Chapter 21: Bonding Moment

1587 Words
Naalimpungatan ako nang maramdaman na parang may mga matang nakatitig sa akin. Kinailangan ko pang ilang beses na ibukas-sara ang mga mata para lang luminaw iyon pero muling bumagsak dala ng sobra kong antok. Tuluyan akong nahimasmasan ng maramdaman ang banayad na haplos sa aking inaantok na mukha ng mainit, malambot at malapad palad. “B-Bakit?” parang mapupunit ang lalamunan sa sakit na tanong ko, dama ko ang panunuyo nito. Ang Tukmol ang tumambad ng idilat ko ang mata. Sinabi ko bang pumunta siya dito sa kwarto ko? Ganunpaman ay hindi na ako nag-react. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko, matamang nakatunghay. Mapungay na ang mga mata na halatang pagod. Sa hula ko ay ilang beses niyang sinalat ang noo ko. Tinitingnan yata kung mayroong lagnat. Inirapan ko siya. Iyon ang initial na reaction ko. Gumalaw ako at bumaling na sa kabilang pwesto. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Kinakabag ka pa rin ba? Ininom mo ba ang gamot kanina?” sunod-sunod niyang tanong, puno ng pag-aalala. “Hmmn...” “Anong hmmn? Tinatanong kita ng maayos kaya dapat na sumagot ka rin ng ayos. Huwag mong balewalain. Marami ang napapahamak diyan.” Sa halip na sumagot dito ay hinila ko ang kumot upang ibalit iyon sa katawan. Sa pamamagitan nito ay gusto konh ipakita sa kanya na wala ako sa mood makipag-usap kaya tantanan niya ako. “Hilary? Tinatanong naman kita. Ininom mo ba ang gamot? Mahirap bang sagutin ang tanong?” Awtomatikong umikot ang mga mata ko sa ere kahit na hindi niya nakikita. Hindi niya mahulaan na ayaw kong makipag-usap? Pambihira naman! Marahan akong tumango. Hindi ko alam kung nakita niya ba iyon pero sana manahimik na siya. Hayaan niya akong magpahinga. Patulugin niya pa ako dahil antok na antok pa ang diwa ko. Hindi niya ba makita na para akong mukhang manok? Nabubulag na naman yata ang Tukmol na ito! “Hindi ka na kinakabag?” makulit na tanong niya ulit, parang wala yata siyang planong umalis at lubayan ako. Hay naku, napakahina naman ng ulo! “Sagutin mo kasi ako ng maayos. Mamaya ka na pumikit. Kailangan kong malaman iyan para hindi ako nag-iisip kung ano ang gagawin ko sa'yo.” Isinipa ko na ang isang paa. Pagpapakita iyon na hindi niya dapat ako iniistorbo. Hindi niya ba mabasa kung ano ang gusto ko? Ayoko siyang kausapin. Ayoko ng kausap. Huwag niya akong istorbohin. Mahirap na ba iyong intindihin? “Ano ba? Hindi mo ba nakikitang antok na antok pa ako? Patulugin mo naman ako! Pwede ba?” pagsabog na ng inis ko sa kanya, ginulo ko pa ang buhok na parang itlugan na ng manok ang itsura. Hinarap ko na siya. Parang lalamunin na siya ng buo sa sobrang inis na pinapakita ko sa kanya. “Oo na. Sige na. Matulog ka na ulit. Ang sungit mo naman. Concern lang naman sa'yo kaya kita tinatanong. At isa pa, gabi na rin. Bangon na diyan at kumain ka muna bago matulog ulit.” pagpatol niya sa sinabi kong mabilis na tumayo, inilagay pa ang dalawang kamay sa beywang niya. Siya pa talaga ang pikon sa aming dalawa? Siya kaya iyong nang-istorbo at hindi ako. Pinandilatan ko na siya ng mga mata. Kapag hindi pa naman siya natakot sa akin ewan ko na lang. Myghad! Ano naman kung gabi na? Hindi ba ako pwe-pwedeng mag-skip ng kahit na isang meal? “Oo na! Oo na! Heto na oh, nakabangon na!” dabog kong bumaba na ng kama, inis na inis na sa kanya. Nakangisi na siya nang sipatin ko ng tingin. Ang mata niya ay nanatiling nakaburo pa rin sa akin. Talagang sinusukat ang haba ng pasensiya ko. “Anong nakakatawa? Alam mo bang istorbo ka sa pagtulog?” muli akong naupo sa kama, inayos na ang buhok na magulo, nilingon ko siya kapagdaka gamit ang puno ng galit ko pa ‘ring mga mata. “Ano? Tatanga ka lang diyan sa akin? Hindi ka pa lalabas ng kwarto ko nang makapag-ayos ako?” Naulinigan ko pa ang mahina niyang pagtawa habang kinakabig ang dahon ng pintuan ng silid. Talagang halatang sinasadya niyang asarin ako. “Siya nga pala ayan iyong ang mga pasalubong ko sa'yo galing ng New Jersey. Sa'yo ang ahat ng nariyan sa paper bag. Nakalimutan ko lang ibigay sa'yo noong mga nakaraang araw. Share it with your friends, Hilary kung di mo kayang ubusin.” Awtomatikong bumaling na sa pwesto noon ang mga mata ko. Ilang paperbags nga iyon na nakalapag sa sahig ng aking silid. Ito ba ang isa sa rason bakit niya ako inistorbo? Ang iyabang sa akin ang mga pasalubong na hindi ko hiningi?Gusot ang mukhang muli ko siyang sinulyapan. “Sinabi ko bang bigyan mo ako ng pasalubong—” Nagmamadaling isinara niya ang pinto, dahilan para maputol ang mga sasabihin ko pa sana sa kanya. Ang bastos talaga ng tukmol na kumag na iyon! Kinakausap ko pa bigla na akong lalayasan? Humanda ka sa akin mamaya. Makakatikim ka na talaga. Akala mo okay na tayo? Hindi pa ‘no! “Bakit hindi na lang sa fiancee niya ibigay? For sure baka paliguan pa siya ng halik at papuri!” turan kong panay ikot pa rin ang mga mata. Ika nga nila curiosity kills a cat. Ganunpaman ang reaction ko ay saglit ko pa rin iyong sinilip kung ano ang laman kahit may hint na akong mga chocolates lang. As if naman bibilhan niya ako ng mga valuable things beside sa pagkain lang iyon. Nang makitang chocolate lang iyon at wala ng iba pa ay hindi ko na iyon binigyan ng pansin. “Ano bang gusto niya? Masiyahan ako? Hindi naman ako ma-chocolate na tao. Gusto niya pa yatang masira ang mga ngipin ko sa dami. Kahit pa sabihin niyang share with your friends, dapat naman ay sinamahan niya ito ng cookies.” Hinila ko na ang towel. Sinampay iyon sa balikat. Asar pa rin ang mukhang dumeretso na ako sa banyo upang ayusin ang sarili bago ako lumabas. Naguguni ko pa ang hitsura ng fiancee niya sa balintataw habang papasok doon. Naririnig ko rin ang boses nito na lalo ko lamang ikinairita. “Si Chaeus?” tanong ko sa maid pagpasok pa lang ng kusina, inilapag ko ang mga paperbag sa table. Dinala pa talaga niya sa room ko. Sana pinalagay na niya deretso sa fridge. Gusto lang iyabang e. “Umalis na siya, Hilary. Actually, kakaalis-alis lang ilang minuto bago ka pumunta dito.” Umalis? Saan iyon pupunta ng ganitong oras? Matapos niya akong istorbohin sa pagtulog ay aalis din pala siyang bigla? Napakagaling naman! “Hindi ba nagpaalam sa'yo? Akala ko ay nagsabi sa'yo gawa ng pumunta pa siya ng kwarto mo.” Umiling ako. Ayoko ng pag-usapan pa ang Tukmol na iyon at tuluyang sirain ang gabi ko. Istorbo! Eh ‘di sana mahimbing pa ngayon ang tulog ko. “Pakilagay sa fridge ang lahat ng ito.” utos kong ang tinutukoy ay ang chocolate sa paperbag. Matapos na kumain ay ilang minuto pa akong tumambay sa sala. Panay lang ang scroll ko sa cellphone hanggang sa manakit ang aking mga mata. Hindi ako umaasang babalik ang Tukmol. Baka nga sa labas pa iyon ngayon magpa-umaga. Hindi rin nagtagal at pumasok na ako ng silid. Mabuti pang ituloy ko na lang ang naudlot na pagtulog keysa mamuti ang mata kakahintay. Buong maghapon ng Lunes ay hindi ko nasilayan ni anino ng Tukmol na pakalat-kalat sa loob ng bahay. Hindi na rin ako nagtanong sa maid ng tungkol sa kanya. Sila na ang kusang nagsabi sa akin na maaga rin daw itong umalis ng araw na iyon kahit na halos umaga na umuwi ng nagdaang gabi. Wala naman akong naging komento doon. Anong sasabihin ko? Ayoko ngang makialam sa buhay niya. Hindi naman ako gaya niyang ang hilig makialam sa buhay ko. At least wala siyang masasabi at maisusumbat sa aking ginawa ko. Pagsapit ng Martes ay ganundin ang nabungaran ko paggising. Kung ano ang nangyari ng Lunes ay iyon pa rin ang ginawa ko ng araw na iyon. Panay mukmok ko lang sa loob ng silid. Ilang ulit na tawag ang ginawa sa mga kaibigan na may kanya-kanyang hiwalay na lakad. Gaya ng Lunes, hindi man ako nag-usisa sinabi pa rin sa akin ng maid kung ano ang napansin nila kay Chaeus. “Baka may pinagkakaabalahan lang siya kaya panay ang labas ng maaga at uwi niya ng late.” “Mukha nga, Hilary. Ang dami niyang bitbit eh.” Ito talagang mga ito, tsismosa. Sumbong ko sila sa Tukmol na iyon. Tiyak lagot sila kay Azalea. Pagdating ng umaga ng Wednesday ay maaga akong naghanda pagpasok. Gaya ng mga lumipas na araw ay hindi na ako naasang makikita ko si Chaeus, subalit ganun na lang ang gulat ko na paglabas ng bahay ay naroon siya. Siya ang nasa loob ng sasakyan, nasa pwesto ng aming driver. Sandaling umawang ang bibig ko. Malamang, hindi ko inaasahang matatagpuan ko siya doon diba? “Good morning, Hilary!” masiglang bati niya sa akin, balewala ko lang siyang sinulyapan kahit na puno na naman ang utak ko ng maraming tanong. Aba, himala kasi. Hindi ko inaasahan iyon. “Ako ang maghahatid sa'yo ngayon sa school. Babawi ang Kuya Chaeus sa nakalipas na two days na wala akong panahon maka-bonding ka.” Kailan pa kaya naging bonding moment sa kanya ang paghahatid sa akin sa school ko? Ngayon? Iba pa rin talaga kapag nilalaanan ng panahon. Ayos nga Hilary, huwag kang mag-inarte diyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD