CHAPTER SIXTEEN

1205 Words
"TELL ME MORE ABOUT SAMANTHA," wala sa sariling sambit ko habang nagsasalin ng alak sa baso. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Ayokong ibenta ang buhay ng kaibigan ko sa inyo. Hindi kayo mapagkakatiwalaan! Lalo ka na, Yadiel. Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo sa kaibigan ko," pagsusungit ni Franz. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumbinsido. Naiintindihan ko naman, e. Alam kong apektado rin siya sa nangyari kanina ngunit sadyang hindi ko rin nagustuhan ang mga kaganapan kanina. May mga naiisip akong plano kung paano ko makukuha ang atensyon si Sam. All I want is for her to be close to me. At mahihirapan akong mangyari 'yon kung patuloy ko siyang paglalaruan lang. "Franz, you don't understand. Ang sabi ni Yadiel, magkuwento ka pa tungkol kay Samantha, hindi naman pagbebenta 'yon, eh!" naiinis na singit ni Pierre sa usapan. "Puwede bang huwag kang sabat nang sabat kapag hindi ka kinakausap?" "Oo na... heto na..." Napa-irap sa kawalan si Pierre at nag-iwas ng tingin. "Kainis!" dagdag na bulong nito. "Franz, I just want to know more about Samantha's life. I admit that I did something wrong that disappointed her, and I will take full responsibility for it," seryosong tanong ko. Ibinaba ko iyong hawak kong baso at humarap kay Franz. "Just cooperate with me. I have plans for her." Sa ngayon, ang pagtatama ng kamalian ang una kong naisip bilang plano. Hindi ko rin nagustuhan iyong nangyari kanina sa unibersidad and I feel bad about what I have done to her. My plan didn't go right so it got worse. "Nag-iisa na lang sa buhay si Samantha dahil mas pinili niyang maging independent woman kaysa sumama sa mama niya. Her mother had a second family when her father left without knowing the reason. Kaya ngayon, siya ang nagpapa-aral sa sarili niya. 24/7 pa sa trabaho para makadelehensya ng pambayad sa tuition ganoon din sa apartment na tinutuluyan niya. Halos hindi na kumakain si Sam. In fact, I feel sorry for her. Matalino siyang babae at madiskarte. I want to help her, but I also have nothing to offer." Sandali akong napayuko. Kumuyom din ang mga braso ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa sarili ko. Ni hindi ko man lang inalam kung ano talaga ang totoong nangyayari sa buhay niya bago ako gumawa ng kilos na ikapapahamak niya. "Yadiel..." Napa-angat ako ng tingin kay Franz. Gumaan ang loob ko nang ngitian ako nito. "Please take care of Sam. Alam kong may mali rin siyang nagawa sa iyo pero... puwede bang isantabi na muna natin 'yon? Mas kailangan ng tulong ni Samantha ngayon. Kahit hanapan mo lang siya ng matinong trabaho, alam kong sasaya siya." Napatingin ako kay Pierre. Nagkibit-balikat na lamang ito na tila ipinapahiwatig na ako na lang daw ang bahala sa lahat. Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko. Pero gagawin ko ang makakaya ko maibalik lang ang mga sinira ko. BUMALIK SA KUWARTO SI FRANZ upang bantayan si Samantha habang kami ni Pierre ay naiwan sa sala. Nakatingin lang ako sa ibaba at tila nag-iisip nang sobrang lalim. Anong puwede kong gawin? "Bro, ibalik mo na lang ang scholarship ni Samantha at bawiin mo 'yong naging isyu sa kanya sa unibersidad. Pagkatapos niyon ay bigyan mo siya ng part-time job. Ibalik mo na lang kung ano 'yong mga nawala sa kanya. After that, huwag mo na siyang pakialaman. She is not your responsibility after all." Napapikit ako at napabuntong-hininga. Isinandal ko ang likod ko sa kinauupuan ko. "It is not that easy, Pierre. The headmaster of the university have been decided to expelled Samantha out of the school." "You have many connections, Yadiel. Sa totoo lang, sobrang dali lang ng gagawin mo. Gawin mo ang mga sinabi ko and boom... hindi mo na kailangang problemahin 'yong babaing 'yon. Not unless... you like her." Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko inaasahang bibitiwan niya ang mga salitang iyon sa harap ko. "Are you out of your mind?" reaksyon ko. "Yadiel, I know you. Hindi ka magsasayang ng oras sa isang tao na hindi ka naman interesado." Napahilamos ako ng mukha dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano talaga ang intensyon ko sa babaing 'yon. "Look, pare, you can't fall for her... you can't love someone like her. You are already married... and you know that Yadiel." Mas lumalalim ngayon ang pag-iisip ko. Bakit ko na pinapahirapan ang sarili ko? Tama si Pierre. Sobrang dali lamang ng solusyon sa problema ko. Ayoko rin namang gumawa ng ikapapahamak ng lahat dahil lamang sa maling kilos ko. "Guys..." Napalingon kami ni Pierre sa dumating. Si Franzel iyon na kalalabas lang ng kuwarto ni Samantha. "I've got to go. May kailangan pa akong tutor-an sa center mamaya. Ibinibigay ko ang tiwala sa inyo na kayo na ang bahala sa kaibigan ko," salaysay niya habang isinusuot iyong cardigan niya. "Ihahatid na kita. Lalabas na rin ako para bumili ng kakailanganin ni Samantha," pagpepresenta ni Pierre at saka niya kinuha iyong reseta sa nakalapag sa mesa. Bago sila tuluyang umalis ay tinapik ni Pierre ang balikat ko na ikinatango ko naman. I can't deny that I admire Samantha. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. When I first saw her at the hotel, I know that she got my attention already. Her eyes magnetized me. Her neck, her skin, everything about her is perfectly fine. Anong mayroon sa nararamdaman ko? I also couldn't explain myself. "Young master, may tawag ho kayo galing kay Miss Sebastian." Tinanguan ko si Butler Eve at tinanggap iyong tawag sa telepono. Yumuko muna ito bago tuluyang umalis sa harapan ko. Nagpakawala ako ng mahabang buntong-hininga at sinagot iyong tawag ni Reign. "Hi! How's everything about you? I baked your favorite cake. If you have plenty of time, puwede kang dumaan dito," masayang tinig Reign sa kabilang linya. "I won't go. And please don't call me. Alam mo namang abala ako sa mga ganitong oras." "I see," tila napalitan ng malamig na tinig ang boses niya. Ramdam ko siya kahit pa sa kabilang linya. "I miss you, Yadiel. Kailan kaya kita makaka-usap? I want you to visit me. Kahit pareho lang tayo ng university na pinapasukan... ni hindi man lang kita malapitan at maka-usap." "Makaka-usap mo lang ako nang matino kapag naaprubahan na ang divorce papers natin," seryosong sambit ko. "Tinuloy mo talaga 'yon?" "I don't love you. Pamilya mo ang may gusto niyon. Pinagkasundo lang tayo para matapos ang kontrata ng kumpanya ninyo sa amin. And now that your family's company is rising again, we are no longer have to pretend and suffer any more in this marriage." "Bu-But Yadiel... I love you—" "If you have nothing to say, I will drop the call now." "Yadiel, sandali—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Reign at ibinaba ko na ang linya. Hindi ko na kilangang magpaliwanag pa sa kanya. Alam niya kung bakit nangyayari sa amin ito. Hindi ko ginusto ang maikasal sa kanya dahil sa walang kuwentang business na 'yan. Now, I am moving forward. I am just waiting for the divorce papers to be approved, after that, I am free.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD