CHAPTER TWELVE

1178 Words
SAMANTHA RIVERA'S POV BIGLA akong nagising nang tumunog iyong alarm clock sa side table ng kama ko. Dahil sa gulat ay wala sa sarili na lang akong nahulog sa pagkakahiga. “Aahhh! Aray!” Napapikit pa ako dahil sa sakit na naramdaman ko. Tumayo akong nakahawak sa balakang ko at hinimas-himas iyon. Umagang-umaga ay minamalas ako. Paano na kaya mamaya kapag nakarating na ako sa eskuwelahan? Dinampot ko iyong baso sa mesa at kumuha ng tubig. Bago ko inumin iyon ay naaninag ng mga mata ko iyong cellphone kong nakalapag sa study table ko. Habang umiinom ay lumapit ako at kinuha iyon. Inilapag ko sandali iyong baso sa mesa at pinagtuunan ko ng pansin iyong cellphone. Nagdadalawang isip ako sa binabalak ko. Gagana kaya? Pinindot ko iyong files na application at hinanap doon iyong video na nakuhanan ko kahapon. Hindi ko inaasahan na ganoon ang makikita ko sa opisina ni Yadiel. Sinasabi ko na nga ba, may tinatago talaga 'yong lalaking 'yon na hindi alam ng buong unibersidad. Kaya balak kong i-setup siya kapalit ng pera. Kapag hindi niya binigay ang kailangan ko, ikakalat ko ang bidyong iyon sa buong unibersidad at nang pag-usapan at masira ang imahe niya. Pinanood ko iyong bidyo. Wala sa sarili akong napalunok habang pinapanood iyon. May kakaiba akong nararamdaman. Parang... parang hindi ko yata kayang makita si Yadiel nang ganoon. Sobrang init. Nag-aapoy sa init. Unti-unting umawang ang bibig ko na animoy nadadala sa bugso ng damdamin. “Sam!” Nabitiwan ko iyong cellphone ko dahilan nang pagkalaglag niyon sa sahig. Nagulat ako sa tumawag sa akin ngunit agad akong kumilos upang pulutin iyong cellphone ko at ibinalik sa study table ko. “Sam!” “Nariyan na ho!” sambit ko roon sa tumatawag sa akin. Naglakad ako sa tapat ng pinto at binuksan iyon. “Kayo ho pala aling Helen. Ano ho ang atin?” nakangiting bungad ko sa kanila. “Ipinaghanda kita ng sandwich para may agahan ka. Heto oh...” At saka nito inilahad iyong isang plastik ng tinapay. “Naku! Salamag ho aling Helen.” Tinanggap ko naman iyong ibinigay niya. Hindi na ako tatanggi dahil tumutunog na rin ang tiyan ko sa gutom. “Ang dami ko na hong utang sa inyo. Huwag ho kayong mag-alala, kapag nakaluwag-luwag ho ako, makakabayad din ako sa inyo.” “Hija, hindi mo na kailangang gawin 'yon. Okay lang. Panatag na ako na nakikita kitang nasa mabuting kalagayan.” Napahinto ako sa sinabi ni aling Helen. Sa ilang taong paninirahan ko malapit sa kanila ay naramdaman ko ang pagmamahal na hindi napunan ng aking mga magulang noon. Kahit papaano ay nawawala ang pagod ko. “Salamat po,” nakangiting pagpapasalamat ko. “Oh siya, mauna na ako at walang nagbabantay sa karinderya. Bilisan mo na at baka mahuli ka pa sa eskuwelahan.” “Opo. Salamat po!” huling bati ko hanggang sa makalakad na ito palayo. Mabilis akong kumilos upang makapag-ayos na ng sarili. Naligo at nagsipilyo. As usual, pantalon, isang oversized shirt at checkered na long sleeves ang suot ko. Alam kong paulit-ulit na pero wala naman akong pera para makabili ng bago. Inayos ko iyong buhok ko at dinampot iyong sandwich na nakalapag sa mesa. Kumakain ako habang nag-aabang ng masasakyan. “Para ho!” sigaw ko kay mamang drayber ng dyip saka ko kinatok iyong bubong upang sa ganoon ay mapansin ako nito. Pagkababa ko ay saka ko itinapon iyong plastik ng pinagkainan ko ng sandwich sa basurahan. Bago tumuloy sa klase ay dumaan muna ako sa opisina ni Dean para magbayad ng balanse ko. Ngayon ay kampante akong hindi mawawala ang scholarship sa akin at ganoon din iyong rank ko. Pero sana ay makasiguro akong mabayaran ko lahat ang utang ko. “Good morning, Dean,” bati ko nang makapasok ako sa loob. “Sit down, Miss Rivera.” Umupo ako sa harap nito at inilabas iyong isang puting sobre. Ibinigay ko iyon sa kanya ngunit laking pagtataka ko nang hindi niya ito tinanggap. “Okay na. Wala ka nang dapat problemahin tungkol sa scholarship mo,” nakangiting aniya. Napakunot ang noo ko. “Ba-Bakit ho? Pa-Paano hong nangyari iyon? Magbabayad pa lang ho ako, ah.” “Mr. President paid your remaining balance. Kaya wala ka nang dapat problemahin pa, Miss Rivera.” Mas lalo akong nagtaka. Sinong President ang tinutukoy niya? “Just keep your money. I know that you are having a hard time kaya mas mabuting itago mo na lang 'yan,” dagdag pa nito. “Puwede ko ho bang malaman kung sinong President ang tinutukoy niyo?” Nginitian niya ako ng malawak. “Si Mr. Yadiel Hart, ang presidente ng student council. You must thank him for doing this. Kung hindi... hindi maisasalba ang scholarship mo.” Napahinto ako nang bigkasin ni Miss Dean ang pangalan ni Yadiel. No way! Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya. Alam kong may dahilan ang mokong na 'yon kaya niya ginagawa 'to. Baka nga pinlano niya pang ipitin ako para tumanaw ako ng utang na loob sa kanya at magawa ko lahat ng ipag-uutos niya. Hindi ako papayag, Yadiel! Humanda ka sa akin! “Thank you, Miss Dean. Mauuna na ho ako!” paalam ko at saka tumayo na. Tumango lamang ito at ibinalik na ang atensyon niya sa pagsusulat. Iniisip ko kung bakit ginawa ni Yadiel ang bagay na iyon. Naawa ba siya o ano? Naguguluhan ako. Ayoko namang bigyan ng ibig sabihin iyon. Pero kung ginawa niya iyon para gantihan ako, siguro iyon nga ang dahilan. May ilang minuto pa ako para makarating sa klase kaya binilisan ko na ang paglalakad sa hallway nang mapahinto akong muli. Dagsa na naman ang mga estudyante sa harap ng bulletin board. Mayamaya pa ay nakatingin na silang lahat sa akin at nagbubulungan. Ako namang walang alam sa nangyayari ay lumapit na rin sa harap ng bulletin board upang makita kung ano ba iyong pinagpepyestahan nila at kung bakit pinagtsitsismisan na naman ako. Wala sa sariling nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang poster doon. “Samantha Rivera is the new secretary of student council's President Yadiel Hart?!” pasigaw kong binasa ang nakalagay roon at higit pa riyan ay nakapaskil din doon ang mukha ko. “Aarrggghh! Sinusubukan talaga ako ng lalaking 'yan!” inis na bulong ko sa sarili ko. “Wala ka na ba talagang hiya sa sarili mo?! Una, nilagpasan mo ang kaibigan namin sa rank, ngayon naman ay nagpapapansin ka kay President Hart? Tss! Hindi na ako magtataka na malandi ka—” Nanlilisik ang mga mata kong nilingon si Trixie dahil sa sinabi niya. Alam kong ganoon ang iisipin nilang lahat pero... wala akong paki! Ang kailangan kong gawin ngayon ay kausapin 'yang Yadiel na 'yan para tantanan na ako! Hindi ko na lang pinansin si Trixie. Kinuha ko iyong papel na nakadikit sa board at saka naglakad na. “Tabi!” sigaw ko sa mga estudyanteng naharang sa dinaraanan ko. Sinong hindi maiinis? Umagang-umaga ay sinisira ng Yadiel na 'yan ang araw ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD