THREE

2398 Words
TANONG    SAKIT ng ulo at katawan ang agad na umatake sa akin pagkamulat ng aking mata. Sobrang pinanunuyuan din ako ng lalamunan na makakaubos ata ako ng isang timbang tubig para maibsan lang ang aking pagkauhaw.   Sinubukan kong kumilos ngunit napangiwi lang din ako nang kumirot ang ibabang bahagi ng aking katawan. Kasabay nito ay ang agaran kong pagsapo sa aking kumikirot na sintido.   "Mabuti naman at nagising ka na."   Pinilit kong ibukang maiigi ang aking mata. Medyo malabo pa iyon sa unang sulyap ko sa taong nakatunghay sa aking paanan. Nakahalukipkip ito.   "Girlie." I said throatily.   Malalim ang kanyang buntong-hininga. Kumilos ito at naupo sa aking gilid. Pinilit kong bumangon para umupo kahit pakiwari ko ay nahahati ang katawan ko dahil sa kirot. Why am I feeling this way, by the way?   Tinulungan niya akong makasandal sa headboard king size bed na iyon. My brows met when I realized the room isn't familiar to me.   "Nasaan tayo? Anong nangyari?"   She sighed again at sinabayan ng pag-iling. "I should be the one asking you that. What the hell happened to you? At ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Paano ka nakarating dito? Sino ang nagdala sa'yo dito?"   Mas lalong lumalim ang kunot sa aking noo. Ano nga ba ang ginagawa ko dito?   "Anong oras na?" ang namutawi sa aking labi.   She rolled her eyes upward. "Alas sais ng gabi. You slept all day. Mula nang dumating ako kaninang alas kwatro ng madaling-araw ay naabutan na kitang tulog na tulog dito."   Pumikit ako. Ganun kahaba ang itinulog ko? Pinilit ko na inalala ang nagdaang gabi. I was drunk, that I remember. A man. Car. Kisses. Fierce and possessive kisses from him.   "Shit." I muttered.   "Yeah. s**t. By the looks of you, mukhang may idea na ako sa kung ano ang nangyari sa'yo. I can even see the hickes along your neck and and collarbone! My God Agnes! Hindi ko lubos maisip na magagawa mo ang ganitong bagay! How could you stoop this low? Bumigay ka sa isang estranghero? Really? You don't know the man!"   Yumuko ako at nakaramdam ng kahihiyan sa sarili ko. What the hell happened to me? Anong sumanib sa katawan ko para mawalan ng depensa ng ganun na lamang? This is such a shame!   I felt Girlie's hand gripping mine. "Sino ang lalakeng nagdala sa'yo dito?" mas mahinahon na ang kanyang boses.   Tinignan ko ng tuwid ang kanyang mga mata. Umiling ako. Hindi ko kilala. Hindi kami nagpakilala sa isa't isa. Mas lalo akong nalugmok sa realidad na nagpakababa ako ng ganito.   "Holy shit." she cursed. "Hindi mo kilala? Anak ng---"   "Girlie." Nabasag ang tinig ko. Maiiyak na ako sa sitwasyong kinasadlakan ko ngayon. "Hindi....hindi mo ba siya nakita nang dumating ka dito? Paano mo pala nalaman na nandito ako? Ikaw ba ang nagbihis sa akin?"   "I've been calling your phone for the nth time at walang sumasagot. Hanggang sa nakareceive ako ng text at ang sabi ay puntahan ka nga sa lugar na ito. A room attendant assisted me at dinala ako sa kwartong ito. And here I saw you lying and sleeping soundly. Nasa ganyang ayos ka na mula nang dumating ako. I was relieved with the fact that you're fine but when I saw some bruises and hickes on your skin, and your lips are swelling until now, nagka-ideya na agad ako that you had s*x with a man." umiiling-iling ito.   "I was drunk."   "Obviously. Dahil alam kong kung nasa tamang huwisyo ka, nungkang papayag kang sumama sa lalakeng yun. Kung sino man yun."   "I'm sorry." mahinang sagot ko.   "I'm sorry too. I'm sorry for leaving you alone at the bar. Kung hindi ako umalis, I'm sure walang ganitong mangyayari. I'm sorry bessy."   Mapait akong ngumiti sa kanya at hinila para yakapin. "It's not your fault. Ako lang ang pwedeng sisihin dito. Nagpatangay ako. Kahit maayos pa ang pag-iisip ko sa kabila ng aking kalasingan, hindi ako nakinig sa babala. I let him in. Hiniyaan kong angkinin niya ako. This is so depressing, pero wala na akong magagawa. Nangyari na." wika ko.   "Huwag kang mag-alala kay Tita. Nakagawa na ako ng alibi sa kanya kung bakit hindi tayo nakauwi. But we have to go home now. Gabi na rin kasi. Hinintay ko lang na magising ka." magagaan na himas sa likod ang ginagawa niya sa akin. Nagpapasalamat pa rin ako at nandito si Girlie.   "May envelope pala sa side table. Hindi ko binuksan. Nakalagay ang pangalan mo sa labas nito. Mukhang para sa'yo ata eh."   Kumalas ako sa pagyakap mula rito at nilingon ang side table. Mayroon ngang envelope na nakapatong doon. Ginapang ko ang konting distansya mula dito sa pwesto ko. Ang laki naman kasi ng kama na kasya ata ang apat na katao.   Nang maabot ko ito ng tuluyan binuksan ko iyon. Nanginig agad ang kamay ko nang makita kung ano ang laman ng envelope. Agad na naikuyom ko ang aking kamao at sumiklab ang galit sa aking dibdib.   "Anong mayroon sa loob?" Girlie asked. Hinagis ko ang envelope sa kama. Pinulot niya ito at nang mapagtanto ay napanganga sa gulat.   "Pera?!" binulatlat niya ito at may isang kapirasong papel itong hinugot mula sa envelope. "Thank you for spending the night with me. I had fun. Hope this cash will make you feel better."   Binigkas ni Girlie ang nakasulat doon. "The nerve of him!"   Pumikit ako dahil sa pag-iinit ng aking mata. Masyadong mabigat na nga ang loob ko sa nangyari, mas lalo pa akong nanliit sa ginawang ito ng lalakeng iyon. Nakakapanghina. Nakakababa ng sarili. Naturingan akong guro pero nagawa ko ang ganitong bagay.   Humikbi ako at mabilis na dinaluhan ako ni Girlie. "Pag nagkrus ang landas nyo ng walang hiyang lalakeng iyon ituro mo sa akin para masampal ko nang pang international! My god! Ang kapal ng mukha niya! Anong akala niya sa'yo, isang bayaran!"   Kinagat ko ang aking labing namamaga pa. "It seems that it was his impression towards me. Sino ba namang matinong babae ang sasama sa isang lalake kahit na hindi niya ito kilala? I feel so cheap, Girlie. Nakakababa ng moral. Pero ang iwanan ako ng halaga ay mas nakakababa lalo ng aking pagkatao. Mukha akong bayarang babae. God, this is so humiliating! But this is all my fault." pumiyok ng boses ko.   "Lilipas din ito, Agnes. Makakalimutan mo rin ito. Sa ngayon, intindihin mo muna ang sarili mo. Teka, ang mabuti pa ay mag-ayos ka na. Bago tayo umalis sa hotel na ito ay tanungin natin ang reception kung sino ang nakachek-in sa kwartong ito."   Pinalis ko muna ang aking mga luha bago ako tumango sa kanya. Masamang masama ang loob ko. And I'm so disappointed of myself. Ni sa panaginip ay hindi ko akalaing magagawa ko ito.   Nakaramdam ako ng galit sa lalakeng iyon. Naaalala ko pa ang kanyang anyo. Sisiguraduhin kong pag nagkrus ang landas namin, matitikman niya ang galit ko. What happened was inevitable. Pero ang iwanan ako ng pera? What the hell does he think of me? Bayaran? Isang babaeng mababa ang lipad? He was my first and he knew it!   Mas kaya ko pang tanggapin na iwanan niya ako at maglahong parang bula! Pero yung ganito? Para niya akong sinampal ng ilang beses!   Sa lobby ay nagpupuyos ang kalooban ko sa sinagot ng receptionist sa amin. Parang gusto kong sakmalin ito sa inis.   "I'm sorry po talaga ma'am pero hindi po kami nagbibigay ng impormasyon kung sino-sino ang nag check-in. Pinagbabawal po ng management namin Ma'am. It's very confidential po." mahinahong paliwanag ng isang receptionist.   "Okay. But do me a favor." wika ko sa matigas ng tinig. Binagsak ko ang makapal envelope sa counter. "Sabihin mo sa lalakeng yun, isaksak niya ang pera niya sa kanyang ngalangala. Hindi ko kailangan yan at higit sa lahat hindi ako mukhang pera!" pumaimbabaw ang boses ko sa buong lobby.   Hinihila ni Girlie ang kamay ko dahil sa nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga taong naririto. Nagtinginan ang dalawang receptionist sa isa't isa. Alam kong kilala nila ang lalakeng nagdala sa akin dito. At alam ko rin na bigatin ito base na rin sa kwartong pinanggalingan namin.   Tumango ang dalawang babae at ako na mismo ang humila kay Girlie palabas sa lugar na iyon. Once we are outside, huminga ako ng malalim. Hindi na ako aapak sa lugar na ito. This place is a nightmare to me.     ************   "Bessy!" tawag ni Girlie sa akin. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan ng aking classroom. Wala na ang aking mga estudyante at nagsipag-uwian na. Half day lang kasi ngayong araw dahil may faculty meeting na magaganap mamayang alas tres.   "Oh." sagot ko. Nagliligpit ako ng mga questionnaire. Next week kasi ay first quarter exam na kaya todo review kami ng mga bata. Ayokong mangulilat sila sa buong Grade Two level.   "Uuwi ka ba o canteen ka na magtatanghalian?" pumasok na ito ng tuluyan. Sa Grade Three level naman nagtuturo si Girlie.   Ngumuso ako at nag-isip. Naiimagine ko kaagad ang mga ulam sa canteen. Biglang umikot ang tiyan ko.   "Hindi ko gustong kumain sa canteen ngayon. Sa bahay nalang siguro." matipid kong sagot.   "Okay. Nag-aaya kasi si Roger."   I raised an eyebrow. Ang Roger na tinutukoy niya ay ang bagong hired na P.E teacher dito sa San Pedro Elementary School.   "Oh ngayon?"   She pouted at pumangalumbaba sa isang upuan sa harap ng table ko. "Sama ka. Nahihiya akong sumama sa kanya eh."   Natawa ako at inirapan ang dalaga. "Bakit ka naman mahihiya eh sanay ka naman sa ganyang bagay? Ilan na ba ang pinaunlakan mo sa paanyaya nilang kumain sa labas? Don't tell me naninibago ka sa lagay na yan."   Inirapan din niya ako pabalik. "Ewan ko ba, nahihiya ako eh. Ang gwapo kasi teh!" she blushed at humagikhik ako.   "Gusto mo siguro yung Roger na yun."   "Hindi naman. Kaso naiilang ako. Kahit ako ay nagtataka sa sarili ko."   I stood up matapos maligpit ang table ko. "Sus, carry mo na yan. Sabay na tayong lumabas. "   Tumango ito at tumayo na rin. Nilock ko ang pintuan ng aking classroom.   "Ikaw ba, maayos ka na ba?" she asked. I know what's that question for.   I nodded. "Oo naman. Ilang linggo na ang nakalipas, Girlie. Aminado naman ako na kasalanan ko ang nangyari sa akin dahil nagpabaya ako. Madaling tanggapin ang katotohanan dahil kagustuhan ko rin yun. Nakakagalit nga lang ang ginawa niyang paghamak sa pagkatao ko."   She shrugged. "Pero gwapo ba talaga, Agnes?" she grinned at kinurot ko siya sa tagiliran.   "Kalimutan na natin yun, please. Stop asking me about that night." iniwas ko ang aking tingin. Ayokong makita nito ang pamumula sa aking pisngi. Trust me Girlie, he's one of a hell handsome guy.   "Kay' fine. Itatanong ko pa sana kung masakit ba yung first---"   "Shut up!" naeeskandalo ako sa mga tanong niya.   Humalakhak ito at alam kong nang-aasar lang. Sa labas ng gate ay natanawan ko si Roger na mukhang may hinihintay. Oh well, I'm sure ang kasama kong luka-luka ang kanyang hinihintay.   "Join us Agnes. Don't worry, my treat." sabi ni Roger. Ngumiti ito ng matamis. May hitsura naman ito at tingin ko'y mabuti ang kanyang intensyon para sa kaibigan ko.   Umiling ako sa kanilang dalawa. "Hindi na kailangan. Gusto ko rin talagang umuwi dahil Inaantok ako. Iidlip muna ako saglit total mamaya pa namang alas tres ang meeting natin." Yeah, I'm sleepy. Ilang araw ko na ring nararamdaman ang ganito. Siguro ay stress na rin dahil nalalapit na ang First Quarter Exam.   Kinumbinsi pa rin nila ako ngunit mariin akong tumanggi. Nagpahatid na lamang ako sa kanila dahil may sasakyan si Roger.   Pagdating sa loob ng bahay ay naabutan ko si Nanay sa sala na nanonood lamang ng noontime show. Nagmano ako sa kanya at humalik sa kanyang noo.   "Kumain ka na?" malambing na tanong ni Nanay.   Ngumiti ako at sinabayan bg iling. "Mamaya nalang Nay. Inaantok po ako eh." sagot ko. Nilapag ko ang bag sa katabing upuan nito. "Kayo ba'y kumain na?"   "Hindi pa. May pakiramdam kasi akong uuwi ka ngayong tanghalian kaya hihintayin kako kita."   Agad namang natunaw ang puso ko sa narinig. "Sige na nga po. Kumain na tayo ngayon. Ayokong malipasan kayo eh."   "Kow, okay lang naman anak. Maidlip ka na muna at gigisingin na lamang kita makalipas ang isang oras. Ang alam ko'y may meeting kayo mamayang alas tres."   "Kumain na lang tayo muna Nay. Actually, nagugutom na rin ako kaso mas lamang ang antok na nararamdaman ko eh." tumawa ako. Ewan ko ba, nagiging antukin na talaga ako nitong linggo. Panay nga ang hikab ko sa gitna ng klase.   Tawa ni Nanay ang nagpabaling sa akin sa telebisyon. Tuwang-tuwa ito sa pinapanood. Mayamaya lamang ay tumayo ito at giniya ako sa kusina.   Ginataang tulingan ang ulam. Paborito ko ito ngunit kakaiba ang nararamdaman ko nang maamoy ko iyon. Gusto kong masuka na hindi ko mawari.   "Okay ka lang, Agnes?" napansin siguro nito ang kinikilos ko.   "Oo naman po, Nay. Medyo masama siguro ang timpla ng tiyan ko ngayon. Nalipasan na ata ako ng gutom." pinilit kong tumawa kahit namamawis na ang aking noo.   Nagkibit ito ng balikat at naupo na sa aking tabi. Pinilit kong sumubo ng ilang beses. Masarap. Masarap magluto ang Nanay ko kaya mayamaya lamang ay bumalik na ang gana kong kumain.   Nung gabing iyon ay maaga akong natulog. Kahit nakatulog ako nung tanghali ay agad na dinalaw ako ng antok.   Kinabukasan ay nagising ako sa sunod sunod na katok sa aking pinto. Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Nanay.   "Agnes! Aba'y anong oras na tulog ka pa rin ba? Mag aalas siyete na anak!"   Muntik pa akong nadulas sa pagmamadali kong buksan ang pinto. "Nay. Nakalimutan kong y set ang alarm clock ko." sabi ko.   Umiiling-iling ito sa akin. "Bilisan mo na at lumamig na ang almusal mo."   "Opo."   Pagkatalikod ni Nanay ay sinara ko ulit ang pinto at naupo sa sulok ng aking maliit na kama. Nahihilo ako. Nahihilo nga ba o Inaantok pa?   Kumilos pa rin ako kahit labag sa kalooban ko. Tinatamad akong maligo ngunit wala akong magagawa.   Nang maigayak ko na ang aking sarili ay tumungo agad ako sa kusina. Ngunit papalapit pa lang ako at naamoy ang tuyo ay bumaligtad ang sikmura ko.   Sapo ko ang aking bibig na tumakbo patungo sa lababo. Duwal ako ng duwal doon kahit wala namang lumalabas sa bibig ko.   Nanghihina ako at mahigpit ang kapit ko sa lababo. What the hell is wrong with me?   "Agnes." nanginig ang boses na iyon ni Nanay.  Dahan-dahang nilingon ko ito.   The look on her face was a shock to me. She was horrified. May luha sa kanyang mga mata.   "Buntis ka ba?"   Ang tanong niyang iyon ang nagpawala sa lakas ko. Bumigay ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig.   No freaking way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD