Chapter 23: Hangga't hindi kasal

1644 Words
Tumawa lang ang dalawa sa ginawa ko. Ini-scroll ko iyon pababa. Umaasa na may makikita akong tag pictures or post man lang sa fiancee niya. Halata na hindi sila sweet online ah. Wala man lang akong makita kahit na isa. Iyong tipong kahit sweet greetings man lang kapag may importanteng okasyon sa relasyon nila o mga holiday greetings. As in wala ni isa. Sabi nga nila kapag ganun daw ang guy na sobrang showy at clingy sa timeline mo ay sobrang mahal na mahal ka, meaning hindi siya mahal ni Tukmol? Eh bakit siya pakakasalan kung hindi siya nito mahal? “Ano? Nakita mo na?” bahagyang silip ni Josefa sa ginagawa ko, umiling ako. Puzzled pa rin kung bakit wala akong mahanap ni isang post niya. “Hindi pa. Wait lang. Maghintay kayo!” iritable na ang tono ng boses ko, lalabas pa yata akong sinungaling dahil lang hindi ko mapatunayan. “Baka naman wala talaga siyang fiancee, Hilary? Gino-good time mo lang kami ni Josefa para maasar or magselos or tantanan namin siya?” lantarang akusasyon ni Shanael na humalukipkip pa sa aking harapan, animo may nagawa akong kasalanan at labag iyon sa kalooban nila. “Hay naku, Hilary. Lagot ka talaga sa amin kapag wala naman talaga siyang fiancee! Pinapakaba mo lang kami, sinisira ang araw namin ni Josefa.” “Meron nga, sabi. Teka lang, ipapakita ko sa inyo. Papatunayan ko na mayroon. I'm not kidding!” halos magbuhol na ang mga kilay ko sa sinabi niya, kailan pa ba ako nagsinungaling? Hindi ko naman iyon sasabihin sa kanila kung wala talaga. Nanahimik ang dalawa lalo pa nang kinunutan ko na ng noo. Ipinakitang naaasar na rin ako. Bakit kasi wala pa ni isa akong mahanap sa account ng Tukmol na iyon na proof? Kahit na isang picture lang na magpapatunay sa sinasabi kong may fiancee siya. Ano ba naman iyon? Private ba ang relasyon na mayroon sila? Wala man lang sweet post, pati ba naman pictures wala rin sila? “Malapit na lang mag-time, Hilary—” “Sandali nga lang sabi!” mas iritable kong sigaw, pressure na pressure sa banta ng dalawang gaga kapag hindi ko napakita. “Di makahintay?” Nang hindi pa rin ito nakita ay nag-search na ako sa friend list ni Chaeus ng pangalan nito. Laking pasalamat ko ng lumabas ang name ng fiancee niya, halos mapatalon pa ako sa galak ng makita na hindi naka-lock ang profile nito. Hindi lang iyon, picture nilang dalawa ni Tukmol ang display photo. Malapad na akong ngumiti roon. Humanda kayo Shanael at Josefa, isasampal ko na sa inyo ang larawan ni Tukmol at ng fiancee. Tingnan ko lang kung magawa niyo pang tumawa. Panigurado na magpupuyos na kayo sa galit! “I found her!” bulalas kong tuwang-tuwa, kulang na lang ay lumundag habang halos mapunit ang labi sa lawak ng aking mga ngiti. “Oh, tingnan—” Hinaklit ni Josefa ang phone ko mula sa aking kamay hindi ko pa man iyon inaabot sa kanya. Napaawang na lang ang bibig ko bilang initial na reaction. Jusme! Malalagot talaga sila sa akin oras na masira ang gamit ko. Wagas makahila! “Nasaan? Patingin din!” biglang lapit ni Glyzel na curious na rin kung ano ang hitsura ng babae. Nakangisi pa rin ko silang pinagmasdan. Para silang baliw na nag-aagawan sa cellphone ko para lang makita ano ang hitsura ni Lailani. Mabuti na lang talaga at tinandaan ko kung ano ang pangalan niya. Lalabas pa akong sinungaling. “Ito na iyon? Siya na iyon?” dismayado ang tono ng boses ni Shanael na siyang unang nakakita. Pagkahablot ni Josefa ng phone ko ay hinablot din niya iyon. Hindi na gumanti si Josefa dito dahil alam niyang masisira ang phone ko oras na gawin niya iyon. Sa kanilang dalawa, si Shanael iyong mas bayolente at may lahing babaliw-baliw. “Hmmn, sweet nila hindi ba?” pang-aasar ko pa dahil ang picture nila ay naka-kiss pa si Lailani kay Tukmol, hindi naman sa lips sa pisngi lang. Ganunpaman ay alam kpng masakit pa rin iyon sa damdamin ng dalawang gaga na baliw kay Chaeus. “Hindi maganda! Ano ba iyan? Hindi man lang marunong pumili si Chaeus ng bagay sa itsura niya.” maktol ni Josefa na halatang nakita na rin kung ano ang hitsura ni Lailani, hindi ko rin naman sila masisi. Kahit naman ako dismayado. “Mayaman siguro iyan. Paano niya nakuha si Chaeus? Akala ko pa naman maiinggit ako. Hindi eh, naiinis ako dahil sobrang pangit niya talaga!” “Sinabi mo pa. Ang hirap lang tanggapin na iyong average looking woman na iyon ay fiancee niya. Mas maganda pa tayo sa kanya kahit na ang bata pa natin eh. Usngal na nga, ang laki pa ng mata niya. Mukha siyang isdang may braces!” gatong ni Shanael, badtrip na badtrip na roon. “Para kayong mga sira.” malakas na halakhak ni Glyzel na inabot na rin sa akin ang cellphone ko. “Hindi niyo ba alam na love is blind? Si Chaeus ata ang blind diyan. Baka naman kasi sa ugali bumawi iyong babae. Hindi natin alam kung bakit—” “Hindi rin. Ang sama ng ugali niyan.” pagputol ko kay Glyzel na biglang naalala ang nangyari sa lunch namin noong Sunday, “Akala ko nga bawi sa ugali niya kaso Girls, hindi. Ang pangit ng ugali.” “Seryoso?!” duet nila na hindi makapaniwala. “Hmmn, hay naku kung alam niyo lang kung paano nasira ang mood ko. Ang arte pa niya ah! Hindi ibagay ang ugali sa mukha. Jusko, kung alam niyo lang ang frustration ko. Parang gusto ko na lang biglang hilahin ang buhok ng bruha noon!” “Gagi, bakit mo naman gagawin iyon?” si Glyzel na tawang-tawa pa rin sa reaction naming tatlo. “Ah basta, mauunawaan niyo kung ano ang ibig kong sabihin oras na makita niyo na siya sa personal.” paikot pang muli ng mga mata sa ere, pabalik na kami sa room dahil tapos na ang lunch break. “Iyong tipong wala pa naman siyang ginagawang masama pero kukulo na agad ang dugo mo. Tingin pa lang nga niya ay buwist na buwisit na agad ako sa kaniya. Grabe talaga!” Natigilan ako sa paghakbang nang may notif akong natanggap. Pagtingin ko sa screen ay parang gusto ko na lang biglang basagin iyon. “Shuta! Sino ang nag-friend request sa kanya?” sigaw kong isa-isa silang tiningnan ng masama. Lintik, accept notification lang naman ang natanggap ko mula kay Lailani. May nag-friend request sa kanya at alam kong isa ito sa kanila. “Hindi ako, Hilary. Naka-friend request na iyan nang umabot sa kamay ko.” si Glyzel na halata namang nagsasabi sa akin ng totoo. “Naka-friend requet? Bakit hindi mo kinancel?” yamot na kamot ko na sa aking ulo, masyadong obvious na hate ko siya kapag ini-unfriend ko. “Malay ko bang ikaw ang nag-request noon? Hindi mo naman sinabi na hindi kayo friend.” Tuluyan pang nasira ang araw ko nang dahil dito. “Sorry na Hilary, baka isa sa amin ni Shanael ang nakapindot. Unfriend mo na lang. Bilis na!” si Josefa na halatang sobrang nagui-guilty na. “Ayoko. Nakakainis kayo! Sinabi ko na sa inyo na careful. Makikita niyo rin naman eh. Masyado kayong atat. Ayan, pinahamak niyo pa ako!” “Sorry na, Girl.” hapit na ni Shanael ng isang braso sa aking beywang, inihilig pa ang ulo sa aking isang balikat na halatang naglalambing. “Palipasin mo ang ilang araw tapos unfriend mo na. Hindi naman na niya siguro mapapansin iyon.” I don't think so. Si Lailani iyon. Baka kung ano pa ang i-akusa sa akin oras na mag-unfriend ako. Siguro ay unfollow ko na lang. Para lang hindi dumaan sa newsfeed ko ang mga post niya. Hay naku, hindi ko dapat agad sinabi sa kanila ito eh! “Ano pa bang magagawa ko? Ayaw ko naman na i-bully ako ni Chaeus kapag ginawa ko iyon. Pati ang Tukmol na iyon kinailangan kong i-accept.” himutok ko habang naiisip na wrong move ang ginawa ko, dapat directed na name na ni Lailani ang hinanap ko keysa pinadaan ko sa account ni Chaeus. Baka maya isipin pa nilang stalker ako. “Babawi kami sa'yo soon, Hilary. Huwag ka ng magalit sa amin nang sobra, pretty please?” si Josefa na inakbayan na ako, nakikiusap sobra sa akin ang mga mata niyang pinapungay pa. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Kapagdaka ay inirapan. Hay naku! Kung di ko lang mahal ang dalawang ito. Kanina pa sila nakatikim sa akin. “Oo na! May magagawa pa ba ako? Pasalamat talaga kayo at mahal ko kayo. Kung hindi, naku, ngayon pa lang ay isa na kayo sa mga kaaway—” “Maraming salamat, Girl!” duet ni Shanael at Josefa na dinambahan pa ako, nagpapabigat. Ngumisi ako ng may naisip na pambawi sa kanila. “Binabalaan ko na kayo ngayon pa lang ah? Wala na talaga kayo ni katiting na pag-asa kay Chaeus. May fiancee na siya.” ngisi ko dahil nakita kong biglang sumama na naman ang hilatsa ng kanilang hitsura, malamang badtrip. “Hangga't hindi kasal, may pag-asa kami Hilary.” si Shanael na halatang ayaw pa ‘ring sumuko. “Oo nga, malay natin matauhan bigla si Chaeus at mamili na lang ng isa sa amin ni Shanael.” si Josefa na nilamon ng pagiging delulu ng utak. Gusto ko silang pagtawanan nang malala. Kung hindi pa kami papasok ng room, ginawa ko na ito. “Bahala na nga kayo. Kayo rin naman sa bandang dulo ang masasaktan at hindi ako. Subukan niyo rin ang ibang paraan. Malay niyo naman ay magtagumpay kayo sa plano. Maakit niyo siya at sa dulo nito ay magka-happy ending na kayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD