PROLOGUE

617 Words
WALA sa sarili akong napabuntung-hininga habang nilalampaso ang sahig sa lobby. Kasama ko si Jia, siya naman ang may responsibilidad sa pagpupunas ng mga salamin, plorera, at pag-aayos ng mga sofa. Isa akong working student. Lahat na yata ng trabaho ay nasubukan ko na. Dahil mas ginusto kong maging independent woman, lahat ginagawa ko para mabuhay mag-isa. Sa ngayon, nagtatrabaho ako sa isang sikat na hotel bilang housekeeper. Simula pa nang bata ako, sinanay na ako sa mga gawaing bahay kaya naman madali na sa akin ang trabahong ito. Ngunit mahirap din pagsabayin ang trabaho sa pag-aaral. Estudyante sa umaga, housekeeper naman sa gabi. Puyat at gutom ang kalaban ko. “Sam, may kukuhanin lang ako sa quarter, babalik din ako agad,” paalam ni Jia, isa sa mga kasamahan ko sa pagiging housekeeper. “Bilisan mo, ha! Alam mo naman... hindi pa ako ganoon kakumportable kapag tinititigan ng ibang tao,” Pumameywang ito sa harap ko at ngumiti. “Ano ka ba, masanay ka na dahil araw-araw at gabi-gabi mo na 'yang ma-e-experience, 'no!” “O, sige na! Dalian mo na para makabalik ka kaagad,” “Mabilis lang 'to, promise!” Itinaas niya pa ang kanang palad niya na animoy nangangakong babalik din agad. Napangiti na lamang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Itinaas ko iyong gamit kong mop at ibinabad sandali sa tubig habang umiikot iyong squeezer. Binuhat ko iyong bucket at lumipat sa kabilang banda ng lobby at doon na ipinagpatuloy ang paglalampaso. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang gaanong tao sa parte na ito. Mas gusto ko na ito. May social anxiety yata ako sa mga tao nitong mga nakaraang linggo, hindi talaga ako mapakali kapag maraming nakapaligid sa akin. Habang naglalampaso ay wala sa sarili akong nag-ha-humming para naman ganahan ako sa ginagawa ko at matapos agad. Sa kalagitnaan ng pag-ha-humming ko ay bigla na lang akong napahinto nang may kung sinong sumipa sa bucket dahilan ng pagkabuhos ng tubig nito sa sahig. “Sorry, I didn't mean that...” Isang malamig na boses ang narinig ko sa kawalan. Nagtaas ako ng tingin sa isang lalaking sumipa niyon. “Hindi ako bulag. Kitang-kita ng dalawang malilinaw na mga mata ko kung paano mo sinipa 'yong bucket.” Ipinakita nito iyong hawak niyang cellphone sa akin. "I was talking to someone; I didn't mean to do that! You work here as a cleaner, so it's your job to clean it up again. Is that a problem?!" “Aba! Kung makapagsalita ka parang ikaw 'yong amo ko, ha?! Sino ka ba?! Hoy, antimpatikong lalaki na feeling pogi, hindi mo 'ko madadaan sa paliwanag mo! Itayo mo 'yong bucket at ilampaso mo 'yang kinalat mo para kwits na tayo, okay ba 'yon?!” “That's not okay,” seryosong aniya at nagsimula nang maglakad palayo. Dahil sa inis ko ay binitiwan ko 'yong hawak kong mop at sinundan siya. “Hoy! Sandali lang!” Hinawakan ko 'yong balikat niya. Saktong paghawak ko roon ay umiwas siya. Hindi ko naisipang basa pala roon sa kinatatayuan ko kaya dire-diretso akong nadulas at napasalampak sa sahig. Napapikit ako sa sobrang sakit nang pagkakabagsak ko. Walang hiya! "It wasn't my fault," sarkastikong aniya at saka ako iniwang nakasalampak sa sahig. ‘Di man lang ako tinulungan! Siya na nga itong nag-agrabiyado, siya pa ang may lakas loob na ipagtanggol ang sarili niya kesyo wala raw siyang kasalanan. Sirang plaka na 'yang paliwanag mo, boi! “Bastos! Wala kang modo! Karmahin ka sana! Panget!” sunod-sunod na sigaw ko dahil sa inis. "It's okay to face karma as long as I’m handsome," rinig kong sigaw niya pabalik. “Bingi! Panget 'yong sinabi ko, hindi gwapo! Pilingerong antimpatiko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD