Bagama't nagulat ay hindi ako nagpakita ng kahit na anong reaction. Iisipin niya lang na okay lamang sa akin ang lahat kahit na hindi. Walang imik na lumulan ako sa front seat na parang normal na araw lang iyon. Ni hindi ako bumati ng good morning pabalik, hindi rin ako nagtanong kung nasaan ang driver. Higit sa lahat ay bakit siya ngayon ang maghahatid?
Niknik niya, hinding-hindi ko siya kakausapin.
Akala niya okay kami? Manigas siya diyan kakaisip kung bakit malamig na naman ako.
Dama ko ang mainit na paninitig niya habang tinitingnan akong nagkakabit ng seatbelt. Sa asta niya ay halatang marami pa sana siyang sabihin ngunit dahil sa pananahimik ko kaya pinili na lamang niyang huwag na ‘ring magsalita pa.
“Ingat ka, Hilary.” usal niya matapos na iparada ang sasakyan sa harap ng gate, nagawa kong hindi siya kausapin buong biyahe.
Nagawa ko ng makababa ng kotse at papasok na sana ng gate nang buksan niya ang bintana at magpahabol pa sa akin ng mahabang litanya.
“See you later, Hilary. Agahan ko mamaya. Ako pa rin naman ang magsusundo sa'yo sa hapon.”
Blangkong nilingon ko siya. Iginalaw ko na ang kamay para sumenyas sa kanyang umalis na. Pero ang tukmol, hindi magawang e-pick up iyon! Kailangan pang magpanggap dahil pinagtitinginan na siya ng mga student na nakakita. Lalabas akong masama sa paningin nila dahil sa kanya!
“Oo. Ingat, pauwi.” labas sa ilong na kaway ko na pabalik para naman umalis na siya. Kakaasar!
“Hilary, sino iyon? Bagong driver niyo?” usisa na ng isa mga student na nasa lower grade, medyo fame ako sa pagiging hindi snob sa school.
“Bagong driver? Seryoso ka? Ang gwapo naman noon para maging driver nila. Mukha siyang foriegner tapos bagong driver lamang?” pakli ng kasama niya na tumawa pa at nakiki-usyuso rin.
Sumasabay sila sa paglalakad sa akin. Hindi ko magawang bilisan para matakasan sila. Ayoko rin na gawin iyon at naku, masisira ang imahe ko.
“Hmmn, good morning sa inyo.”
Kung pangit ang ugali ko sasabihin kong oo, bago ngang driver namin iyon. Kaso, baka makarating pa sa Tukmol na ito at ikasama pa ng loob niya. Pwede ‘ring maging mabuting tao kung minsan.
“Stepbrother ko siya, anak ng stepmother ko.” explain ko na kahit na medyo tinatamad pa ako.
Alam naman sa buong school na may bago akong family. Naging issue nga iyon sa mga student kada may problema akong kinakasangkutan. Sino ba namang hindi makakaalam gayong pasaway ako sa principal namin? Kalat na kalat nga na ito ang rason bakit ako nagre-rebelde. Minsan nga brino-broadcast pa iyon ng napakalakas kapag nahuhuli kaming nag-cutting class at tumakas.
Base sa reaction nila, hindi yata nila alam na may second family ako. Ngayon ay alam na nila.
“Hala! Stepbrother mo iyon, Hilary?” tutop pa ng bibig ng naunang estudyante, halatang gulat ito. “S-Sorry. Hindi ko kasi alam.” yukod pa nito.
“Ayos lang...”
“I told you, ang gwapo para maging driver.” sulsol ng kasamang kita kong medyo bida-bida.
Sinamantala ko ang pagkakataon. Mabilis akong nagpaalam at nilalakihan na ang mga hakbang. Ayoko ng makipag-plastikan, si Tukmol pa ang napiling topic. Masisira lang ang buong araw ko.
“Kumusta ang long weekend mo, Girl?” agad na bungad sa akin ni Glyzel pagpasok ko ng cafe, siya pa lang ang naroon sa mga tropa ko.
“Ayos lang naman.” tamad na baba ko ng bag sa upuan, luminga-linga. “Kuha lang ako ng drinks.”
Pagbalik ko ng table ay pinagmasdan niya akong mabuti. Sinusuri ang bawat galaw ko na parang may hinahanap siya ditong kakaiba o pagbabago. Hinintay niya muna akong maupo bago nagsalita.
“Kumusta naman ang—” pinutol niya sadya ang sasabihin at saka luminga-linga sa paligid namin. Walang anu-ano ay dumukwang na siya palapit sa akin, “Hindi ba iyon pumasa? Patingin nga!”
Doon pa lang ay alam ko na ang tinutukoy niya. Hindi namab ako mahina para hindi mahulaan. Ini-unat ko ang braso upang ipakita sa kanya. Alam kong iyon ang gusto niyang itanong sa akin.
“Sumakit lang siya, pero hindi naman pumasa.” patuloy kong hinarap na ang inuming kinuha ko.
“Hala, mabuti naman kung ganun. Akala ko talaga ay papasa iyon. Kitang-kita ko ang higpit ng hawak.” wika nitong umayos na ng upo, parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib na huminga.
Gusto ko pa sanang magkwento ng mga nangyari sa amin buong long weekend kaso nga lang ay natatamad na ako. At saka paniguradong uulitin ko na naman iyon pagdating pa ng dalawa kaya mamaya na lang para isahan lang. Isa pa ay masyadong ukopado rin ang isip ko kung saan nagpupunta si Tukmol kahit na alam kong baka sa site lang iyon. Pero maaari rin na sa condo ng fiancee niya siya natutulog di ba? Umikot ang mga mata ko sa kawalan ng maisip iyon. Parang habangbuhay na talaga akong magagalit sa kanya. Hinding-hindi ko siya makakasundo.
Anong klase siyang bantay? Suma-sideline siya! Sumbong ko kaya siya kay Daddy at Azalea? Wag na, baka ako pa ang baliktarin ng mga iyon eh!
“Anong oras kayo nakauwi?” pag-iiba ko ng topic upang doon na mabaling ang laman ng aking isip.
“Hapon na iyon ng Sunday.” hagikgik pa ni Glyzel na animo ay tuwang-tuwa ito sa mga nangyari.
“Wow, sulit na sulit niyo ah!”
“Sinabi mo pa, Hilary. Umaga na nga yata iyon ng Saturday kami nakatulog. Ang saya-saya namin. Seryoso iyon. Sana talaga ay naroon ka.”
Sana nga ay naroon ako, kaso may hadlang.
“Marami pa namang next time. Hindi lang naman iyon ang pagkakataon. Hayaan mo, I'll make sure na next time ay hindi na ako mawawala doon.”
“Sure iyan ah? Baka sabi mo lang iyan?”
“Ako ang bahala.”
Lunch time na ng magdesisyon akong sabihin sa kanila ang tungkol sa fiancee kuno ni Chaeus. Hindi mapakali ang dila eh. Gusto kong humanap ng kakampi para magalit sa babaeng iyon. At hindi ako nabigo sa aking gustong mangyari.
“Sure ka diyan? Baka naman friend lang?” si Josefa na halatang dismayado sa nalaman.
Hindi niya lang iyon gaanong ipinapahalata. Pero alam ko na deep inside, nagawawala na ang gaga.
“Hundred percent sure ako. Ipinakilala niya sa akin last Sunday over lunch. Fiancee talaga.” siguradong-sigurado na sambit ko, kailangan nilang makumbinsi. “Bakit ako magsisinungaling? Mahalaga kayo sa akin kaya no to fake news.” kibit-balikat ko pa na kinukumbinsi pa rin sila.
“Nakaka-heartbroken naman iyan. Iyak kaming malala ni Josefa!” drama ni Shanael na ibinagsak pa ang kutsara niya sa tabi ng pinggan, “Totoo ba talaga Hilary? Hindi mo kami niloloko lang?”
“Oo nga, ipinapaalam ko lang sa inyo para isang araw ay hindi na kayo magulat sa malalaman.”
Tumawa lang si Glyzel na hindi na nakisama sa kanila magmula nang mabunyag sa akin na may relasyon pala siya doon sa class adviser namin.
“Anong pangalan niya sa social media? Tingnan natin kung bagay sila. Dapat ay maganda siya! Hindi pwede na puchu-puchung hitsura lang!” si Josefa na hindi na maipinta ang hitsura ngayon.
“Oo nga, para hindi naman sayang ang magiging lahi ni Chaeus. Kapag pangit siya, malamang ay pangit din ang lalabas. Sayang lang ang genes!” sang-ayon ni Shanael na naging paladesisyon.
Napangisi na ako sa tinuran nila. Malamang lalo silang mafru-frustrate oras na makita nila ito. Ako nga, nanggigigil sa inis. Sila pa kayang mas mapanglait kumpara sa akin? Kawawa naman ang fiancee ni Tukmol sa kanila. Lalaitin lang sobra.
“Hindi ko alam, pero alam ko ang social media ni Chaeus. Malamang friend silang dalawa doon.”
Matagal na siyang nag-friend request sa akin. Is that two years ago? Right after ng kasal ng Mommy niya kay Daddy pero hindi ko ina-accept. Ayokong magkaroon ng amag ang friendlist ko.
“Bilis. Tingnan mo, Hilary at huhusgahan namin.”
Asar na umikot ang mga mata ko sa ere nang buksan ang account ni Chaeus at naka-lock ang profile noon. Kinailangan ko pa talaga siyang i-accept para lang ma-stalk namin ang babae. Malamang magtataka ang Tukmol sa pag-accept ko, two years ba naman iyon. Baka isipin niya pa na tanggap ko na siya. Nang-accept na ako eh!
“Hay naku, kung hindi lang kailangan!”
“Hayaan mo na. Para naman sa amin iyon.” si Shanael na inagaw pa ang cellphone ko sa akin para siya na ang mang-stalk sa karelasyon nito.
Nasa ilalim kami ng puno ng talisay sa tabi ng dagat. Tapos na kaming kumain at pinili ditong tumambay. Less crowded at less ang marites.
“Hindi ko makita. Wala namang nakalagay sa kung sino ang naka-relasyon sa kanya. Basta lang in a relationship siya.” iritableng reklamo nito after ng ilang minuto, “Kawawa. Ikinakahiya yata.”
“Ako nga!” agaw naman ni Josefa sa cellphone ko, akala naman nila makikita nila kung sino. Ako pa lang naman ang nakakakita sa mukha noon.
“Hoy, dahan-dahan ah. Kapag iyan nabagsak. Malilintikan kayo sa aking dalawa. Tingnan niyo!”
Tumawa lang ang dalawa. Nilingon ko si Glyzel na may sariling mundo. Pangiti-ngiti ito sa kausap sa screen ng cellphone. Malamang si Sir iyon.
“Ano bang hitsura ng babaeng iyon? Baka nakita ko na sa friend list niya, hindi ko lang nakikilala.”
“Ako na kasi. Masyado naman kayong atat eh.” padaskol na hila ko ng cellphone kay Josefa.