Nadala hanggang dinner ang pagka-badtrip ko. After kasi ni Shanael, si Josefa naman ang tumawag. Nakwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Ultimong ang sagutan namin ni Lailani at ang pag-iinarte niyang ipinakita sa akin. Sa kanilang tatlo ni Glyzel at Shanael, kay Josefa lang ako kampanteng mag-open ng lahat. Siguro ay dahil bestfriend ko siya, matagal na kilala kaya mas tiwala ako. Hindi naman sa wala akong tiwala sa dalawa, safe kung sasabihin kong mas comfortable akong sabihin lahat kay Josefa.
“Nakakawala talaga siya ng mood, Josefa. As in. Kung pwede lang manakit. Baka nasaktan ko na. Gutom pala siya tapos sasama-sama. Sana iyong binuntot niya ikinain na lang niya nabusog pa siya hindi ba? Paladesisyon ang dalawang iyon!”
“Hoy gagi, pabayaan mo na siya. Baka mamaya ay iniisip mo siya nang iniisip. Wag Girl. Masyado tayong maganda para lang e-stress ni Lailani. Tanggalin mo na siya sa isip mo. Sige ka, baka mamaya hanggang panaginip buwisitin ka niya.”
“Subukan lang niya. Isusumpa ko talaga siya.” wika kong humigpit pa ang hawak sa tinidor na nakatusok sa laman ng pritong isdang ulam.
Humagalpak na sa kabilang linya si Josefa. Malamang ay nai-imagine na ang hitsura ko.
“Baka hindi tumalab iyon sa kanya, Girl.”
“Let's see. Maraming ibang paraan para sirain ko rin ang mood niya. Magsiraan kami ng mood.”
Maaga akong natulog ng gabing iyon kahit na medyo frustrated pa rin dahil sa labas na naman kumain ng dinner si Chaeus. Hindi na ako sinabayan ng Tukmol. Masyado siyang lulong kay Lailani, wala namang kakaiba sa kanya. Hindi rin naman ma-appeal o maalindog ang hubog ng katawan. I wonder, ano kayang nagustuhan sa kanya ni Chaeus? Baka talaga ginayuma siya. Normal lang siya sa paningin ko. Napaka-typical na mamamayan ang hitsura. Walang pinagkaiba.
Lumipas ang Linggong iyon na hindi ko na ulit nakita ang Tukmol. Akala ko pa naman noon kinabukasan ay siya ulit ang maghahatid. Hindi. Iyong family driver na namin ang nabungaran ko paglabas ko ng bahay. Pinag-day off lang daw siya ni Chaeus. Hindi ko naman tinatanong. Ito mismo ang nagsabi sa akin na ikinakibit ko lang ng balikat. Wala rin naman akong sasabihin eh.
“Kumusta? Hindi naman kayo nagbugbugan?”
Umiling ako at bahagyang ngumiti.
“Kasama niya po ang girlfriend niya.”
Tumango lamang ito. Hindi na nag-usisa pa. Napansin sigurong ayoko ng pag-usapan.
Sa paglipas ng mga araw ay naramdaman ko at napuna ang unti-unting pagbabago ng barkada. Malamang dahil kay Tukmol iyon. Naging abala kaming apat sa plotting ng masama kay Lailani. Yes, you read it right. Kaming apat. Kasama ako.
“Nakikita mo pa rin silang magkasama?”
Umiling ako. Hindi na masyado. Ang last iyong sinundo nila ako tapos pahapyaw-hapyaw na.
“Hindi. Pati nga si Chaeus naging mailap.”
“Mailap? Paanong naging mailap?” si Glyzel na halatang lutang at hindi nakikinig sa usapan.
“Ibig sabihin noon hindi niya na nakikita.” si Josefa na tutok na tutok ang pandinig sa akin.
“Ah, akala ko manok lang ang tinatawag na mailap kapag hindi mahuli.” tawa pa ni Glyzel.
Umirap sa kawalan si Shanael. Kumibot-kibot ang bibig. Kung umasta naman ito parang di friend.
“Meaning madalas na hindi umuuwi sa bahay niyo si Chaeus?” tumango ako sa tanong ni Josefa, oo dahil kung umuwi man iyon sasabihin sa akin ng maid. Kaso wala naman. “Kung ganun ay saan siya natutulog? Wait—” natutop na niya ang bibig, hindi ko gusto ang likot ng imagination niya. “What if nagsasama na silang dalawa?”
Bumalatay sa mukha ni Shanael ang matinding iritasyon. Itong mga ‘to kung makabigay ng reaction akala mo may relasyon sila ni Chaeus. Or akala mo pag-aari talaga nila ang Tukmol.
“Maaari—”
Agad tinakpan ni Shanael ang bibig ko upang hindi ko matuloy ang sasabihin. Halatang ayaw niyang marinig iyon. Totoo naman. Baka nga nagsasama na sila and only God knows lang naman kung ano ang nangyayari sa pagitan nila. Adult thing iyon.
“Stop! Huwag na natin silang pag-usapan.” buhol ang mga kilay na turan ng babaeng napipikon na.
“Okay.”
Sa halip na tumambay sa club every weekend at palaging nasa tabing-dagat para magbisyo ay pinag-ayos namin ang pag-aaral. Napansin ko iyon dahil wala ng nag-aaya sa kanila. Maging si Shanael at Josefa, ni minsan hindi na nag-aya. Nabanggit ko sa kanila na standard ni Tukmol ay may maayos na grades. Mukhang kasalanan ko yata kung bakit bigla silang nagbago para lang pumasa sa standard nito. Pabor din naman sa akin iyon. Sa katunayan ay napansin ko rin ang sariling unti-unting nagbago. Unti-unti kong nabalik ang reputasyon ng pagiging good girl sa paglipas pa ng mga araw at Linggo. Hindi ko alam kung nakikipagkumpetensya ba ako sa mga kaibigan o gusto ko lang na may maganda ulit akong grade na mapapakita kay Daddy oras na makabalik na ito ng bansa. Well, I don't know.
Tumatawag naman si Daddy sa akin, madalas. Hindi ko nga lang iyon nasasagot di dahil galit ako. I don't feel lang na makipag-usap sa kanya. Nagre-reply pa rin naman ako sa mga text niya.
“G ba tayo sa place niyo mamaya?” excited na nakahalumbabang inip na tanong ni Josefa.
Tapos na ang klase after ng subject na ito.
“Yup, may dala na ba kayong damit pamalit?”
“Bakit pa magdadala? Ang dami mo namang damit.” singit ni Shanael, malawak ng ngumisi.
“Hay naku, mahiya naman kayo. Magdala naman kayo ng underwear. Palaging akin ang ginagamit niyo. Nakakailang umit na kayo ng mga bago ko.”
“Huwag ka ngang madamot, Hilary. Para undies lang? Maliit na bagay lang iyon. Damot nito!”
Humagikhik lang si Glyzel habang tahimik na nakikinig sa aming usapan. Patingin-tingin.
“Hindi ako sasama. Hindi ako pinayagan eh.” maya-maya ay lahad niya, dahilan para mapatingin kami nang sabay-sabay sa kanya.
“Hindi ka pinayagan mag-sleep over ng mga magulang mo or?” tanong kong bahagyang dumukwang palapit sa kanya sabay sulyap sa unahan kung nasaan ang class adiviser namin, “Hindi ka pinayagan ni Sir dahil may date kayo?” tanong kong halos pabulong lang ang pagkasabi.
Mabilis namula ang mukha niya. Naging malikot ang mga mata. Hindi ko maalala na binawalan si Glyzel ng mga magulang niya. Ang luwag nga nila sa kanya. Hahanapin kapag di umuwi, pero oras na malaman kung nasaan siya ay okay na agad.
“P-Parents ko...”
“Huwag ka ngang sinungaling!” bulalas ni Josefa na bahagyang hinila ang buhok niya, napatingala na siya dahil doon. “May iba ka lang plano!”
Umayos kami ng upo nang pahapyaw na sumulyap sa aming banda ang class adviser at tumikhim.
Ito talagang si Josefa, napaka-eskandalosa. Nahawa na ni Shanael. Dati ay bulong lang.
“Ang sakit noon ah?” irap ni Glyzel na inabot ang braso ni Josefa at bigla na lang itong kinurot.
At dahil pareho silang praning. Gumanti naman si Josefa. Maya-maya pa inawat na sila ni Shanael. Akala ko talaga si Glyzel at Shanael ang aso at pusa, mukhang naging pusa na rin si Josefa. Ako kaya? Aso? Gaya ni Glyzel?
“Hoy, tama na iyan. Para kayong mga bata ah!” saway ko nang hindi pa rin sila tumigil, masama na ang tinginan nila na parang magpapatayan. “Sige huwag kayong tumigil, walang sleepover—”
“Oo na!” duet nilang angil sa akin.
Friday iyon. Kung dati-rati ay sa bar ang tungo namin ng ganitong panahon, ngayon ay hindi na. Sa bahay na namin ang kanilang nagiging rota. Actually, kada weekend sa bahay sila natutulog. Kapag sinuwerte sila nakakasabay nila sa agahan si Chaeus na halatang natutuwa sa pagbabago ng aming barkada. Panay din ang papuri nito. Kung hindi naman, bokya. Ni anino nito ay wala. Hindi ko rin naman ipinagdamot iyon sa kanila. Wala namang mawawala sa akin. Nakapagbigay pa ako ng saya sa pusong marupok ng dalawa.
“Let's go!” sigaw ni Josefa at Shanael after na makalabas ng gate ng school.
Nag-uunahan pa ang dalawa patungo ng kotseng sundo ko. Naiwan kaming dalawa ni Glyzel sa huli.
“Sure ka na hindi ka muna sasama ngayon?” ulit ko dito, baka sakali lang namang magbago ito.
“Oo, hindi na muna Hilary. Kayo na lang muna.”
“Okay sige, ingat ka sa date mo ah?” hawak ko pa sa isang braso niya, alam kong hindi na siya sa akin makakapagsinungaling lalo at ako na lang.
“Oo na!” anitong nag-iwas ng tingin, namumula.
“Text mo kami. Mag-ingat at mag-enjoy ka.”
Sunod-sunod itong tumango. Lumapad pa ang ngiti. Sana lang talaga habang-buhay na ito.
“Sige, bye. Alis na kami! Videocall ka sa amin.”
Isang kaway lang ang ibinigay niya at tumalikod na ako. Naglakad na ako papunta sa sundo ko. Napa-preno ang mga paa ko nang makitang si Chaeus ang driver namin. Kaya naman pala ang dalawang gaga, nag-uunahan kung sino ang uupo sa una at magfe-feeling jowa muna ni Chaeus.
“Hay naku! Magbato-bato pick na lang kayo.” suggestion kong hinila na ang pinto ng sasakyan sa likod, hindi na ako makikipag-agawan sa kanila.
“Para walang away, ikaw na lang ang maupo dito sa unahan Hilary.” ang Tukmol na hindi naman siguro lingid sa kaalaman niya ang nangyayari.
Natigilan ang dalawa kong kaibigan. Masama na ang naging tingin sa akin. Umiiling-iling pa sila. At dahil ipinanganak akong mapang-asar sa kanila. Wala akong naging patumpik-tumpik na nag-oo.
“Okay, sorry Girls. Doon na kayo sa likod. Hindi tayo makakaalis kung ganyan na lang kayo.”
Hanggang sa makalulan ang dalawa sa likod ay masama pa rin ang tinging ipinupukol sa akin. Puno iyon ng nakakapangilabot na pagbabanta.
“Wear your seatbelts Girls, baka mabungi kapag hindi kayo nagsuot. Sige, kayo rin ang papangit.”