FIVE

2136 Words
 PERFECT TIMING "BESSY, okay ka lang?"    I glanced at Girlie and I was caught under her scrutinizing gaze. Kumurap kurap ako sa kanya ng ilang beses. Kanina pa siguro ako nito tinitignan. Nagkibit balikat ako at nagpatay-malisya sa tanong niya. Nagpatuloy ako sa pagkain.   Nandito kami sa canteen ngayon at nagmemeryenda. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko at ang imahe ng burger at fries ang laging laman ng aking balintataw habang nagkaklase kanina.   "Hoy, Agnes. Mabilaukan ka naman. Ang takaw mo ata ngayon. Buntis ka noh?" humagikhik ito at muntik na akong nasamid sa kanyang sinabi.    Mabilis kong inabot ang table napkin at nagpahid sa bibig. "Gutom ako. Hindi ako nag-almusal kanina." Oo kasi nasusuka na naman ako pagkagising ko kaya nawalan ako ng ganang mag-agahan.   She raised her eyebrow. "Hindi nga halatang gutom ka, bessy. Anyways, saan nga kayo nagpunta ni Auntie Esme nung nakaraang araw? Parang hindi ko maalalang may binanggit kang lugar." umabot ito ng iilang pirasong fries sa plate ko at agad na naningkit ang aking mata.    Gusto ko sanang tabigin ang kanyang kamay ngunit kinalma ko ang aking sarili. Ganito pala pag buntis? Nagiging selfish sa pagkaing nagugustuhan mo?   "May dinalaw kami ni Nanay Esme sa kabilang bayan." tipid kong sagot.   She nodded. "Ah. Sayang naman."   "Bakit sayang?"    "Sana sumama ako at nakapag-absent din. I was so bored."    Tinitigan kong mabuti ang kaibigan ko. I know she's lying. Pag nakakarinig kasi ako ng ganitong sentimyento mula sa kanya, may dinaramdam ito. Hindi ito kailanman umaabsent sa klase maliban na lamang kung may sakit ito at pag may emergency.   "Nag-away kayo?" hula ko.   Umismid ito sa akin at umirap. "Nagkasagutan lang kami. Hindi naman ganun kalala."   "Oh, anong problema nyo ni Roger? Kebago-bago nyo pa lang nag-aaway na kayo agad." I drink my apple juice. Nung sang araw lang din ata naging opisyal na magkasintahan ang dalawa. Ewan ko ba kay Girlie, minsan tupakin din eh at isip bata.    "Duh. Wala lang naman. Kaechusan lang. Maliit na bagay, pinapalaki niya. Ay  nako, change topic na nga lang. Saturday bukas. Balik tayo dun sa bar. Baka makita mo ulit si Mr. Handsome guy." her eyelids flirtatiously flickered at me while grinning.   I scoffed loudly. "Lubayan mo ako, Girlie. Sinusumpa ko ang lugar na iyon. Di ba nga sabi ko noon, hinding hindi na ako aapak pa sa bar na yun. Kahit ang makita ang Dela Vega Suites ay ayoko rin. Gusto kong kalimutan ang lahat ng tungkol sa nangyari ng gabing iyon. Everything about that stranger is a nightmare to me."    But who am I kidding? Sa sitwasyong kong ito, mukhang malabong makalimutan ko ang lahat. The constant reminder is now living in my womb.   "Masakit tiyan mo?" inosenteng tanong nito habang kumakagat sa kanyang egg sandwich. Nakatitig siya sa tiyan ko dahil sa aking paghimas.    Pasimpleng pinatong ko ang aking kamay sa ibabaw mesa. "Uhm. Medyo busog na nga ako."   "Eh pandalawahan naman kasi yang order mo eh. Grabeh ka ha. Ngayon lang kita nakitang ganyan katakaw."    "Matagal na akong matakaw. Ngayon mo lang talaga napansin." inubos kong inumin ang aking juice at pagkatapos ay tumayo na rin. May natanawan kasi akong taong nakatingin sa amin mula sa malayo.    Binitbit ko ang aking food tray na siyang ipinagtataka ni Girlie. "Oy, aalis ka na? Hindi pa nga ako tapos eh!"    "Ang daldal mo kasi, naunahan tuloy kitang makaubos ng merienda." wika ko at kinindatan ito.    Bumusangot ang kanyang mukha at napasandal sa kinauupuan. "Ang daya ni bessy."   "Pasasalamatan mo pa kako ako." sabi ko ng makahulugan. "Tska may hihiramin akong libro sa library. Mauna na ako sa'yo ha. Enjoy your food." halakhak ko. Lalong lumapad ang aking ngiti dahil sa pagkulubot ng kanyang mukha.   Pagkatapos kong ilapag ang tray sa trolley na nasa gilid, sinenyasan ko si Roger na kanina pa nakabantay at nakatingin sa gawi namin.   Tumango at ngumiti ito sa akin. Nag thumb up sign ako sa kanya at sumaludo naman ito sa akin as he mouthed, 'Thank you'.   Umiiling-iling akong lumabas sa canteen na iyon. Mukhang naririnig ko na ang pagtaginting ng kampana ng simbahan kahit ba bago pa lang sila. Nakikinita ko kasi kay Roger ang malinis niyang hangarin kay Girlie. I can see the love in his eyes the way he looks at my friend.    I really hope may forever sa kanilang dalawa. Sa akin, hindi ko na papangarapin pa na magkaroon ng minamahal sa buhay. Kakayanin kong mag-isa ang pagpapalaki sa magiging anak ko. Andyan naman ang Nanay ko na laging nakaalalay at nakasuporta sa akin.   Well, malabo rin naman na makahanap pa ako ng lalake na magmamahal sa akin. Sinong iibig sa isang desgrasyadang babaeng katulad ko? Sira-ulo na lang yata ang magmamahal sa akin.   I scoffed. I don't need love from a man either. Hindi iyon basehan para mabuhay tayo sa mundo. Hindi nakakain ang pag-ibig. Hindi nakakabusog at sakit lang sa ulo at puso ang idudulot nito. Oo siguro, masarap magmahal at mahalin at tumanda nang magkasama. Pero sa isang tulad kong magiging ina na, di bale nalang. Sa magiging anak ko nalang ibubuhos ang buong pagmamahal at atensyon ko. Sa kanya lamang iikot ang mundo ko. Kaming dalawa ang magsasama habang buhay at hindi kami maghihiwalay. Katulad namin ni Nanay.   At kiber kong tumanda akong ganito? I'd rather grow old and die being a mother than being with a man and die later with a broken heart.   ***********   Tagaktak ang pawis ko habang naglalakad pauwi sa bahay. Hawak-hawak ng magkabila kong kamay ang dalawang market bag. Medyo naparami kasi ang aking nabili mula sa palengke. Ako na kasi ang namalengke dahil magsisimba ang aking ina. Ako naman ay mamayang hapon pa. Sasabay sa akin ang magnobyong Girlie at Roger.   Kumunot ang noo ko nang mapagtanong may nakahimpil na kotse sa harap ng aming bahay. Isang kulay itim na honda civic hatchback, kung hindi ako nagkakamali. An old model for a car. Pero mukha pa namang matibay.    Ang mga gulong ay nababalutan ng putik. Marumi din ang likod na parte ng sasakyan. Sino ang nagmamay-ari nito? At bakit sa tapat ng bahay namin nakahinto? Isa bang bisita? Pero sino?    Mabilis akong naglakad patungo sa maliit na gate namin. Pumasok ako doon at nagmamadaling pumanhik. Gusto kong malaman kung sino ang taong dumating.    Paakyat ako sa hagdan ng bahay nang mapaisip ako. Kung may tao sa loob, ibig sabihin nandito sa bahay ang aking ina. Hindi siya nagsimba. Mag aalas-siyete pa lang kasi ng umaga at kadalasan, alas siyete natatapos ang pangalawang misa.   Bumuntong-hininga ako at pinapatuloy ang aking pagpanhik sa sala.    Agad na bumungad sa akin si Nanay na ngiting ngiti sa kanyang kausap. Isang lalake ito. Nakatalikod.   Hindi nila napansin ang pagdating ko kaya pinagmasdan ko ang back features ng lalake. Matangkad ito. Mababa ang buhok na hanggang batok. Nakarolyo ang checkered polo nito hanggang siko. He's wearing a faded jeans and black sneakers.    Napaangat ang kilay ko. Maporma ang lalake, base na rin sa tindig nito. Baritono din ang kanyang boses dahil na rin sa kanyang pagsasalita na naririnig ko mula dito sa aking kinatatayuan.   Binaba ko ang aking mga pinamili sa sahig kaya nakagawa ng ingay. Halos sabay silang lumingon sa akin.    The man seems surprised. Si Nanay ay sobrang lawak ng ngiti ng bumaling sa akin.   "Agnes." tawag ni Nanay. Mabilis itong nakalapit sa akin at hinila ako patungo sa lalakeng sinusuri ako mula ulo hanggang paa.    "Halika at may ipapakilala ako sa'yo." she said enthusiastically. Tuwang-tuwa ito base na rin sa aura ng kanyang mukha.   May hitsura ang lalake. He's handsome but not that handsome compared to the men in magazines I've seen.    "Agnes, natatandaan mo ba si Allen?"    Allen?    "Allen?"    Ngumisi ang lalake sa akin. Halos mag-isang linya ang mata nito dahil sa pagngiti.    "Si Allen ito. Ano ba." salita nito.   Nanlaki ang mata ko at agad na napatakip sa bibig kong nakanganga. "Ikaw si Allen?"    "Yes sis. Omigash! Dalaga ka na!" tili nito.   Oh. My. God.    "Ikaw si Allen na mataba noong bata pa tayo?" hindi ako makapaniwala sa aking nakikitang pagbabago sa kanyang anyo.   He made a face when I said that. "Matagal na yun. Sexy na ako ngayon. Charot lang. Kumusta ka na pinsan?"   Hinila ako nito at nagyakapan kami. Nakipag beso pa ito sa akin. Agad kong tinampal ang kanyang balikat.    "Aray naman." reklamo nito.   "Anyare sa'yo? Bakit naging pogay ka na? Lalakeng lalake ka noong kabataan natin ah." wika ko.   He's my cousin. Pamangkin ni Nanay sa pinsan. Siya lamang ang tanging kamag-anak na kilala ko. Five years ago pumunta kaming Cagayan noong namatay ang pinsan ni Nanay. Ulilang lubos na rin itong si Allen at ang nagpalaki ay ang kamag-anak ng ama nito.   Nawalan kami ng communication dahil na rin sa hindi kami gusto ng kamag-anak nilang iyon.  "Maupo muna kayo. Buti na lamang at nagbago ang isip kong sa hapon na lang magsimba. Kung hindi ay wala kang maaabutang tao dito, Allen." ang sabi ni Nanay Esme.   Nang makaupo kami ay agad kong pinutakte ng tanong si Allen. "Paano mo kami nahanap? Paano ka napadpad dito?"   Kumumpas muna ito sa ere at nagkibit balikat. "Actually, naglilipit ako ng mga luma kong kagamitan. At dun nga sa box na galing pa kay Mama ay may nakita akong lumang sulat na mula kay Auntie Esme. Nakalagay doon ang address ng bahay nyo na ito kaya naisipan ko kayong pasyalan. Buti na lamang ay nandito pa rin kayo at hindi umalis sa lugar na ito." esplika nito.   "Salamat naman sa Diyos at nagkita rin tayo pamangkin." my mother was a bit teary-eyed. Kahit ako naman ay maiiyak din sa tuwa. Ang kaisa-isang kamag-anak na mayroon kami ay kasama namin ngayon.   "Nako, Oo nga po Auntie. Oh, Agnes ang kwento ni Auntie ay guro ka na daw. Nako naman, achieve na achieve mo talaga ang pagiging teacher eh noh." he smiled.   "Oo. Alam mo namang pangarap ko yan."  I smiled too pero nawala din lang nang maalala ang sitwasyon ko ngayon.   He raised his perfectly curved eyebrow. "Something's wrong?"   Nagtinginan kami ni Nanay. Tumayo si Nanay sa kanyang pagkakaupo. "Igagayak ko muna ang ating almusal." she said.    Mukhang ako ang gusto ni Nanay na magkwento sa tungkol aking sitwasyon ngayon.    "Anong mayroon sis?" curiosity is written in his face.   I sighed. I guess I have no choice but to tell him everything.    At katulad ng aking inaasahan, nagulantang ito sa aking sinabi. He was shocked. Appalled.    "Like really? Seriously? Walang halong chuvah ek-ek?"   I rolled my eyes at him at ngumiti. Ang sagwa lang kasi na nakakatuwa. Lalakeng lalake ang dating niya pero malandi pa sa babae ang boses.   I nod at him. "Gusto kong umalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Ayokong malaman ng mga tao dito ang kalagayan ko ngayon. Ayokong ilagay sa kahihiyan ang aking magulang. Kung ako lang, kaya kong harapin ang lahat ng negatibong komento ng mga tao. Ngunit paano si Nanay? Mas lalo lang siyang masasaktan."   "Naiintindihan ko and guess what, this is a perfect timing!" pumalakpak ito at lumulundag sa tuwa.   "What do you mean?"   He cleared his throat as he flipped his hair to the other side. "Eh kasi, pinapalipat ako ng management sa Davao City. Kakapromote ko lang sis! Isa kasi akong Junior Manager sa isang restaurant sa Tagum. Ilang taon din ako sa ganung posisyon hanggang sa tinawagan nga ako at ako na daw ang bagong manager sa bagong bukas na restaurant sa Davao. Sa isang linggo na ako mag-uumpisa. At dahil nga sa Davao City yun, meaning, I need to stay there for the entire duration of my job. Eh ayokong maiwan naman na walang tao ang apartment ko sa Tagum. Ganito na lang, bakit hindi na lang kaya kayo lumipat doon? Wala namang ibang tao dun eh. I'm lonesome, you know." pinalungkot pa nito ang mukha. "Weekends lang ako uuwi sa Tagum. So, kayo lang ni Auntie ang magiging tao dun sa bahay."   Napapaisip ako sa kanyang sinabi. Pwede rin. Total wala pa naman kaming mapupuntahan kung sakaling aalis na kami sa bayan na ito. Isang buwan na mahigit ang tiyan ko. Ilang linggo nalang at lalaki na ang aking tiyan. Magiging halata na ito lalo pa't nadadagdagan na rin ang aking timbang.   "Ay nako, huwag na kayong mag-isip. Pumayag na kayo. Don't worry about the expenses and everything. Pagtutulungan natin yan lalo na't may bagong miyembro sa pamilya ang darating! I'm so excited to see the baby!" He exclaimed with sheer excitement.   "And." he added. "Pag nakapanganak ka na, konting diet lang I'm sure you'll get back to shape. Sayang ang beauty natin sis kung matetengga ka lang. Pag papalarin at magiging maayos ang takbo ng karera ko, pwede kitang ilakad sa management para kunin nilang receptionist or waitress. Ay! Ang daming hombre at papabols dun neng! Maglalaway ka talaga sa kanila! And malay mo, doon mo makikita ang iyong man of your dreams." napatitig ito sa kawalan na para pang nangangarap ng gising.   Napangiti ako ako sa ginawi nito. Man of my dreams? I don't have any. I had once, one fine evening. It was just a fleeting moment. Pero ang paghanga ko sa lalakeng iyon ay napalitan ng poot.    Pero gayunpaman ay hindi ko maiwasang maging emosyonal at magluha. I guess, this is it. A sign for new beginnings. A new hope.    Perfect timing, indeed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD