CHAPTER THREE

1554 Words
“OH, bakit ngayon ka lang, Sam?” Humahangos akong nag-aayos ng mga gamit panlinis sa cart ko. “Pasensya na, natagalan ako sa library, eh. Dumaan na ba si manager?” tanong ko kay Jia. Si Jia ang kaibigan ko rito sa hotel at isa rin siyang katulong dito katulad ko. Ang pinagkaiba lang namin ay matagal na siyang nagtatrabaho rito kaysa sa aking kapapasok lang noong nakaraang linggo. “Hindi pa naman pero speaking of manager... nariyan na si drakula,” bulong ni Jia at umayos ng tayo nang makita namin si Miss Claire na paparating sa quarters. “Katatanggap ko lang ng tawag galing sa anak ng may-ari ng hotel. Pinalilinisan niya ang penthouse para magamit na raw niya ngayong gabi. And I want you, Samantha, to be responsible of cleaning the penthouse.” “A-Ako po?” pag-uulit ko. Napahawak pa ako sa sintido ko dahil doon. “Pu-Puwede naman pong si Jia na lang ang mag-shoulder ng paglilinis sa penthouse.” “Umaangal ka sa sinabi ko?” Agad akong umiling nang panlisikan ako nito ng mga tingin. “Hi-Hindi ho, Miss Claire.” “Eh, ano pa ang hinihintay mo? Kilos na!” sigaw nito na ikinabingi ko. Agad kong hinila yong cart ko palabas ng quarters at itinulak na iyon papasok ng elevator. Sa dinami-rami pa ng katulong ay ako pa talaga ang napili para maglinis sa penthouse. Kabago-bago ko pa lang dito at hindi ko pa kabisado ang bawat kuwarto. Sana naman wala akong mabasag na mamahaling gamit doon dahil kung hindi, wala akong ipambabayad. Hinila ko nang buong puwersa iyong dalawang pinto ng kuwarto. Pumasok na ako roon at ipinasok na rin iyong cart sa loob. “Wow!” Hindi ko naiwasang hindi mamangha sa sobrang laki nito. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganito. Napakayaman talaga ng may-ari ng hotel na ito. Sinimulan ko ang paglilinis sa banyo at isinunod ko ang kuwarto nito. Nagpalit ako ng bagong kobre kama at mga punda ganoon din ang mga kurtina. Naglagay rin ako ng isang vase sa side table katabi niyong kama. Wala sa sarili na lang akong napangiti dahil sa sobrang linis at ganda ng kinalabasan. Nakakapagod ngunit masaya sa pakiramdam dahil mayroon na namang makakapagpahinga ng maayos sa kuwarto nila. Iyon naman lagi ang goal ko. Kinuha ko na iyong mga garbage bag at inilagay iyon sa cart ko. Sa wakas ay natapos din. Kalahating oras din ang iginugol ko. Itinulak ko na palabas iyong cart at isinara ang pinto ng penthouse. Nasa tapat ako ng elevator ngayon at hinihintay ang pagbukas niyon. Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang magpalinga-linga sa paligid. Nakakalula ang ganda. Napalingon na ako sa elevator nang biglang tumunog iyon. Bumukas iyon at isang lalaki ang nakita kong nasa loob niyon. Napahinto ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko inaasahan na magkikita kaming muli. “Samantha?” sambit nito sa pangalan ko. Iginilid ko nang bahagya iyong cart upang makalabas ito ng elevator. Nang makalabas ito ay agad naman akong pumasok sa loob ng elevator. Hindi ko na ito pinansin at mabilis na pinindot iyong floor na bababaan ko. Kinabahan ako kaya hindi ko na nasagot si Yadiel. Sa lahat pa nang makakasalubong ko bakit siya pa? At teka, anong ginagawa niya sa penthouse? Huwag mong sabihing siya ang anak ng may-ari ng hotel na 'to? “Uy, kaaakyat lang ni Yadiel sa penthouse, nakasalubong mo ba siya?” bungad na tanong ni Jia nang makabalik ako sa quarters. Awtomatiko akong umiling. “Hindi.” “Sayang naman! Balita ko ang pogi raw ng batang 'yon. Gusto ko siyang makita, sana magawi siya sa quarters at kumustahin tayong mga katulong, 'di ba?” Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi ginagawa ng mga mayayaman 'yan. Allergic yata sila sa mga katulad nating nasa low class lang ang pamumuhay.” Inalis ko iyong apron ko at isinampay iyon sandali sa cart. Uminom ako ng tubig pampawi ng uhaw at saka nagpunas na rin ng pawis. Napagod ako sa paglilinis sa penthouse. “Masama bang mangarap? Malay mo, magustuhan ka niyong Yadiel na 'yon,” salaysay pa nito at ikinailing ko. “Hindi naman masamang mangarap pero sana alam natin kung hanggang saan lang ang limitasyon natin,” pagpapaliwanag ko sabay inom muli niyong water bottle na hawak ko. “Eh, 'di ikaw na! Basta ako, gusto ko pa ring makita at makilala 'yang Yadiel na 'yan kahit magpapicture lang ako, okay na!” Inilapat nito ang dalawang palad at kunwaring humihiling na sana ay magkatotoo iyong mga sinabi niya. Bakit ba ang hihilig ng ibang babae sa mga gwapo? Ano bang napapala nila roon? “Sam, pinapabalik ka sa penthouse, ngayon na raw!” sigaw niyong isa naming kasamahan na lalaki. Napahinto kami ni Jia dahil doon. “Ang suwerte mo naman, Sam! Siguradong manlalambot ang mga tuhod mo kapag nakita mo si boss Yadiel.” Sinundot-sundot pa nito ang tagiliran ko na ikinaiwas ko. “Tigilan mo nga 'ko, Jia!” suway ko sa kanya at bahagyang natawa. “Ayieh! Umamin ka nga, nagkita na kayo, 'no? Kaya ka pinababalik sa penthouse.” Umiling ako at saka itinaling muli iyong apron ko. Hinila ko na 'yong cart. “Hindi. At wala akong paki kung makita ko man ang kung sinong Yadiel na 'yon!” natatawang tugon ko sa kanya at lumabas ng quarters. Ano naman kaya ang naisipan ni Yadiel para pabalikin ako sa penthouse? Sigurado akong nalinisan ko naman ang buong kuwarto niya. Hindi pa ba sapat 'yon? Nakarating na ako sa tapat ng pinto ni Yadiel. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang kumatok. “Housekeeping!” bahagyang sigaw ko. Ilang segundo ang nakalipas ngunit tila naging hangin lamang ako. Kumatok akong muli. “Housekeeping!” pag-uulit ko. Doon na bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Yadiel. “Ipinababalik niyo raw ho ako, sir?” dagdag ko. Tumango ito at naglakad patalikod sa akin. “Kararating lang ng mga gamit ko so I want you to fix them,” seryosong aniya at itinuro ang mga maleta na nasa sala nito. Napatango na lang din ako bilang sagot at mabilis na kumilos. “It's already late at night and you are bothering me again, Pierre! What's new?” Sandali kong sinulyapan si Yadiel na kasalukuyang nagtatanggal ng sapatos nito habang naka-upo sa kama. May kausap ito sa telepono at sa tingin ko ay isa sa mga kaibigan niya iyon. Binuksan ko ang mga maleta at kinuha ang mga damit niya roon. Maayos kong inilagay at iniayos ang mga iyon sa cabinet malapit sa kama niya. Medyo nakakahiya ang sitwasyon namin dahil napapansin niya akong padaan-daan sa harapan niya. Bakit kasi ako pa ang kailangang mag-ayos ng mga ito? Wala ba siyang mga kamay? “I will pass this time.” Binilisan ko na ang paglipat ng mga damit niya para na rin maka-uwi na ako. It's nearly midnight at sa tingin ko ay mahuhuli na naman ako sa klase bukas. “No, bro, I still have a lot of things to do. Have fun... yeah, sure... thank you, Pierre!” Hinila ko iyong dalawang maleta at ipinasok iyon sa cabinet. Katatapos ko lang sa ipinapagawa niya at puwede na rin siguro akong maka-alis. “Wala na ho ba kayong ipag-uutos, sir?” Ibinaba nito ang linya ng telepono at inihagis iyon sa kama niya. “Prepare the bathroom for me please,” aniya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. Sinunod ko na lang ang iniutos nito para matapos na. Iniayos ko ang mga kailangan niya; body scrub, shampoo, sabon, toothbrush, perfume at deodorant pati na rin ang tuwalyang gagamitin nito ay isinampay ko na. Paglabas na paglabas ko ng banyo ay bigla na lang akong natigilan. Bumungad sa akin si Yadiel na naka-boxer lang at walang suot na pang-itaas. Nakatalikod ito sa gawi ko. Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanya mula ulo hanggang paa. Ang tindig ng likod niya. Naglalakihan ang mga kalamnan. Bahagya akong napataas ng kilay nang maibaba ko ang tingin sa kanyang baywang at puwetan. Hindi ko ikakailang mas malaman iyon na tila pan de monja sa sobrang lambot. “Tapos na ba?” Napabalikwas ako nang bigla itong humarap sa akin. “O-Okay na. Nailagay ko na rin sa loob iyong tuwalyang gagamitin mo.” Tumango ito at lumapit sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin nang daanan ako nito sa gilid at pumasok sa banyo. Isinara na nito iyong pinto. “S-Sir, mauna na ho ako!” sigaw ko. “Close the door when you leave!” rinig kong aniya na ikinatango ko. Hinila ko na palabas iyong cart at isinara iyong pinto. Huminga ako ng malalim bago magmartsa pasulong. Ano ba naman itong isip ko, sobrang kulit! Kung ano-ano na lang ang mga pumapasok na salita. Nang mapansin ko ang pagngiti ko ay agad kong sinampal ang sarili ko. “Awww!” mahina akong napadaing dahil sa ginawa ko. “Gumising ka nga, Sam! Umayos ka!” bulong ko sa sarili ko. “Bakit ka ba kasi ngumingiti?” Napa-irap ako sa kawalan at pinisil ang pisngi ko upang maiwasan ang pagngiti. Hindi ako puwedeng ngumiti kung ganoon naman iyong nakita ko. Hindi ko inaasahan iyon. It was all accident. My virgin eyes are not virgin anymore!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD