CHAPTER TWO

1665 Words
UMAYOS na kami nang upo nang makita namin ang pagpasok ng aming guro sa loob ng silid. “Please get ready for the exam. I will give you five minutes to prepare.” Binasa kong muli ang mga reviewer ko. Matagal ko nang pinaghandaan ito kaya iyong iba ay pamilyar sa akin. “Bring out your pens. Please strictly no copying and cheating,” pagpapaliwanag ng aming guro habang idini-distribute ang mga exam papers sa amin. “I will give you an hour to finish the eighty items on your papers. Time starts... now! Good luck everyone!” Nagsimula na agad ako sa pagsasagot dahil napakaraming tanong ang kailangang sagutan. Multiple choices naman kaya kahit papaano ay may pag-asa pa. 'Yong iba naman ay identification. Napaghandaan ko ang pagsusulit na ito kaya hindi ako masyadong nahirapan may mga tanong na hindi pamilyar sa akin kaya bahala na si batman. At sana mairaos ko ang exam na ito. Natapos ang aking pagsasagot sa ikawalompung aytem sa exam paper nang saktong tumunog na rin ang bell ng eskuwelahan hudyat na nagtatapos na ang unang klase. “Time is up! Pass your papers in front!” Tumayo na ako at ipinasa ang aking papel. Kinakabahan ako sa maaaring resulta ng exam. Huwag lang talaga akong bumagsak dahil masisira ang pinakaiingat-ingatan kong grado upang hindi mawala ang scholarship ko. “Dalawang oras ang bakante natin, saan kayo ngayon?” rinig kong tanong ni Rio. Isa sa mga kaibigan namin ni Franzel. Mabubuti silang tao ngunit isa siya sa maraming bisyo. “Aakyat kami sa rooftop, gusto niyo sumama?” “I will pass for now, may tuturuan pa ako sa kabilang building, eh,” sagot ni Franzel. “Ikaw ba, Sam? May trabaho ka ba?” “As usual, kailan mo ba hindi nakitang abala si Sam sa trabaho?” singit naman ni Kian, siya ang boyfriend ni Rio. Sa totoo lang isang grupo kami ng magkakaibigan. Masaya dahil sinusuportahan namin ang isa't isa. “Sama ako sa rooftop, ha? Marami na namang pogi roon!” nakangusong tugon ni Melvs, siya ay isang silahis. Lalaki siya ngunit may pusong babae. At wala kaming problema roon. “Kita na lang tayo sa susunod na araw,” katuwiran ko at isinukbit na iyong bag ko sa balikat. “Sabi mo 'yan, ha! Kundi magtatampo na talaga kami sa inyo ni Franzel!” pagpapatuloy ni Rio. “Bye na! Mauna na kami!” Kinawayan ko na lang ang mga ito nang tumalikod na sila sa amin. “Ingat kayo!” Napabuntong-hininga ako at nagsimula na ring magmartsa patungo sa library. May maliit na sahod kung mag-a-apply ka ng posisyon dito. Sinubukan ko naman ngunit wala pa talaga silang update kung tanggap ba ako o hindi. “Magandang umaga po. Ako po 'yong nag-apply rito noong isang araw,” panimula ko nang makalapit ako sa desk ng librarian. “Ikaw ba si Samantha Rivera?” Tumangu-tango ako. “A-Ako nga ho, ma'am.” “Kahapon pa kita hinahanap. Puwede ka nang magsimula ngayon. Maraming librong aayusin doon sa dulo,” Itinuro pa nito iyong daan. “Sana matapos mo ang mga iyon ngayon mismo. Iyon kasi ang mga gagamiting libro ng mga exchange students bukas. Kakayanin mo ba?” Awtomatiko akong napangiti. “Baka nga ho kulang pa ang mga iyon!” pambibiro ko. “Ikaw talaga! Sige na, ilagay mo roon 'yong bag mo at puwede ka nang magsimula!” “Salamat po, ma'am!” Nang mailapag ko ang mga gamit ko ay mabilis akong kumilos patungo sa dulo ng silid. Kinuha ko iyong cart na malapit sa tabi ko upang magamit iyon sa paglalagay ng mga bagong libro. Para din hindi na ako pabalik-balik dahil sobrang daming shelf ang mayroon ang library na ito. Nakarinig ako ng mga kaluskos kaya binagalan ko ang paglalakad ganoon din ang pagtulak ko sa cart. Hindi lang kaluskos iyon kundi mahihinang ungol na nanggagaling sa likod ng shelf na kinatatayuan ko ngayon. Napakunot-noo ako. Dala na rin siguro ng pagtataka kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto na lamang ako nang madatnan ang dalawang estudyanteng may ginagawang milagro. Naghahalikan sila at halos matanggal na ang suot na uniporme niyong babae. Nanlaki ang mga mata ko. Bahagya akong nanginig at kinilabutan sa mga nakikita ko. Humigpit din ang pagkakahawak ko sa cart. Paano nila nagagawa ang ganitong mga bagay sa eskuwelahan? Napahinto sila sa ginagawa nila at napalingon sa akin. Mabilis silang kumilos. Iniayos nila ang pagkakasuot sa kanilang uniporme at agad na dinampot ang kanilang mga bag. Dali-dali silang tumakbo at nilisan ang lugar na ito. Hindi nila siguro akalaing may makakahuli sa ginagawa nila. Kahit ako ay nagulat at nawala sa sarili. Ngunit may kakaibang saya sa katawan ang aking naramdaman. I have never done it before. Ako ay naguguluhan kung ano ang kanilang nararamdaman sa mga oras na iyon. “Mi-Miss...” Napabalikwas ako dahil sa nagsalita sa gilid ko. Nilingon ko ito at nginitian. “Naghahanap po kasi ako ng mga literary books. Saan ko po kaya makikita ang mga iyon?” salaysay nito. “Baybayin mo lamang ang daan na iyon at saka kumanan ka sa ikatlong shelf. Naroon ang mga hinahanap mo,” pagbibigay ko ng direksyon sa kanya. “Salamat,” Tinanguan ko na lang ito at bumalik na ako sa pagtatrabaho. Binuhat ko ang mga libro sa cart at nagsimulang itulak iyon. Dahil mga history books ang aayusin ko ngayon ay napadpad ako shelf ng mga history na libro. Isa-isa kong iniayos ang mga libro doon. Medyo marami-rami kaya nakakapagod. May bakante pa sa taas ng shelf, upang maabot ko iyon ay kailangan ko ng hagdan. Sakto namang may hagdan sa gilid kaya iyon ang ginamit ko para mailagay ang mga libro sa itaas. Takot ako sa mga matataas ngunit kailangan kong labanan ang takot ko para lamang sa trabahong ito. “E-Excuse me... where can I find this kind of book—” Kasalukuyan akong nasa itaas ng hagdan. Paglingon ko roon sa lalaking nagtatanong ay bigla akong nawalan ng balanse. Naihulog ko na ang mga librong hawak ko kaya sa tingin ko ay mahuhulog na rin ako. Wala sa sarili na lang akong napapikit nang may isang taong sumalo sa akin. Napahigpit ang kapit ko sa balikat niya kaya hindi ko namamalayang nagugusot ko na iyong damit niya. “A-Are you okay?” Malamig na boses ang narinig ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata upang makita siya. Nagtama ang mga paningin naming dalawa. Iyon na yata ang unang pagkikitang hindi ko inaasahan sa buong buhay ko. Agad akong lumayo sa kanya at inayos ang damit ko. “Pa-Pasensya ka na! Hi-Hindi ko naibalanse 'yong mga paa ko kaya nahulog ako. Salamat din pala sa pagsalo mo...” mahinang sambit ko habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko. "It's a good thing you didn't fall on the floor. Be careful next time." Tumango ako at sandali itong pinagmasdan. Parang pamilyar sa akin ang mukha niya. Kung aalalahanin ko nang maayos, siya iyong Presidente ng Student Council dito sa unibersidad at siya rin iyong sikat na gitarista rito. Kinababaliwan siya ng lahat. Kahit sino ay naaakit sa kanya. Kahit ako rin naman ay gustong-gusto siyang makita sa malapitan. Ngayon ay totoo na, nakakausap ko na nga siya at higit pa riyan ay kami lang dalawa. “Tulungan na kita. Bago ka lang ba rito?” aniya habang pinupulot isa-isa ang mga librong nagsihulugan kanina. Iyon na lang ang natitirang libro sa cart. Mailagay ko lang ang mga iyon sa shelf ay tapos na ako. Ngunit sa tingin ko ay siya na ang gagawa niyon. “O-Oo, bago lang ako rito. Ngayon lang din ako natanggap. Salamat sa tulong mo, ha!” tugon ko sa kanya nang makababa ito sa hagdan. "You're Samantha Rivera from Class A, right? A candidate for magna c*m laude?" Bahagya akong napangiti. “Hindi ko naman hinahangad iyon. Pero pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko.” Nagtama ang mga paningin namin. May kakaiba sa mga mata niya. Tila natutukso ako na hindi ko mawari. Sa bawat pagngiti niya, may kislap ang mga iyon. Ngayon ko lang siya pinagmasdan nang malapitan. “That's good. Keep up the good work!” Bago siya umalis ay sandali niya akong nginitian at tumalikod na. Ngunit tila may bumulong sa aking pahintuin siya. “Sa-Sandali! May hinahanap kang libro, 'di ba?” Nilingon niya akong muli. “Hhmm... yeah!” Lumapit siyang muli sa akin. “I am just wondering if I could find something like this here in our school library.” Ibinigay niya sa akin iyong maliit na libro na hawak niya. Laking gulat ko na lamang nang mabasa ko ang pamagat ng libro pati na rin ang book cover nito. Awtomatiko akong nag-angat ng tingin sa kanya. “This kind of book is prohibited in our school library, Mr. President. It is an erotic-romance book and I hope you know that!” bulyaw ko sa kanya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko dahil sa gulat. Ikinangisi niya iyong asta ko. “You are too serious, Sam.” Binawi niya sa kamay ko iyong libro. “Okay. I just want to read some love stories. Is that not a allowed?” “Eh, 'di sana naghanap ka sa book store!” Naaalibadbaran ako sa tuwing ngumingisi siya. Tila tumataas ang mga balahibo ko. Ano bang mayroon sa isang katulad mo, Yadiel? Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko at bahagyang ngumiti nang nakakaloko. "You look cute when you're angry. But you're even cuter when you smile at me." Hinawi nito ang buhok ko at inilagay iyon sa likod ng tainga ko. Lumapit siya roon at bumulong. “I will see you around, Sammy girl,” mahinang bulong nito at saka nagmartsa palayo sa akin. Naiwan akong nakatulala sa hangin. There is something whenever he is serving me that kind of style. Kung ano man ang ibig niyang sabihin, sana huwag akong guluhin ng utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD