CHAPTER EIGHT

1459 Words
“HILO KA NA BA?! Bakit mo ginawa 'yon?!” gulat na tanong ni Franz nang ikuwento ko iyong nangyari kanina sa amin ni Yadiel at kung paano ko ito sinuntok sa mukha. Inaayos ko na ang mga libro ko dahil katatapos lang ng klase. At ito namang si Franz ay kanina pa ako kinukulit para ikuwento sa kanya iyong mga pangyayari. “Deserve niya 'yon dahil wala siyang kuwentang tao, Franz!” inis na sambit ko. Bahagya ko itong inirapan at tumayo na. “May kuwenta siya. Ang guwapo niya kaya...” “Ahh, talaga?! 'Yon lang ba ambag niya? Tsk! Guwapo nga wala namang utak!” Napansin kong pinaningkitan ako ng tingin nito. “Aysus! Inamin mo ngang guwapo si Yadiel.” Napa-iwas ako ng tingin. Itong bunganga ko rin minsan ay walang preno sa pananalita. Pero hindi ko naman talaga ikaiila na guwapo siya. “Kung may gusto ka sa kanya, bakit hindi ka mag-apply bilang secretary niya? Chance mo na 'yon, Sam!” Itinulak pa ko nito na parang tanga. Tinatahak namin ang daan ngayon papunta sa locker upang ibalik ang mga bitbit naming libro. “Ayoko! At saka, ayokong makatrabaho ang utak mamon na lalaking 'yon!” masungit na sambit ko at isinara iyong pinto ng locker ko. “Ano bang ginawa sa iyo ni Yadiel at bakit galit na galit ka sa kanya, ha?!” Napatingin ako sa kanya na kasalukuyang nakataas ang kilay na tila inaabangan kung ano ang isasagot ko. “Wa-Wala! Trip ko lang, bakit ba? Eh, sa... nakakabwisit siya!” Natawa na lang si Franz. “Hahaha! Sabi nga nila, the more you hate, the more you love... malay mo, may gusto pala talaga sa iyo ang lalaking iyon.” Napakamot ulo ako. “Alam mo, tara na nga lang! Nagugutom na ako, eh. Kung ano-ano pa pinagsasasabi mo riyan!” pag-iiba ko at saka nauna na sa paglalakad. Pagkarating namin sa loob ng cafeteria ay agad kaming um-order ni Franz ng makakain at idinala iyon sa mesa. Sinimulan ko nang nilantakan iyong kinakain kong spaghetti. Naalala kong hindi pala ako nag-agahan ngayon kaya ganoon na lamang ang pagkagutom ko. “Ang ganda pala talaga ng librong 'to, 'no?!” Napa-angat ako ng tingin kay Franz. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hawak niyang libro. Mabilis akong lumapit sa kanya at sinubukang agawin ang librong iyon ngunit agad niyang inilayo iyon. “Alam mo ikaw, hindi ka na nagbago! Ang hilig mo paring mang-agaw ng gamit!” pagrereklamo niya. “Franz, itago mo nga 'yan! Nakakahiya!” pabulong na sambit ko sa kanya. Sandali pa akong nagpalinga-linga at baka my makakita sa amin. Iyon ang librong best-selling ngayon. Iyon din ang librong ipinakita sa akin ni Yadiel at ibinigay sa akin ni Rio. “Anong nakakahiya rito? Best-selling ang librong 'to!” pangangatuwiran niya. “Wala akong pakialam, erotic at spg pa rin 'yang librong 'yan! At dapat diyan hindi pina-publish dahil diyan natututo ang mga bata ng kung ano-anong kalaswaan!” paglalaban ko. “Hello, ang librong 'to ay eksklusibo lamang para sa mga legal age at hindi ito ipinagbibili sa mga menor de edad. Kaya kalma ka lang. At saka, bakit ba big deal sa iyo ang mga 'to?! Una si Yadiel, tapos ngayon 'yong mga romance books?” Napabuntong-hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko ba alam kung bakit mabilis akong mainis sa mga bagay-bagay. Ang lungkot siguro talaga ng buhay ko kaya ganito na lamang ang nararamdaman ko. “Heto na... itatago ko na...” rinig kong sambit ni Franz na bahagya kong ikinangiti. “Umamin ka nga, nabasa mo na 'yon, 'no? I-spoil mo 'ko, dali!” “Hindi ko alam kung tungkol saan iyong libro. At saka wala akong balak basahin 'yon,” pagsisinungaling ko. Ang totoo ay alam ko ang tungkol doon. Ikinuwento sa akin lahat ni Rio. [Flashback] “Heto, oh! Dumaan ako sa bookstore at nakita ko 'tong sikat na romance book. Sayo na 'yan, para naman hindi ka na ma-curious kung anong ginagawa ng mga... alam mo na...” Ibinigay nito sa akin iyong libro na agad ko namang tinanggap. Nang mahawakan ko iyon ay agad kong binasa ang pamagat at tiningnan ang book cover nito. Laking pagtataka ko dahil kung hindi ako nagkakamali, ito rin 'yong ipinakita sa akin ni Yadiel kanina sa library. [End of flashback] “Kung ganoon, ako na lang ang magbabasa at ikukuwento ko na lang sa iyo 'pag natapos ko na...” nakangiting aniya sabay inom ng juice. Kailan pa ako naging concern sa pagkakaroon ng relasyon? Kapag nakikita ko si Yadiel, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ang gulo. Ni hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko para mapanatag ako. “Si-Si Yadiel ba 'yon? Si Yadiel nga! Sam, paparating na si Yadiel!” masayang tinig niya. Inuga-uga pa nga ang braso ko, eh. Napatingin ako sa gawi ng entrance ng cafeteria. Si Yadiel nga iyon na nakapamulsamg naglalakad papasok kasama iyong kaibigang si Pierre. “Tara na,” wala sa sariling anyaya ko sa kanya. “Ha? Te-Teka lang, kararating lang natin, ah?” nagtatakang tanong niya. Mayamaya pa ay bigla na lang itong ngumiti nang nakakaloko. “Alam ko na, nagtatago ka 'no kasi sinuntok mo siya? Naku, naku! Kung ako sa iyo, humingi ka ng pasensya!” Agad akong tumayo at hinablot ang mga gamit ko. “Tara na kasi!” pamimilit ko sa kanya. “Humingi ka muna ng pasensya...” nakanguso pang aniya. “Ayoko,” seryosong sambit ko at nauna nang naglakad palayo. “Teka, Sam, sandali!” sigaw pa niya na ikinainis ko. Yumuko ako at mabilis na naglakad palabas ng cafeteria. Ngunit mayamaya pa ay bigla na lang akong may nabunggo na kung sino. Napahinto ako nang matapon ang bitbit nitong tray na naglalaman ng dalawang kape. Ow, sh*t! Ano na naman ba ang ginawa ko? Sa mga oras na 'to ay nakuha ko lahat ang atensyon ng mga estudyante. Tanggap ko nang mapapahiya na naman ako nito. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin upang makita ko kung sino iyong nabangga ko. Laking gulat ko na lang nang makita ko ang nanlilisik na mata ni Yadiel. "First, you punched me! And now you bumped into me! Look what you did to my polo! Are you doing this on purpose, Miss Rivera?" pasinghal na aniya sa harap ko. Tumaas ang balahibo ko. Hindi ko naman akalaing kaya pala niya akong singhalan sa harap ng maraming tao. Well, sino ba naman ako para pagsalitaan niya ng mala-anghel na boses, 'di ba? “So-Sorry...” mahinang sambit ko. "Will my polo be cleaned if I forgive you? It won't, right?!" Naririnig ko na naman ang samut-saring chismisan sa paligid ko. Wala nang bago. Lahat ng kapalpakan ko sa unibersidad na 'to ay nasusubaybayan nila, paano naman iyong mga nagawa kong tama? “Kaya nga ako nagso-sorry dahil kasalanan ko na nabunggo kita at natapon 'yang tray mo. Inaamin ko naman, eh,” mahinahong sambit ko. Sinusubukan kong kumalma kahit pa gustong-gusto ko na siyang sigawan. “Kaya puwede ba, lower your voice at pag-usapan natin 'to nang maayos...” dagdag kong muli ngunit tila hindi ito kumbinsido. Napakamot ulo na lang tuloy ako at nag-isip ng paraan. “Ga-Ganito na lang, Yadiel—” “President Yadiel...” pagtatama niya na ikinahinto ko. “Pe-President Yadiel, ahh... I insist na palitan na lang 'yong dalawang natapon na kape...” “How about my polo?” “Pa-Pagkatapos ng klase, daanan ko na lang po iyong polo niyo sa office at ako na lang ang maglalaba, malinaw ho ba sa inyo?” nakangiting pagpapaliwanag ko. Sa totoo lang pilit lang iyong pagngiti ko. “Baka napipilitan ka lang? Paano naman 'yong pagkakasuntok mo sa mukha ni Yadiel, ha? Sige, anong gagawin mo?” singit niyong si Pierre sabay turo doon sa pisngi ng kaibigan niyang namumula pa hanggang ngayon. “Eh, kung... suntukin din kaya kita sa mukha?” sabat ni Franz at pinaningkitan ng tingin si Pierre. Hinawakan ko ang kaibigan ko na tila nagpapahiwatig na huwag na niyang patulan iyong mga sinabi ni Pierre. “Okay. Pasensya na sa pagkakasuntok ko sa mukha mo. Ang yabang mo kasi, e!” sarkastikong sambit ko kay Yadiel na ikinangisi niya. “Sabi sa iyo, eh, napipilitan lang 'yang babaing 'yan!” “Binabawi ko na ang mga sinabi ko kanina! At saka sa tutuusin kulang pa ang isang suntok na ginawa ko sa ‘yo!” seryosong dagdag ko sa mga sinabi ko kanina. Hinawakan ko sa braso si Franz at hinila na ito paalis. “Tara na, Franz! Baka mahawa pa tayo sa kawalang hiyaan ng dalawang 'to!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD