CHAPTER THIRTEEN

1411 Words
MABILIS KONG TINUNGO ang daan papunta sa opisina ni Yadiel. Akala ba niya mapapapayag niya ako na maging sekretarya niya? Nahihibang na ba siya? Alam kong may mga naging kasalanan ako pero hindi naman yata patas ito! Gagawin niya lang akong alipin sa mga kamay niya at papaikut-ikutin. Habang tumatagal ay sumisingaw na ang baho ng Yadiel na 'yan. Pinihit ko ang busol at itinulak iyong pinto gamit ng paa ko. Dahil sa gulat ay wala sa sariling napa-angat ng tingin sa akin si Yadiel na kaninang nakatayo at nagbabasa. “What are you doing?!” pasigaw na aniya nang makapasok ako sa loob. “You don't have manners, Miss Rivera!” Pabagsak kong inilapag iyong papel na kinuha ko sa bulletin board kanina upang ipakita iyon kay Yadiel. “Nahihibang ka na ba?! Akala mo ba papayag ako na maging sekretarya mo?! Stop dreaming, Yadiel! Hindi mangyayari ang bagay na 'yon!” bulalas ko sa harap niya habang tinititigan ito ng masama. Kalmado lamang ang tingin nito sa akin na animoy hindi nababahala. “So, alam mo na pala ang balita. I am glad you know it. Whether you like it or not, starting today, you will be my new secretary.” “No! Hindi ako papayag!” Nginitian niya ako ng nakakaloko. “Samantha, hindi rin ako papayag na madumihan mo ang pagkatao ko. You are still not paid! Pagkatapos mo 'kong suntukin sa mukha?!” Naniningkit na ang mga mata nito at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. “Pagkatapos mo 'kong buhusan ng kape?! At pagkatapos 'kong bayaran ang balanse mo, ganito ang ibabalik mo sa akin?! Ano pa bang aasahan kong gagawin mo?! Ipakakalat mo ang bidyong kinuha mo kahapon para sa pera?!” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa huling binanggit nito. 'Yong tungkol sa bidyo, paano niya nalaman iyon? Imposible! Nginisian niya lamang ako at naglakad-lakad sa loob ng opisina. “You can't fool me, Miss Rivera. I know every inch of you. Ikaw ang tipo ng babae na gagawin ang lahat para sa pera. Tell me, pagkatapos mong ipagkalat ang bidyo, baka maging isang bayaran ka na rin—” Lumapit ako sa kanya upang sampalin ito ngunit mabilis niyang sinalo iyong kamay ko. “I already expected that you would slap me like that. I won't let you touch my precious face again!” pagdidiin nito at saka niya mapwersang ibinaba ang kamay ko. “Ang yabang mo! Mayaman ka lang kaya nasasabi mo ang mga 'yan tungkol sa akin. Ang tingin niyo sa isang katulad ko ay uhaw sa pera. Aminin ko, mahirap lang ako pero hindi ako ambisyosa! Hindi pa rin ako papayag na maging sekretarya mo!” Tumalikod na ako at naglakad pasulong. Bubuksan ko na sana iyong pinto nang mapagtanto kong naka-lock na iyon. Kumunot ang noo ko. Isa lang naman ang may kagagawan nito, si Yadiel. “Buksan mo ang pinto, lalabas ako,” mahinahon sambit ko kay Yadiel nang harapin ko itong muli. “Give me your phone,” Natawa ako ng pagak. “Big deal talaga sa iyo 'yong bidyo, ha?!” bahagya pa akong natawa. “Bakit, ayaw mo bang malaman ng ibang estudyante at faculty staffs ang kalaswaan ng Presidente nila? Nakakahiya ka!” Tumalikod akong muli at pilit kong pinipihit iyong busol upang mabuksan ngunit bigo talaga akong magawa iyon. “Buksan mo 'to!” sigaw ko na ikinakunot ng noo niya. “Kapag hindi mo 'to binuksan, mapipilitan akong i-post 'yong bidyo mo sa social media,” pananakot ko. Napangisi pa ako dahil malakas talaga ang loob ko na masisiraan ko siya. Hindi siya sumagot. Nanatili lamang itong nakatitig sa akin ng seryoso. “Hindi mo talaga bubuksan? Sige, sabi mo, eh! Bukas, pagkagising mo, sikat ka na sa buong mundo! Hahaha!” natatawang sambit ko at inilabas iyong cellphone ko. Natigilan na lang ako bigla nang hindi ko iyon makapa sa bulsa ko. Napilitan din akong buksan at kalkalin iyong bag ko ngunit wala talaga roon iyong cellphone. Paano na 'to? Ang lakas ng loob kong sabihin ang mga iyon pero wala naman pala akong isang salita? Ako pa yata ang napahiya! “Ito ba ang hinahanap mo?” Nag-angat ako ng tingin kay Yadiel. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita kong hawak na niya ang cellphone ko. “Bakit nasa iyo 'yan?!” Nginitian niya ako nang nakakaloko habang pinapakialaman ang cellphone ko. “And... it is now deleted!” natatawang aniya sabay pakita sa akin iyong screen na deleted na iyong bidyo niya sa cellphone ko. “Bwisit ka talaga!” Susugurin ko na sana ito nang itapon niya sa sahig iyong cellphone ko. “Ce-Cellphone ko...” nanghihinang banggit ko at saka ko pinulot ang sira-sira kong cell phone sa sahig. Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. Hindi talaga ako tatantanan ng Yadiel na 'to. Paano na 'yan? Anong gagamitin ko? Kung kailan kailangan ko ang cellphone ay saka pa masisira. “Nagmamayabang ka kasi! Sa susunod, pipiliin mo ang kalalabanin mo, Miss Rivera. Pasugod-sugod ka pa sa opisina ko, ha? Anong napala mo ngayon? Eh, 'di wala? Tss!” nakangising aniya. Mayamaya pa ay naglakad ito palapit sa akin. Tumayo ako at hinarap si Yadiel. “Bakit mo ginagawa sa akin 'to?! Ano bang utang ko sa iyo, ha?!” hindi ko napigilan ang sarili kong hindi mapasigaw. Nagagalit ako. Nagagalit ako sa kanya pati sa sarili ko. Kung hindi ko sana pinansin si Yadiel at pinatulan ang mga kalokohan niya, hindi sana ako nababahala ngayon. “Huwag mo 'kong dramahan. Get your whole *ss out of my office! How dare you entering my office without my permission?! Get out! I don't want to see your f*ckin* face again!” pagdidiin nito at saka na naupo sa swivel chair niya. Hindi niya na ako tinapunan ng tingin. Naging abala na lang din ito sa mga papel na nasa harapn niya. Wala ka talagang puso, Yadiel! Napakasama ng ugali mo! Sinamaan ko ito ng tingin at saka tumalikod na. Awtomatiko namang bumukas iyong pintuan para sa akin. Hahakbang na sana ako nang may marinig pa akong salita mula sa lalaking antimpatikong iyon. “Wait! Babawiin ko pala 'yong ibinayad kong balanse mo sa Dean's office. Ano ka? Gold?!” Nanggagalaiti akong humarap sa kanya. Kumukuyom ang mga kamao ko dahil sa galit. Iniinis niya talaga ako. Nag-angat ito ng tingin sa akin. Seryoso lamang ito na animoy iniinis ako. “Hindi ko na kasalanan kung mawala ka sa ranking ng batch niyo. At kung ayaw mo naman, kung ipaglalaban mo ito... kayang-kaya ko namang ipalabas na kumopya at nandaya ka sa exam...” Nginitian niya pa ako ng nakakaloko. “At... mayroon pa, Miss Rivera. You are now fired! Simula ngayon, you are no longer working at my hotel. Is that clear? Maliwanag ba ang lahat ng sinabi ko?” Nagbabadya ang mga luha ko sa pagtulo ngunit hindi ko hinayang tumulo iyon. Pinipigilan ko ang sarili ko ngunit galit na galit talaga ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. “I think that's enough to get me paid, Miss Rivera. You can now leave!” aniya at nginitian ako. “Ang sama mo. Wala kang kwentang tao, Yadiel. Hindi ka marunong makiramdam,” pagdidiin ko habang nakatingin ng diretso sa kanya. Ang kaninang nakangiting si Yadiel ay napalitan ng pagkablangko. “I will accept everything you have done to me today. And thank you for making my life miserable. Don't worry because this is the last time I will enter your office. Salamat, ha! Napakabuti mo!” sarkastikong sambit ko at saka nagmadaling lumabas ng opisina niya. Binilisan ko ang paglakad. Pakiramdam ko ay pulos kahihiyan na lang ang idinudulot ko sa mga tao. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Ngayon ay tila nagkandaletse-letse na lahat. Iyong pangarap kong scholarship at mapabilang sa rank, hanggang pangarap na lamang ang mga iyon dahil unti-unti na silang nawawala sa kamay ko. Sobrang bigat sa pakiramdam. Masyado na akong pinapahirapan ng mundo. Siguro nga tama si mama na sumama na lang ako sa kanya dahil mas mabibigyan niya ako ng magandang buhay. Habang naglalakad ay hindi ko namamalayang tumutulo na ang mga luha ko. Kaya mabilis ko itong pinunasan gamit ang mga palad ko. Kahit umiyak pa ako ng balde-balde, hindi mababalik ang scholarship ko. Siguro iyon talaga ang para sa akin. Tama sina Trixie, hindi ako nababagay sa eskwelahang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD