Chapter 2: Zacchaeus Parkenson

1197 Words
Umangat lang ang gilid ng labi niya. Hindi pinansin ang pagtataray na ginawa ako. Nilingon na nito ang driver ng sasakyan na ibinaba ang traveling bag na dala-dala niya. Aba, forda deadma rin siya? Manang-mana talaga siya sa kanyang ina! “Ang aga mo namang maging masungit. May period ka ba? Sige. Hindi na kita bubuwisitin.” Ano raw? Ganito ba talaga ka-straight forward ang lalakeng ito? Wala ring preno ang bibig? Ano na lang ang mangyayari sa akin oras na dito siya sa amin tumira? Magiging outcast ako sa sarili naming pamamahay na pundar ng magulang ko? Nakwento ni Azalea na nanirahan sila dito sa bansa hanggang mawala ang dati niyang asawa. Lumipad lang patungong New Jersey si Chaeus after noon para ma-settle ang business na iniwan ng ama nitong British. Wala naman akong pakialam sa buhay nila. Naalala ko lang bigla dahil narito nga ang anak niya. Akala ko talaga biro lang ang lahat ng pagbabanta nila ni Daddy. Pwes wala akong pakialam. Hindi pa rin ako titigil. Ano sila? Batas? Mas magiging pasaway pa ako! Sandali, ibig sabihin dito nga talaga siya titira? Sa bahay namin? Doble na ang pagmumulan ng galit ko araw-araw! Napakunot na ang noo ko nang makitang dumipa ito. Ano kayang gustong palabasin ng gagong ito? Matuwa ako sa pag-uwi niya? In his dreams! Asar na asar na nga ako sa Mommy niya tapos heto siya dadagdag pa? Gusto talaga siguro ni Daddy na maglayas na lang ako. O di kaya ay ang tumigil na lang ako at mapariwara ang buhay. Akala nila matutulungan ako ng lalakeng ito na tumino? Ano ba ang kaya niyang gawin sa akin? Wala! Ako pa rin ang batas sa sarili kong buhay. “Bigyan mo na lang ng yakap ang Kuya, Hilary.” What?! “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga kita kapatid? Ang kapal din ng mukha mo ah! Sabay ba tayong lumaki? Ni hindi nga kita kilala diyan! Sino ka ba sa akala mo? Anak ka lang ng babae ni Dad! Huwag kang feeling close sa akin dahil hindi kita ituturing na kapatid. Ang sakit niyo sa mata!” Hindi siya nasaktan sa mga sinabi ko. Sa halip ay ilang hakbang ang ginawa niya palapit sa akin. Mabilis ba umatras ako. Napaawang na ang bibig. Hindi ako makapaniwala na mas manhid siya sa ina. Hindi. Mas makapal ang mukha niya. Huwag niyang sabihin na pipilitin niyang yakapin ko siya? Isusumbong ko talaga siya sa police niyan! Aba ay harassment na ang gagawin niya sa akin. “Hindi mo ako kilala? Sige magpapakilala ako.” Aba't talagang sinasagad niya rin ang inis ko! Anak talaga siya ni Azalea na lakas mang-asar. “Zacchaeus Parkenson. Ang Kuya Chaeus mo.” aniyang inilahad pa ang isang kamay sa akin. Nanlalaki na ang mga mata ko sa kanya. Pilosopo siya ah! Hindi ako interesado sa pangalan niya! Akala niya madadala niya ako sa paganyan niya? Kahit sino pa siya. Wala pa rin akong pakialam! Pilit niyang kinuha ang kamay ko nang hindi ko tanggapin ang palad niya. Pinag-shake hands ito. Sinamaan ko siya ng tingin. Pinandilatan to be exact pero wala man lang talab iyon sa kanya. “Hindi mo na kailangang i-introduce ang sarili mo sa akin. Sa mga kwento ni Mommy, kilala na kita.” Marahas na hinila ko ang kamay mula sa kanya. Kapag hindi ako nakapagpigil sampiga ang magiging pa-welcome ko sa kanya. At bago pa iyon mangyari, kailangang malayasan ko na siya. “Wala akong pakialam kung sino ka. Tabi nga!” Binangga ko siya bago pamartsang lumakad na papuntang sasakyan na naghihintay sa akin. Dapat niyang malaman na hindi ako basta-basta. Hindi yata nasabi sa kanya ng Mommy niya na masama ang ugali ko. Imposible. Hindi nga siya nagulat sa pagtataray na pambungad sa kanya. Pwes, ipaparanas ko iyon sa kanya habang narito siya. Pagsisisihan niyang umuwi siya dito! “See you later, Hilary. Maraming pasalubong ang Kuya Chaeus sa'yo kaya agahan mong umuwi.” Umikot ang mga mata ko sa ere at hindi man lang siya nilingon. Isaksak niya sa baga niya ang kung anong pasalubong niya. Wala siyang pinagkaiba sa Mommy niya. Close ba kami? Baka mamaya ay may kung anong nakalagay sa pasalubong niya! Kaya ni Daddy na bilhin ang lahat ng iyon kapag sinabi ko sa kanya. Hindi kailangang siya ang magbigay sa akin at ang mag-provide nito. Sumakay na ako ng sasakyan. Ni maikling sulyap ay hindi siya binigyan. Masisiyahan lang siya kapag nakita niyang nilingon ko siya. Hindi nga ako interesado sa kanya. Binalingan ko ng tingin ang kamay kong hinawakan niya. Nakangiwi kong pinunas na iyon sa suot kong palda. Nakakadiri naman! Baka mamaya ay may kung ano siyang virus sa palad na hindi ko alam at nakakahawa. Hindi pa ako nakuntento. Matapos na ipunas iyon ay kumuha pa ako ng alcohol sa bag at halos ibuhos na iyon sa aking palad. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap ng driver sa rearview mirror. “Huwag niyo po akong pansinin, nagtatanggal lang ako ng germs na dumikit sa akin kanina.” Kung may nire-respeto pa akong tao at hindi nawawala ang paggalang ko ay ang family driver namin. Actually, driver ko na siya since maging grade 7 ako. Siya ang palaging naghahatid sa akin at nagsusundo. Siya rin halos ang madalas na nakakaalam ng mga kalokohang ginagawa ko. Ganunpaman ay hindi niya ako sinusumbong kay Daddy kahit na madalas akong lasing na umuuwi. Tanging ang epal na Principal lang talaga ang panay ang tawag kay Daddy at nagsusumbong. “Pagagalitan ka na naman ng Daddy mo kapag nakitang ganyan ang reaction mo kay Chaeus.” Kilala niya ang lalakeng iyon dahil kada uuwi iyon ng bansa ay siya naman ang nagiging driver nito. Hindi na ako magtataka kung kampi rin siya dito. Hindi pa rin naman mawawala ang paggalang ko sa kanya, huwag lang niya akong pipilitin na tanggapin ang second family sa katauhan nina Azalea at Chaeus. So far, hindi pa naman niya ito nababanggit. Iginagalang niya pa rin naman ako. “Wala po akong pakialam!” “Loko ka talagang bata. Hindi mo pa rin ba sila matanggap?” ito ang unang beses na usisa niya. Umiling ako. Kumpiyansa sa magiging sagot ko. “Hindi po. Mang-aagaw iyon si Azalea. Inaagaw niya ang atensyon ni Daddy na para sa akin kaya paano ko tatanggapin? Tapos narito pa ang anak niya? Magiging kasalo ko pa sa karampot na atensyon ni Daddy. Simula't sapul naman ay ayaw ko na sa kanila. Hindi ko rin nakikita ang sarili kong tinatawag si Azalea na Mommy, never. Hindi talaga! Kahit iyong anak niyang si Chaeus ay wala akong planong ituring na kapatid ko.” “Sabagay, mahirap pilitin ang sarili na gawin mo ang isang bagay kung ayaw mo naman talaga.” Hindi na lang ako nagsalita. Nanatiling tikom ang bibig. Mabuti pa itong driver. Naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Hindi gaya ni Daddy. Hindi ko na napigilan pa ang matabil kong dila. “Sana lang ay kagaya po ni Daddy ang mindset na mayroon kayo. Huwag niya na sana akong pilitin pa na gawin ang mga bagay na ayaw na ayaw ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD