Chapter 24: Future Sister in Law

1617 Words
Bagay na hindi ko dapat sinabi sa dalawang gaga dahil hanggang uwian ay kung anu-anong basura ang nabubuo sa kanilang isipan. Nauulol sila sa kakaisip ng mga posibleng gawin kay Lailani. Nandiyan ang ipapa-kidnap daw nila si Lailani at pakakawalan kapag na-fall na sa isa sa kanila si Chaeus para safe na raw ang maganda nitong genes. Nang tahasang sabihin nila iyon sa amin ay halos mautas kami ni Glyzel sa kakatawa. Baliw na baliw na talaga ang dalawang gaga. “Bakit? Pwede naman iyon. Lahat ay posible sa taong nagmamahal, Hilary.” si Shanael na proud na proud pang sabihin iyon sa akin, shunga lang! “Ang tanong ay mamahalin ba kayo ni Chaeus? Baka mamaya si Lailani pa rin ang gusto noon hanggang dulo. Sayang naman ang effort niyo.” patol ko sa kanila, isa rin yata akong baliw eh. “Huwag ka ngang nega Hilary! Panira ka naman sa imagination namin ni Shanael.” si Josefa na halatang dalang-dala na rin sa kalokohan nila. “Hindi ako nega. Sinasabi ko lang ang possibility para hindi naman kayo sobrang masaktan.” giit ko, wala naman talagang mali sa sinabi ko ah? “Asang-asa kayo tapos may ganun palang twist.” Hanggang uwian ay iyon at iyon ang bukam-bibig nila. Narindi na lang at lahat ang tainga ko sa paulit-ulit nilang pagbanggit sa plano nila kuno ay hindi pa rin sila tumigil. Ilang beses na rin na sumenyas sa akin si Glyzel, maluwag na raw ang turnilyo ng dalawa na lalo kong ikinahagalpak. “Oo na. Sige na. Gawin niyo nang magkaroon kayo ng kaso oras na isakatuparan niyo ang plano at ang kahibangan niyong dalawa. Bibisita na lang kami ni Glyzel sa kulungan. Dadalhan kayo ng foods at ilang gamit. Sige lang, go. Pakabaliw pa!” hamon ko sa kanila with matching palakpak pa. Inirapan lang ako ng dalawa. Halatang hindi nila gusto ang mga pinagsasabi ko. Bakit ba? Doon din naman sila papunta o baka sa mental hospital? Pwede rin. Ngayon pa lang ay mukhang qualify na sila sa requirements na hinihingi doon. Pasado na agad silang dalawa. Wala ng kahirap-hirap. “Hoy tama na iyan, ang ingay niyo na naman!” saway ni Glyzel, hindi na natutuwa sa dalawa. “Sus, kami lang ba? Si Hilary ang sisihin mo. Hindi naman kami magiging ganito kundi dahil sa kanya.” Aba, loko-lokong Shanael ito. Ako pa ang ituturo niyang salarin eh silang dalawa ni Josefa iyong maingay. Akala mo palakang nalagyan ng tubig. “Shhh, hinaan niyo na lang ang boses niyo. Sige huwag kayong makinig. Mapapagalitan ulit kayo.” saway ko na tawang-tawa pa rin sa dalawa. Napawi ang masayang harutan naming apat ng paglabas ng gate ay natagpuan namin ang kotse ni Chaeus. Totoo ngang tinupad ng Tukmol ang pangako niyang susunduin ako ngayong uwian. Okay lang naman sa akin iyon. Ngunit hindi iyon ang nagpawala ng mga ngiti namin. Kung hindi si Lailani na prenting nakaupo sa shotgun seat. Bakit niya isinama pa? Okay na sana siya eh, kaya lang pumalpak pa siya sa puntong iyon. And that was my seat! Mang-aagaw talaga! Mentally ay inikot ko ang aking mga mata. Naiinis na dito. “Pigilan mo ako Hilary, kakalbuhin ko ang babaeng iyon kapag di ako nakapagpigil!” bulong-bulong ni Shanael na halatang kumukulo na agad ang dugo. Hindi lang ikaw Girl, pati ako kumukulo ang dugo. “Buti pa sa picture medyo maganda siya, pero lintik bakit ang pangit niya sa personal?” si Josefa na halatang dismayado na rin at dinaan na lang iyon sa lihim niyang panlalait sa babae. “Naniwala na kayo sa akin? I'm not lying.” proud na wika kong iniwan na sila at tuloy-tuloy na lumakad palapit ng sasakyan, nagawa kong kalmahin ang sarili matapos huminga ng malalim. Halatang kahit na tumanggi ako ay hindi ako makakalusot na hindi sumama sa mag-jowa. “Bye Girls, see you tomorrow!” kaway ko pa sa kanila, iniwanan na sila ng nang-aasar kong mga ngisi. Pagtalikod ko sa kanila ay napawi rin ang ngiti. Sa totoo lang, kung may choice ako ay hindi ko pipilitin ang sariling makisabay sa kanila. Hindi ko gusto ang vibe. Parang anumang oras ay sisirain ng fiancee niya ang mood kong sirang-sira na ngayong nakita ko pa lang ang pagmumukha niya. “Hi Hilary, ini-accept ko na ang friend request mo.” friendly na wika ni Lailani the moment na pumasok ako sa back seat at tahimik na maupo doon. “Nakita mo na ba?” tumango lang ako dito. So that was the reason kung bakit siya narito? “She send you a friend request, Lai?” hindi makapaniwala ang tono ng boses ni Chaeus. “Yup. I guess ini-accept ka na rin niya dahil sa mutual friend kita sa account niya.” “Oh?” namimilog ang mga mata nitong reaction, sana pala ini-unfriend ko siya tutal hindi naman pala siya nagbubukas ng social media account. Inaasahan ko na ang reaction niyang ito. “Hindi ko pa nakikita. Thanks Hilary, after—” “Bakit dalawa kayong nagsundo?” agad na putol ko sa sasabihin niya, ayokong e-broadcast niya pang two years ng nakatengga ang request niya. Oras na masabi niya iyon. Magkakaroon ng idea ang fiancee niyang accident lang ang friend request ko at paniguradong nang-i-stalk lang. “Ah, kasi gusto kitang e-treat ng snacks.” si Lailani ang mabilis na sumagot sa tanong ko. Jusme, gusto pa yatang magkaroon ako ng utang na loob sa babaeng ito. Wala naman ito sa usapan namin ni Chaeus kanina. Susunduin niya ako oo, pero hindi kasama ang fiancee niya ah. “Pasensiya na kung pinilit ko si Chaeus na isama ako, Hilary. Huwag ka sa kanyang magalit. Ako ang may gustong sumama at hindi niya ako pinilit. Gusto kasi kitang i-libre. Alam mo na magpapalakas ako bilang future sister in law.” Gusto kong mapangiwi. Kahit kailan ay never ko siyang matatanggap na sister in law. Ni hindi ko nga matanggap na kapatid ko si Chaeus, iyong pagiging sister in law pa niya sa akin? Kalokohan! “Nag-abala ka pa. Hindi naman iyon kailangan.” tugon kong ibinaling na ang mata sa labas. Ang awkward lang. Parang bigla siyang naging bait-baitan. Samantalang noong Linggo—ah, nevermind. Ayoko na nga iyong balik-balikan! “Saan mo gustong kumain, Hilary?” si Chaeus na sinipat pa ako sa rearview mirror upang kunin ang sagot, marahan akong umiling. “Sige na. Huwag ka ng tumanggi sa grasya. Masama iyon.” “Busog pa ako.” tipid kong sagot dito, pilit na ina-avoid ang mga panaka-nakang tingin niya. “Take out na lang, gusto mo?” “Hindi pwede ang take out. Gusto kong kumain, Chaeus. Gutom na ako.” bigla-bigla na lamang agaw-eksena sa usapan namin ng mahadera. “Gutom ka pala. Sana iyong isinama mo patungo ng school ko ay ikinain mo na lang. Nabusog ka pa sana.” hindi ko na rin napigilan pang sabihin iyon. Sa totoo lang nakakapikon ang babaeng ito! “Hilary?” may tono ng pagbabanta ni Chaeus. Bakit? Tama lang naman ang sinabi ko di ba? Magpapakitang gilas siya na manlilibre tapos sasabihin niyang gutom na siya. Masyado kasi siyang mapapel. Akala naman niya ay gusto ko. “What? I am just stating the fact!” sagot kong nagawa ng humalukipkip, mas ipinakita ko dito ang pagkadismayang nakalarawan sa mukha ko. “Hindi ako gutom. Busog ako. Ayokong kumain sa labas. Nahihirapan ba kayong intindihin iyon?” Nanatiling tikom ang bibig nilang dalawa. Nasa kalsada na ang mata ni Chaeus, busy na ito sa ginagawang pagda-drive. Si Lailani naman ay halatang na-shock sa ginawa kong pagsigaw. Siguro ay lalo na sa magaspang kong pag-uugali. Sabi ko naman sa kanya, hindi niya ako kilala eh! “Hindi ako sasama sa inyong kumain sa labas. Ihatid niyo muna ako sa bahay bago kayo ulit lumabas para pakainin iyang fiancee mong gutom. Next time kasi, huwag kayong maging paladesisyon. Kunin niyo muna ang opinion ko.” Masama na kung masama ang ugali. Wala akong pakialam. Ako ang batas sa sarili kong oras. “Sige, huwag mo akong sundin at pilitin mong gawin ko ang bagay na ayaw ko. Isusumbong kita kay Daddy. Sasabihin kong pinipilit mo akong gawin ang bagay na hindi ko gusto. Maliwanag?” patuloy ko habang tameme pa rin silang dalawa. Gusto kong malaman ng fiancee niya na sa aming dalawa ako ang batas. Walang makakabali noon. “Fine. Sige, ihahatid kita sa tapat ng bahay.” “Good!” puno ng sarkasmong turan ko. Nasaan ang dila mo ngayon Lailani? Naglaho? Walang imik at lingon-likod ako pagkababa ng sasakyan. Hindi ako nag-abalang magpasalamat. Tuloy-tuloy akong pumasok ng bahay dala ang mabigat na mga yapak ng paa. Sinasagad-sagad talaga ng babaeng iyon ang galit ko sa kanya. Ayaw niyang paawat ah? Akala mo close kami. “So, Girl anong nangyari?” bungad ni Shanael pagkasagot ko ng tawag after kong magbihis. “Wala. Hindi naman ako sumama sa kanila. Silang dalawa lang ang umalis. Sorry, I couldn't spy.” “Ayos lang. Naiintindihan kita. Ngayon ko nga lang din napagtanto na nakakagalaiti talaga ang mukha ng babaeng iyon lalo na pala sa personal.” “Naku, sinabi mo pa Shanael. Sobra-sobra pa. Kung masusukat mo lang ngayon ang taas ng frustration ko sa kanya. As in high level na.” Tumawa lang ito nang malakas. “Hoy maghunus-dili ka. Baka ikaw na ang gumawa noong plano naming dalawa ni Josefa ah? Wag kang atat at makialam. Planado dapat lahat.” Baka nga, lalo na kapag hindi ako nakapagtimpi. “Not too close to happen, Girl. Hindi naman ako mag-aaksaya ng pera, oras at panahon doon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD