TAWAG DUMUNGAW ako sa bintana at pinagmasdan ang kalsada. Kumagat na ang dilim ngunit maliwanag pa rin sa tapat ng bahay namin dahil sa poste ng ilaw. May iilang kabataan ang naglalaro ng tumbang preso. Sa kabilang kalsada naman ay mga batang naghahabulan. Rinig ko ang kanilang halakhakan. Nakikita ko ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Masyado pa silang bata para maintindihan ang takbo ng buhay. Tumabi ang aking ina at katulad ng ginawa ko ay namintana rin. "Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung kasing liit mo pa ang mga batang yan. Walang kamuwang-muwang sa mundong ginagalawan. Ngunit hindi masyadong maganda ang iyong kabataan, Agnes. At patawarin mo ako kung nagkulang ako sa parteng iyon ng buhay mo." Ngumiti ako sa aking ina. "Ang senti naman natin Nay." huma