CHAPTER SEVEN

1812 Words
KAPAPASOK LANG NAMIN ni Franz sa mini theater. Madalas dito ginaganap ang lectures. Masyado kaming marami sa batch kaya minabuting isahan na lang para hindi na masayang ang oras ng mga professors. “Sam, dito, tara!” Tinanguan ko si Franz at sumunod sa kanya. Umupo naman ako sa tabi nito. Inalis ang bag at binuklat ang libro. “Good morning everyone, have you settled your accounts for this coming semester?” Napansin kong napabuntong-hininga si Franz. “Haist! Bayaran na naman ng tuition. Nakapag-settle ka na ba ng accounts mo, Sam?” Wala sa sarili akong napa-iling. “Hindi pa nga, eh. Ginagawan ko na nang paraan para mabayaran 'yong balanse ko.” Nagsimula na ang discussion ni professor ngunit tila wala akong naiintindihan sa mga itinuturo niya. Lumulutang ang isip ko dahil sa nangyari kanina. Itinayo ko iyong libro at inihiga ang ulo ko sa mesa. Patago akong naidlip sandali. Nang maalimpungatan ako ay agad akong nag-angat ng tingin. Napakunot-noo na lang ako nang mapagtanto kong tapos na pala ang klase. Ako na lang ngayon ang narito sa theater. “Nasaan si Franz?” pabulong na tanong ko sa sarili ko. Mayamaya pa ay nakita ko iyong note sa tabi ng libro ko. “May tuturuan pa ako sa kabilang department. See you later. Sleep well.” Iyon ang nakasulat doon. Napabuntong-hininga na lang ako nang mabasa ko iyon. Inayos ko na ang mga gamit ko at naglakad pababa. “Ahh! Dahan-dahan naman... ahh—” Bumagal ang paglalakad ko nang may marinig akong pagdaing. Dito sa theater ay may nag-iisang kuwarto kung saan naroon iniimbak ang mga libro. Sa pagkakaalam ko hindi na nagagamit ang kuwarto na iyon. “Ahh! Ahh!” Napahinto ako. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. “Hindi, Sam, kung ano man 'yong naririnig mo, hayaan mo na 'yon. Lumabas ka na ng theater,” sambit ko sa sarili ko. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Parang hindi ko yata kaya ang naririnig ko. Ewan ko ba kung bakit lumapit ako sa tapat ng pinto at hinawakan iyong busol. “Ahh! Ahh! Bilisan mo!” Huminga ako nang malalim at buong lakas kong binuksan iyong pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. May dalawang estudyanteng nagpapakasaya sa loob at kasalukuyang walang suot na pang-ibaba. “Anong ginagawa niyo?!” pasinghal na tanong ko sa kanilang dalawa. Napayuko na lang ang mga ito dahil sa paghuli ko. Napansin ko ang kukay ng ID lace nila. Ang bawat lace sa unibersidad na ito ay may kanya-kanyang kulay na naaayon sa Grade nila. Ang kulay ng lace nila ay Blue at ang ibig sabihin niyon, sila ay nasa ika-labing sampung baitang. Lumapit ako at hinila iyong lace niyong babae. “Blue? Huwag niyong sabihing junior students pa lang kayo?!” hindi makapaniwalang sumbat ko. “A-Ate, hu-huwag niyo na ho kaming isumbong...” “Parang-awa niyo na ho. Magagalit ho ang mga magulang namin kapag nalaman nila ang nangyari,” sambit naman niyong lalaki. “Magbihis kayo at sumunod kayo sa akin! Mali ang ginagawa niyo! Ang babata niyo pa para gawin ang bagay na iyon. At paano kayo napunta sa college department, ha?!” Hinawakan ako sa braso niyong babae at animoy nagmamakaawa. “A-Ate, please...” “Hindi. Bilisin niyo at sumunod kayo sa akin,” pagdidiin ko at saka lumabas. Nakayuko silang humarap sa akin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang emosyong ipapairal ko sa dalawang ito. Ang babata pa nila para gumawa ng milagro. “Ate, nagmamakaawa po ako...” sambit niyong batang babae. “Eh, sa mga magulang niyo? Hindi ba kayo naawa, ha?! Pinapasok kayo sa isang maganda at pribadong eskuwelahan para matuto ng tama pero ganito ang igaganti niyo sa kanila?” Hindi ko napigilang hindi sila pagsabihan. Kung ako man ang ate nila, hindi ko na talaga alam kung anong magagawa ko sa kanila. “A-Ate, safe naman po, eh. Naka-cond*m naman po ako—” Nanlaki ang mga mata ko. “At talagang sinabi mo pa sa akin 'yan?!” hindi makapaniwlang reaksyon ko. “Wala nang pero-pero... sumunod kayo sa akin!” Nagtungo kami sa student council office upang kausapin ang Presidente roon dahil sa nangyari. No'ng una ay napa-isip pa ako pero itinuloy ko na rin ang pagkatok sa pinto. “Come in...” rinig kong sambit niyong boses lalaki kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob. Napahinto ako nang si Yadiel ang bumungad sa harap ko. “Yes? What can I do for you, Miss Rivera?” “May gusto lang akong i-report,” panimula ko. Binalingan ko ng tingin iyong dalawang bata at pinaupo sila sa harap ni Yadiel. “What happened?” tanong ulit nito. “I caught them having a good time inside the theater!” Napataas ang kilay ni Yadiel dahil sa sinabi kong iyon. Sa tingin ko ay hindi rin nito inaasahan ang nangyari. Pagkatapos niyon ay binalingan niya ng pansin iyong dalawa sa harap niya. “So... how was it?” nakangiting tanong niya sa mga bata. Tumangu-tango iyong lalaki. “I-It was good... yeah!” “Hhmm... I can't help myself to moan... ” Napakunot-noo ako dahil sa nangyayari. “Teka! Teka nga lang! Bakit parang kumbinsido ka pa na may nangyari sa kanila?!” sumbat ko kay Yadiel na kasalukuyang nakangiti ng abot hanggang tainga. “Ang babata pa nila! They shouldn't do that thing! Wala pa sila sa tamang edad para gawin ang bagay na 'yon!” “Calm down, Samantha...” mahinahong pagpapakalma sa akin ni Yadiel ngunit tila kumukulo ang dugo ko sa ginagawa niya. “How can I calm down?! Really? As a President, as a leader of this organization ganyan ang ipapakita mo sa mga bata?!” Sandali itong nag-iwas ng tingin at napabuntong-hininga. "Okay, kids. I don't want this to happen again. I don't want to see you in the college department anymore. If this happens again, I will insist on calling your parents. And I might not be able to stop myself from expelling you from this school," salaysay ni Yadiel na ikinapanatag ng damdam ko. “Yeah, thank you, kuya... hindi na po mauulit,” mahinang tugon niyong lalaki. “If you want to have s*x, huwag sa eskuwelahan. Why? You guys can't afford to go to a hotel?” Napa-awang ang bibig ko dahil sa sinagot ni Yadiel. Sandali kaming nagkatinginan ngunit nginisian niya lamang ako nang nakakaloko. "That's the reason, kids. Because you can't afford to stay in hotels yet, study first so you can find a job. Once you start earning, then continue having a good time... in the hotels. Do you understand me?" seryosong dagdag pa nito. Tumangu-tango na lang ang mga bata. Ngunit hindi pa rin ako mapakali, parang mali pa rin. Kumbaga pinapalabas lang ni Yadiel ang mga 'yon para hindi ko isiping sang-ayon siya sa mga bata. May inilabas na folders si Yadiel at hinanap nito ang mga pangalan ng bata, hindi ako sigurado kung anong ginawa niya roon ngunit Nakita kong may itinatak ito sa bawat white forms ng mga bata. Is that a disciplinary warning or what? Napalingon si Yadiel sa wristwatch nito kapagkuwan ay binalingan niya rin ng tingin ang mga bata. “Puwede na kayong bumalik sa mga respective classroms ninyo.” Tumayo iyong dalawa at sandaling yumuko sa harap ni Yadiel. Nang makalabas na iyong mga bata ay saka naman ako humarap kay Yadiel. Tumayo ito mula sa kinauupuan niya. Sumandal ito sa harap ng mesa at nagkrus ng mga braso. "Do you have any other concerns?" walang reaksyong tanong niya. Napangisi ako. “Wala kang kuwentang presidente ng organisasyong ito, Yadiel! You didn't educate them! Parang wala ngang nangyari, eh! Hinayaan mo lang sila!” “What do you want me to do? I'm not a counselor nor their teacher. Sam, iba na ang panahon ngayon. Parents are responsible to give the right s*x education for their children. At kung ire-report ko pa sa Dean ang nangyari, mapapahiya lang ang eskuwelahan. Paano kapag nagka-isyu? Paano kapag kumalat ito? Samantha, I use my brain to make right decisions, to think, before I give my response and actions about a certain situation.” Hindi na ako nakapagsalita pa pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon. Napa-iwas na lang ako ng tingin. Sabagay, may punto siya. Wala na rin naman akong karapatang ipursige itong ipinaglalaban ko. Ano namang pakialam ko? “Depende na lang kung... ikaw ang magpapaturo sa akin. I can teach you for free... Miss Samanatha...” Mabilis na napa-angat ang tingin ko sa gawi niya. Nakangiti ito at animoy binibigyan ng nakakalokong awra. “Anong akala mo sa akin? Hindi ako kagaya ng ibang babae. Hindi ako basta-basta.” “C'mon!” natawa pa ito ng pagak. Umayos siya ng tayo at dahan-dahang naglakad palapit sa akin. “Ramdam kita, Samantha. I can feel that... you want to give it a try too... ramdam ko ring curious ka kung paano ginagawa ang bagay na 'yon,” bulong niya. Napahinto na lang ako nang wala na akong aatrasan. Kitang-kita ko ang hulma ng mukha niya sa harap ko. Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga. “C'mon, Sam. Just... one night,” tinig niya. Inilapit nito ang mukha sa tainga ko. Hindi ako makagalaw na animoy naestatwa na sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang hawakan ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong isipin niyang easy-to-get akong babae. Hindi ako ganoon. Dahan-dahan niyang inilapit iyong mukha niya sa kaliwang tainga ko. Ramdam ko ang hininga nito. Wala sa sarili akong napapikit na lang. Kinakabahan ako. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Kaunting galaw lang ay mararamdaman ko na ang dibdib nito sa dibdib ko. “Hahahaha!” Napamulat na lang ako nang marinig ko ang malakas na pagtawa nito. Naglakad na ito palayo at tinitigan lang ako nang nakakaloko. “I knew it! Anong akala mo, papatol ako sa iyo?! Not on your life, Sam,” seryosog aniya at umiling-iling. Nginisian ko lamang ito. Lumapit ako sa kanya at mabilis na sinuntok ang kanyang mukha. “Hindi rin naman ako papatol sa katulad mong mayabang at walang modong lalaki!” “Yadiel!” Napalingon ako sa lalaking dumating. Mabilis itong tumakbo palapit kay Yadiel upang tulungan itong makatayo. “Hoy, babae! Bakit mo sinuntok ang kaibigan ko, ha?!” pasinghal na sambit sa akin niyong si Pierre. “So?” sinungitan ko lamang ito at tumalikod na. Lumabas ako ng opisina nito at wala sa sariling naglakad na lang palayo. Nakakunot-noo ako habang tinatahak ang daan papunta sa susunod kong klase. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga ginawa ng lalaking iyon. Wala siyang kwenta. Bakit pa siya itinuring Presidente kung hindi niya aaksyunan iyong nangyari sa theater kanina? Bwisit! May araw din sa akin 'yang lalaking 'yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD