Bago pa man ako muling makapagsalita at makabigay ng saloobin ay pumasok na ng room si Glyzel at saka Shanael. Hindi na sila nagulat na naroon ako dahil nasabi na siguro ni Josefa iyon sa kanila through chat. Walang lihim sa kanila.
“Huwag niyo ng kulitin, naka-on ang pagiging beast mode niyan. Kayo rin ang mahihirapan.” banta ni Josefa sa tangkang pang-uusisa sana sa akin ni Shanael, itinikom ulit nito ang bibig.
Buong pang-umagang klase ay wala sa lesson na pinag-aaralan namin ang utak ko. Lumilipad ito sa bahay namin. At sa dahilan ng pag-uwi ni Chaeus ng bansa. Ako ba talaga? Sumang-ayon siya na i-disiplina ako? Why? Tanga ba siyang biglang uuwi dito? At saka may maganda namang trabaho siya sa ibang bansa. Sino ang titingin ng business nila doon? Ipagkakatiwala niya sa iba? Paano kung may mangyaring hindi maganda? Kanino ang sisi noon? Sa kanya di ba? Bobo ba siya na pumayag sa gusto ni Daddy at Azalea? Imposible talaga na dahil lang iyon sa hiniling ni Daddy at ng ina niya. Naniniwala akong may iba siyang rason. May ibang dahilan ang desisyon.
Hindi kaya magbibigay na ng pamana si Daddy?
Imposible. Hindi naman sila after money lang ni Azalea. Mayaman sila. May sariling negosyo. Kung may sinasabi ang pamilya namin. Ganundin ang pamilya nila. Imposible na business ni Daddy ang gusto niya. Alam ko na may iba pa siyang agenda. Hindi basta-basta ibibigay ni Daddy sa kanya ang El Fuente Cruise Line, shipping company na owned ng pamilya namin sa kanya gayong bata pa naman siya. Malakas pa siya. Kaya pa niyang i-manage iyon. Kaya imposible ang mga naiisip ko.
Pagsapit ng lunch time ay hindi ko na napigilan ang sarili. Lutang pa rin kasi ako. Sinabi ko na sa kanila ang patuloy na mga gumugulo sa isipan ko.
“Anong sinabi mo, Hilary?” si Glyzel na nabitin sa ere ang pagkaing isusubo sana sa bibig niya.
“Bingi ka ba, Glyzel?” bulyaw na dito ni Shanael na ikinaikot ng aking mga mata, ang eskandalosa talaga ng mga kaibigan ko. Hindi tuloy mapigilang mapatingin ng ibang schoolmates sa amin. Nasa cafe kami ngayon. Kumakain. “Sinabi na nga ni Hilary na umuwi raw ng bansa ang hilaw niyang stepbrother tapos tatanungin mo pa—what? Narito ang stepbrother mo sa bansa, Hilary?!”
They already meet him. Sa araw ng kasal ni Dad. Dahil sa hindi nalalayo ang pamilya nila sa amin ay bahagi sila ng mundong ginagalawan ko. Ang mga magulang nila ay halos acquaintance ni Dad dahil sa mga business din nila. Sabi pa nga nila ay bagay kaming magkakasama. Pasaway. Maligalig. Iyon ang una at huling pagkakataon na nakita nila si Chaeus. At ang nakakaloka ay crush daw nila ito. Nagpapalakad pa nga sila sa akin pero hello? Siraulo ba sila? Kaaway ko nga tapos ay magpapalakad sila? Kaladkarin ko lamang sila!
“Anong gagawin niya dito? Vacation?” excited na tanong ni Josefa, animo sinisilihan na ang puwit. “Sabihin mo pa sa amin ang ibang details, Hilary!”
Asar ang mukhang tinitigan ko sila isa-isa.
“Malay ko di ba? Hindi ko rin alam. Nakita ko lang siya sa labas ng bahay noong papasok na ako. Sa tingin niyo pag-aaksayahan ko pa iyon ng oras?” tugon kong napabuga na ng hangin, hinipan na ang manipis na bangs na nakatakip sa noo ko na parang kurtina. “Mainit ang dugo ko sa kanya!”
Nakita kong nagpalitan na sila ng makahulugang mga tingin at sumenyas na tumahimik na. Dama kong namumula na ang mukha ko sa inis, iyon din marahil ang dahilan para piliin nilang manahimik. Hindi lang iyon, mahigpit na ang hawak ko sa kutsara. Doon na ibinabaling ang lahat ng inis ko.
“Tama na nga muna ang usap tungkol sa kanya. Ang mabuti pa ay magplano na lang tayo kung ano ang gagawin natin after class today.” awat ni Shanael na pinasaya na ang tono ng boses. “Friday ngayon, girls. Wala tayong pasok bukas.”
Pareho iyong mabilis na sinang-ayunan nina Glyzel at Josefa na takot na tuluyang masira ang mood ko nang dahil sa mga tanong nila.
“Wala akong dalang extrang damit. Hindi na lang muna siguro. Kailangan kong umuwi upang alamin din ang totoong rason ng pag-uwi ng tukmol.”
Ilang beses na naming ginawa ito ang pumunta ng mga night club at uminom. Lingid din iyon sa kaalaman ng mga magulang namin na busy kada Friday night sa labas. Ending, wala silang alam na ang mga anak nila ay puma-party. Hindi sa mga high end bar kami madalas na nagtutungo dahil sa need naming magpakita ng ID. Kapag wala ay di hindi kami makakapasok. Napepeke namin ang hitsura at nagagawang matured sa make up. Doon magaling si Shanael na medyo liberated.
“Ano ba iyan? Ang KJ mo naman, Hilary.” reklamo ni Glyzel na halatang gustong-gustong lumabas.
“Oo nga, kung ang problema mo ay damit alam mo namang pwede kang humiram sa akin. Daan tayo sa apartment ko. Ikaw na ang mamili, Hilary.” si Josefa na dalang-dala na rin sa bisyong ito.
Umiling ako. Desidido na sa plano ko.
“Pasensiya na girls, wala talaga ako sa mood.” buntong-hininga ko, itinuloy na ang pagkain.
Kung normal na araw lang iyon at walang Chaeus na nakita ako kaninang umaga na dumating, ako pa mismo ang mag-su-suggest na pumarty kami. Sa tingin ko hindi ito ang tamang pagkakataon para i-deadma ko ang pagdating niya. Kailangan kong malaman ang totoong rason ng pag-uwi niya ng bansa. Hindi pwede ang hindi ko ito gawin.
“Kayo na lang muna. Huwag niyo na lang akong isama ngayon. Babalitaan ko rin kayo kaagad.”
Sumama ang loob nila sa akin. Buong afternoon class ay hindi nila ako gaanong pinapansin. Alam ko na ang technique nilang ganito. Ginagawa nila ito para at the end ay makonsensiya kuno ako at pumayag pa rin sa kung ano ang gusto nila. At dahil malambot ang puso ko pagdating sa kanila, before our last subject end ay pumayag na ako.
“Sabi na eh, hindi mo kami kayang tiisin Hilary!” kuro na saad ng tatlong dumamba pa ng yakap.