CHAPTER FIFTEEN

1620 Words
YADIEL HART'S POV HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA na mahihimatay mismo sa harapan ko si Samantha. Ano bang nangyayari sa kanya? Sa katunayan, may kasalanan din naman akong nagawa sa kanya. At iyong plano ko ay tila hindi gumana, mas naging gumulo pa ang lahat. "Ma-Master... si-sino po siya?" nagtatakang tanong ni Butler Eve nang makababa ako sa sasakyan habang buhat-buhat si Samantha. "Mamaya na ako magpapaliwanag. Butler Eve, pakihanda naman ang master's bedroom at paki-contact na rin ang pinakamagaling na doktor," dire-diretsong salaysay ko at saka ipinasok na si Samantha sa loob ng mansion. "Masusunod po." Nangangalay na ang mga braso ko. Hindi ko naman inasahang ganito pala talaga kabigat si Samantha. Pasalamat siya at napakabuti kong tao para tulungan siya. Yes, you heard it right. Napakabuti kong tao! Nang maipasok ko siya sa kuwarto ay maingat ko siyang ibinaba sa kama. "Young master, paparating na ho ang doktor sa loob ng tatlompung minuto." Napakunot-noo ako. "What?! Thirty minutes pa?!" "Pasensya na, young master. Iyon lamang po ang available na schedule niyong doktor." Nasapo ko ang noo ko. "Seriously?! Haist!" Wala na akong nagawa kundi hintayin na lamang iyong doktor. Napalingon ako kay Samantha na kasalukuyang wala pa ring malay sa kinahihigaan nito. "Prepare clothes for her to wear," dagdag ko habang nakatitig lang sa mukha nito. "Ha-Ha?" Nilingon ko si Butler Eve. "Prepare clothes for her," pag-uulit ko. "Yes, master," aniya at bahagyang yumuko sa harap ko. Aalis na sana ito nang bigla siyang bumalik sa puwesto niya kanina. "Ahh, master... you mean pair of clothes?" Wala sa sarili akong tumango. "Yes!" "And you mean... there's an underwear and brassiere... right?" Napaiwas ako ng tingin sa kawalan. Sa tingin ko ay ganoon din ang ginawa ni Butler Eve dahil sa kahihiyan. We don’t usually talk about women’s thing actually. "O-Oo... sa-sa tingin ko... parang ganoon na nga," medyo natatawang sagot ko. Napakamot pa ako sa ulo dahil sa kaunting hiya. Kahit masama akong tao, may kaunti akong kahihiyan, 'no! But take note: napakabuti ko pa ring tao! Lumapit ako kay Samantha at umupo sa tabi nito. Halatang pagod na pagod siya. Naririnig ko sa ibang estudyante na hindi niya raw kasama ang mga magulang niya. Sa tingin ko ay lumaki siyang hindi nakadepende sa magulang kaya naman doble-doble ang responsibilidad na dinadala niya. Inilapit ko pa ng kaunti ang mukha ko sa mukha niya. Pinagmamasdan ko lamang ito habang hinahaplos ang buhok niya. "Mas maganda ka pala kapag natutulog. Alam mo 'yon... mukha kang anghel. Pero hindi pa rin kita mapapatawad sa pagsuntok mo sa mukha ko," nakangising bulong ko sa kanya sabay punas sa labi ko. Hindi niya naman malalaman iyong mga sinabi ko dahil tulog siya. Okay na 'yon. Umayos ako nang upo at sadaling hinawakan iyong labi ko. Duguan at sugatan na naman iyon. Bakit ba ang hilig niyang manuntok? Sabi na, eh, hindi talaga siya babae! Sobrang tigas niya! Pero walang matigas na tinapay, sa mainit na kape! Mapapaamo rin kita. "Master, heto na ho ang pinapakuha ninyo. At saka may tawag ho kayo sa telepono... sa tingin ko ay si Mister Madden iyon," sambit ni Butler Eve nang makapasok siyang muli sa kuwarto. "Susunod ako, Butler Eve." Yumuko ito upang magbigay galang. Aalis na sana ito nang mapansin kong bumalik siya sa harapan ko. "Ka-Kayo ho ba ang magbibihis kay Miss Samantha?" Napahinto ako sa biglaang tanong nito sa akin. Mabilis kong inilapag iyong damit sa kama. "Ha-Ha?" Iyon na lamang ang naging reaksyon ko. Sa tingin ko... hindi ako marunong magpalusot. "Sige ho master. Kapag may kailangan ho kayo, nasa labas lang ako," Yumuko rin ako nang bahagya hanggang sa makalabas ito ng silid. Umayos ako ng upo at humarap nang muli kay Samantha. Teka... parang hindi ko yata kayang gawin 'to. Haist! Bakit naduduwag ako?! Eh, 'yong iba ngang babae ay wala akong pakialam kahit maghubad na sila sa harapan ko. Pero itong si Samantha? Parang hindi ko yata kayang bihisan siya. A good man asks for permission. Hinawakan ko ang kuwelyo ng long sleeves na polo nitong suot at tinanggal ko ang mga butones niyon. Pagka-alis ko niyon ay tila natigilan ako nang mapansin ko ang tila bundok na dibdib ni Samantha. Halata iyon dahil sa manipis lang ang oversized shirt na suot niya. Tumaas ang tingin ko sa leeg nito hanggang sa tainga niya. Hindi ko naman akalaing kutis porselana rin pala ang babaing 'to. "Hoy! Anong ginagawa mo?!" Mabilis akong napalingon sa likod ko nang marinig ko ang salitang iyon. "Pierre?!" Napasinghap ito at napatakip ng bibig nang makita si Samantha na nakahiga. "Nag-s*x ba kayo?!" dire-diretsong sambit niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at tinakpan ang bunganga niya. "You are so loud! Paano kung may makarinig sa iyo, ha?!" nanggagalaiting bulong ko sa kanya. "So, what did you do to her?" "She collapsed earlier. Wala akong nagawa kundi dalhin siya rito. Hindi ko naman siya madala-dala sa ospital o 'di kaya sa hotel. So, I called a doctor at papunta na siya rito in a few minutes," mahinahong paliwanag ko. "Anong ginagawa mo sa ibabaw niya?" "Ha?!" naguguluhang reaksyon ko. "I mean... I am trying to change her clothes." "Bakit ikaw pa ang gagawa?" Napa-irap na lang ako sa kawalan at hinila siya palabas ng kuwarto. Saktong dumaan sa harap namin iyong stylist ko upang siya na lang ang gumawa ng pagbihis kay Samantha. "Take care of Samantha, Miss..." sambit ko roon sa stylist ko na ikinatango niya naman. "Ikaw, ah, binobosohan mo si Samantha. 'Yong totoo, maganda ba katawan niya?" nanunuksong aniya na ikinasama ko ng tingin. Inihagis ko sa kanya iyong towel na hawak ko kanina. "Tigilan mo nga ako sa kabastusan mo, Pierre!" Naglakad ako papunta sa sala habang itong baliw kong kaibigan ay nakasunod lamang sa akin. "May ipag-uutos ako. Dalhin mo sa akin 'yong kaibigan niyang si Franzel. Sa pagkaka-alam ko, she is very close with Sam. I just want her to know that her friend is now safe." "Ayoko nga! Hindi ko ka-close 'yong babaing 'yon! No way!" Tiningnan ko nang masama si Pierre bago inumin iyong alak na sinalin ko sa baso. "Gagawin mo o gagawin mo?" "Don't look at me like that! Nakakainis. Oo na, gagawin ko na! You owe me one, Yadiel." Tinanguan ko siya. "Yeah! Kahit ilan pang babae ang gusto mo, ibibigay ko." Pinagmasdan ko lang si Pierre hanggang sa makaalis na ito. Mayamaya pa ay nakita ko nang paparating si Butler Eve kasama iyong doktor kaya naman ibinaba ko iyong baso ng alak sa mesa upang i-welcome iyong doktor. "Hi, Mister Hart. Sorry for the delay, my schedule is full right now," wika niyong doktor at nakipagkamay sa akin. Magalang kong tinanggap ang kamay nito. "Nice to meet you, doc. It's okay... at least you arrived." "Where's the patient? Saan ko siya makikita?" "This way, doc," sabi ni Butler Eve at iginiya nito iyong doktor papasok sa Master's bedroom. Habang ako naman ay nakasunod lamang sa likuran nila. Nilapitan na ng doktor si Samantha. Nasa likuran lamang kami ni Butler Eve habang naghihintay ng posibleng resulta sa kalagayan ni Samantha. Sana naman ay walang masamang nangyari sa kanya. Nag-aalala ba ako sa kalagayan niya? Tss! Bakit ko naman mararamdaman 'yon? She's nothing to me. "Her breathing was slow as well as her heartbeat. Is she always tired? Nai-stress ba siya? Nanghihina kasi ang katawan niya. Sa sobrang pagod, hindi na nakayanan ng kalusugan niya. All I can say is give her a proper rest and proper meal. Kulang din siya sa tulog kaya maipapayo kong pagpahingahin niyo muna siya hanggang sa maka-recover ang katawan niya," salaysay niyong doktor. Naglabas din ito ng kapirasong note pad at nagsulat. "Reresetahan ko siya ng vitamins. Sa ngayon i-monitor muna natin ang kalagayan niya bago ako magbigay ng mabibigat na gamot." Pinunit nito iyong papel at ibinigay sa akin. "Sam! Samantha!" Mayamaya pa ay may pumasok na babae sa kuwarto. Sa pagkakaalam ko ay iyon si Franzel, ang kaibigan ni Samantha. Dire-diretso siyang tumakbo sa higaan nito at tila nag-aalala. Si Pierre naman ay nasa loob na rin. Nakatayo lang sa bandang gilid. "Kumusta si Samantha? Mabuti naman ba ang kalagayan niya?" nag-aalalang tanong ni Franz sa doktor. "Wala na kayong dapat ipag-alala. Maayos naman ang kundisyon niya. Kailangan niyo lang siyang pagpahingahin ng mga ilang araw," sagot niyong doktor. "Ahh, Mister Hart, I just want to know kung ka-ano-ano mo ang pasyente para maisulat ko sa form." Nagkatinginan kami ni Pierre, ganoon din kay Butler Eve at kay Franz. Ano kaya ang sasabihin ko? "She is my girlfriend, doc," wala sa sariling sambit ko. Napansin ko ang mga reaksyon nilang tatlo, lalong-lalo na si Pierre. Hindi nila inasahan na isasagot ko ang mga katagang iyon. "Oh, I see. Your girlfriend is fine now." Hinawakan niyong doktor ang balikat ko at hinaplos iyon. "Just give me a call when something happens." Tumango ako. "Thank you, doc!" Nginitian niya lang din ako at lumabas na ng kuwarto kasama si Butler Eve. Binalingan ko naman ng pansin iyong dalawa. Nakatulala lang sila sa harapan ko. "Anong sinabi mo, Yadiel?!" hindi makapaniwalang tanong ni Pierre. "Pagkatapos mong i-frame up ang kaibigan ko, sasabihin mong girlfriend mo siya?! Sira ulo ka ba?!" nakangising sumbat ni Franz. "Hoy!" singit ni Pierre. "Don't you dare call my friend a sira ulo!" "Bakit? Totoo naman, ah! Si Yadiel ang may kasalanan kaya naghihirap ang kaibigan ko. Tama nga ang sinabi sa akin ni Samantha, guwapo ka nga pero wala kang utak!" pagsusungit niya at saka na ito bumalik sa tabi ni Samantha. Lumapit sa akin si Pierre at tinapik iyong balikat ko. "Aha! At least inamin ni Samantha na guwapo ka..." natatawang aniya na ikinabuntong-hininga
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD