Chapter 5: Welcome Dinner

1602 Words
Nagkakantiyawan at malakas na nagtatawanan pa kaming magkakaibigan habang papalabas ng campus after ng klase nang bigla na lang kaming matigilan sa paglalakad. Na-ispatan ko lang naman ang bulto ni Chaeus na nasa labas ng gate. Prenting nakahalukipkip ang dalawang braso malapit sa dibdib at pasandal na nakatayo sa gilid ng driver set ng dala niyang aming sasakyan. Magka-krus ang mahaba niyang mga binti. Matamang naghihintay. Iniisa-isa niyang tingnan ang mga estudyanteng lumalabas ng gate. Sa galaw pa lang niya ay kinutuban na ako. Mukhang hindi pa siya natatapos sa paninira ng araw ko dahil gusto pa yatang sirain ang gabi ko. “Hindi ba at ang stepbrother mo iyon, Hilary? Teka, siya na nga ba iyon? Bakit parang ang laki ng ipinagbago niya?” napuno na ng pagtataka ang boses ni Josefa na ilang beses sinipat pa ito matapos ilagay ang isang palad sa noo na animo ay nasisilaw siya sa araw. Pinaliit pa ang mga mata niya. “Hala, ang gwapo niya na lalo ngayon girl!” patili nitong dagdag na kulang ay mangisay. “Oo nga Josefa, siya nga iyan. Ang stepbrother ni Hilary!” bulalas na rin ni Glyzel na halata sa boses na hindi na maitago ang nararamdamang kilig. Binasa-basa pa ang nanunuyo niyang labi. Ew! Ano ba ang nagustuhan ng mga ito sa kanya? Kulang na lang ay ibaba ang mga panty para lang mapansin ng anak ng tinapang si Chaeus. “Girl, pang-holywood na ang hitsura ng kapatid mo. Papasa na ba akong future sister in law?” “Ikalma mo nga iyang laman mo, Josefa!” asik kong halos mamuti ang mga mata sa pag-irap. “At anong kapatid? Hindi ko nga siya kapatid!” halos pumutok na rin ang litid sa aking leeg. “Sister in law...” hila pa ni Glyzel sa manggas ng aking uniform na mabilis kong hinila sa kanila. “Bitaw! Sisirain mo pa ang uniform ko!” masungit na turan kong bahagyang lumayo na sa kanila. Itinuro pa ito sa akin ni Shanael na nakuha na rin ang atensyon na para bang sa amin ay sila lang ang may malinaw na mga mata at hindi ko ito nakikita. Ang sarap nilang i-realtalk ngayon. Upang lumabas na kunwari ay nagulat ako sa presensiya ng tukmol na iyon ay mabilis akong napakunot ng noo sabay simangot, kahit na alam kong hindi rin naman iyon makikita ni Chaeus. “Ang kapal talaga ng mukha niyang magpakita sa labas ng school ko? Nakakabuwisit talaga! Ano na lang ang iisipin ng mga makakakita sa kanya? Baka mamaya pagkamalan talagang magkapatid kami. Never ko siyang matatanggap!” Naramdaman ko ang marahang tapik sa isa kong balikat ni Josefa, at sinundan pa iyon ni Shanael. Si Glyzel ay kumikislap pa rin ang mga mata na nakatingin sa kinaroroonang banda ni Chaeus. “I guess, hindi ka talaga makakasama sa amin ngayon Hilary. Kasama rin nila ang Daddy mo eh. Paano ka niyan tatanggi? Kaya mo bang suwayin siya upang makasama kami? Huwag na. Sama ka na sa kanila. Mukhang may iba kayong plano.” bulong na ni Josefa na nagpakulo pa ng dugo ko. Ano ba talagang pa-epal ng mag-inang ito at narito sila sa harapan ng school ko? Sa ilang taong nag-aaral ako dito ay ngayon lang nila ginawa ang pumunta dito. Paniguradong idea na naman ito ng mag-inang sunduin. Naikuyom ko ang kamao. Talaga namang sinusubok nila ang pasensiya ko kung hanggang saan iyon aabot. “Tara, lapitan natin sila at batiin man lang—” Mabilis kong itinaas ang isang palad dahilan para matigilan si Glyzel sa napipinto niyang litanya. Ayokong ilapit sila lalo na kay Daddy dahil na rin sa bintang nitong bad influence sila sa akin. Masama ang tingin ni Daddy sa mga kaibigan ko at ayaw kong maging dahilan iyon para ito ay makapagbitaw ng masakit na mga salita. Ang mga kaibigan ko na lang ang karamay, gagawa pa ba ako ng dahilan para iwasan nila akong tuluyan? “Huwag na kayong mag-abala. Tatawagan ko na lang kayo mamaya. Baka sumunod na lang ako sa inyo kapag nakahanap ako ng pagkakataon. Bye!” Sabay-sabay nilang ibinuka ang bibig upang mag-protesta sa naging desisyon ko. Hindi ko iyon pinansin at malalaki na ang mga hakbang na pamartsang lumayo sa kanila. Higit ang hininga. Sorry girls, para sa inyo itong ginagawa ko. Ayoko na masaktan kayo upang iwasan ako. “Hilary, sandali lang. Hintayin mo nga kami!” Narinig ko pang kurong tawag nila sa akin. Hindi ko sila nilingon. Ipinagpatuloy ang pamartsang paglabas ng gate ng aming school. Lumawak ang mga ngiti ni Chaeus nang makita na ang bulto ko. Umayos siya ng tindig. Namulsa na ang dalawang palad. Inirapan ko na. Iyon ang unang reaction na ibinigay ko para ipaalam sa kanya na hindi kami maayos nito. Tinapunan ko pa siya ng masamang tingin ngunit wala iyong epekto dito. Manhid na siguro ang gunggong o sadyang makapal ang balat nito para di masaktan. “Hilary, ang tagal mo namang lumabas—” Nilagpasan ko siya. Hindi ko na rin hinintay na sabihin niyang pumasok ako ng sasakyan o ang anumang rason at dahilan kung bakit naroon sila ngayon. Padabog kong isinara ang pintuan na hindi na ikinagulat ni Azalea at Daddy na nasa prenting nakaupo sa back seat. Wala ang family driver namin at ang bakanteng upuan lang ay ang shotgun seat. Ayoko namang sumiksik sa likod kahit na kasya ako. Tiyak na sasawayin din ako ni Daddy at pipiliting sa harap maupo, sa tabi ng tukmol na si Chaeus. Walang choice, tahimik na doon na lang ako naupo. Hindi pa rin maipinta ang hitsura kong deretso lamang ang tingin matapos na magsuot ng seatbelt. Pumasok na rin si Chaeus. Binuhay ang makina ng sasakyan. “How is your day, Hilary?” si Daddy iyon na bagama't busy sa screen ng hawak na cellphone ay alam niyang nasa loob na ako ng sasakyan. “Good.” tipid kong sagot na hindi man lang sila nilingon upang magbigay ng galang man lang. Mas good pa sana iyon hanggang gabi kung hindi nila ako pinuntahan para isama sa family dinner. Panira talaga itong Chaeus na ito. Kung hindi siya dumating, walang magaganap na ganito. Bakit hindi na lang sila sa bahay kumain? Need pa talagang lumabas? Wow, ang special naman niya! Mabuti na lang at maaga sila. Kung medyo late ang dating nila, nakaalis na ako sa school at hindi nila alam kung saan ako hahagilapin since wala naman akong dalang cellphone sa katawan. “Nagtataka ka siguro kung bakit narito kami ngayon Hilary at biglaang sinusundo ka.” si Azalea na super friendly pa ang pagkakasabi. As usual ay hindi ko siya pinansin, tinatanong ko ba? Hindi na lang siya manahimik. “Napagkasundo na sa labas na lang tayo kumain ng dinner tutal Friday ngayon at pa-welcome rin kay Chaeus.” Hindi ako kumibo. Dapat ko ba iyong ikatuwa? Sana ay sila na lang ang pumunta. Hindi na nila kailangang isama pa ako. Sagabal lang sila sa mga plano kong pag-party ngayong gabi. Gusto ko sana siyang barahin at sabihin na sino ang may pakialam kaso baka mag-hysterical si Daddy at manermon bigla. Tuluyang mawalan ako ng ganang kumain mamaya dahil nilamon ng sama ng loob. Minabuti ko na lang na i-zipper ang bibig. May mga pagkakataong dapat akong magtimpi. Hindi lahat ng oras ay kailangan kong ipakita ang aking sungay. Subalit hindi ibig sabihin ay okay na sa akin ang lahat. Hindi pa rin ako magbabago. “Let's go na, Chaeus. Ano pang hinihintay mo?” tanong ni Daddy makalipas ang ilang minutong bumalot na katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko sinagot ang sinabi ni Azalea na halatang naghihintay sa magiging reaction ko. Wala nga akong pakialam. Alam naman niyang di ko siya kakausapin talagang sinusubukan niya pa ah? “S-Sorry po, Tito.” tarantang sagot ni Chaeus na isinuot na sa katawang ang seatbelt niya. Matalim ko siyang nilingon. Napagtanto ko na titig na titig pala siya sa akin kanina pa kaya tahimik ito. Anong gusto niyang gawin ko? Batiin siya? Magpanggap na gusto ko siyang narito? Ang kapal naman niya. Sampid lang naman sila! Anong tinitingin-tingin niya? Umaasa ba siyang okay na kami ng nanay niya? Asa pa siya doon! Siguro naman hindi siya bulag para di makita ang pag-treat ko sa araw ng kasal nila noon. Ayoko nga kasi sa kanya. At hindi nila ako mapipilit. Bago niya tuluyang paandarin ang sasakyan ay binigyan na naman niya ako ng matingkad na ngiti. Tumikwas ang isang kilay ko sa kanya sabay sandal ng likod sa upuan. Umangat pa ang gilid ng labi ko upang ipakita ang pagkabuwisit ko sa ginawa niya. Iba rin ang isang ito ah! Hindi pa ako doon nakuntento. Sinipat ko siya ng tingin mula sa ulo hanggang sa paa na parang nilalait. Hindi naman nagbago ang hitsura niya. Medyo tumaba lang or let's say kaunting nagkalaman ang katawan. Tumangkad medyo at parang mas naging malinis tingnan. Iyon lang naman. Di rin matatawag na glow up. Saan kaya banda ang pang-holywood niyang hitsura? Masyado lang nasisilaw ang mga kaibigan ko. Napailing na ako. Siguro kung liligawan niya ang isa sa kaibigan ko ay ora-orada siyang sasagutin ng isa sa kanila. “May gusto ka bang sabihin sa akin, Hilary?” Napamulagat ako. Hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa tukmol nang di ko namamalayan. “Wala!” Inismiran ko siya sabay talikod upang ibaling na ang mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Sa lakas noon ay alam kong hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Daddy at Azalea. Who cares? No one!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD