LISANIN
Nililipad ang isipan ko habang lumalabas kami sa clinic na iyon. Ni hindi ko pinapansin ang bungguan ng mga taong nakakasalubong ko sa makitid na hallway. Madiin ang hawak ni Nanay sa aking palapulsuhan at ramdam ko ang panginginig ng kanyang kalamnan.
Ngunit ako man ay nanginginig din sa nalaman. Kinumpirma ng doktor ang hinala ni Nanay.
I'm four weeks pregnant.
I'm in shock right now. Walang pumapasok sa utak ko kundi ang mga sinabi ng doktor sa akin. Ang mga habilin niya at mga vitamins na dapat ko daw inumin na hindi ko na maalala kung ano-ano ang mga iyon. Ang reseta ay nasa kay Nanay ko na kanina pa tahimik at walang kibo.
Ang dibdib ko ay kumakabog sa kaba. Sa takot. Sa pangamba. Higit sa lahat, I'm so down right now. I'm confused. I'm scared. How can I explain this to my mother when I can't even explain it to myself?
Hindi kumikibo si Nanay. I don't know what things are running in her head right now. Pero isang bagay ang sigurado ako, she's so devastated with the news, and so am I.
"Nay....." sa nanginginig na boses na tawag ko.
Umiling lamang ito sa akin. Kita sa kanyang mata ang pinaghalong sakit, lungkot at kabiguan. "Sa bahay tayo mag-uusap Agnes. Ayokong may ibang taong makakarinig at makakaalam sa kalagayan mo." mababa ang tono ni Nanay ngunit batid ko ang galit na kalakip doon.
I bowed my head down as we headed towards the tricycle that we rent. Dito pa kasi kami sa kabilang bayan nagpa check-up dahil na rin halos kilala ng mga tao ang pamilya namin sa bayan ng San Pedro.
Tahimik lamang ako habang bumibiyahe kami pauwi sa amin. I can't cry. Ayokong mas lalong pasamain ang loob ng Nanay ko. Ang ipakita sa kanyang nagsisisi at nahihiya ako ay wala ring saysay. Whatever I'm feeling right now, it will not change the fact that I'm pregnant.
At ang isipin na may buhay sa aking sinapupunan ay nakakapag-bigay ng kakaibang init sa puso ko sa kabila ng takot na nararamdaman ko ngayon.
I'm having a baby. And babies are angels. A Gift. A blessing from God. Hindi na mahalaga kung nabuo man ito out of wedlock. Paninindigan ko ito anuman ang mangyari.
Pagdating namin sa bahay ay nanghihinang napaupo sa luma naming sofa si Nanay. Yumugyog ang kanyang balikat at nagtakip ng mukha.
It's painful to see her being in that situation. And what makes it more painful is the fact that it's me who make her feel that way. I hurt her.
Marahan akong tumabi kay Nanay. I embraced her at tuluyan na rin akong napahagulhol.
"I'm sorry, Nanay...." my voice shook.
"Hindi ko inaasahan ito, Agnes. Malayong malayo ito sa naiisip kong mangyayari sa buhay mo. Matalino kang babae, may pinag-aralan. May prinsipyo at higit sa lahat, may dangal. Hindi ko mawari kung paanong nabuntis ka nang ganito? Wala ka namang nobyo!" nilingon niya ako at basa na ng luha ang kanyang pisngi. And then her facial expression changed. Kumunot ang noo nito at biglang bumalatay ang takot sa kanyang mukha.
"Sino ang nakabuntis sa'yo? Pinilit ka ba? Ginahasa ka ba, Agnes? Sabihin mo sa akin ang totoo para maipakulong agad natin!" tumaas ang kanyang boses.
Agaran ang pag-iling ko at hinihimas ang kanyang likod. "Hindi po ganyan ang nangyari Nay." Sasabihin ko ba sa kanyang nalasing ako kaya nangyari iyon? Na nagpabaya ako? No, hindi ako nagpabaya. Kundi nagpa-ubaya. At walang pwedeng sisihin dito kundi ang sarili ko lamang. I lose control. I lose myself.
"Kung ganun, sino ang ama ng dinadala mo?"
Yumuko ako at pinagsalikop ang aking mga daliri sa aking kandungan. Napahikbi ako.
"Hindi ko po kilala....." pinikit ko ng madiin ang aking mata.
Kinakahiya ko ang sarili ko. Dinungisan ko ang pagkatao ko. Ang pagiging guro ko. I'm so weak. Masyadong mahina para labanan ang tukso. Nagpatangay ako sa makamundong gawain.
"Anong hindi mo kilala?" this time, may galit na sa kanyang boses.
I look at her again, feeling so ashamed of myself. "I......I was drunk that night, Nay. Nalasing po ako." umalpas ang panibagong hikbi sa aking bibig.
My mother instantly covered her mouth, feeling shock again. "Kailan ka pa natutong uminom ng alak Agnes! Bakit hindi ko alam ang lahat ng ito! Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin? Paano mo nagawa ang ganitong bagay na hindi man lang iniisip ang magiging kahihinatnan nito? Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa'yo, anak. Kulang pa ba lahat ng pangaral ko, lahat ng mga payo ko sa'yo? Did I not raise you well? Buong buhay ko ay sa'yo lamang nakaikot, Agnes. Tayong dalawa ang magkasama mula umpisa. Tayong dalawa ang lumaban sa lahat ng pagsubok sa buhay. Tayong dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari sa'yo ito. Hindi ko maintindihan kung paanong nakalimutan mo ang mga bagay na buong buhay nating pinapahalagahan." nanginig ang boses ni Nanay.
"Nay......"umpisa ko. "Patawarin nyo po ako. Kasalanan ko po ang nangyaring ito. Hindi ko naisip kung ano ang magiging bunga ng nagawa ko. I'm sorry that I was able to forget everything what we cared for. At hindi ko po sinasadyang saktan kayo ng ganito. Patawad Nay." bumalong ang mga luha sa aking mata.
My mother again shook her head. Inabot nito ang aking palad at pinisil. "Ang totoo'y natatakot ako, anak. Natatakot ako hindi para sa aking sarili kundi para sa'yo. Isa kang guro. Matatanggalan ka ng lisenya pag nalaman ng pamunuan na nabuntis ka kahit wala kang asawa. Ipinagbabawal iyon at alam kong alam mo yan. Pag nawalan ka ng trabaho, paano mo bubuhayin ang iyong magiging anak? Papaano kayong mag-ina?" her voice full pf concern. Pero humihikbi pa rin ito.
Naiisip ko rin yan. Alam kong malalagay sa alanganin ang aking trabaho at propesyon ngunit hindi ko ito matatago sa kahit na sino. Lalaki at lalaki ang tiyan ko.
Handa akong harapin ang mga tanong ng mga tao, ngunit hindi ako handa sa magiging gastusin naming pamilya pag nawalan ako ng trabaho. Hindi ko alam kung paano ngunit bahala na. I will not terminate my child even if it means taking my own life.
"Hindi ko pa po alam." ang tanging nasabi ko sa katanungan ni Nanay.
Panibagong luha ang pumatak sa kanyang maamong mata. Nabahiran ng pag-alala ang kanyang mukha. "Gusto kong magalit sa'yo. Gusto kitang sumbatan, saktan, parusahan ngunit alam kong wala rin namang magbabago kahit ano pang gawin ko sa'yo. At pag iniisip ko ang magiging bukas nyo ay mas naaawa ako sa'yo at sa magiging apo ko, Agnes. Anong mangyayari sa ating tatlo sa hinaharap. Masakit sa inang katulad ko ang walang magawa para matulungan ka sa ganung bagay. Ang tanging maibibigay ko lang sa'yo ay ang aking pagmamahal at pang-unawa."
Napangiti ako sa kabila ng problemang kinakaharap ko ngayon. Niyakap ko ng mahigpit si Nanay.
"Yan lang po ang kailangan ko sa inyo Nay. Ang pagmamahal nyo ay sobrang sapat na sa akin. Lumalakas po ang aking loob. At huwag po kayong mag-aalala, hinding hindi ko po kayo pababayaan. Tayong tatlo ng aking magiging anak ay mananatiling magkasama habang buhay. Pinapangako ko po sa inyo yan. Magiging maayos din ang lahat Nay. Magtiwala po kayo." napapaos kong tugon.
Naramdaman ko ang kanyang pagtango sa aking balikat. Sa kabila ng lahat, ay gumaan ang pakiramdam ko. Sapat na sa akin na tinanggap pa rin ako ni Nanay sa kabila ng kabiguang binigay ko sa kanya.
***************
Sa pahapyaw na salaysay, ay pinaliwanag ko kay Nanay ang nangyari ng gabing iyon. But I discreetly escape the part when that moron left me a huge amount of money. Alam kong hindi magugustuhan ni Nanay iyon pag nalaman niya.
Panay lamang ang kanyang iling at nakikita ko ang pgkadismaya niya sa kanyang narinig.
Tapos na kaming maghapunan ngunit nanatili pa rin kami dito sa kusina. Ipinaghihiwa niya ako ng hinog na mangga ngayon.
"Natatandaan mo ba ang kanyang mukha? Wala ka bang balak na hagilapin ang lalakeng iyon?"
Napaismid ako sa tanong ni Nanay Esme. Gustong gusto kong paikutin ang aking mata ngunit alam kong hindi kagandahang asal iyon.
"Nay, hindi ko siya kailangan. Hinding hindi ko ipapaalam sa kanya ang sitwasyon ko." Ayokong isipin niyang naghahabol ako sa pera niya. Bulong ko sa aking sarili. I know that man is filthy rich. Naaalala ko pa kung gaano kagara ang sasakyan niya. Ang mamahalin niyang pabango, ang kanyang kasuotan na bagaman ay simple ay hindi mababang uri ang telang gamit. Ang kanyang kabuuan ay nagsusumigaw ng karangyaan.
At ang kanyang mukha. Ang mukhang ilang gabi ring dumadalaw sa aking panaginip. Inaamin ko sa aking sarili na agad na nagustuhan ko siya dahil sa kagwapuhan niyang taglay. He's by far, the handsomest man I've ever seen in my whole life. But now, I know better. Kung ano ang ikinaamo ng kanyang mukha ay siya namang ikinapangit ng kanyang pag-uugali.
I snapped my head sideways. Ayokong pumapasok siya sa isipan ko ng ganun-ganun lamang. Hinding hindi ko ipapaalam sa kanya na magkakaanak siya sa akin. Magkamatayan na.
Napaigtad ako sa tunog ng platong kakalapag lang sa mesa. May limang hiwang mangga ang nakalagay doon. Agad na naglaway ako sa hitsura nito.
"Kumain ka ng maraming prutas. Para yan sa kalusugan nyong dalawa. Bukas ay mansanas naman." wika ng aking ina.
I smiled tenderly. Humahanga ako sa lawak at laki ng pagmamahal niya sa akin. Kahit sinong ina ay ganun nga talaga siguro sa kanilang mga anak. And I'm starting to feel that kind of love. A mother's love to her baby. A kind of love that is immeasurable and infinite.
Napahawak ako sa impis kong tiyan. Alam kong hindi magiging madali ang lahat, pero kakayanin ko alang-alang sa magiging anak ko.
Agad ko ring kinain ang manggang bigay ni Nanay. Habang kumakain ay napatitig ako sa isang hindi kalakihang litrato na nakasabit sa pader ng aming bahay.
Picture frame ko iyon na kuha mula sa aking graduation. Nakatoga ako at sa aking tabi ay si Nanay na bakas sa mukha ang pagiging proud mother.
"Ang swerte nyo pa rin Nay." wala sa loob na sambit ko.
"Huh?" napabaling ito sa akin mula sa kanyang paghuhugas ng pinggan.
"Maswerte pa rin po kako kayo. Kasi kahit na maagang kinuha mula sa atin si Tatay ay naranasan nyo pa rin ang pagmamahal niya. Base po kasi sa kwento nyo, ay sobra ang pagmamahalan nyo sa isa't isa. Sayang lang at hindi ko na siya matandaan. Sobrang bata ko pa kasi noong mamatay si Itay. Bakit wala kayong lawaran niya na naitabi?"
Narinig ko ang paghugot nito ng malalim na hininga. Sumulyap ako sa gawi ni Nanay at nakita ko itong nagpupunas ng kamay.
"Di ba nga sabi ko sa'yo noon pa man na nasunog lahat ng gamit natin doon sa una nating tinirhan? Wala kaming naisalba kundi ang mga sarili lamang natin. Kaya kahit luma naming lawaran ay wala. Nakakalungkot nga ang pangyayaring iyon."
Tumango ako. She told me that story before. Hindi ko lang din talaga maiwasang magtanong kahit alam ko na ang sagot.
"Kamukha ko ba ang Tatay, Nay?" pumangalumbaba ako sa mesa ngunit agad namang tinabig nito ang braso ko.
"Masama yan." saway pa nito. She breathed. "You got his eyes, most definitely. Chinky eyes pero hindi ganun kasingkit katulad ng mga Japanese. Pero overall, kamukha mo nga ang Tatay mo. Ang namana mo lang sa akin ay ang tuwid at itim ko na buhok pati na rin ang aking liit. Your father was a tall man. He's six feet tall." there's amusement in her thin lips.
"Saan kayo unang nagkita ni Tatay, Nay?"
Umirap si Nanay dahil sa tanong ko. Paulit-ulit nalang kasi ako dahil alam ko naman na ang istorya ng buhay nila.
My mother was a teacher before. At sa school campus sila unang nagkakilala ng aking ama. Bisita lang ata sila Tatay noon at isa si Nanay sa naatasang e-estima ang mga bisita.
According to my mother, my father came from a wealthy family. At katulad ng dapat asahan mula sa mayayaman, matapobre ang pamilya nito. Hindi nila tanggap si Nanay. At dahil doon, nagtanan ang dalawa at naghirap.
Namatay ang aking ama sa isang aksidente. Tatlong taong gulang palang ako noon. His family blamed my mother. Kaya napilitan kaming umalis at makipagsapalaran sa ibang lugar.
Hanggang sa mapadpad nga kami dito sa Butuan at nakahanap ng kapayapaan. Ngunit dahil sa sitwasyon ko ngayon, mukhang kailangan na naming lisanin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon.......