanan namin ni Rio iyong isang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nakahinto lang iyon. Ngunit nang bahagya kong sulyapan ang hitsura niyong lalaki ay tila napakunot ang noo ko. “Si Yadiel ba iyon?” wala sa sarili kong bulong. “Ha? Si Yadiel? Binanggit mo ba ang pangalan ni Yadiel?” Mabilis akong napalingon kay Rio na nakakunot ang noong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. “Ahh, hi-hindi, ah! Wa-Wala akong sinasabi,” palusot ko at bahagyang natawa pa. “Ikaw, ah! May hindi ka sinasabi sa akin. You have a secret crush on him, 'no?” panunukso niya na ikinatawa ko. “Alam mo ikaw, kung ano-ano na lang 'yang iniisip mo tungkol sa akin.” “Why not? Yadiel is a fine man. Guwapo, maganda ang pangangatawan, mayaman, matalino at higit sa lahat very seductive. Kung iisipin, baka nga good kisser din siya o 'di kaya...” bahagya siyang huminto at mabilis na lumingon sa akin. “He is good in bed too...” nakangising dugtong niya at ibinalik na ang atensyon sa daan. “Haist! Sira ka na talaga!” natatawang sambit ko. Ngunit napa-isip ako. Noong una ko pa lang nakita si Yadiel, may kakaiba na itong karisma. At literal na siya ang pinapangarap ng lahat ng babae sa campus. I agree with Rio. Huminto ang sasakyan ni Rio sa parking lot at sa wakas ay nakababa na rin kami. “Oh, ano pang hinihintay mo? Tara na!” anyaya ko sa kanya. “May daraanan lang ako sa faculty, mauna ka na...” tugon niya at saka inihagis iyong kapiraso ng bubble gum sa akin kaya agad kong sinalo iyon. Kinindatan niya lang ako at saka nauna nang nagmartsa palayo. “May saltik din itong babaing 'to, eh, 'no?!” Habang naglalakad sa hallway ay napansin ko ang mga nag-u-umpukang estudyante sa tapat ng bulletin board. Hindi ko sila pinansin at itinuon na lamang ang atensyon sa harap ng locker ko. Binuksan ko iyon at kinuha ang mga librong kakailanganin ko sa lecture mamaya. “So, here comes the pabidang student ng class A.” Napahinto ako sa ginagawa ko nang makarinig ako ng isang boses sa likuran ko. Nilingon ko ito. Siya si Trixie, ang laging nambubully sa akin at kasama nito ang mga kaibigan niyang si Clea at Dianne. “Ang kapal din ng mukha mong lagpasan ang ranggo ni Dianne! Siya dapat ang nangunguna sa overall ranking ng school at hindi ikaw! Nandaya ka na naman, 'no? Dinaya mo 'yong exam!” bulalas nito sa harap ko. Nagkrus ito ng braso at pinagtaasan ako ng kilay. “Teka nga, Trixie, ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo? Wala akong ginawang pandaraya. Nag-aaral ako nang mabuti at pinagsisikapan kong mapabilang sa top,” pagpapaliwanag ko sa harap nila na ikinangisi nito. Binigyan niya ako ng isang mapanghusgang tingin. “Tss! What a liar!” bulong niya at inirapan ako ng tingin. “Trix, tama na!” rinig kong suway ni Dianne. Hinarap ako nito kaya napatingin ako sa kanya. “Sam, pasensya ka na. At... congratulations pala. Sa batch natin, ikaw pa rin ang nangunguna sa top. Pagbutihin mo hanggang sa makuha mo ang pangarap mo.” Nginitian niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Napapansin kong si Dianne lang ang mabait sa akin hindi katulad niyong dalawa. “Huwag ka ngang nagbabait-baitan diyan sa babaing 'yan!” singit ni Clea at idinuro pa ako. “Hoy! Ito ang tatandaan mong babae ka, once na malaman kong nandaya ka sa exam, lagot ka sa akin!” pambabanta ni Trixie. “Trix, tama na,” ani Dianne sa kanya ngunit tila hindi iyon pinakikinggan ni Trixie. Akmang maglalakad na sila palayo nang bigla akong nagsalita. “Hindi ako natatakot sa iyo!” seryosong sambit ko. Napansin kong napahinto ito sa paglalakad at dahan-dahan akong hinarap. “Anong sinabi mo?” “Hindi ako natatakot sa iyo, Trixie!” pag-uulit ko. “Akala mo ba kaya mo 'kong patumbahin? Hindi.” Nanggagalaiti itong lumapit sa akin at hinila ang buhok ko dahilan nang pag-angat ng mukha ko sa harap niya. “Saan ka nakakuha ng lakas ng loob na sabihin sa akin 'yan, ha?! Wala akong paki sa isang katulad mo. Panget, impokrita, mahirap, mabaho! Hindi ka nababagay sa eskuwelahang ito!” Hindi ko inaasahang itutulak niya ako sa pinto ng locker ko dahilan nang pag-untog ng noo ko roon. Nagpadausdos ako pababa dahil sa nangyari. Hanggang sa makita ko ang isang patak ng dugo na pumatak sa sahig. Napahawak ako sa noo ko. Nag-angat ako ng tingin kay Trixie. “Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin babae ka!” “Trixie, tara na!” anyaya niyong Clea at saka na sila mabilis na lumisan sa harap ko. Mariin akong napapikit dahil sa sakit niyong noo ko. Dumurugo iyon. Hindi ko akalaing gagawin niya sa akin iyon. “Haist!” sambit ko na lang at napa-irap sa kawalan. Napa-angat ako ng tingin sa mga estudyante sa paligid ko. Nakatingin silang lahat sa akin at pinag-uusapan ako. Wala na akong ibang aasahan, sanay na akong pinag-uusapan at pinapahiya sa buong campus. “Miss, are you okay?” Napahinto ako nang may lumapit sa aking hindi ko naman kilala. Nang mag-angat ako ng tingin ay tila nasilaw pa yata ako. “Your forehead is bleeding...” aniya. Naglabas ito ng panyo at itinapal iyon sa noo ko. “What happened? Stand up, kaya mo bang tumayo? I will bring you to the clinic.” Sandali akong napalingon sa mga estudyante. Pinag-uusapan na naman nila ako. Sino ba 'tong lalaking 'to? At tinulungan pa talaga ako, ha? “Hi-Hindi. Kaya ko na ang sarili ko. Wala 'to. Hindi naman masakit,” pag-iiba ko. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. “No more buts, sumama ka sa akin...” sambit nito at saka ako pinagkunutan ng noo. Pagkatapos niyon ay hinila na lang ako nito papunta sa kung saan. “Uy! Uy, teka lang! Bitiwan mo nga ako!” Pilit kong binabawi ang braso ko ngunit sobrang higpit ng hawak niya roon. “No. Alam kong tatakas ka, so, bakit kita pakikinggan?” Hindi ako makatakas dahil hawak ko pa rin iyong panyong nakatapal sa dinurugo kong noo. Napangisi ako at napa-irap sa kawalan. Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya papasok ng clinic. “Mr. Madden, why are you here? Is there something happened?” bungad na tanong niyong doktor ng clinic. Agad kong binawi iyong braso ko sa pagkakahawak niya, buti na lang ay binitiwan niya na rin iyon. “Nothing, doktora. Nakita ko kasi 'tong babaing 'to sa hallway. Nakasalampak sa sahig at dinurugo ang noo. I didn't saw what really happened to her, but I guess she was being bullied.” Hinila ako niyong doktor at pinaupo ako sa clinic bed. Siya mismo ang nag-alis niyong panyo at sinuri ang sugat ko. “It's a good thing that you rushed her to my clinic, Pierre,” sabi niyong doktora. Sandali akong napakunot-noo. Tila pamilyar sa akin ang pangalang Pierre. Saan ko nga ulit narinig ang pangalang iyon? Nagkatingan kami ni Pierre. Seryoso lamang ito habang pinapanood iyong doktor na gamutin iyong sugat ko. Napa-iwas naman agad ako ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Kinabahan ako roon, ah. “Ano ba talaga ang totoong nangyari sa iyo kanina, hija?” nag-aalalang tanong niyong doktor. “Ahh, wa-wala po. I just bumped my forehead on the locker door,” pagpapalusot ko. Ayoko naman nang lumaki pa ang isyu sa pagitan namin ni Trixie. Hayaan ko na lang iyon. “I know you are lying Miss... what's your name again?” singit niyong Pierre sa usapan namin ni doktora. “Samantha... but you can call me Sam...” walang emosyong tugon ko. “Sam, okay. You are lying and I know it.” Pinagtaasan ko ito ng kilay. “How did you know then? I thought you didn't saw what really happened to me,” sarkastikong sambit ko at napabuntong-hininga. “I-I can feel it... baka nga pinagtatakpan mo lang 'yong mga umapi sa iyo.” Napangisi ako at tiningnan siya ng nakakaloko. “How do I cover up those people who hurt me? If I did that, para ko na ring pinatunayan sa sarili ko na duwag ako!” At heto na nga... napatunayan ko na. “Pierre, Sam, stop it! Nangyari na ang nangyari, huwag na kayong mag-away riyan.” Nginitian ako niyong doktor. “Sam, okay na, tapos na. Sa susunod mag-iingat ka na, ha? Kung may mga nang-aapi sa iyo, bukas ang Student Council ng university natin para sa iyo...” “As if namang tutulungan ni President ang isang katulad niyang sinungaling...” pagpaparinig ni Pierre. Inirapan ko na lang ito. Kahit kailan nakikisabat siya sa usapan nang may usapan. Nakakainis siya. Sandaling sumulyap si doktora kay Pierre at pinagsabihan ito. “Pierre, I am not talking to you...” Buti nga sa kanya! Ibinalik na ni doktora ang atensyon sa akin at nginitian muli kasabay niyon ang paghaplos niya sa buhok ko. “Kukuha lang ako ng extra medical kit para may magamit ka sa paglinis ng sugat mo. Maiwan muna kita. Sandali lang ako.” Tumangu-tango naman ako at bahagyang napangiti. “Sa-Salamat po.” Wala sa sarili kaming nagkatinginan ulit ni Pierre kapagkuwan ay sinungitan lamang ako nito at dinampot ang cellphone niya upang sagutin iyong tawag. “Yes, bro. I am here at the clinic. Nuh, I-I am okay...” sambit nito sa kabilang linya. Napa-irap na lang ako sa kawalan. Ilang minuto pa ang nakalipas ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal niyon si Franzel. “Sam! Sam, okay ka na ba? Narinig ko ang nangyari sa iyo. Kapag talaga nakita ko 'yang grupo nina Trixie, malilintikan talaga sa akin 'yong mga 'yon! Sinaktan ka ba nila?” sunod-sunod na sambit niya. “Shhh! Can you lower your voice, miss? Can't you see me talking to someone on phone?” masungit na sambit ni Pierre at saka ito lumabas ng clinic. “Sino ba 'yong lokong 'yon? Ang yabang, ah!” “Sa pagkakarinig ko, siya si Pierre... Pierre Madden...” Napatingin ako kay Franz nang tapikin niya ang balikat ko. “Si Pierre? 'Yon bang kaibigan ni Yadiel? Oh my gosh, girl! Huwag mong sabihing si Pierre ang nagdala sa iyo rito?!” “O-Oo, siya nga. Eh, ano naman? Ano bang mayroon sa kanila?” Naudlot ang pag-uusap namin nang makabalik na si doktora. “Heto ang kit, mag-iingat ka sa susunod, ha?” Bahagya akong yumuko. “Salamat po, doktora. Mauuna na ho kami may klase pa po kasi...” dagdag ko. “Oh siya, sige na...” “Salamat ho, doc!” sabi naman ni Franz hanggang sa hilain ko na ito palabas ng clinic. Marami pa siyang sasabihin sa akin tungkol sa Pierre at Yadiel na iyon. Pero teka nga, bakit ko nga ba iniintindi ang bagay na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD