CHAPTER TEN

1992 Words
SAMANTHA RIVERA'S POV “HELLO, hinahanap ko kasi 'yong mga librong literature. Baka matulungan mo 'ko.” Napalingon ako sa babaeng kararating lang. Ibinulong niya lamang iyong sinabi niya upang hindi gaano nakakaistorbo sa mga estudyanteng nagre-review malapit sa amin. Tinanguan ko siya at ngumiti. “Tara, sumunod ka sa akin,” anyaya ko. Nagsimula na kaming maglakad sa bandang dulo ng silid at saka ko itinuro iyong mga nakahilerang shelves sa kanan. “Sa tingin ko nariyan lahat ng hinahanap mo. Kalalagay ko lang din ng mga 'yan, buti natandaan ko pa,” mahinang sambit ko. Naglakad siya papunta roon at inusisa ang mga libro. “Narito nga ang hinahanap ko,” rinig kong aniya. Sandali niya akong sinulyapan at nginitian. Bahagya akong yumuko. Aalis na sana ako nang marinig ko siyang muli. “Ahh, sandali.” Nilingon ko ito kapagkuwan ay napataas ang kilay ko kung bakit niya ako tinawag. “May kailangan ka pa ba?” “Ako nga pala si Reign. Rei na lang ang itawag mo sa akin.” Inilahad nito ang kamay niya sa harap ko. Hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin pa ang kamay niya. “Samantha. Sam na lang para maigsi.” Ngumiti siya. “Oo, alam ko. Madalas kitang nakikita sa library at nag-aayos ng mga libro. Nabalitaan ko rin na ikaw ang may pinakamataas na ranggo ngayong taon. Congratulations!” Pilit na lang akong napangiti. Hindi talaga ako kumportable kapag may nakikilala akong ibang tao. “Salamat. Mauna na ako, marami pa kasi akong gagawin. Kapag may kailangan ka, magtanong ka na lang kay Miss librarian.” Tumango na lamang ito na ikinangiti ko. Tumalikod na ako at humakbang. Saktong paglingon ko ay bumukas iyong pinto ng library at iniluwal nito ang isang makisig na lalaki. Seryoso ang hitsura nito. Hindi ko ba alam kung bakit may mga oras na napapatitig na lang ako sa kanya. Binaliwala ko si Yadiel nang mapansin kong napatingin ito sa akin. Mabilis akong nagtago sa mga shelves at naghanap ng puwesto. Napasinghap na lang ako nang papalapit ito sa shelves kung nasaan ako. Kaya ibinaling ko na lang kunwari ang atensyon ko sa mga libro at inayos ang mga iyon. “Sa susunod, galing-galingan mo namang magpanggap na hindi mo 'ko tinititigan. Baka kasi matunaw ang kagwapuhan ko, eh!” Dahan-dahan akong napalingon sa kaliwa ko nang marinig ko ang boses nito. Nakatuon ang tingin niya sa libro pero alam kong sinabi niya ang mga katagang iyon dahil kaming dalawa lang naman ang narito. Oo na, alam ko namang nagpaparinig siya! Tsk! “Excuse me?” reaksyon ko. “Tss!” napangisi ito. Mayamaya pa ay isinara niya iyong librong hawak niya at sumandal sa shelves. Pinaningkitan niya ako ng tingin. "You've done so many things wrong to me today. You owe me..." Natawa ako ng pagak at umiling-iling. “I owe you nothing. Bayad na ako dahil sa kayabangan mo, Yadiel—” Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita nang lapitan ako nito at pinangkunutan ng noo. Kapagkuwan ay bahagyang umawang ang bibig ko nang hilain niya palapit sa kanya iyong batok ko. Inilapit nito ang mukha niya sa tainga ko at animoy inaamoy-amoy iyon. "You haven't paid yet, Samantha. You punched me, spilled coffee on me, and now you're not going to do anything?" bulong nito sa akin at ngumisi. “Kailangan mong bayaran ang mga ginawa mo...” Inalis ko iyong kamay niya sa batok ko at umatras. Tinitigan ko ito ng masama. “Ang yabang mo! Wala akong dapat bayaran! Iyong pagkakasuntok ko sa iyo, deserve mo 'yon! At iyong nangyari sa cafeteria, aksidente 'yon! Kaya tantanan mo na 'ko!” Naglakad na ako pasulong at hindi na pinansin ang lalaking iyon. "You'll regret this," mahinang aniya bago ako tuluyang makaalis. Napairap na lang ako sa kawalan. Bakit ba ako maniniwala sa lalaking iyon? Dahil una, wala siyang kuwentang tao. Sa sobrang yabang, pati iyong mga tambay sa kanto, mahihiya sa kanya. “Ma'am, mauuna na po ako. Ito na po 'yong mga susi sa cabinet.” Ipinatong ko sa table niya iyong mga susi at nagpaalam na. “Thank you for another job well done, Samantha.” “Wala pong anuman, ma'am!” “Bago ka umuwi, daan ka muna sa dean's office, okay?” Inayos ko iyong pagkakasugbit niyong bag ko at bahagyang napakunot ng noo. “Bakit po, ma'am?” “Pinatatawag ka sa dean's office, hija. Hindi ko alam kung bakit. Para malaman mo, mabuti sigurong magpunta ka na roon...” Tumangu-tango ako. “Sige po, ma'am. Salamat po.” Nakakunot-noo kong tinahak ang daan papunta sa opisina ng Dean. Hindi naman ipatatawag ng ganito kung wala naman akong nagawang mali. Ano nga ba ang nagawa ko? “Good afternoon po, Miss Dean,” nakangiting bati ko kay Dean nang humarap ako sa kanya. “Have a seat, Miss Rivera,” aniya at sandaling nagsulat sa papel na nasa harapan niya. "I saw your account earlier and noticed there are two blank semesters. That means you haven't paid. Just because you're one of the scholarship holders at this university doesn't mean everything is free. Remember, it's only 50%. You're studying at an international school, Rivera, and you should be a responsible student." Tumangu-tango na lamang ako. “Miss Dean, ginagawan ko naman po ng paraan para mabayaran iyong ibang expenses at balanse ko, eh. Just give me more time—” “Miss Rivera, paulit-ulit ko nang pinapaalala sa iyo ito. Consistent honor student ka, dala-dala mo ang pangalan ng unibersidad na 'to.” “Ju-Just give me more time, Miss Dean. Pangako po na mababayaran ko 'yong mga balanse ko,” pagmamakaawa ko sa harap nito. Halos hindi ako mapakali. Ginugulo ako ng isipan ko. Wala akong trabaho ngayon at bukas pa ang duty ko. Ubos na rin ang savings ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sapat na pera para ipambayad. "If you fail to pay your balance by tomorrow, I will be forced to cancel your scholarship. Moreover, you will be removed from the school's overall ranking." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa binanggit ni Dean. Hindi ko hahayaang mawala ako sa ranking. Hindi ako papayag. Pinaghirapan ko iyon. At ayokong mauwi lang ang pangarap ko sa wala. "N-No! No, Miss Dean. I promise, tomorrow morning I will bring the payment. I study hard just to be included in the ranking. I worked hard for it, so please don't take it away from me." “Kaya binibigyan kita ng palugit hanggang bukas para makapagbayad. Kung hindi, I am sorry, Miss Rivera, I can't do anything to save you.” Napatango na lamang ako. Nanghihinang tumayo ang katawan ko at naglakad palabas ng opisina. Pagkalabas ko ay tila pati tuhod ko ay nanghina na rin. Napa-upo ako sa mahabang upuan malapit sa opisina at saka ko nasapo ang mukha ko. Iniisip ko pa lang ang problema ay tila nawawalan na ako ng pag-asa. Kung hindi lang nawala si papa, hindi magkakaganito ang buhay ko. Wala sa sariling napaluha na lamang ako ngunit agad ko namang pinunasan iyon. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at nagpatuloy nang muli sa paglalakad. Wala akong magagawa kundi magtrabaho buong gabi para lang makabayad bukas. “Samantha! Sam!” Napahinto ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Franz sa hindi kalayuan. Kumakaway-kaway ito kasama si Rio. “Pauwi ka na ba? Sabay-sabay na tayo,” ani Franz nang makalapit sila sa amin. “Daan tayo sa nagtitinda ng mga turo-turo sa labas. Libre ko na!” singit ni Rio na napangiti pa. Ang gaganda ng mga ngiti nila. Pansin kong naging masaya ang araw nila. “Pass muna. Kailangan kong magdouble time sa trabaho, eh,” mahinang sambit ko na ikinahinto nila. “Is there any problem?” nakakunot-noong tanong ni Rio. “Binully ka na naman ng grupo ni Trixie, 'no?! Walang hiya talaga 'yong mga 'yon! Kapag nakita ko ang nga pagmumukha nila, susuntukin ko talaga sila isa-isa!” matapang na sambit ni Franz na bahagya kong ikinatawa. Hinaplos ko ang balikat niya. “Ikaw talaga,” natatawang sambit ko sa kanya. “Okay lang ako, huwag niyo 'kong alalahanin. Kailangan ko lang talagang magtrabaho ngayong gabi.” “You're lying, Sam! Wala kang duty sa hotel ngayon,” seryosong sumbat sa akin ni Rio. "Can you take a rest first?" Dagdag pa niya. “Sa katunayan, meron. Nakipag-swap 'yong kasamahan namin sa hotel kaya nabago na naman ang schedule ko. Pe-Pero, kailangan ko talagang kumita ng pera ngayong gabi. Kung may alam kayo, tulungan niyo naman ako, oh!” tila nagmamakaawang salaysay ko sa kanilang dalawa. "And now you're begging your friend to lend you some money? How pathetic!" Napalingon kami sa dumating. Iyon ay ang grupo ni Trixie. “Hoy! Hindi ba talaga kayo titigil sa kaaapi niyo sa kaibigan namin?!” malakas na loob na sambit ni Franz. Napansin ko naman na napatingin sa akin si Franz nang haplusin ko iyong balikat niya. Ang gusto kong iparating ay huminahon lamang ito at kaya ko naman sila. “Tss! We won't stop until she volunteers to leave the university. Hindi niyo ba alam? Samantha is no longer has a scholarship in this prestigious university. At ang nakakaawa pa riyan ay mawawala lang naman siya sa ranking. Hindi ba't nakakatuwang balita?” sarkastikong salaysay ni Trixie. Napa-iwas na lang ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tila nawawalaan na ako ng lakas ng loob na lumaban. Totoo naman ang sinabi niya, hindi ko naman ikakailang nanganganib ako sa unibersidad na 'to. “What?! Sam is that true?” reaksyon ni Rio. “Ba-Bakit? Pa-Paanong nangyari 'to Samantha?” singit naman ni Franz. Hini ako nakasagot bagkus ay hinarap ko sina Trixie at mga kaibigan niya. “'Yan ba ang gusto niyo? Ang insultuhin ang pagkatao ko, ha?! Masaya na kayo?! Kung mawala man ako sa unibersidad na 'to, hindi ako ang talo, kayo 'yon!” sumbat ko sa kanila. “How do you earn your confidence to say that? Sa una pa lang, hindi ka na nababagay rito, kaya dapat lang na mawala ka na,” nakangising aniya. Tinarayan niya pa ako bago tuluyang maglaho sa harap ko. “Let's go, girls!” “Sam, anong nangyari?!” tanong muli ni Franz habang naglalakad kami palabas ng unibersidad. “Hindi ko pa kasi nabayaran ang balanse ko. Dalawang semestre din iyon. Kapag hindi ako nakapagbayad bukas, maaaring i-withdraw ang scholarship ko at higit pa riyan mawala ako sa rank,” walang emosyong pagpapaliwanag ko sa kanila. “You don't have to work, Sam. Pahihiramin kita ng pera,” Mabilis na lumingon ang ulo ko sa gawi ni Rio na kasalukuyang ngumunguya ng kendi. “Hi-Hindi na, ano ka ba!” natatawag sagot ko. “Kaya ko namang makalikom ng pera ngayong gabi, basta may trabaho akong mahahanap ngayon.” “Huwag mo nang tanggihan si Rio, Samantha,” tugon naman ni Franz. “Kaysa naman trabaho lang lagi ang atupagin mo buong gabi. Gustuhin ko mang pahiramin ka kaso walang-wala rin ako,” dagdag pa nito. Mayamaya pa ay huminto si Rio sa harapan ko at naglabas ito ng pera mula sa wallet niya. “Sapat na ba ang dalawampung libo?” aniya sabay angat doon sa pera. Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan kaming nagkatinginan ni Franz. Habang sya naman ay patangu-tango lang na animoy kinukumbinse akong tanggapin iyong pera. Mayamaya pa ay laking gulat ko na lang nang hilain ni Rio iyong palad ko at inilagay sa kamay ko iyong pera. “Take it. I don't want to see you working late at night. Magpahinga ka,” sambit pa nito. Kinindatan pa ako bago tuluyang maglakad palayo. Wala sa sarili akong napangiti. Nakakatuwa dahil hindi ako pinagdadamutan ng mga kaibigan ko. Pero sisiguraduhin kong makakabawi ako sa kabutihang ibinibigay nila sa akin ngayon. Balang araw, ipinapangako ko 'yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD