Titig na titig si Jessica sa lalaking nasa harapan niya. Hindi niya alam kung nasisiraan ba ito nang bait o talagang pinagtritripan lang siya? Sino ba namang tao ang nasa matinong kaisipan ang mag-I love you sa taong pangalawang beses mo pa lang nakikita?
Dumukwang siya sa mesa at inilapit ang mukha sa binata. "Are you into drugs? Bangag ka eh."
Ngumiti nang ubod tamis ang binata. "We've only met twice but I have known you for a long time ago, princess. Matagal na nga kitang hinahanap kaya ngayon na nakita na kita, gagawin ko ang lahat maging tayo lang. Maging akin ka lang."
Nagulat ang binata ng hawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Bago pa ito makapag-react ay nai-untog na niya ang ulo sa noo nito.
"Aw! Aw! Ouch! Why did you do that? s**t! Nabasag ata ang bungo ko doon ah?" gulat na sambit ni Kent.
"Talagang mababasag ang bungo mo kapag hindi ka pa tumigil sa kalokohan mo! Buwisit ka!" tugon ni Jessica.
Panay pa rin ang ang mura ng binata habang hinihimas ang noo nito.
But she can see the way he stared at her. Na para bang siya lang ang nakikita nito. Hindi siya makapaniwalang maaapektuhan siya sa pagtitig pa lang nito. She didn't need such sensation right now.
Wala sa loob na umangat ang paa niya sa ilalim ng mesa at sinipa ang binti ni Kent.
She heard him cursing. Nakakatawa ang itsura nito na animo bata.She encourage him to come near at nang halos magkapantay na ang mukha nila, bumulong siya rito.
"Sa susunod na mangati ang alaga mo, huwag ako ang kulitin mo, ha?"
She saw the shock on Kent's face.
"My God, woman! Your mouth is something."
"Whatever! At pwede ba, umalis ka sa harapan ko. Nakakairita ang pagmumukha mo."
Nagawa pang ngumiti ng binata. "Sa gwapo kong ito, nakakairita pa ang pagmumukha ko?" Sabay turo sa sarili.
Huminga ng malalim ang dalaga upang hamigin ang sarili.The man infront of him was unpredictable. Hindi niya alam kung anong trip sa buhay. Siya pa ang napiling pagtripan. Inangat niya ang whiskey na iniinom at dinala sa mga labi. Ramdam niya ang pait noon na gumuhit sa kanyang lalamunan ngunit nagbigay iyon kaginhawahan sa kanya.
"Can I court you?" Muntik na niyang maibuga ang alak na iniinom dahil sa sinabi ng binata.
Hindi na niya ito sinagot at nagmamadaling lumabas ng bar nito. Akma namang susundan siya nito nang biglang may tumawag sa pangalan nito.It was, Ethan. His older brother.
Nagmamadali naman siyang lumabas ng bar at dumiretso sa kanyang sasakyan. Hindi siya pwedeng umalis kahit gusto niya. She wouldn't risk his life now lalo na ngayong alam niyang may sumusunod dito. Kung nahuli siya ng dating noong isang araw, malamang pinaglalamayan na ito ngayon. Alam niyang nasa paligid lang ang mga kalaban. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang tracker na pasimple niyang ikinabit sa binata kanina .Tumango-tango siya ng makitang maayos naman ito, kasalukuyang nasa loob. Kaagad naman siyang nagpalit ng damit. Naka-ready ang lahat sa loob ng kanyang sasakyan just in case something happens. She decided to wear a gray sweat shirt with a black leggings and a runner. Mas kumportable siyang gumalaw kapag iyon ang suot niya.
Heavily tinted ang kanyang sasakyan kaya hindi siya nakikita ng mga tao sa labas subalit kitang-kita niya ang mga nangyayari sa labas. And she can sense somethings not right. Something's off.
Naging alerto ang dalaga ng makita niyang lumabas ang binata. Palinga-linga ito, animo may hinahanap. Akma na sana itong babalik ito sa loob ng bar ng may humintong van sa tapat nito at sapilitang isinakay ang binata.
Shit! s**t!
Eto na nga ba ang sinasabi niya eh! Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan at mabilis na sinundan ang mga ito.
She had declared war against this heartless and lowless criminal at ngayon nga ay nasa kanyang harapan ang mga ito. She sure could handle this lightly kung hindi lang makulit at matigas ang ulo nito. Ilang beses ng sinabihan na huwag gaanong maglalalabas, pero sige pa rin ang siraulo kaya siya ang nahihirapan ngayon.
Hayop ka Morphin! Kung hindi man ako mapatay ng mg kalaban ko, malamang mamatay naman ako sa kunsumisyon dahil sa kliyenteng ibinigay mo! Gago ka!
Niyapakan niya ang silinyador at walang atubiling binangga ang puwitan ng van sa unahan. Bahagya siyang nasaktan ngunit hindi niya inalintana iyon. Alam niyang mas nasaktan ang kung sinumang nasakay sa van na iyon. Umaasa na lang siya na hindi napaano ang binata. Agad niyang isinukbit ang baril sa baywang at inilagay ang combat knife sa may binti niya.
Shit! Napamura siya ng maalalang wala siyang dalang mask ngayon. Hindi pwedeng makilala siya ni Kent. Isang bandana ang nakita niya at itinali iyo sa bandang ibaba ng mukha.Tanging ang kanyang mata lamang ang nakikita.
Mabilis niyang binuksan ang drivers side at inilabas ang kalahati ng kanyang katawan upang puntiryahin ang gulong ng sasakyan ng mga ito. Sa sitwasyon niya ngayon, hindi siya mangingiming gamitin lahat ng nalalaman niya mailigtas lamang si Kent. Matitikman ng mga ito ang totoong kahulugan ng salitang torture hindi dahil itinuro iyon sa kanya but she had been captured and tortured herself.
Nakita niyang napatigil ang sasakyan at mula roon ay lumabas ang isang lalaki sa passenger side kaya agad niyang binaril ito. Sapol sa binti. Bagsak ang gago. Mapait siyang umismid ng lumabas muli ang dalawang lalaki mula sa sasakyan at kaagad siyang pinaputukan ngunit humaging lang sa kanyang katawan ang bala ng mga ito ng makapagtago siya sa likod ng kanyang sasakyan.
Bullshit kayo! Damn it! Pagbabayaran niyo ang ginagawa niyo sa sasakyan ko! Panay ang pagmumura ng dalaga habang pinauulanan ng bala ang kanyang sasakyan.
Bigla siyang dumapa at mula sa ilalim ng sasakyan, kita niya ang mga paa ng kalaban na papalapit sa kanya. Agad niyang kinalabit ang gatilyo ng baril at napaluhod ang lalaki ng tamaan niya ang binti nito. Hinugot niya ang patalim sa kanyang binti at inasinta ang dibdib noong isa. Kasabay noon ay ang paglingon niya at pagbaril sa isa pang lalaki. Lupasay ito sa sahig. Panay ang bulwak ng dugo mula sa dibdib nito kung saan niya tinamaan.
She wanted to laugh hysterically. Easy job for her. Humugot siya ng malalim na hininga at pinuntahan ang binata sa loob ng van.
"Mr. Guevarra!" buong lakas niyang sigaw habang inililibot ang paningin sa loob ng sasakyan. May narinig siyang umungol at nakita niya sa bandang likuran ang lalaki. May busal ito sa bibig at nakatali sa likuran ang dalawang kamay nito. Gamit ang dalang patalim ay tinanggal niya ang tali nito.
"Are you okay?" tanong niya rito.
Bahagya lang na tumango si Kent. His voice strained and he looked tortured. Napansin niyang hindi maalis sa kanya ang mga mata nito. Matiim ang mga titig. Animo isa siyang specimen na kailangan nitong pag-aralan at siyasating mabuti.
Kunwaring hindi niya napapansin ito. Agad niyang tinawagan si Morphin.
"Morphin? Yes... What? Bakit ako?" Pinutol na nito ang tawag at hindi man lang pinakinggan ang kanyang paliwanag.
Malakas niyang nahampas ang manibela ng sasakyan dahil sa sobrang inis. Pinili niyang manahimik na lang baka makahalata ang binata sa tunay niyang pagkatao. Alam niya kung ano ang kakayahan nitong gawin, kaya makabubuting hindi nito malaman kung sino talaga siya. Para na rin sa kapakanan nito.
Kent's chest ached for what had just happened a few minutes ago. Suddenly, he felt afraid. Hindi para sa sarili niya kundi para sa pamilya. Saksi siya sa kung paanong nadurog ang kanyang pamilya ng pumanaw ang kanilang ama. Saksi siya kung paanong nagdalamhati ang kanyang ina, silang magkakapatid at hindi nila alam kung paano tatayo at magsisismulang muli. And for the first time in his life, he felt hopeless. Gusto niyang sisishin ang sarili kung bakit naging mahina siya. Only this time, he knows it was his fault. Noon, sadya niyang tinatanggihan ang pagkakaroon ng bodyguard but with the current situation, tinatanggap na niya ang pagkakaroon ng bodygurad. Hindi na kakayanin ng kanyang ina kapag napahamak siya at ayaw niyang siya pa ang maging sanhi noon.
Nilingon niya ang istrangherong nagligtas sa kanya at nakaramdam siya ng kaligtasan kahit pa hindi niya ito kilala ng personal. Kahit paano ay nabawasan ang takot na nararamdan niya kanina.
Palihim niyang sinusuri ang babae sa kanyang kaliwa. Oo. Alam niyang babae ang nagligtas sa kanya base na rin sa tindig nito. Hindi siya maaaring magkamali. Naroon ang paghanga niya rito subalit hindi niya mapigilan ang manliit. Babae pa talaga ang nagligtas sa kanya.
Rinig niya kung paano ito magsalita. Authoritative and powerful. Nakaka-intimidate ang aura nito. Kahit pa ang pagmamaneho nito at pagmamane-obra ng sasakyan ay nakakabilib.
"Turn...clean up the mess. Call Morphin as soon as possible." Rinig niyang sabi sa kausap nito.
Tiningnan niya ang paligid, hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. Kung saan-saan sumuot ang kanilang sinasakyan upang mailigaw ang humahabol sa kanila. Sa ngayon ay hindi niya alam kung nasaan sila lalo na at madilim na sa buong paligid.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong niya rito ngunit hindi man lang ito sumagot. Nanatiling tikom ang bibig.
"Can I atleast know where are we going?" kulit niya dito.
Marahas itong lumingon sa kanya at sumenyas na sinasarhan ang bibig nito .That silenced him. Lalo na ng matitigan niya ang mga mata nitong nagbabadya ng panganib. Kakaiba ang kislap noon at wala siyang nagawa kundi umiwas ng tingin. Hindi siya mapakali sa mga titig nito. Hindi naman siya natatakot dito, subalit hindi niya maipaliwanag ang nararamdam ng silang dalawa na lang sa loob ng sasakyan. Ang pakiramdam na kilala niya ang taong katabi niya ngunit sigurado siyang hindi niya ito kilala ng personal.
Napansin niyang pumasok sa isang malaking gate ang sasakyan nila at natanawan niya ang isang malaking bahay sa di kalayuan. Nakita niya ang lalaking nakatayo sa labas ng pinto, wari ay naghihintay sa kanilang pagdating. Sumaludo ito sa kasama niya. Bahagyang tango lang ang isinagot nito. Lumapit ito sa kanila at inaya silang pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso paakyat sa ikalawang palapag ang babae subalit huminto ito sa bandang gitna at lumingon sa lalaking sumalubong sa kanila.
"Bantayan ninyong maigi 'yan! Matigas ang ulo ng isang iyan. Tawagan mo si Turn at sabihin mong sumunod dito. May kailangan kaming pag-usapan. Inform Morphin, too. Magpapahinga lang ako saglit,"utos nito.
Dumako ang mga mata nito sa kanya sabay turo sa kanya. " At ikaw naman Mr. Guevarra, huwag matigas ang ulo mo. Madami ang mapapahamak sa katigasan ng ulo mo eh! Magpahinga ka na. Kung may kailangan ka, sabihin mo na lang kay Hunter."
Pagkatapos ay umakyat na ito. Naiwan siyang nakatulala at hindi niya magawang makapagsalita man lang. Nang tingnan niya si Hunter, nagkibit balikat lang ito.
"She's always like that. Masanay ka na," sagot nito kahit hindi pa man din siya nagtatanong.
Itinuro nito ang kwartong tutulugan niya .Pumasok siya ng banyo at agad na naligo pagkatapos ay bumaba at naghanap ng makakain. Naabutan niyang nagluluto si Hunter ng calderetang manok. Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom ng maamoy ang niluluto nito. Silang dalawa lang ang kumain at naikwento nitong hindi gusto ng babaeng iyon na iniistorbo ang pamamahinga. Ayaw na ayaw nitong naiistorbo ang tulog. Kusa na lang daw itong bababa kapag nagutom na.
Pagkatapos kumain ay nagpasya siyang magpahinga na. Bukas niya na lang kakausapin ang kanyang mga tao. Dahil siguro sa sobrang pagod kaya nakatulog siya kaagad pagkahiga niya. Hindi na niya namalayan ang mga nangyayari sa kanyang paligid.