Kumuha na ako ng ilang ply ng tissue at pinunas iyon sa kamay. Wala pa ‘ring imik kahit na dama ko ang paninitig ni Lailani sa akin. Ano bang dapat na reaction ang ibigay ko? Wala akong alam. First time ko kaya ito. Hindi pa naman ako magaling mag-fake ng totoong nararamdaman. Kung ayaw ko sa tao ay nakikita iyon sa kilos ko. O kung hindi ay kita iyon sa gaspang ng ugali ko.
“Hindi mo naman sinabi na narito pala sa bansa ang girlfriend—este ang fiancee mo, Chaeus...”
Hindi sa gusto ko silang mag-away. Gusto ko lang malaman ni ate mong girl na ngayon lang siya nabanggit ni Chaeus. I don't want her to feel bad, pero iyong kulo ng dugo ko ay hindi mapakali sa pagtaas. Ang init ng ulo ko sa kanya. Realtalk.
“Dahil ngayon lang din naman tayo nag-usap ng matino mula ng dumating ako, Hilary.” sagot ng Tukmol na hindi ko nagustuhan, siguro ay ayaw niya lang mapahiya sa harap nito. Tama naman.
Ngayon lang naman talaga kami nag-usap. At ang ayaw ko dito ay kung paano iyong fiancee niya ay natawa sa ginawa niyang pangbabara sa akin.
“Ay oo nga pala, sorry ah? Pinilit mo nga pala akong sumama sa'yo. Syempre, wala akong palag dahil pinagbabantaan mo ako ng kung anu-ano.”
Masama na ang ugali kung masama. Siya ang may gustong magalit na naman ako sa kanya. Ayaw kong palabasin niyang nagpilit akong sumama.
“Umayos ka Hilary, anong pagbabanta ang mga sinasabi mo? Tumigil ka kakagawa ng kwento.”
Malakas na akong humalakhak. Sinabayan ko pa iyon ng palakpak. Bakit? Si average looking woman kasi is ang asim na ng hitsura. Salitan ang tingin sa aming dalawa. Hindi na makasabay sa kung ano na ang paksa ng aming usapan.
“Joke lang naman, Chaeus. Hindi ka na mabiro. Lakad na sa bathroom. Maghugas na ng kamay.” pormal na utos ko, nagtataka na rin siguro ang babae kung bakit name basis ang tawagan namin.
Awkward na itong tumayo sabay tingin sa fiancee. Tinitingnan ang reaction nito na to be honest ay parang hindi na doon mapipinta pa.
“Babe, mabilis lang ako. Hindi ka ba sasama? Tara doon. Hugas na muna tayo ng ating kamay.”
Aba, at takot pang iwanan ang fiancee niya sa akin. Hindi ko naman lulunukin iyon nang buo.
“No, gagamit na lang ako ng utensils.”
Huh! Akala niya ay madali? Tingnan ko lang kung paano niya babalatan ang mga lobster mamaya.
“Are you sure?” hawak niya sa balikat nito.
“Hmmn, go at baka e-serve na agad ang foods.” maamong tango ng babae, mukha namang mahal niya talaga ang Tukmol. Kita iyon sa mata niya.
Bantulot na umalis ang Tukmol. Sinundan siya ng tingin ni Lailani. Nagkibit-balikat lang ako doon.
“Mukhang ang comfortable mo ng kausap ang fiancé ko.” matabang na sambit nito pagkainom ng tubig, sabi ko na nga ba masama ang ugali eh.
Base on my experience. Ganun talaga ang may mga hitsurang ganito. Unat ang buhok. Manipis ang bangs. At saka naka-braces ang mga ngipin. Halatang dito na lang sila bumabawi ng hitsura.
“Bakit naman hindi? Kapatid ko naman siya.”
“Correction hija, stepbrother mo lang siya.” pambabara nito na hindi ko gusto ang tono.
Sa mga sandaling iyon ay parang gusto kong marinig ni Chaeus ang sinasabi ng fiancee niya.
“Ano naman kung stepbrother ko lang siya? Ano ang masama doon? Bakit hindi mo siya tanungin? For your information, ini-insist niya kaya sa lahat na kapatid niya ako. E ‘di ba dapat ang pakilala niya sa akin ay stepsister lang niya kung iyon ang tingin niya sa akin? Sorry ka, kapatid talagang tunay ang turing niya sa akin. At bilang tunay na kapatid, dapat makuha mo ang loob ko in case na sasampa ka sa pamilya namin. Gets?”
Natameme siya sa sinabi ko. Akala ko pa naman na maganda ang ugali niya kahit na average lang ang hitsura. Masyado ata akong nag-expect. Sa tingin ko kapag siya ang naging asawa ni Chaeus habangbuhay nila akong magiging pain in the ass. Sisiguraduhin ko iyon. Gagawin kong impyerno ang buhay niya sa loob ng aming pamilya. Bet me!
“Ayos lang kayo? Sorry natagalan ako. Ang haba ng pila sa bathroom.” si Chaeus na nauupo na.
Hindi ko siya tiningnan. Ipinakita kong masama ang timpla ko sa pinagsasabi ng fiancee niya.
Hanggang dumating ang pagkaing order namin ay balewala pa rin sa akin ang presence ni Chaeus. Lagpasan sa kanya ang tingin ko. Naiirita na ulit. Kung kanina feeling ko ay magkakasundo na kami, ngayon ay binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko. Mukhang hindi yata dahil masama ang ugali ng fiancee niya. Hindi man lang bumawi sa ugali eh!
“Hilary, are you okay?”
“Hmmn, bakit hindi naman ako magiging okay?”
Walang hiyang nilantakan ko ang pagkaing nasa harapan. Bakit ba? Ako naman ang may gusto na dito kumain kaya bakit ako mahihiya sa kanila? Heck no, kung walang hiya sila mas lalo na ako!
“Dahan-dahan lang ang pagkain at baka hindi ka matunawan, Hilary. Nguyain mo naman, aba!”
Hindi ko siya pinansin. Doon ko na lang sa mga pagkain ibinunton ang pagkairita ko dahil sa ginagawa ng alila ng babaeng ito si Tukmol. At si Chaeus naman hinahayaan lang ang bruhilda. Kaya pala malakas ang loob na hindi magkamay ay si Chaeus ang gagawin niyang tagabalat niya.
The nerve of this average looking woman! Kung alam ko lang na sasabay siya sa amin, sinabi ko na lang kay Chaeus na umuwi na kami ng bahay. Or sa normal restaurant na lang kami kumain. Hindi sana nananakit ang tainga ko sa boses niya na bukod sa pabebe kapag kausap si Tukmol eh ang arte. Hindi naman bagay sa kanyang hitsura.
Napag-alaman ko na isa siyang fashion designer. Malaki ang kumpanya ng kanyang pamilya. Sa New Jersey daw sila nagkakilala according to Tukmol. Hindi naman ako interested sa buhay ng babaeng iyon. Interesado ako kung talaga bang mahal niya ang babaeng iyon at hindi nagayuma.
Wait, uso pa ba iyong gayuma? Parang hindi ata.
Matagal ng nakaalis ang si Lailani pero iyong kulo ng dugo ko dito ay ganun pa rin kataas.
“What do you think of Lailani?”
Nasa kotse na kami. Nagpapababa ng kinain. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang ganung klase ng mukha ay magagawang paibigin si Tukmol. Di naman ako against sana sa hitsura, pero iyong ugali niya sobrang gaspang. Grabe, ang sama! Or maybe OA lang ako dahil tahasang ayaw ko dito?
“Gusto mo ng honest opinion ko?” balik-tanong ko sa kanya, ayokong plastikin siya.
“Sure, kung saan ka mas magiging comfortable.”
“I don't like her for you.” straight na saad ko na ikinakurap-kurap ng mga mata ni Chaeus.
Napawi ang kanyang mga ngiti. Siguro ay taliwas dito ang inaasahan niya dahil sa plastikan namin. Malamang sinasakyan ko iyong mga sinasabi niya dahil ayokong mas mapahiya siya kapag binara.
“Why? Anong aspeto ang ayaw mo sa kanya? Lailani is a nice woman, Hilary. Hindi mo lang—”
Umikot na sa ere ang mga mata ko. Ilang beses ko na iyong narinig mula kay Daddy about Azalea. Buti nga si Azalea maganda, pangmalakasan ang hitsura. Pwede rin ni Daddy isama kahit na saan. Ang Lailani na iyon? Mukhang asong nakangiti.
“Nice woman? Sure ka sa mga sinasabi mo?”
“Tama na. Tigilan na natin ang usapang ito. Makukuha niyo ang ugali ng bawat isa soon.”
Hindi na ako sumagot. Bahala nga siya sa buhay niya. Bakit ba ako nakikialam? Siya naman ang maghihirap sa future dahil sa babaeng iyon at hindi naman ako. Bakit pa ako manghihimasok?
“Kailan mo ba siya balak pakasalan?”
“Pagbalik nina Mommy dito ay hihingin ko na ang kamay niya sa parents niya. Ise-set rin namin ang kasal na base sa luwag ng schedule namin.”
Mukhang para sa kanilang bubuohing pamilya iyong future plans ng bahay sa likod ng resto.
“Good. Para naman umalis ka na sa bahay namin. Ayoko namang doon kayo susulok ng asawa mo.”
Ang bitter pakinggan sa totoo lang, pero hindi ko alam kung bakit naging ganito ang reaction ko.
“Ayoko ng sumama sa'yo pabalik sa site ng resto. Gusto ko ng umuwi. Ihatid mo na ako sa bahay.”
“Okay, may ibang plans din ako mamayang gabi sa dinner at mukhang hindi kita maisasama. Sorry.”
Tsk, malamang ang babaeng iyon ang nagsabi na huwag akong isama. Uto-uto siya ng pangit na iyon. Hindi na ako magtaka kung maging under siya oras na ikasal sila at tumira sa isang bahay.
“Ayos lang, mukhang na-impatso rin ako ng kinain natin. Kabag at masakit ang tiyan ko.”
Puno ng pag-aalalang nilingon niya ako.
“Ayan ang sinasabi ko kanina sa'yo. Dahan-dahan sa pagkain. Hindi ka nakikinig. Hindi ka naman uubusan. Bumili na tayo ng gamot bago umuwi.”
Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko. Kabag at saka tumatabla ang tiyan ko. Mukhang tama si Chaeus. Nasobrahan ako ng kain kanina. Ang may kasalanan nito ay iyong fiancee niya. Panira eh!
“Matulog ka muna after mong uminom ng gamot. Update mo rin ako kung walang pagbabago ah?”
Tumango lang ako pagkatapos niyang e-drop sa labas ng bahay. Ni hindi niya ako hinatid sa loob.
“Send me a message, Hilary!” muling sigaw niya matapos paharurutin ang sasakyan niya palayo.
Hinintay kong mawala muna siya sa paningin ko bago pumasok sa loob. Hinimas ko ang tiyan na medyo kumikirot. Pakiramdam ko ay nasusuka.
“I'll call him ‘pag di pa rin ako umayos mamaya.” bulong ko habang pagong na patungo ng silid.