CHAPTER EIGHTEEN

1927 Words
THAT WAS my first kiss. How dare him do that me? Isa lamang akong walang alam tungkol sa mga ganoong bagay, isa lamang akong estudyante at normal na babae katulad ng iba pero halikan ng isang Yadiel Hart ay hindi ko yata kayang tanggapin iyon. At isa pa, ninakawan nya ako ng halik! Hindi yata patas 'yon! Kanina pa ako naka-upo sa sahig ng kuwarto habang ginugulo ang mga buhok ko. Hindi pa rin ako mapakali dahil sa ginawa niyang 'yon. Hindi naman ako delusional para isipin kong may gusto siya sa akin, hindi ba? Arghh! Mas lalo ko pang ginulo ang buhok ko dahil do'n. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang may marinig akong truck na paparating. Nagtungo ako sa bintana upang dungawin kung anong kaganapan sa ibaba. Mula sa bintana ay tanaw ko ang harap ng mansion. Mayroong fountain sa gitna, sobrang laki ng gate, ang dami ring mga bulaklak, sobrang linis din ng bakuran nila sa totoo lang. Hindi mo aakalaing pagmamay-ari talaga nila ang mansion na ito. “Package for Mr. Hart,” “Thank you, sir,” ani Butler Eve nang tanggapin niya 'yong maliit na box mula sa delivery man. Tutal wala naman akong gaanong ginagawa sa kuwarto ay naisipan kong lumabas muna sandali. Tahimik kong binuksan iyong pinto at lumabas. Napahinto ako nang makita ko ang isang malaking chandelier at mahabang hagdan. Teka, parang ako yata ang nahihiya sa ginagawa ko. Sobrang linis dito at ang bango pa. Kahit katiting na alikabok ay wala akong makita. Nagpatuloy ako sa paglibot hanggang sa makarating ako sa likuran ng mansion nila. Mas lalo akong nasiyahan nang makakita ako ng sobrang laking swimming pool. Tanaw rin mula rito iyong garden nila na maraming naggagandahang bulaklak. Nagtungo ako sa garden at umamoy-amoy ng mga bulaklak doon. Ang ganda ng pagkaka-arrange ng mga 'yon. Sino kaya ang mahilig ng bulaklak sa pamilya nila? Is her mother or her sister? Alangan namang si Yadiel, 'di ba? Hahaha! Baka tawanan ko pa siya! Napalingon ako sa kanan ko nang makarinig ako ng isang tahol ng aso. “Hey, doggie! Alam kong malaki ka, pero hindi mo 'ko malulunok nang buo!” kinakabahang sambit ko roon sa aso. Medyo malaki siya at may trauma ako sa mga aso. Sa pagkakatanda ko noong bata pa ako ay hinabol at nakagat ako ng aso kaya hangga't maaari ay ayokong makakita ng aso sa daan dahil alam kong tatakbo lang ako. Patuloy ito sa pagtahol at dahan-dahan na rin itong naglakad palapit sa akin. Wala akong nagawa kundi gawin ang opposite action na ginagawa niya. Nanatili akong tikom ang bibig at patuloy sa pag-atras nang mahinahon. “Shoo! Alis! Alis! Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko, ha!” at saka ako ngumiti nang nakakaloko. Malay natin baka maidaan pa ito sa matinong usapan. Hindi ito matigil sa pagtahol. Naalarma na lang ako nang magsimula na itong tumakbo palapit sa akin. Agad na rin akong tumakbo papunta sa kung saan upang takasan 'yong aso ngunit sa pagtakbo namin ay mukha pang naisisyahan 'yong aso. Aarghh! Hindi naman ako nakikipaglaro. Gusto ko na lang himatayin at magpalamon sa lupa. Nakarating na kami sa harap ng mansion. Nakipag-ikutan pa ako sa may fountain. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at halos mangiyak-ngiyak na akong sumisigaw. "Tulong! Ayoko na!" Napahinto 'yong mga hardinero at ibang mga maids malapit doon kaya alam kong napansin at narinig nila ang sigaw ko. “Tulong! Ahhh-ayoko na!” Mabilis ko namang nahagilap ang katauhan ni Yadiel na kalalabas lang ng pinto na mukhang alalang-alala pa ngunit agad ding napalitan ng ngisi ang reaksyon niya nang makita ang kalagayan ko. “Ahhhh!” sigaw ko nang makatakbo ako kay Yadiel. Hindi ko napansin na may hagdan pa pala para makalapit ako sa kanya. So, you know already what happened next, I tripped on the stairs. Hindi naman ako pinabayaan ni Yadiel dahil mabilis din itong gumalaw upang saluhin ako. Hinayaan ko iyong nangyari at nagmadali na rin akong lumapit sa kanya at nagtago sa likuran nito na parang bata. “Bruno, sit!” utos ni Yadiel doon sa aso na agad naman nitong ginawa. He wagged his tail as if he hadn’t chased me. Nakakainis! “Okay na, puwede mo nang tanggalin ang braso mo sa baywang ko,” Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na nakayakap pala ako sa likuran niya. Agad ko namang inalis ang braso ko at umatras. Nilingon niya naman ako sa likod upang makita ako. “Kung iniisip mo na sinadya kong yumakap sa 'yo, nagkakamali ka ro'n! Assuming!” pagsusungit ko sa kanya. Tatalikod na sana ako nang bigla ko ulit ito balingan ng pansin. “At saka pala, itali mo 'yang aso niyo! Paano kung nakagat ako? Eh, 'di kasalanan mo na naman?” at saka ko ito pinameywangan. “Bruno is a trained dog. Probably he just wants to play with you.” “Malas niya! Hindi ako nakikipaglaro sa aso, at lalong hindi sa asong may pangalang Bruno.” Maglalakad na sana ako patalikod nang biglang sumakit 'yong paa kong napatid kanina. Napahawak ako sa binti ko at napadaing. “Aray!” Napalingon ako kay Yadiel na lumapit sa gilid ko at kung paano ito magpakawala ng mahabang buntong himinga. “Man, you are sick in the head!” pagrereklamo niya at saka ito napairap sa kawalan. Itinaas nito 'yong sleeves ng polo niya mula pulsuan hanggang siko ng braso niya. “Te-Teka... anong gagawin mo, ha?!” “Stay still, Samantha!” pag-uutos niya hanggang sa magulat na lang ako na buhat-buhat niya na ako. Hindi pa man ito nakakahakbang ay sandaling nagtama ang mga tingin namin sa isa't isa. Nanatiling gulat pa rin ang reaksyon ko habang siya naman ay nakakunot pa rin ang noo na animoy nagsasawa na sa pagmumukha ko ngunit wala lang itong magawa kundi pakisamahan ako dahil may atraso rin siya sa akin. I'm going crazy. It's quite questionable how he can treat me so softly after mistreating me yesterday. I can't connect the dots on how he's being so kind at this moment. Misteryoso siyang tao at alam kong there's so much to find out about his personality. At this point in my life, I couldn't take my eyes off him. Kitang-kita ko kung paano mag-dilate ang mga mata niya. His eyes are pure black, and his pupils are getting darker. Agad siyang nag-iwas ng tingin at nagsimula nang humakbang papasok sa loob. Hindi ko alam ngunit wala sa sarili akong napangiti. Habang nakapalibot ang mga braso ko sa leeg niya ay sinadya kong ihiga ang ulo ko sa dibdib nito. Tama nga ang sabi nila, he has a broad and wider shoulder. Pati ang dibdib nito ay tila mga bato sa sobrang tigas. Napapa-isip ako kung mayroon na bang nakahawak sa dibdib niya. Mayroon na kaya? Sinubukan kong galaw-galawin 'yong binti kong kasalukuyang naka-bandage na. Nakangiti ako habang ginagalaw 'yon dahil nakukuha ng pansin ko iyong sticker na bulaklak na idinikit niyong isang nars kanina habang ginagamot ako. Oo, tama, mayroon nga silang nars na naka-duty sa bahay nila. “Hhmmm...” hindi ko rin naiwasang lasapin 'yong ice cream na kasalukuyan kong nilalantakan. Grabe, kailan kaya ako huling kumain ng ice cream? Hindi ko na matandaan. Naka-upo ako sa highchair dito sa counter ng kusina nila Yadiel. Habang kumakain ng ice cream ay pinapanood ko itong magluto kasama 'yong chef nila. Ang galing, I really don't expect that they have a lot of people para magtrabaho sa iba't ibang bagay. Mayroon silang chef, doctor, nurse at iba pang mga tao para magtrabaho sa kanila. Yadiel really has a wealthy life. Hindi siya lumaking naghihirap, hindi katulad ko. "Dinner is almost ready. Can you come to the dining table?" walang emosyong tanong ni Yadiel habang nagpe-prepare. “Susubukan ko,” sagot ko at mariing ngumiti. Nakarating at naka-upo naman ako sa dining table ng maayos. Grabe, ang haba. Ilang tao na ang puwedeng kumain dito, e. Inilatag na ng mga maids 'yong mga pagkain sa mesa. Mga ilang putahe rin 'yon kaya naman napa-wow ako. Hindi naman fiesta rito sa kanila pero mukhang magpapakain ng isang daang tao itong si Yadiel. “Sobrang dami naman yata nito, Yadiel! Hhmm... mukhang masasarap,” sambit ko habang nilalanghap ang aroma ng mga pagkaing nasa harap ko. “Wala naman akong sinabing ubusin mo lahat 'yan,” aniya habang inaalis ang apron nito. "I don't know your favorite food or the foods you like kaya nagpahanda ako ng mga posibleng magustuhan mong recipes kay chef so you can choose and eat whatever you want.” Hindi ko maiwasang masiyahan. Sa sobrang excite ko ay agad kong dinampot 'yong kutsara't tinidor. Bago ako kumuha ng pagkain ay nag-angat muna ako ng tingin kay Yadiel na animoy nagpapaalam kung puwede na bang kumain dahil gutom na gutom na talaga ako. Agad niya naman akong tinanguan kaya napangiti ako. “Ikaw, hindi mo ba 'ko sasaluhan?” nagtatakang tanong ko. Umiling ito. “No, I'm good.” “Hindi puwede 'yan.” Bahagya akong tumayo at inilapag sa harap niya 'yong pagkaing kinuha ko. “Hindi puwedeng ako lang ang kakain. Anong gagawin mo riyan? Tatayo at tititigan mo lang ako? E, hindi ka naman estatwa para gawin ang bagay na ‘yon. Sige na, ma-upo ka!” “Salamat, ha!” sarkastikong aniya na ikinatawa ko. “Alam mo, Yadiel, kung una pa lang naging mabuti ka sa akin, hindi sana kumukulo ang dugo ko sa 'yo. Baka nga maging magka-close pa tayo, e!” Umiling ito habang hinihiwa 'yong steak. “No. Never. Not on your life!” “Arte mo naman!” Habang kumakain kami ay dumating si Butler Eve. “Butler Eve, kain po,” anyaya ko sa kanya na ikinangiti nito. “I'm good, Miss Samantha, thank you!” aniya at saka lumapit kay Yadiel. May ibinulong ito kay Yadiel. Hindi ko naman na iyon pinakealaman at nagpatuloy lamang ako sa pagkain. Busog na nga ako, e, pero ang sabi ng tiyan ko, sige pa! Napa-angat ako ng tingin nang tumayo si Yadiel mula sa pagkaka-upo nito. “Finish your food before going to bed. Sasamahan ka naman ni Butler Eve so you don't have to worry about your foot,” aniya at saka na ito naglakad paalis. Nagkatinginan lang kami ni Butler Eve at saka ito nagkibit-balikat lamang. Siguro nga may importanteng bagay siyang dapat gawin kaya ganoon na lamang ang naging asta niya. Hindi bale, naiwan naman akong kumakain dito kasama ang mga masasarap na pagkain kaya ayos lang. “Be careful, we are almost here... okay, here you go!” ani Butler Eve nang makarating kami sa tapat ng kuwarto ko. “Thank you, Butler Eve. You are good to me,” nakangiting sambit ko. “Bukas ho ba, puwede na akong maka-uwi sa apartment ko? Baka nagtataka na rin kasi 'yong mga kapitbahay ko dahil dalawang araw na 'kong wala ro'n.” “You still must stay here one more day. And after that day, puwede ka nang maka-uwi. 'Yon ang ipinag-uutos sa akin, ang masigurong maayos na ang kalagayan mob ago ka maka-uwi.” “Okay, susundin ko rin ang ipinag-uutos mo kung ganoon,” sambit ko na ikinatawa ko. Wala rin sa sariling natawa ito. “Parang ganoon na nga.” Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kuwarto bago ito makaalis. “Good night, Samantha,” Pumasok na rin ako sa loob at nagpaalam na. “Good night, Butler Eve.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD