CHAPTER TWENTY-TWO

1804 Words
NAPAHAWAK AKO SA PINTO nang makarating ako sa pangalawang palapag. Napahawak din ako sa baywang ko dahil sa sobrang hingal. Hindi ako nagkakamali, nandito nga silang apat sa terasa. Naka-upo 'yong tatlo habang si Noah naman ay nakasandal sa railing ng terasa. May hawak itong DLSR na camera at animoy nagpi-picture. Napansin ko rin si Chef Roi sa gilid nila na nagpe-prepare at naglalapag ng mga pagkain nila sa mesa. Hindi na talaga sila nahiya. Talagang binitbit pa nila si Chef Roi para ipagluto sila ng makakain. Ibang klase talaga ng mga 'to. Kulang na lang ay itakwil ko sila bilang kaibigan, e. "Why did you take so long?" seryosong tanong ni Grae nang makalapit ako sa kanila. “Bakit parang pagod na pagod ka? Hindi ka ba gumamit ng elevator?” singit ni Lliam at saka nilagukan iyong hawak niyang baso ng alak. “Hindi ko alam na napalitan na pala ang venue,” sarkastikong sambit ko sa kanila. “At hindi na talaga kayo nahiya ano? Talagang binitbit niyo pa rito si Chef Roi para ipagluto kayo, ha?!” kalmado ko silang pinagalitan pero ramdam kong alam nila kung paano ako mabwisit sa kanilang apat. “Wala namang ginagawa si Chef, e. At saka kaunti lang naman 'to,” ani Pierre na patawa-tawa pa. “He's on his break, Pierre! At ikaw, kanina mo pa ako binabara, itikom mo nga 'yang bibig mo!” pagdidiin ko na agad niya namang ginawa. Binalingan ko ng tingin si Chef at sinabihan ito na puwede na siyang umalis. Anong kaunti ang pinagsasasabi ni Pierre? Halos mapuno ang mesa dahil sa mga ipinaluto nila, e. “No wonder, she's beautiful!” rinig sambit ni Noah habang nasa camera pa rin ang atensyon niya. Agad namang tumayo si Grae at lumapit kay Noah upang agawin ang camera nito. “Let me see! Let me see! Woah, I agree! Ang ganda niya!” “Do you guys really need a camera to see her? I could see her picking flowers from here. Hhmm, kahit ako ay gugustuhin kong magkaroon ng visitor na katulad niya,” pagsang-ayon din ni Lliam habang nakasandal sa railing. Umupo ako sa tabi ni Pierre at nagsalin ng isang basong alak. “How did you pull this girl? Alam kong hindi ikaw ang tipo ng lalaki na basta-basta na lang nagpapapasok ng babae sa bahay. How did this happen? Does your family know about her?” nagtatakang tanong ni Grae. Nagsimula na ring umupo 'yong dalawa habang nanatili si Noah na nakatayo at nagpi-picture. Kung hindi lang sila dinala ni Pierre dito, hindi sana ako maha-hotseat sa mga tanong nila. Wala ako sa wisyo para sagutin ang mga tanong nila, nakatingin lang ako sa malayo at nag-iisip. I can see Samantha from here. She's smiling. At ang mga ngiti niyang 'yong ang nagpapagaan ng loob ko. Umiling-iling ako dahil sa mga tanog ni Grae. “She's nothing special. Tinulungan ko lang 'yong tao,” malamig na sagot ko. “Ah, yes. Naikwento na kanina sa amin ni Pierre ang nangyari. You framed her up kaya nawala siya sa ranking, dahilan din kung bakit napatalsik siya sa unibersidad ninyo. At nakakatuwa pa riyan ay ikinuwento niya rin kung paano ka niya suntukin sa mukha! Hahahah!” Nagtawanan silang tatlo dahil sa sinabing iyon ni Lliam. Mabuti naman at iyon lang ang ikinwento ni Pierre. Kahit papaano pala ay makakaasa ako sa hinayupak na 'to, e. “Hanggang kailan siya rito? You can't hide that woman here. Malapit na umuwi si ate Yassi,” pagbabanta ni Grae. “Aalis na rin naman siya bukas, e. Matatapos na ang pagiging pilingera niya sa mansion na 'to,” natatawang singit ni Pierre habang kumakain ng mansanas. “I don't understand kung bakit mo siya pinatuloy rito. You're not the type of man that I know, Yaddy. Unless you like her.” Natigilan kaming lahat dahil sa sinabing iyon ni Noah na kasalukuyang nasa camera pa rin ang atensyom niya. Ni minsan ay hindi niya kami binalingan ng tingin. Basta-basta na lang siyang nagsasalita sa gilid. Minsan ay magugulat ka na lang din dahil pasulpot-sulpot siya. “Nakakagulat ka naman, 'tol! Hahaha! Of course he can't do that. Hindi pumapatol si Yadiel sa mga babaeng hindi niya ka-level, 'no? Baka palayasin pa siya ng tatay niya rito kung sakali!” At saka tumawa si Lliam. “Yadiel is like a Disney princess. He really has a strict father, everyone! Hahaha!” pinatungan naman ni Pierre iyong mga sinabi ni Lliam. “How's Miss Sebastian?” Natigil sa katatawa iyong tatlo nang marinig nilang muli si Noah. Sa mga oras na ito ay nakatitig lamang siya sa akin na animoy punong-puno ng tanong ang utak niya. “Could we just eat na lang, Noah? Gutom na gutom na ako, e. Tama na rin 'yang kapi-picture mo riyan at kumain ka na,” reklamo ni Grae bago pa niya kuhanin iyong isang pinggan na naglalaman ng pasta. Naglakad na lang din palapit sa amin si Noah at umupo sa harap ko. Nagsimula na silang kumain habang ako ay naiwan pa rin sa kinauupuan ko. Sobrang dami kong realizations ngayon. Sobrang daming bagay ang sumasagi sa isipan ko, I'm also considering every question na binato nila sa akin. Ano ba talaga ang intensyon ko kay Samantha? Ano ba talaga ang kailangan ko sa kanya at ikinukulong siya sa mga bisig ko? I really don't know the reason. Gusto ko lang naman siyang makita araw-araw. At alam kong hindi iyon sapat na rason para mamalagi siya ng halos higit sa isang araw dito sa puder ko. What's with you, Samantha? Why my eyes keep on looking for you? “I know that you want to see these beautiful pictures, Yaddy.” Ibinigay sa akin ni Noah 'yong isang maliit na SD card na agad ko namang ibinulsa sa pantalon ko. Hinatid ko na sila sa harap. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas ay makaka-alis na sila rito. Mananahimik na rin ang buhay ko. “We'll see you around, buddy! Next time sa place ko naman!” ani Grae at saka nito binuksan ang pinto ng kotse niya. “Really? Sa UAE pa? Do'n ka lang naman nakatira, e. At saka itong si Lliam sa America pa 'yan,” natatawang sambit ni Pierre. “Paano naman 'tong si Noah na taga Italy pa. Hahahah!” singit naman ni Lliam. “Alam niyo naming once in a blue moon lang tayo magkita-kita dahil sa sobrang layo ng tirahan ninyo, e. Ang nakakawindang pa riyan ay ang lalayo pa natin sa isa’t isa,” sambit muli ni Pierre. “You guys are really sick in the head!” walang reaksyong sambit ko at saka nagpakawala ng buntung-hininga. Nagpaalam na sila sa akin isa-isa at saka ko naman sila tinanguan. Sumakay na rin sila sa kani-kanilang mga kotse. At talagang nagbalak pa silang mag-convoy. Ibang klase naman talaga ang mga 'to, nagyayabangan na naman sa daan. Papasok na sana ako sa loob nang biglang bumalik si Noah sa tabi ko upang tapikin ang balikat ko. Napakunot-noo ako dahil sa ginawa niyang jyon. “If that's a game, play your cards well,” malamig na aniya at saka tuluyan na ring bumaba at sumakay sa kotse niya. Bumusina pa ito ng isang beses bago tuluyang mawala ang kotse niya sa paningin ko. Anong ibig niyang sabihin? Nahihibang na ba siya? Minsan hindi ko maintindihan itong si Noah. Pero madalas, lahat ng sinasabi niya ay may sense. Whatever it is, alam kong para sa akin iyong sinabi niya. Maglalakad na sana ako papasok sa loob nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Reign na tumatawag nang makuha ko iyon sa bulsa ko. Hindi na ako nagdalawang isip na patayin 'yong cellphone at nagpatuloy na lamang ako sa paghakbang. I don't want to discuss such things about my life hanggat nandito si Samantha. I want to settle everything bago ako gumawa ng plano para sa kanya. After that, malaya na ako. Magagawa ko na ang gusto ko. Mapipili ko na kung sino ang dapat kong mahalin. Wala nang magdidikta sa akin kung sino ang kailangan kong pakasalan at ibigin. “Nag-enjoy ka ba? Mukhang naparami yata ang bitbit mong mga bulaklak, ha?!” “Oo naman, Butler Eve. Pinuno ko talaga 'tong basket. Ang gaganda ng mga bulaklak, lalo na 'yong mga kulay rosas.” “Halata ngang hindi ka mahilig sa kulay rosas! Hahaha!” Nadatnan ko sila Butler Eve at Samantha na nagkukuwentuhan sa sala. Naroon sila malapit sa sofa at nag-aayos ng mga bulaklak sa vase. Hindi mawala-wala ang kanina pang nakangiting mga labi niya. They're red, and sweet like a flower. Hindi ko masabi-sabi sa kanya na bagay niya ang suot niyang dress. Simple pero napakaganda niya. “Yadiel,” Kumurap-kurap ako nang tawagin ni Samantha ang pangalan ko. “Ye-Yes?” “Kanina ka pa riyan?” tanong niya at lumapit sa akin. “I picked you some flowers. Hope you like it.” At saka niya iniharap 'yong tatlong pulang rosas sa akin. Agad ko namang tinanggap iyon. “Thank you.” Nginitian niya lang ako at saka humakbang na palayo sa akin. “Butler Eve, akyat na po ako,” paalam niya kay Butler Eve. “Sige, magpahinga ka na.” Bakit hindi siya sa akin nagpaalam? Bakit kay Butler Eve lang? Ang daya naman! “Ah, Butler Eve. Kumain na ba kayo? Baka hindi pa kumakain si Samantha,” nag-aalalang sambit ko. “Kumalma ka. Kumain na kami sa garden. Inaaya ko siya kanina rito sa loob pero tumanggi siya dahil may mga bisita ka raw. At mas gusto niyang samahan 'yong mga farmers na kumain. Wala ka namang dapat ipag-alala, malinis at maayos ang mga pagkaing inihanda namin. Nabusog naman siya. Ayon nga lang, napagod kaya gusto na niyang magpahinga,” pagpapaliwanag nito na agad ko namang tinanguan. “Ma-May iba pa ba siyang kailangan?” “I guess, wala na. Gusto niya na raw matulog,” sagot naman nitong muli. “Butler Eve. Magugustuhan niya kaya kung... kakain kami sa labas mamaya? Like, dinner... hhmmm...” “Dinner date?” Umiling-iling ako na animoy kunwari na hindi iyon ang gusto kong iparating. “Naku, Yaddy, alam ko na ‘yan. Samantha is a simple woman. Ang maisa-suggest ko ay mag dinner na lang kayo sa terasa. Huwag kang mag-alala, sasabihan ko si Chef Rio at ‘yong ibang mga maids na ayusin at pagandahin iyong terasa. Dinner date ba kamo? iyan ang bahala iyan!” nginitian niya ako at saka muling ibinaling ang atensyom sa mga bulaklak. Wala sa sarili na lang akong ngumiti at nagsimula nang maglakad. I want to prepare something special for her before she leaves. The one that she will remember.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD