CHAPTER TWENTY-THREE

1974 Words
WALA SA sarili na lang akong nagising sa pagkakatulog. Nang sulyapan ko iyong katabi kong maliit na orasan ay nakita kong mag-a-alas syete na ng gabi. Ganon ba katagal ang tulog ko kanina? Sa pagkakaalam ko ay nasa ibaba ako kanina kasama si Butler Eve na nag-aayos ng mga bulaklak sa sala. Pagkatapos niyon ay nakita ko rin si Yadiel na nakatingin sa amin. Ang huli ko na lang natatandaan ay inihiga ko na ang sarili ko sa kama at natulog na. Hindi pa ako bumangon. Niyakap ko ang unan sa tabi ko. Naamoy ko ang perfume ni Yadiel na naiwan sa unan. I could smell his body too. Iniisip ko ngayon kung ano ba ang nasa isip ni Yadiel pagkatapos naming gawin ang mga bagay na 'yon. Nasiyahan ba siya? Nagustuhan kaya niya? O sadyang parang wala lang ang lahat ng nangyari para sa kanya. He acted like a total normal person earlier. Ngunit iyong halik na iniwan niya sa mga labi ko, umaasa akong may ibang ibig sabihin 'yon. Mayroon nga ba? Napalingon ako sa gawi ng pinto nang may marinig akong kumakatok. Tumayo ako at binuksan iyon. Bumungad sa harapan ko si Butler Eve na nakangiti. “How was your sleep? Dinner is ready.” Nginitian ko lamang ito at tinanguan. “Susunod na lang po ako sa ibaba.” At saka ako humikab sa harapan niya na ikinatawa nito. “You didn't get enough sleep, I see. Kuhanin mo 'to. Yadiel has prepared something very memorable and special for you.” Itinaas niya 'yong isang paper bag. May nakasulat doon na isang mamahaling brand kaya sa tingin ko ay sobrang mahal niyon. “Para sa akin po?” bahagya pa akong natawa dahil hindi ako makapaniwala. “Yup! Isuot mo 'yan. Hihintayin kita rito sa labas hanggang sa matapos kang mag-ayos. Take your time, Samantha.” Wala sa sarili na lang ako napatango at kinuha iyong paper bag. Sandaling nagpaalam si Butler Eve. Nang maisara niya iyong pinto ng kuwarto ko ay mabilis kong tiningnan ang laman ng paper bag. “Woah! Ang ganda!” Natuwa ako nang maiangat ko sa ere 'yong isang long fitted dress na kulay black at silver. Kumikinang iyon sa sobrang ganda. Anong mayroon? Bakit kailangan ko pa itong isuot sa dinner? Hindi lang dress ang naroon sa paper bag. Mayroon ding box of jewelries at isang box din ng high heels. Is he serious for this? Naguguluhan ako sa mga oras na 'to pero mukhang nakaka-excite naman siya. Excited nga akong isuot ang mga ito. Bagay kaya sa akin? Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagsimula na rin akong kumilos. Naligo na ako, nakapagpatuyo na rin agad ng buhok at nakapag-make-up na. Itinaas ko na rin iyong zipper ng dress sa likuran ko at isinuot na 'yong high heels na hindi masyadong kataasan, kumbaga ay sakto lamang iyon para sa height ko. To finalize my look, kinuha ko 'yong perfume at in-spray iyon sa leeg at wrist ko. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa aking repleksyon sa salamin. I was wearing light makeup; I tied my hair back to make it look cleaner and more elegant. Bagay rin iyong mga silver jewelries na nakakabit sa magkabilang tainga ko, sa leeg at sa wrist ko. Hindi ako makapaniwala na magmumukha akong babae dahil dito sa suot. Babae naman talaga ako pero ibang-iba talaga pag naayusan na. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Yadiel? Magugustuhan kaya niya ang hitsura ko? “Sa-Samantha?” nakangangang banggit ni Butler Eve sa pangalan ko. “Butler Eve, it's just me. Huwag niyo na akong asarain, oh!” natatawang sambit ko nang makalabas ako ng pinto. Alam kong kanina pa siya naghihintay sa akin. “Samantha, you look so gorgeous!” aniya na halos hindi matanggal ang naka-plaster na ngiti sa kanyang labi. “Let's go?” anyaya niya at saka nito inalok ang balikat niya upang makapitan ko. Sumakay kami ng elavator at agad din kaming lumabas sa ikalawang palapag. Madilim doon at wala akong makita kaya sobra ang pagtataka ko kung ano nga ba ang mayroon ngayong gabi. May celebration ba? Birthday? “I am sorry but I was tasked na iwanan ka na rito.” “Ba-Bakit ho, Butler Eve? So-Sobrang dilim, e. Ano ho ba talaga ang mayroon ngayon? Kinakabahan po kasi ako.” Nginitian niya ako. “I am sorry, but I have to go. I hope you enjoy this night.” Tumalikod na ito at saka naman nagsara iyong pinto ng elevator. Nagsimula akong humakbang nang dahan-dahan upang malaman ko kung anong mayroon. Wala sa sarili akong napabalikwas nang biglang bumukas ang mga ilaw. Ang ganda. May mga bulaklak din na nakapaligid sa akin. Napansin ko iyong mga petals ng mga bulaklak na nagkalat sa sahig na animoy pattern na nagbibigay ng signal na sundan ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinundan ko iyong mga petals sa sahig. Hanggang sa makarinig ako ng isang romantic music na tumutugtog. Habang papalapit ako nang papalapit ay mas naririnig ko ito nang maayos. Hanggang sa makita ko si Yadiel na nakatayo sa terasa. Kagaya ko ay nakapag-ayos din siya. He's wearing a plain white long-sleeved na polo at black pants. Nakapamulsa itong nakatingin sa akin ng seryoso habang may hawak na isang bouquet ng bulaklak sa kaliwa. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa nang bahagya akong makarating sa harap niya. “What's happening?” hindi makapaniwalang sambit ko. May isang mesa sa gitna na good for two persons. Sobrang dami ring mga kandila na ibat ibang kulay sa paligid. Talagang pinaghandaan ito. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya ang mga bagay na 'to. “You're so beautiful in that dress, Samantha.” Dahan-dahan itong lumapit sa akin at mariin akong hinalikan sa pisngi. Bahagya naman akong napapikit dahil sa ginawa niya. Naramdam ko ang pagdampi ng malambot niyang labi sa aking pisngi. Ang sarap niyon sa pakiramdam. “Thank you,” sambit ko nang ibigay sa akin ni Yadiel iyong isang bouquet ng bulaklak. Ipinaghila na rin niya ako ng upuan sa mesa. Siya na rin mismo ang naglagay ng table napkin sa hita ko. Sandali kaming natigilan nang maramdaman ko ang mabigat niyang palad sa aking hita. Bumibilis talaga ang t***k ng puso ko kapag sobrang lapit nya sa akin at kapag nagtatama ang mga balat namin sa isa't isa. “Maybe you are wondering,” nakangiting aniya nang maka-upo ito sa upuan niya. “Butler Eve planned all of this. I want to give you something memorable and special before you leave. Kaya naisipan kong humingi ng suggestions kay Butler Eve and he came up to this. It's perfect, right?” “Wh-Why?” naglaho ang mga ngiti sa labi ko. “Why? You didn't like it?” “N-No, I like it. Why are you doing this to me?” Ang kaninang nakangiting Yadiel ay napalitan ng pagkaseryoso. He closed his hands and stare right into my eyes. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan bago niya sagutin ang tanong ko. “Gusto ko lang bumawi. Alam ko ang mga nagawa kong mali sa iyo, Sam, at hindi iyon makaturangan. Sinira ko ang reputasyon at dignidad mo sa unibersidad na 'yon at alam ko ring hinding-hindi ko na mawawala sa isip ng mga estudyante ang mga nangyari. I am very sorry, Samantha.” Napa-iwas ako ng tingin dahil sa mga sinabi niyang iyon. Hindi ko na naisip na makakabalik pa ako sa unibersidad na 'yon. Ang gusto ko na lang mangyari ay mamuhay ako ng mapayapa. At gusto ko ring malaman kung bakit ganito ang trato niya sa akin, at kung bakit siya nagpapakita ng kabutihan sa akin. Everything is questionable when he entered my life. Hindi ko alam ang mga sagot kung bakit niya ako hinahalikan at hinahawakan. What's his reason? Is it for his own convenience? If that so, napaka-antimpatiko niyang lalaki. Walang siyang katulad sa mga lalaking nasa bar na walang ibang ginawa kundi humawak ng ibat ibang babae at paglaruan lang. “You didn’t answer my question, Yadiel—” “What answer do you need, Samantha?” “So, 'yon lang ba talaga ang rason mo kung bakit mo 'ko tinatrato ng ganito? Ang bumawi sa lahat ng kagaguhang ginawa mo sa akin? 'Yon lang ba talaga?” Nakatingin lang sa akin si Yadiel ng seryoso at saka hindi ito umimik. “Simula pa no'ng una, duda na ako sa iyo, e. I know that there's something wrong with you. Inaamin ko na nag-e-enjoy ako kapag kasama kita but at the same time ginugulo mo ang utak ko! Yadiel, hindi ko maintindihan kung gusto mo 'ko o hindi!” pagpapatuloy ko. Kaunti na lang ay baka sumabog na ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Okay pa ako kaninang umaga ngunit biglang nagbago ang mood ko. Hindi ko mapigilan ang mga salitang sumisiksik sa utak ko. Ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay maka-usap ng masinsinan si Yadiel. Sandali akong nag-iwas ng tingin. Malamig at mahangin dito sa terasa ngunit naiinitan ako sa kinauupuan ko. “Why did you f*ck me?! Is it because iniisip mo lang ang sarili mong kaligayahan —” “That's not it, Samantha! Hindi mo alam ang nararamdaman ko and you don't have the right to say that to me—” “Then why?! Lintik na nararamdaman 'yan! I can't even understand you!” Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Hindi ko na rin naiwasang hindi mapasigaw. Nagpapalitan na rin kami ng mga salitang hindi naming inaasahang lumabas sa mga bibig namin. Sandali akong naglakad papunta sa railing at tumalikod sa kanya. “I'm a virgin, Yadiel.” “Wha-What?!” rinig ko sa boses niya ang pagkagulat. “What did you say?!” “I didn't regret anything, though.” “F*ck, Samantha, why didn’t you even tell me that you’re a virgin?!” pasinghal na sambit niya. Nabigla rin ako nang padabog din siyang tumayo mula sa kinauupuan niya. “I feel so reckless, d*mn it!” mahinang bulong niya sa kawalan at saka mariin niyang sinipa iyong upuan. “And you know what’s unbelievable, Yadiel? I enjoyed your company. I kept on looking for you, craving for you. Kahit ang sarili ko ay hindi ko maintindihan kapag nakaharap ako sa iyo, e. My brain can't function when I'm with you.” Humarap ako sa kanya. “Kaya huwag mong sabihin sa akin na wala lang 'yong nangyari. Alam kong pareho lang tayo ng nararamdamn, Yadiel.” Tumayo ito at lumapit sa akin. "That was exactly what I wanted to tell you, Samantha. From the very first day I bumped into you when you were cleaning the lobby, I knew there was something about you that I wanted to know more about. You already had my attention. When I bumped into you again at the university library, I felt like I had won the lottery because I finally got to see you again. All I really wanted was to know you more and get close to you, but all I did was cause you trouble. I keep looking for a woman like you, Samantha. And now that you're here with me, for Pete's sake, I don't want to lose you." Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa mga katagang binitiwan niya. Hindi ko rin inaasahan na magmumula ang mga salitang iyon sa kanya. Gusto kong maiyak, gusto kong ngumiti, ngunit halo-halong reaksyon at emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. “Give me a chance to prove myself to you, Samantha.” Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan iyon. Mayamaya pa ay mayroon itong inilabas na isang maliit na box. Nang buksan niya iyon ay wala sa sarili akong napasingjap nang makita ko ang isang diyamanteng singsing na kumikinang. “A-Ano 'to? Ba-Bakit may singsing?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD