CHAPTER FOURTEEN

1531 Words
BAGO AKO pumasok sa loob ng silid ay napahinto ako. Napasulyap ako kung anong ginagawa nila sa loob dahil sobrang ingay nila. “Guys! Tingnan niyo, rank one si Dianne! Sinasabi ko naman sa inyo na walang makatatalo sa kanya kahit sino! Dali! Mag-react kayo ng heart sa page ng school!” pagmamalaki ni Trixie sa mga kaklase niya. Wala sa sarili na lang akong napayuko dahil sa lungkot. Totoo ngang sineryoso ni Yadiel ang lahat ng mga sinabi niya kanina. Ang bilis naman. Kalalabas lang ng ranking kahapon at ako pa ang nangunguna. Tapos ngayon... bahala na. “Oh, look who's coming!” sigaw ni Trixie na umalingawngaw sa loob ng silid nang makapasok ako. Dire-diretso lamang ako sa likod at umupo na. Hindi ko na ito pinansin at baka lumaki pa lalo ang isyu sa pagitan naming dalawa. Mayamaya pa ay naaninag ko nang papalapit na si Trixie sa gawi ko. Hindi ko na naman yata magugustuhan ang mga ibabato niyang salita sa akin. In-expect ko na 'to. “So... how's your day today, Miss Rivera?” sarkastikong aniya. Nginitian pa ako nito nang nakakaloko at saka nagkrus ng mga braso. “Balita ko, nag-cheat ka raw kaya ka nawala sa ranking? Hahahaha! Sa una pa lang, alam kong desperada ka na! Ang mga katulad mo ay hindi talaga pinagpapala, Miss Rivera!” Nakayuko lamang ako habang tinititigan iyong bag ko sa ibabaw ng mesa. Napaisip ako. Napakunot pa ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Anong sinabi mo?” malamig na tanong ko sa kanya at saka ako nag-angat ng tingin. “Hindi mo ba 'ko narinig? I said, you cheated! Kalat na kalat ngayon sa buong university na dinaya mo 'yong exam kaya ka napabilang sa ranking! Huling-huli ka na nga, ayaw mo pang umamin!” sumbat nito sa akin. Naalala ko iyong sinabi ni Yadiel kanina na kaya niyang ipalabas sa mga estudyante na nandaya ako sa exam. Gagawin niya talaga ang lahat masira lang ang pangalan ko. Nakakainis! “Guys! Tingnan niyo 'yong bagong post sa page ng university natin!” Napalingon ako roon sa kaklase kong babae nang bigla itong sumigaw habang nakatitig sa cellphone niya. Mayamaya pa ay lahat sila ay naglabasan ng mga cellphone at tiningnan nga iyong balita na kumakalat sa internet ngayon. Hindi na rin ako nagdalawang isip na kuhanin iyong cellphone ko. Pagbukas ko pa lang ay iyong balita na agad ang bumungad sa akin. “Class A Student, Caught Cheating!” mahinang pagbasa ko roon sa headline ng news. Nakalakip din doon iyong ID picture at pangalan ko. Wala sa sarili akong napangisi. Nagwagi si Yadiel sa mga plano niyang paninira sa akin. Should I give him a round of applause? Napalingon ako sa mga kaklase ko sa silid na ito. Halos lahat sila ay nakaharap sa mga cellphone nila. 'Yong iba naman ay pinag-uusap at pinagbubulungan na nila ako. “Ano na?! You should be proud of yourself, honey!” sambit ni Trixie. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at inayos ang damit ko. “You got all the people's attention here in our university. And... I won't be surprised if later or maybe tomorrow... you will be expelled from this school.” Bigla niya akong niyakap at saka tinapik nang paulit-ulit ang balikat ko. “Farewell in advance, Samantha!” nakakalokong aniya. “Loser!” dagdag pa nito at inirapan ako ng tingin. Aalis na sana ito sa harap ko nang bigla akong tumayo. Pinaningkitan ko ito ng tingin dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. “Hindi. Ako. Nandaya!” pagdidiin ko ngunit tila hindi ito naniwala dahil pinagtawanan niya lamang ako. “Do you really expect me to believe that, huh?! Samantha, ang university na mismo ang nagsabi na nandaya ka sa exam! Kaya kung ako sa iyo, magkakaroon ako ng kaunting hiya at aalis na sa unibersidad na 'to!” Mabilis akong lumapit sa kanya at hinila ang magkabilang kuwelyo nito. “Huwag mo 'kong siraan!” bulalas ko sa harap niya. Hindi ito nakapagsalita dahil sa gulat. “Hindi totoong nandaya ako sa exam, Trixie!” “Miss Rivera!” Napalingon ako sa lalaking kapapasok lang ng silid. Si Yadiel iyon at may kasama siyang mga officer ng school pati na rin si Miss Dean. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sila. “Wha-What's the meaning of this?” wala sa sariling tanong ko sa kanila. Dahan-dahang nanlambot ang mga kamay ko hanggang sa mabitiwan ko na si Trixie. Umiwas ito sa akin at hinayaan lamang akong nakatayo sa gitna. “Miss Rivera, we are so sorry to tell you this. We do not tolerate this kind of action at alam mo 'yon,” pasimulang sambit ni miss Dean. “Nakapagdesisyon na kami kung ano ang mas makabubuti sa unibersidad at para sa iyo.” “Hindi. Wala kayong sapat na ebidensya para mapatunayan sa lahat na nandaya ako!” sumbat ko. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong hindi maluha sa harap nilang lahat. “We have evidence.” Napalingon ako sa gawi ni Yadiel nang magsalita ito. Napakunot ang noo ko. Imposible. Kahit balik-baliktarin niya pa, hindi ako nandaya. I work hard just to pass my exam. “Evidence?” nakangising sambit ko sa kanya. “Oh, baka naman frame up?! Wala akong tiwala sa isang katulad mo, Yadiel!” sigaw ko. Mayamaya pa ay itinaas niya ang isang pirasong papel. "We found this inside your bag. And this paper belongs to Dianne. How dare you do this! You are disgracing the name of our university!" Napayuko na lamang ako at hindi maiwasan ang pag-iyak. Napahagulgol ako nang tahimik. Hindi ko akalaing gagawin sa akin ni Yadiel 'to para lang makabawi sa kagaguhan niya. Bakit ako pa?! Bakit ko pa siya nakilala kung sisirain niya lang din ang buhay ko?! “Miss Rivera, wala na kaming magagawa para suportahan ka. Thank you for being with us. You can now leave the university,” salaysay ni Miss Dean. Napapikit ako habang umiiyak. Nanginginig ako. Nanghihina at naaawa para sa sarili ko. Wala na akong ginawa kundi magbigay ng kahihiyan sa iba. “Let's go, Samantha,” sabi niyong isang lalaki na lumapit sa akin. May iba pa itong kasama na animoy i-escort-an pa ako palabas ng university. Hinawakan niya ang braso ko at iginiya palabas ng silid. Bago pa ako tuluyang makalabas ay sandaling nagtama ang mga paningin namin ni Yadiel. Tiningnan ko lamang ito ng masama at nag-iwas na rin ng tingin. Habang naglalakad sa gitna ng koridor ay nakapalibot sa gilid ko ang lahat ng estudyante. “Sam! Samantha!” rinig kong sambit ni Franz sa pangalan ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin upang makita siya. “Sandali lang po! Bitiwan niyo 'yang kaibigan ko! Samantha! Sir, wala po siyang kasalanan! Sandali!” Sinusubukan niyang pigilan ang paglakad namin ngunit hinarangan na siya ng mga guwardiyang kasama ko. Nginitian ko na lang siya nang pilit at hindi na pinansin pa. Sobrang laking kahihiyan ang ibinigay ko sa unibersidad. Pero hindi pa rin ako naniniwala. Hindi ako nandaya at ginawa ko ang makakaya ko para makapasa sa pagsusulit na iyon. Ngunit sa huli, ako pa rin pala ang mawawala. Ako pa rin pala ang talo at uuwing luhaan. Iniwan ako sa labas ng unibersidad niyong lalaki at isinara nang muli iyong gate. Humigpit ang hawak ko sa bag ko nang magsimula akong maglakad palayo. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ko akalaing ang isang Yadiel ang makakaharap ko sa sitwasyong ito. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Ginawa niyang miserable ang buhay ko. “Samantha!” Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko. Pamilyar sa akin ang boses na iyon. Agad kong naramdaman ang galit sa kanya. Hinarap ko siya at mabilis na kumilos palapit sa kanya. Nang makaharap ko na ito ay hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin ang mukha niya. “Sino ka ba para gawin sa akin ang mga 'to, ha?!” sigaw ko sa harap ni Yadiel. Nanatili siyang nakayuko habang pinupunasan ang labi niyang dinurugo. “Tantanan mo na 'ko! Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag ako ang guluhin mo! May responsibilidad akong kailangang punan, Yadiel! Kaya nagmamakaawa ako sa iyo, lubayan mo na ako!” sumbat ko sa kanya. Ngunit imbes na ikalungkot ito ni Yadiel ay tila nasiyahan pa yata siya sa ginawa ko. Dahan-dahan niya akong tinapunan ng tingin at tumawa. Ano bang mayroon sa hitsura niya? Napakunot-noo na lang ako dahil sa pagtataka. “Mukha ba akong nakikipagbiruan sa iyo? Walang nakakatawa sa mga sinabi ko!” Nginisian ko pa ito bago tuluyang talikuran si Yadiel. “Baliw!” pabulong na sambit ko sa kawalan at naglakad nang muli. “Hoy! Sandali! I am still talking to you, hey!” Wala sa sariling napakapit ako sa isang poste nang makaramdam ako ng pagkahilo. Tila umiikot ang paningin ko. Sobrang bilis din ng t***k ng puso ko. “Samantha!” Nanghina na lamang ang buong katawan ko. Ang tanging naramdaman ko na lang ay ang pagbagsak ko sa sahig. Pagkatapos niyon ay nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD