CHAPTER SEVENTEEN

1397 Words
SAMANTHA RIVERA'S POV NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napahawak ako sa noo ko at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Ramdam ko pa rin ang pagkahilo. Umiikot yata ang paningin ko. Sinubukan kong umupo sa pagkakahiga ko. Nang tuluyan ko nang maimulat ang mga mata ko ay tila nanibago ako sa lugar na kinaroroonan ko. Sandali akong natigilan at inikot ang tingin sa kabuuan ng silid. “Na-Nasaan ako?” mahinang tanong ko sa sarili ko. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na 'to at saka masyadong malaki ang kuwartong ito kumpara sa tinutuluyan ko. Ang ibig bang sabihin nito ay wala ako sa apartment ko? Imposible! Kung wala ako sa apartment ko, nasaan ako? Mabilis akong nag-angat ng tingin nang biglang may pumasok sa loob ng kuwarto. Lalaki ito na hindi naman katandaan. Itinutulak niya iyong trolly patungo sa akin. Nang magkatitigan kami ay wala sa sarili na lang akong napasigaw. “WAAAAHHH!” Kasabay nang pagsigaw kong iyon ay bigla akong nagtalukbong ng kumot at napahiga ulit. Si-Sino siya? Ang ibig kong sabihin, nasaan ako? Anong lugar 'to? “Butler Eve, what happened?” sambit niyong isang lalaking kararating lang. Hindi ko alam kung sino iyon, basta narinig ko na lang na may pumasok pang isa sa loob ng kuwarto. “I think... she was just shocked to see me. Gising na si Samantha...” sabi niyong Butler Eve ba 'yon? Tama ba ako? Teka, bakit nila alam ang pangalan ko? “Sam, you can put down your blanket and face us. Don't worry, Butler Eve is not a bad man.” Napakunot-noo ako. Parang pamilyar sa akin iyong boses na iyon. Hindi kaya ako nagkakamali? Posible bang siya talaga iyon? Kailangan kong ibaba iyong kumot ko upang makasigurong siya nga iyon o hindi. Pero paanong nangyari iyon? Anong ginagawa ko rito? Nasaan ako? Dahan-dahan kong ibinaba iyong kumot. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Yadiel na nakatayo hindi kalayuan sa akin at tinitingnan ako. “I-Ikaw?!” hindi makapaniwalang sigaw ko. “A-Anong ginagawa ko rito?!” pasinghal na sambit ko. Mayamaya pa ay nagbaba ako ng tingin sa suot kong damit. Sa pagkakaalala ko, nakapolo ako no'n at naka-oversized shirt pero ngayon ay nakapantulog lang ako. “Anong ginawa mo sa akin?! Bastos ka! Pati inosenteng katulad ko gagalawin mo?! Bastos! Ipakukulong kita!” dire-diretsong sambit ko sa kanya. Habang siya naman ay walang reaksyon at diretso lamang ang mga mata sa akin. “Excuse me for a while, Young master,” mahinahong paalam ni Butler Eve kay Yadiel na siya namang niyukuan nito bago makalabas ng silid. Tinanguan naman ito ni Yadiel bilang balik sa kanya. Bago pa man ako makapagsalita ay kinuha niya na iyong tray ng pagkain sa trolly at dinala iyon sa harap ko. “Here. Have your breakfast so you can take your medicine,” kalmadong aniya at saka maingat na inilapag sa kama iyong tray. “Pagkatapos mo 'kong ipahiya sa harap ng maraming estudyante at sa buong unibersidad magpapakita ka ng kabutihan sa akin ngayon? Oh, c'mon!” sarkastikong tinig ko. Nanatili itong nakatingin sa breakfast ko habang inaayos niya iyon. Tila wala itong sa mood para patulan ang mga walang kuwentang rant ko sa buhay. Pero sa katunayan, may kuwenta 'yon. It makes sense. “At bakit kailangan kong uminom ng gamot? Ano bang ginagawa ko rito? Ano ba 'to, condo, bahay, apartment... or whatsoever na tirahan na pagmamay-ari ng isang mayabang at antipatikong si Yadiel Hart?!” Sinusubukan kong gumawa ng ingay. Awkward ito sa pagitan naming dalawa. “Puwede bang sagutin mo 'ko? Anong ginagawa ko rito? Bakit narito ako? At saka... Bakit ganito ang suot ko? Pinalitan mo ba ako ng damit?! Binosohan mo ba akong manyak ka?!” sigaw ko sa harap niya habang yakap-yakap ko ang dibdib ko. Nagulat lamang ako nang ibagsak ni Yadiel iyong kutsara sa tray na nagdulot ng ingay sa loob ng silid. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Naniningkit ito na tila pinapatay niya ako sa mga titig niya. “Can you please shut your mouth and just eat?!” bulalas nito. “A-Ayoko! Aalis na ako!” sigaw ko rin pabalik sa kanya. Aalisin ko na sana iyong kumot sa lap ko at tatayo na sa pagkakaupo nang bigla niyang hilain ang kamay ko. Napahinto ako sa sobrang higpit ng hawak niya. Kaunti na lang ay mamumula na iyon sa sobrang higpit. “You can't just go! Stay in bed and eat your breakfast! You must take your medicine, did you hear me, Miss Rivera?! This is an order from the Student council President! You can't just ignore me and go away!” seryosong pagdidiin ko sa usapan namin. “Eat it or I will eat you?! Choose!” Natigilan na lang ako dahil sa naging asal ng kumag na 'to. Ano bang problema niya at nagsisisigaw pa siya ng ganyan? Wala na akong nagawa kundi sundin ang 'order' niya kuno. Binitiwan niya na ang kamay ko kaya mabilis kong binawi iyon. Agad kong dinampot iyong kutsara at nanginginig na kumain sa harapan niya. Bakit kailangan niya pa akong bantayan? Ni hindi ako makatingin sa mga mata niya. Mamamatay yata ako sa kahihiyan. “You didn't answer my questions,” kalmadong sambit ko nang hindi ito binabalingan ng tingin. “You collapsed yesterday in front of me. I don't know what to do that's why I brought you here in our family's mansion. Ako ang nasaksi kung anong nangyari sa iyo kaya wag kang mag-alala... aakuin ko ang responsibilidad,” pagpapaliwanag niya. Bago ako sumubo ay sinagot ko muna ito. “Why didn’t you brought me to the hospital instead?” “You didn't get it, do you?” Napangisi ako. “Yeah, you are right. Naintindihan ko. Mayaman ka. Kilala ang pamilya mo sa larangan ng business industry dito sa bansa. Kaya imposible ang isang katulad mo na tulungan ang isang katulad ko. Mas naiintindihan ko na ngayon,” sarkastikong sagot ko sa kanya. “At first, bakit ko gagawin 'yon? I will never do that to you. Sino ka ba?!” “So why am I here?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Dinala mo 'ko rito para ipamukha sa aking mahirap lang ako at walang kaya? Ang yabang mo, Yadiel. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa iyo kaya hayaan mo na akong umalis. Tutal nagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Nakaganti ka na sa panununtok ko sa iyo at sa pagbuhos ng kape sa damit mo. Nawalan ako ng scholarship at pinahiya mo na ako. Ano pa bang gusto mo?” Nakatingin lamang kami sa mata ng isa't isa. Hindi ko maintindihan kung anong awra ang sinusubukan niyang ipahiwatig sa akin. Binitiwan ko iyong hawak kong kutasara at tumayo. Naglakad ako palapit sa kanya at pumwesto sa harap niya. “I think you have done enough, Yadiel. Thank you for your hospitality. I want you to know that you are appreciated.” Hanggang ngayon ay sarkastiko pa rin ang tono ng boses ko. Sinusubukan ko siyang inisin kung anong magiging reaksyon nito ngunit tila hindi naman tumatalab. Ang tigas talaga ng puso niya! “I am leaving now,” paalam ko sa kanya at tumalikod na. Hindi pa ako nakakalayo nang bigla niyang hilain muli ang kamay ko pabalik sa harap niya. Wala sa sarili na lang akong nagulat nang biglang dumampi ang malambot at mapula nitong labi sa labi ko. It gets deepened and deepened even more. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ngunit pakiramdam ko ay tila nagpakawala ng sobra-sobrang adrenaline ang katawan ko. I just can't help myself to feel that way. I was still in shocked nang ilayo na nito ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makagalaw. Tila naestatwa pa ako sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa kanya buong oras pagkatapos niya akong halikan. “Masyado kang madaldal kaya kailangan kong itikom 'yang bibig mo. Mamaya na lang tayo mag-usap kapag nasa tama na ang pag-iisip mo,” aniya at saka tumalikod na. A-Ano raw? Sa tingin niya ba wala ako sa tamang pag-iisip? Sa aming dalawa, siya ang baliw. Kainis. That was my first kiss! Paano niya nagawang kuhanin ang unang halik ko nang gano'n gano'n na lang?! “Hey! I am not done yet, you jerk!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD