CHAPTER TWENTY-ONE

2000 Words
WALA SA sarili akong napangiti nang humarap ako sa salamin. I am wearing a simple summer dress na kulay pink at pulos bulaklak ang design. Since, ito na ang huling pamamalagi ko sa mansion nila, nag-request ako kay Butler Eve ng ganitong kasuotan. Para mas maganda ang awrahan ko ngayon ay umupo na ako sa harap ng salamin at naglagay ako ng pearl earrings ganoon din ng kwintas. Tama kayo, galing lahat ito kay Butler Eve. Mami-miss niya raw ako kaya gusto niya raw na mayroon siyang maibigay sa akin para maalala ko siya. Inipitan ko rin ng kalahati ang mahaba kong buhok gamit niyong ipit na ribbon na kulay pink. Mahilig talaga ako sa pink dahil sa tingin ko ay dito nae-emphasize ang pagkabab*e ko. I love being a woman. Tumayo akong muli sa full-bodied mirror upang tingnan ang histura ko. Wala sa sarili akong napangiti. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakapag-ayos ng ganito. Hindi talaga ako nagsusuot ng mga pambabaeng damit dahil hindi ako ganoon kakomportable at wala akong self-confidence. Pero ngayon, biglang nagbago ang tingin ko sa sarili ko. Para akong isang... Isang bulaklak na nadiligan. Bago tuluyang lumabas ng kuwarto ay kinuha ko 'yong basket na nakapatong sa kama. Inaya ako ni Butler Eve na tumulong sa pagha-harvest ng mga bulaklak sa garden. Isa iyon sa mga gustong-gusto kong gawin. Mahilig ako sa mga bulaklak. At dahil nasa apartment ako, wala naman akong mga bulaklak na nakikita at maha-harvest doon. Sama ng loob, oo, puwede pa. Magiging abala rin daw si Yadiel kaya baka hindi niya rin daw ako maasikaso kaya minabuti ni Butler Eve na may magagawa ako ngayon na ikasasaya sa mansion. Sa pagkakaalam daw ni Butler Eve ay mayroong mga bisita si Yadiel na darating sa mansion kaya mas maiging sumama na lang daw ako sa kanya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nakangiti habang bumababa ng hagdan. Baliw na ba ako? Hindi maalis ang ngiting naka-plaster sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay sobrang ganda ng gising ko. Pakiramdam ko ay sobrang saya at gaan ng puso ko. “What's with the smile?” Napalingom ako sa nagsalita nang makababa ako ng hagdan. Kanina pa ba siya sa sala? Sa sobrang haba ng hagdan at tagal kong bumaba ay hindi ko siya nakita. Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Naka-upo siya sa sofa, isang tasa ng kape sa gilid niya, at may hawak itong isang magasin habang nakadekwatro. “A flower dress. A pink flower dress, really?” napangiti rin ito sa mga sinabi niya habang nakatingin sa akin. “Hi-Hindi ba maganda?” Unti-unting naglaho ang nakangiti kong mga labi. “N-No. That's not I mean. It's perfect. You are perfect, Samantha.” Napahigpit ang hawak ko sa basket na bitbit ko. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi. Pakiramdam ko ay kaunti na lang ay sasabog na iyon sa sobrang init. Bigla akong nahiya. I've never been called that way. But thanks to him, na-appreciate ko ang sinabi niya. I will take that as a compliment. “It's just... natatawa lang ako. No, that's not the right term. I don't want you to be upset,” natatawang aniya at sandaling itinuro 'yong suot ko. “Alam ko na ang nasa isip mo,” sagot ko at saka ito inirapan ng tingin. Akala ba niya hindi ko mababasa ang isip niya? Oo na. Totoo naman na para akong isang bulaklak na nadiligan. At totoo 'yon. He didn't know how much I enjoyed it. I love how he did it. “You are really in a full bloom, Samantha.” Sa mga oras na 'to ay seryoso na ang hitsura niya. Nakatingin pa rin siya sa akin, hindi na sa dress na suot ko, kundi sa mga mata ko na. Kahit medyo malayo ang distansya naming dalawa sa isa't isa ay kitang-kita ko pa rin ang maitim niyang mga mata. At kung paano ako kuryentehin ng mga ito. “Uhm. Sa-Sasama ako ka-kay Bu-Butler...” “Hahaha! Why are you stuttering? Calm down. Speak slowly.” Wala sa sarili siyang napangiti bago higupin ang kape nito. Napa-iwas ako ng tingin sa kahihiyan. “We're going to harvest... sa garden.” “Okay, that's good. Magiging abala rin naman ako ngayon kaya hindi kita maaasikaso. My friends will be visiting today. I told them that I already have a visitor, but they insisted to go anyway.” “Yo-You don’t have to worry about me. I'll be fine with Butler Eve,” kalmadong sambit ko. Aalis na sana ako nang makita ko siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at maglakad palapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na gagawinn niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at saka mariin na hinalikan sa labi. Wala sa sarili akong napapikit nang tumagal iyon ng ilang segundo. Pakiramdam ko ay nagsisimula nang mamula at uminit ang mga pisngi ko. Kinikilig na rin ang buong katawan ko. I'm craving for his touch. Gusto kong hawakan at haplusin niya ako habang hinahalikan. Iyon na ang pinaka-sweet sa lahat, ang halikan niya ako sa labi. “I hope you enjoy, Samantha,” aniya at saka bahagyang inilayo ang mukha niya sa akin. “Thanks.” 'Yon na lamang ang tangi kong naisagot sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa harapan niya. Dapat ay nagsisimula na akong mainis sa kanya. Dapat ay nagsisimula na akong tumalak nang tumalak dahil sa pagiging antimpatiko niya. Hindi ko siya gusto. At magpakailanma'y hindi ko siya magugustuhan. Ito ang mga salitang kailangan kong panghawakan. “O, Samantha, ready ka na ba?” Napalingon kami ni Yadiel nang biglang dumating si Butler Eve. Nakasuot ito ng pang-garden. Hindi naman talaga ako actually magha-harvest. Kukuha lang ako ng mga gusto kong bulaklak kaya ganito ang outfit ko. “Hindi ba halata, Butler Eve,” natatawang sambit ko at saka ako wala sa sariling umikot na animoy ifini-flex ang suot kong summer dress sa harapan nila. Bigla akong natigilan. Hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ko. Nakakahiya kay Yadiel. Napansin kong nagkatinginan sila ni Butler Eve. Mariin namang ngumiti si Yadiel na animoy nagsasabing ‘it's fine’. Ako naman itong echosera na gina-gaslight ang sarili ko. “O, ano pang hinihintay natin? Tara na! Gaya mo ay excited na rin ako magpitas ng mga bulaklak at tulungan ang mga harvester natin sa garden.” Nagsimula na kaming maglakad ni Butler Eve patungo sa labas. Napansin ko ring nakasunod lang si Yadiel sa likuran namin. Huminto na lang ito sa pinto nang makalabas na kami. Tinulungan naman ako ni Butler Eve na makasakay sa electric cart. Si Butler Eve naman ay nasa driver's seat na rin. Siya kasi ang magmamaneho niyon patungo sa garden. Bago kami tuluyang makaalis ay sandaling nagtama ang mga tingin namin ni Yadiel. Seryoso lang ang tingin niya at ganoon din ako sa kanya. Ang mga mata niya ay nangungusap ngunit hindi ko mawari kung ano 'yon. YADIEL HART'S POV “THAT WAS COOL!” rinig kong sambit ni Pierre nang maibaba niya sa maliit na mesa 'yong drumsticks niya. “I didn't expect that coming out, Yadiel! Hahaha!” natatawa pang bulyaw ni Grae nang hugutin nito 'yong mga saksakan ng instrumento namin. "Of course, expect something amazing from him. He wasn't born to give you a boring guitar solo, you freak! He's not a guitarist for nothing," natutuwang singit naman ni Lliam habang nagsasalin ng alak sa mga baso namin. “And he just did it in finger style,” patangu-tangong sabi ni Noah. “Tell us, how long you've been practicing those chords?” “It's been a month now. Come on guys, I was bored when I created those chords. There's nothing cool about it,” natatawang tugon ko sa lahat ng sinabi nila sa akin. Ibinaba ko 'yong electric guitar sa stand nito at saka humarap sa kanila. “Want something to eat?” “To drink!” sabay-sabay nilang sambit na apat. “Okay, fine. Wait me at the third floor,” “Golf room, isn't it?” ani Grae na animoy nakalimutan na kung saan ang tutunguhin namin. Ikinatango ko naman ang pagtanong niyang iyon. “Parang hindi na kayo nasanay. We used to play indoor golf after tugtugan sa studio, you know! So, we could spend time to each other.” Inakbayan ni Lliam si Grae nang matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. “No. Tinatago lang tayo ni Yadiel sa visitor niya.” Inirapan ko nang tingin si Pierre sa gilid ko nang banggitin niya iyon. Isa rin tong panira ng plano, e. Ayokong makita nila si Samantha dahil aasarin lang ako ng mga mokong na 'to. At baka bigyan lang nila ako ng sakit ng ulo or much more pakialaman lang nila ang buhay ni Samantha na nananahimik sa mansion namin ngayon. “Tinatago? A visitor?” nakakunot-noong tanong ni Noah. “Who's he?” “You mean, who's she?” natatawang sagot ni Grae sa tanong ni Noah. “The f*ck, man! Nag-uuwi ka ng babae rito? Kailan pa?!” hindi makapaniwalang ani Grae. “Truly a man indeed. I'm proud that you're my friend. Where is she? What's her name?” sunod-sunod na sambit ni Lliam. Nagpakawala ako ng buntong hininga at sandaling huminto sa harap nila. Heto na nga ang kanina ko pang sinasabi. Maling-mali na pinatuloy ko pa 'tong apat na mokong na 'to sa pamamahay ko. "Stop asking me about her because I will not provide you with any details. Wait for me in the golf room, and I will prepare the liquor and food you need. I'm giving you an order to stay in the room and not go anywhere else. And promise me you won't cause any trouble. Is that clear?" seryosong pag-uutos ko sa kanila. Nagdikit-dikit sila na animoy kunwaring natakot sa pagababanta ko. “Clear!” sambit niyong tatlo maliban kay Pierre. Bahagya akong naglakad papunta sa elevator at saka ko pinindot iyong button upang buksan 'yong pinto nito para maka-akyat na sila sa itaas. “What if we could—” hindi naituloy ni Pierre ang sasabihin niya nang itaas ako ang kamay ko upang pahintuin ito sa pagsasalita. “What if hampasin kita ng dos por dos para matigil na 'yang bunganga mo kakadada!” at saka ito pinaningkitan ng tingin. “Boys, tara na sa golf room!” aniya at saka nito hinila sina Grae, Lliam at Noah sa loob ng elevator. Wala sa sarili akong napabuntong-hininga dahil sa katigasan ng ulo ng apat na 'yon. Problema ko na nga si Pierre, dumagdag pa 'yong tatlo. Nag-iiba talaga ang sistema namin kapag magkakasama silang apat. Wala naman akong problema kay Noah, higit sa siya ang keyboardist ng banda, siya rin ang madalas na tahimik at walang paki sa grupo. 'Yong tatlo naman na si Pierre (Drummer), Grae (Lead singer) at Lliam (Bassist), hindi ko alam kung saang elemento sila pinaglihi. Magkakadikit kasi ang mga utak at bituka nila. Sila-sila lang ang nagkakasundo sa mga trip nilang nakakabadtrip. “Young master, hindi raw po bukas ang golf room nang maitawag ko po sa mga maids sa third floor. Wala rin daw pong nag-check-in doon.” “What?!” nakakunot-noong tanong ko sa isang maid nang utusan ko ito kanina na ihatid na lahat ng pagkain sa itaas. “That's impossible. I told them to wait for me—” Wala sa sarili akong napahinto nang mapagtanto ko na baka naglibot sila sa mansion. “Never mind, Manang. I'm going to go find them.” Tumalikod na ako at saka nagsimulang maglakad sa mga lugar na posible nilang puntahan. Huwag ko sana silang madatnan sa ikalawang palapag sa terasa dahil iyon ang alam kong paborito nilang spot upang makita ang kabuuan ng bakuran. Sakop niyon ang pool area sa ibaba pati na rin ang garden sa hindi kalayuan. They will probably see Samantha if that happens.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD