Chapter 1: Kutong Lupa

1031 Words
Padabog akong lumabas ng bahay. Nakatunganga na iniwan siyang nakatayo. Walang anumang reklamo ang lumabas sa bibig niya. Kaunting nakaramdam ako ng pagkakonsensiya. Mukha yatang sumobra sa linya ang sinabi ko sa kanya. Maliban sa umaalingawngaw na sigaw ni Daddy sa pangalan ko dahil paniguradong narinig nito ang sinabi ko sa asawa niya ay wala na akong narinig. “Hilary, wala talagang modong bata ka!” Binilisan ko pa ang mga hakbang. Maingay na inilapat ang main door pero muli ay maingat ko iyong bubuksan upang silipin silang dalawa. Sa araw-araw na ginawa ng Maykapal ay memorize ko na ang ganitong senaryo. Hahabulin ako ni Daddy at pipilitin niyang sabayan silang kumain. Syempre, sa halip na umamo lalo akong umaalma. Gustong-gusto kong sirain ang araw niya dahil sa paraang iyon nafe-feel kong mahalaga ako. “Hilary, bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Malilintikan ka sa aking bata ka oras na maabutan kita! Sobrang tigas na ng ulo mo!” Kagaya ng inaasahan ay narinig ko na naman ang walang katapusang pagsaway sa kanya ng madrasta. Ganun naman sila tuwing umaga. Referree siya namin ni Daddy. Ewan ko ba kung bakit hindi rin siya nagsasawa sa ganun na palaging senaryo sa bahay namin. Umaga pa lang sigawa na nang sigawan. Kung sa ibang babae lang iyon, maririndi na siya sa aming mag-ama. “Hayaan mo na Mateo. May baon naman siyang pera. Kakain iyan sa school kapag nagutom.” Ito pa ang isa sa kinakainisan ko ng bongga sa kanya. Palagi niyang pinapakitang kinakampihan ako. Ayoko nga ng ganun! Gusto kong habulin ako ni Daddy. Di ba parang inilalayo niya pa sa akin? Sa halip na suportahan niya si Daddy na habulin ako para sabay-sabay kaming kumain, taliwas dito ang ginagawa niya. Paano, gusto niyang ma-solo ang atensyon ni Daddy. Sa kanya lang. Ganung klase siya ng babae kaya ayoko sa kanya! “Huwag mong kampihan ang batang iyan Azalea, kaya naman umaabuso at hindi nakikinig sa akin! Tumitigas ang kalamnan dahil may kakampi!” Narinig ko ang mahina nitong halakhak. Lalo pa akong nabuwisit at kumulo ang dugo sa kanya. Halatang gustong-gusto niya ang atensyon ni Daddy na sa kanya napupunta. I hate her! Galit talaga ako sa babaeng iyon. Attention seeker! “Tama na. Kalma na. Hindi ka pa nasanay sa anak mo. Sa araw-araw na ginawa ng diyos palagi na lang kayong nagbabangayan. Hayaan mo na siya, isang araw ay titino rin iyan kapag oras na.” “Paano magtitino kung lagi mong kakampihan?” hinihingal na lingon ni Daddy sa may pintuan. “Hindi ko siya kinakampihan para tumino. Ang sa akin lang, kilala mo naman si Hilary di ba? Kahit na anong sigaw ang gawin mo hindi ka pa rin niya papakinggan, Mateo. Sino ba ang sasama ang loob sa bandang huli at siyang mapapagod? Hindi ba at ikaw lang din naman? Hindi naman ako...” Binitawan ko na ang doorknob. Naiirita ako lalo sa kanya. Sa halip na magustuhan ko siya ay lalo akong naninibugho sa mga ginagawa niya. Kung hinayaan niya si Daddy na habulin ako, sasabay akong kumain sa kanila. Iyon lang naman ang gusto ko. Ang kunin ang atensyon ni Daddy eh. Kaso nga lang, siya iyong palaging humahadlang. Iyong tipong gusto niyang tigilan ako ni Daddy. Eh, kaya ko nga ginagawa iyon para pansinin ako tapos siya sasawayin niya si Daddy. Nakakainis! Sa ginagawa niya lalo lamang akong nagagalit eh. “Ang feelingera niya talaga ah! Dinidiktahan na si Daddy sa kung anong dapat niyang gawin. Si Daddy naman nakikinig sa kanya. Kaya lalo akong nagagalit eh. Dapat pilitin niya akong sumabay. Hindi eh. Hinahadlangan talaga ng babaeng iyon! Hindi ba nila napapansin ang ginagawa kong ito? Nagre-rebelde ako dahil gusto ko ng atensyon.” Halos mabali na ang takong ng suot kong black shoes sa bigat ng bagsak ng mga paa ko. Pababa na ako ng ilang baitang ng sementong hagdan papuntang driveway kung saan ako hinihintay ng aming family driver. Nakabusangot na agad ang mukha ko umagang-umaga pa lang. Masama pa rin ang loob ko na patawid na sana ako upang sumakay na ng sasakyan nang bigla akong matigilan. Muntik lang naman akong mahagip ng humaharurot na sasakyan na biglang pumarada. “Sino ba ang kutong lupang iyon?!” sigaw ko na biglang napaatras sa takot na masagasaan ako. Dumilim pa ang paningin ko at humalukipkip nang lumabas doon ang isang matangkad na lalake. Sa tindig niya ay parang ngayon ko lamang nakita. Maskulado ang katawan nito na halatang alaga sa gym. Para siyang sikat ng araw, nakakasilaw. Saglit lang ang paghangang iyon na agad na nawala nang ngumisi ito. Ibinaba na ang suot na sunglasses upang ipakita sa akin ang mukha niya. “Hi, Hilary. Long time no see!” Anak ng tinapa! Ito na ba ang anak ni Azalea? Bakit narito ito? Akala ko ba ay panakot lamang nila sa akin ang pag-uwi nito sa bansa para magtino kuno ako? Pinauwi talaga siya ni Daddy dito? Imposible. Siguro ay ang Azalea na iyon ang nagsabi ito na umuwi. Kilala ko si Daddy. Hindi niya iyon gagawin. Bakit naman siya uuwi? Akala ko ba may trabaho siya sa ibang bansa? Paano ang work niya kung hinayaan niyang kontrolin siya ng inang si Azalea? Kawawa ang magiging asawa niya sa kanya. Mama's boy ang hinayupak gaya ng ina! “Sino ka naman? Anong ginagawa mo sa aming bakuran?” taas ko ng isang kilay sa kanya. Kahit kilala ko naman siya, malamang sasabihin kong hindi ko siya kilala. Hindi ko siya tanggap na kapamilya di ba? Syempre hindi ko nga siya kilala. Nag-iisang anak lang ako ng may-ari ng bahay na ito kaya hindi ko iisipin na kapatid ko siya. Anong akala niya? Gusto ko na siya at bukas palad na tatanggapin sa pagdating? Maging maligaya akong narito siya? Ulol lang ang gagawa noon! Dagdag pa siya sa isa sa mga mananakal sa akin. “Ako ito, ang Kuya Chaeus mo—” “Kuya Chaeus mo mukha mo! Kailan pa kita naging kapatid? FYI, solong anak lang ako. Wala akong kapatid. Narinig mo?! Only child lamang ako!” angil ko na mas sinamaan na siya ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD