CHAPTER NINE

1320 Words
NASA LADIES room ako at kasalukuyang inaayos ang sarili ko. Nakakunot pa rin ang noo ko. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'to. Sobrang daming nangyari sa akin. Bakit hindi ako tinatantanan ng kamalasan? Ako na lang lagi ang napapahiya. Wala na talaga akong ginawang tama. "Ang dami talagang nabubulok na mga basurang pakalat-kalat sa paligid." Nakaharap ako sa salamin. Nakita ko ang pagpasok nina Trixie at Clea. Hindi ko naiwasang hindi mapatingin sa kanila. "Anong tinitingin-tingin mo, ha?! Echusera!" sambit sa akin ni Clea at pinagtaasan pa ako ng kilay. Napa-iwas na lang ako ng tingin at binalingan na lamang ang ginagawa ko. "You know what, Samantha, mas better kung bawiin mo na lang 'yong rank mo at saka kung hindi mo mamasamain, umalis ka na rin sa unibersidad na 'to. Hindi ka nababagay rito, mas nababagay ka sa gabundok na basura sa kalye! Marumi at umaalingasaw ang baho!" Pang-insulto ni Trixie. "Nabalitaan din naming sinuntok mo pa si President Yadiel. Nakakahiya ka! Sobrang taas ng respeto ng mga estudyante sa kanya pero ikaw... kadiri ka!" sambit naman niyong si Clea. Pabagsak kong ibinaba iyong hawak ko na nagdulot ng ingay sa loob ng silid. Naniningkit ang mga mata kong bumaling sa kanila. "Huwag kayong magmalinis! Kayo ang dakilang bully sa unibersidad na 'to dahil gusto niyong makuha ang atensyon ng mga lalaking may mataas na estado sa buhay. Dahil ang totoo, kapantay ko lang kayo. Pare-pareho lang tayong nasa paanan, Trixie at Clea." Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. "How dare you! Magkaibang-magkaiba tayo ng pamumuhay, Samantha! Kaya kung gusto mo pang manatili sa unibersidad na 'to, alamin mo muna kung hanggang saan ang limitasyon mo!" pagdidiin ni Trixie at saka magkasama silang lumabas. Napabuntong-hininga ako. Dahan-dahan akong humarap sa salamin at tiningnan ang repleksyon ko. Wala sa sarili na lang akong lumuha. Bakit kailangan kong pagdaanan 'to? Bakit masyado naman yata akong pinapahirapan ng mundo? Narinig ko ang pagbukas ng isa sa mga cubicle dito sa ladies’ room at inilabas niyon si Rio. Laking pagtataka ko na lang nang makita ko siya roon. Itinapon niya iyong hinihithit na sigarilyo sa trash can at lumapit sa akin. Mabilis akong nagpunas ng mga luha. "Ri-Rio? A-Anong ginagawa mo rito? Ka-Kanina ka pa ba?" sunod-sunod kong mga tanong sa kanya. Napatango na lamang ito. "O-Oo. Narinig ko rin iyong pagtatalo niyo ni Trixie. Hindi talaga ako lumabas para tulungan ka. I want you to suffer. Bakit? Kasi alam kong hindi ka papatinag, dahil alam kong lalaban ka at hindi susuko. Sa tutuusin, kayang kaya mo sila." Sandali akong napayuko at natawa na lamang. Nginitian naman ako ni Rio. "Rio, gusto ko muna sanang mapag-isa ngayon," walang emosyong sambit ko sa harap niya. "Naiintindihan ko. Umakyat ka sa rooftop, maganda ang tanawin doon," salaysay niya na bahagyang ikinangiti ko. "Rio, salamat," Tinanguan niya lamang ako at lumabas na rin ng ladies room. SAKTONG pagka-akyat ko sa rooftop ay napangiti ako. Ni minsan hindi ako binigo ni Rio. Ang ganda nga rito sa itaas. Sobrang lamig at malakas ang hampas ng hangin. Sandali akong pumikit. Dinarama ko ito. Kahit papaano ay nakararamdam ako ng pagkarelax. Agad akong nagmulat ng mga mata nang may marinig akong kalabog. Tila may isang bagay na nalaglag at iyon ang dahilan kung bakit umingay. "Si-Sino 'yan?!" wala sa sariling sambit ko sa kawalan. Hindi ko na sana papansinin nang maulit muli ang pangyayari kaya hindi ko na naiwasang hindi mapasigaw. "Aahhhh!" Napahawak ako sa sidbib ko. Hiningal tuloy ako. Malakas ang kabog ng puso ko. "Sino 'yan?! Kung may multo man akong kasama rito, parang-awa mo na... a-ayoko pang mamatay nang dahil sa heart attack, ha?!" Ilang segundo pa ang nakalipas nang biglang may marinig akong humalakhak. "Hahahaha!" Natumba pa ang isang kahon kaya nakita ko na kung sino iyong gumagawa ng ingay. Nagtatago pala siya sa mga kahon na iyon at tinatakot ako. "Ang guwapo ko naman masyado para maging multo! Hahahaha!" aniya at saka tumayo. Inayos niya ang sarili niya at humarap sa akin. "Sorry, miss, napagtripan pa tuloy kita. Ako pala si Louie," pagpapakilala niya at inilahad nito ang kamay sa harap ko. Tinanggap ko naman iyon at bahagyang ngumiti. "Sam..." pagpapakilala ko rin. "Madalas ka ba rito?" tanong niya. "Medyo," maikling tugon ko at nag-iwas ng tingin. Tinatanaw ko lang ang kabuuan ng lugar. Maganda ring pagmasdan ang kalangitan. "Ako kasi... lagi akong narito kapag gusto kong mag-relax. Mas maganda kasi kapag nag-iisa ka. Alam mo 'yon, makakapag-isip ka nang maayos." Nanahimik na lang ako at hindi na ito pinansin. Kung alam ko lang na may tao rito, hindi na sana ako tumuloy. "Heto, oh..." Nilingon ko siya nang ilahad nito iyong isang can ng fortified milk na hawak niya. "Sige na tanggapin mo na. Hindi ko mauubos ang dalawang 'to, kaya sa iyo na lang iyong isa. Pangako, walang lason o anumang gayuma 'yan..." natawa pa siya dahil sa pagbibiro nito. Wala na rin akong nagawa kundi tanggapin ang inaalok niyang gatas. "Salamat," sabi ko na lang at saka ininom iyon. May mga mabubuti pa rin pa lang tao sa unibersidad na 'to. Pero ayoko pa rin magtiwala nang basta-basta. Mahirap na at baka sa huli ay ako na naman ang kawawa. YADIEL HART'S POV “MAY SALTIK DIN 'yong Samantha na 'yon, 'no? Siya na nga ang naka-agrabiyado, siya pa itong sobrang yabang!” rinig kong reklamo ni Pierre habang naka-upo sa sofa rito sa office. “Nanggigigil talaga ako sa babaing 'yan, eh! Lalo na 'yon si... Princess ba 'yon? 'Yong mukhang alimasag!” Bumalik ako sa office upang makapagpalit ng polo. Sobrang daming kape ang natapon sa akin. Inalis ko iyong damit ko at sinulyapan iyong dibdib kong hanggang ngayon ay namumula pa rin dahil sa init niyong kape. “It's Franz, Pierre, not Princess...” pagtatama ko roon sa pangalan ng kaibigan ni Samantha na binanggit ni Pierre kani-kanina lang. “Whatever! I don't like her!” Bahagya akong natawa. “Bakit, may sinabi ba siyang gusto ka niya? You are so assuming!” “And you are so liar!” Mabilis ko itong binalingan ng tingin habang isinusuot iyong polo shirt ko. Buti na lang talaga ay ugaliin kong mang-iwan ng damit dito sa opisina ko. “Anong liar ang pinagsasasabi mo riyan?!” nakakunot-noong tanong ko sa kanya. “Akala ko ba dadalhin mo 'ko sa club? Pormadong-pormado pa naman ako tapos dito mo lang ako dadalhin. Anong gagawin ko rito? Panoorin kang gumawa ng paper works?!” Napakamot batok ako at saka ako sumandal sa mesa ko. “Calm down, Pierre. Mamaya pa naman iyon, eh! Mag-iisip muna ako ng paraan para makabawi sa Samantha na 'yon. This time, sisiguraduhin kong luluhod at magmamakaawa siya sa harapan ko,” nakangising salaysay ko sabay iwas ng tingin. “Kailan ka pa pumatol sa mga babae, ah?!” Inirapan ko ng tingin si Pierre. “Sa tingin mo ba babae iyong Samantha na 'yon?! Tomboy siya!” Tumangu-tango ito na animoy sumasang-ayon sa sinabi ko. “Ahh, I see. Kaya pala ganoon umasta 'yong babaing 'yon. Sige nga, Yadiel, bigyan mo ng leksyon. Bring her to your playground...” aniya at nginitian pa ako ng nakakaloko. Ikinatawa ko iyong huling sinabi niya. “No. I don't love her, and I don't even like her, Pierre. Kilala mo 'ko.” “So... what's the plan?” Inilabas ko iyong cellphone ko at nag-dial ng mga numero. Ilang segundo pa ang nakalipas ay sinagot na niyong tinatawagan ko ang call. “Good morning, President Hart. How can I help you?” bungad na sambit niyong katawagan ko sa kabilang linya. “Good morning, Miss,” bati ko rin sa kanya pabalik. Bago pa magsalita ay nilingon ko muna si Pierre. Nakangiti lamang ito nang nakakaloko. Nginisian ko naman siya bilang ganti. Sa tingin ko ay nakuha niya kung anong magiging plano ko. Humanda ka, Samantha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD