CHAPTER ONE

1407 Words
“SAM, how are you? You haven't been home in weeks. Don’t stress yourself out, okay? Mommy is always here for you.” I sighed as I brushed my teeth in front of the mirror. I am just listening to my mom’s voice on the phone line. Madaling araw na akong naka-uwi galing sa trabaho kaya mga ganitong oras lang din tumatawag ang aking ina upang i-tsek kung maayos ba ang kalagayan ko. “By the way, Drei has just moved to a new school. Your brother is having a hard time because he doesn't have any friends there.” Anak ni mama si Drei sa pangalawang asawa niya. Hindi ko sukat akalaing masisira ang pamilya ko ngunit wala naman akong pinagsisisihan dahil nariyan pa rin si mama upang gabayan at suportahan ako. “If you have time, could you visit here even just for a day? I really miss you, anak.” Nagmumog ako nang matapos ako sa pagsisipilyo. Kinuha ko iyong tuwalyang nakasabit sa busol ng pinto at ginamit iyon sa pagpunas ng aking bibig. “I am still too busy at work, mom. Maybe... next time kapag nakaluwag-luwag na ako. Alam niyo naman ho rito sa siyudad, kailangan ko pong makipagsapalaran habang nag-aaral,” sambit ko nang maka-upo ako sa silyang may gulong. “Sam, do not weary yourself, you also need to rest and have quality time. Kaya naman kitang suportahan sa mga expenses mo... umuwi ka lang dito, anak, basta magsabi ka lang sa akin.” Napabuntong-hininga na lamang ako nang damputin ko iyong telepono at magpaalam kay mama. “Inaantok na ako, ma. Maaga pa ako sa eskuwelahan bukas. Mag-iingat po kayo riyan,” “Ikaw rin. Ang mga bilin ko Samantha, ha, huwag mong kalilimutan. I love you, anak,” Bahagya akong napangiti. “I love you too, mom.” Nawala ang pagod ko dahil kahit papaano ay may dahilan ako para umabante sa buhay. Walang-wala na ako. Ayoko namang laging nakadepende kay mama. I am all grown up and I chose to be an independent woman so I have to stick with my decision. Ayoko ring mapahiya si mama, ganoon din si papa kahit pa inabandona na niya ako. Inililigpit ko na ang mga libro, kuwaderno at mga gamit kong panulat sa kanya-kanya nilang lalagyan. Katatapos ko lang isaalang-alang ang mga aralin dahil magkakaroon kami ng pagsusulit bukas ng umaga at sa gabi naman ay kailangan kong pumasok sa trabaho bilang katulong sa isang sikat na hotel dito sa aming siyudad. Sanay na akong mapagod at magsunog ng kilay upang mapatapos ko lang ang sarili ko sa kolehiyo. Hindi bale dahil isang taon na lamang ay makapagtatapos na ako, hindi ko ito uurungan at susukuan. NAGISING ako dahil sa maingay na tunog niyong alarm clock na nasa gilid ng side table ng kama ko. Mabilis akong tumayo at kinuha iyong tuwalya upang makaligo na. Nagsuot lang ako ng pantalon at simpleng T-shirt. Bago tuluyang makaalis ng apartment ay pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin. Malaki ang ipinagbago ng katawan ko hindi tulad noon na halos naaalagaan ko ito. Dahil din siguro sa aking pagsisikap ay binaliwala ko na iyong panlabas kong hitsura. Hindi naman iyon importante sa ngayon. Kinuha ko iyong shoulder bag ko at mabilis na lumabas ng apartment. “Magandang umaga, Sam!” bati ni manong Pedro habang nagwawalis sa gilid ng daan. Tuwing umaga ay lagi ko siyang nadadatnan na nagwawalis doon kaya sa tuwing papasok ako sa umaga ay binabati niya ako. “Magandang umaga rin ho, mang Pedro! Ang aga ho natin ngayon, ah!” nakangiting bati ko rin sa kanya. Sa susunod gusto ko siyang ipagluto upang mabayaran naman ang paghihirap niya. Isa siya sa mga street sweeper ng baranggay at dito siya laging nagagawi. “Kailangan kumayod ng maaga!” “Mabuti ho 'yan!” saad ko kay manong at mabilis itong kinawayan. “Samantha!” Napalingon naman ako sa gilid ko nang tawagin ako ni Aling Helen na kasalukuyang nasa loob ng karinderya nito. Halos magkadikit lang kasi iyong tinutuluyan kong apartment sa bahay nilang may karinderya. Kinawayan ko si Aling Helen mula sa kinatatayuan ko. Nag-aabang kasi ako ng masasakyang dyip para makapasok sa unibersidad. “Magandang umaga ho, Aling Helen!” bati ko sa kanya. “May itinabi akong pandesal para sa iyo, teka lang!” Mabilis itong tumakbo sa tabi ko at inilahad iyong isang supot ng pandesal sa harapan ko. “Naku, nakakahiya naman, ho! Pero... maraming salamat ho, aling Helen. Ang dami ko na hong utang na pandesal sa inyo,” bahagya pa akong natawa nang makuha iyong ibinigay niya para sa akin. “Walang anuman iyon, Sam. Alam kong papasok ka na naman ng walang laman ang tiyan. Baunin mo na 'yan,” “Salamat, ho.” Tinapik nito ang balikat ko bilang sagot sa pasasalamat ko. “Sam, ipinagpara na kita! Dalian mo at baka maunahan ka pa ng iba!” nagmamadaling sambit ni Mang Pedro kaya agad na rin akong nagpaalam sa kanila. “Aling Helen, salamat ho sa pandesal, mauuna na ho ako!” “Walang anuman, mag-iingat ka!” “Mang Pedro, mauna na ho ako, salamat ho!” Kinawayan ko sila nang makasakay ako sa sinasakyang dyip. Napakabuti nilang tao at ganoon din ako sa kanila. Hindi ko akalaing kahit papaano ay mayroon pa ring mga taong tutulong at gagabay sa iyo kahit sobrang hirap ng sitwasyon. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila. Balang araw makakabawi rin ako sa kabutihang ibinibigay nila sa akin araw-araw. Sa aking pagsubo ng pandesal na ipinabaon sa akin ni Aling Helen ay tila napangiti at nabigyan ako ng lakas ng loob na maisakatuparan ang mga trabaho ko ngayong araw. Pagbaba ko ng dyip ay dali-dali akong nagtungo sa entrance ng school. “Hindi na naman nakasuot ang ID mo, Sam!” Natawa na lang ako sa inasta niyong guwardya. Inilabas ko iyong ID ko at isinuot iyon. “Na-late lang po ako nang pagsuot,” natatawang sambit ko at nakipag-apir sa kanya. “Maaari ka nang pumasok,” “Salamat ho!” Sinaluduhan ko ito at nagpatuloy sa paglalakad. Kung papansinin niyo ay talaga namang halos kilala ako ng mga tao rito. Hindi naman lahat. Marunong lang talaga akong makisama sa mga taong kalebel ko. Ngunit kapag alam kong mas mataas ang antas ng isang tao kaysa sa akin, nililimitahan ko ang sarili ko at iginagalang sila. Ganoon naman dapat. Kailangan alam mo kung saan ka lulugar. “Sam! Alam mo na ba ang balita?” Pagkapasok na pagkapasok ko ay si Franzel agad ang bumungad sa harapan ko. “Tanggap na ba ako sa library?” “Hindi naman 'yan, eh!” Napairap ako sa kawalan at binitiwan ang bag ko. Nag-apply ako ng posisyon sa library ngunit tila wala pa silang update tungkol doon kung natanggap ba ako o hindi. “Ano ba 'yon? Kung ano-ano na lang lagi ang nasasagap mong chismis!” sambit ko at binalingan ko ng pansin iyong reviewer ko. Naghahanda ako sa maaaring pagsusulit ngayong umaga. Sayang naman iyong scholarship ko kung hindi ko ipapasa ito. “Ito, oh, tingnan mo!” May ibinigay itong flyers sa akin na agad ko namang tinanggap. “Looking for secretary ang Student Council natin, Sam! Bakit hindi mo subukang mag-apply?” Wala sa sarili akong natawa at ibinalik sa kanya iyong flyers. “Naloloka ka na ba? Sa tingin mo papasa ako sa standards ng pagiging secretary?” Tumayo ako sa harap niya. “Sige nga, tingnan mo 'ko! Ang losyang ko, 'di ba? Kulang na lang ay maging tindera ako sa palengke, eh,” Hinila nito iyong isang upuan at naupo sa harap ko. “Grabe ka naman sa sarili mo, Sam! Ang ganda mo kaya kahit walang ayos!” Walang gana akong umupo muli at nagpatuloy sa pagre-review. “Posisyon sa library ang hinihintay kong balita. Sana matanggap ako, 'no?” nakangusong saad ko sa kanya. “Bakit ba lagi mong nilulunod ang sarili mo sa trabaho? Wala ka nang oras para sa sarili mo, para sumaya!” “Aanhin ko naman 'yan? Kasi ako, may responsibilidad akong dinadala. Kaya hindi mo 'ko masisisi kung pulos trabaho ang inaatupag ko!” “Basta... kapag may problema ka narito lang ako palagi para sa iyo,” Nginitian ko siya dahil doon. Alam ko namang ni minsan ay hindi ako binaliwala ni Franzel. Napakabuti niyang kaibigan sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD