Chapter 28: Dating gawi

1579 Words
Panay ang hugot ko ng buntong-hininga at ikot ng mga mata habang naghihintay kami sa may gate ng arrival. Ilang minuto na kami dito pero ni anino ni Lailani ay hindi pa lumalabas. Gutom na gutom na rin ako. Paano ba naman ay inuna pa naming sunduin siya bago kami mag-almusal. “Mamaya na lang tayo kumain. Baka kanina pa siya sa atin naghihintay.” ani Chaeus sa akin. Gusto kong umapela at magreklamo. Kahit sana burger lang, pantapal sa malapit ng mabutas kong bituka. Pero mas inuna pa niyang bilhan ang Lailani na iyon ng bouquet keysa sa pagkain ko. Sa sunod ay hindi na talaga ako sasama sa kanya! Pakatatandaan ko ang araw na ito. “Ano pa bang ginagawa ng babaeng iyon sa loob? Sabi niya kanina pa siya nakalapag? Bakit hindi pa siya lumabas? Masyadong pa-importante!” himutok kong hindi na mapakali sa inuupuan ko. Naaalibadbaran ang mukhang napahilamos na rin ako ng palad sa mukha. Nasa backseat na ako. Kanina ay nasa shotgun seat ako pero pinalipat na ako ni Chaeus dito bago pa ito lumabas ng sasakyan at abangan ang paglabas ni Lailani. Talagang pinalipat pa ako. Pwede naman dito sa backseat ang babaeng iyon. Kakabuwisit talaga! “Ang tagal talaga ng babaeng iyon!” puno na ng pagkairita ang boses ko, sabayan pa iyon ng sikmura kong panay na ang pagkalam sa gutom. Upang mapawi ito ay marahan ko itong hinimas. Ilang ulit na pinatay sa isipan ang mag-jowa. “Kapag ako nainis, lalabas ako at maghahanap ng makakainan. Bahala sila mamaya kung saan nila ako hahanapin. Sinasagad nila ang inis ko eh.” Bago ko pa man magawa ang naiisip ay nakita ko ng lumabas ang bulto ng babae ng gate. Hila ang maleta. Halos tumalon sa tuwa nang makita si Chaeus. Bakas ang saya sa pagmumukha nito. Hays, salamat naman! Sinundan siya ng aking mga mata. Patakbo siyang lumapit kay Chaeus at mahigpit na dito ay yumakap. Umalikon ang mga braso nito sa leeg ng Tukmol na parang galamay ng octopus. Akala mo naman ay ang tagal nilang hindi nagkita. Heller, linggo lang talaga ang lumipas! Awtomatikong umirap na ang aking mga mata hindi man nila iyon nakikita. Parang bumabalik sa una ang inis na nararamdaman ko sa babae. Hindi lang iyon. Nang mismong maglapat pa ang labi nila na parang walang pakialam sa paligid ay hindi lang parang pinipiga ang puso ko. Para iyong may invisible na kutsilyong paulit-ulit na tumatarak. Hindi ko na namalayang namuo na ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob ko. Sa sobrang selos. Sobrang naaalibadbaran ako sa ginagawa nila. “Sana talaga ay hindi na lang ako sumama!” pikon na pikon ang tono na sinipa ko pa ang likod ng driver seat, doon ibinunton ang inis sa kanila. Kulang na lang ay magwala ako sa frustration. Halos magngalit rin ang aking panga sa kanya. “Hi, Hilary—” “Don't talk to me. Masama ang mood ko!” putol ko sa kanya nang pumasok na sila ng sasakyan. Sa totoo lang ang sarap niyang sabunutan! “Why? Umagang-umaga. What's wrong, Chaeus?” lingon nito sa Tukmol na halatang nalimutan na yata ang presensya ko nang makita ang fiancee. “Hindi ko alam.” kibit-balikat nitong binuhay na ang sasakyan, aba at kinalimutan ang gutom ko. Humalukipkip ako. Ipinakitang hindi na maipinta ang mukha sa sobrang inis ko. Walang talab iyon sa Tukmol na ang atensyon ay nasa kay Lailani. “Chaeus, idaan mo muna ako sa bahay bago mo ihatid si Lailani sa kanila.” nang hindi nakatiis ay utas na wika ko, parang wala siyang kasama ah! Lumipad ang mata niya sa rearview mirror. Pilit na hinuhuli ang mata ko pero binigo ko siya. Sa labas na ako tumingin na parang di siya nakita. Ngayon niya ako aalalahanin? Ayos din siya ah! “Bakit, Hilary? Kakain pa tayo at—” “Kayo na lang. Sa bahay na ako kakain mamaya.” sagot kong punong-puno na ng pagtatampo. “Napag-usapan na natin ito kanina, Hilary. Ano na naman ba ang ikinakagalit mo? Bigla ka na namang nagbago.” hinaing nitong unti-unti ng pinapatakbo paalis sa lugar ang sasakyan namin. “Sundin mo na lang ang gusto ko. Ang dami mo pang ngawa. Sa gusto ko na ngang umuwi!” angil ko na pinandilatan na siya ng mata, ang bobo ah! “Bakit nga? Sabihin mo sa akin ang dahilan.” “Masama nga ang pakiramdam ko. Ano? Okay na ba iyong dahilan para sundin mo ang gusto ko?” Mabilis siyang nag-preno. Nilingon na ako. Hindi pa rin siya doon nakuntento at dumukwang palapit sa akin upang salatin lamang ang noo ko. “Tingin nga.” mabilis kong iniiwas ang mukha pero naabot pa rin niya ang noo ko sa haba ng braso, “Paano bang masama? Wala ka namang sinat.” Nanlilisik ang mga matang pinalo ko ang braso niya para tanggalin niya ang palad sa noo ko. Sino ang nagbigay ng karapatan sa kanyang pwede niya akong hawakan? Kapal niya talaga! Siya ang dahilan bakit masakit na ang ulo ko. Ilang beses na muli ko pa siyang inirapan. “Hindi porket walang sinat ay hindi na masama ang pakiramdam ko. At saka ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko? Kailangan ba talagang sumama pa ako maghatid kay Lailani? Hindi ba siya makakauwi kung hindi ako sasama ha?” Sumeryoso ang mukha ni Chaeus. Binibigyan ako ng warning na umayos sa harapan ni Lailani. “Hilary—” “Idaan niyo ako sa bahay, period!” final na wika ko na tumagilid na, sign iyon na ayaw ko ng makipag-usap sa kanya. “Huwag mo akong piliting sumama. Gusto ko ng umuwi ng bahay. Tapos!” Akmang sasagot pa si Chaeus at makikipagtalo nang pigilan siya ni Lailani sa isang braso. Kita ko iyon sa magkabilang sulok ng aking isang mata. “Hayaan mo na siya Chaeus kung ayaw niyang sumama at gusto ng umuwi. Ganyan talaga ang mood swings ng mga babae once a month. Huwag mong pilitin kung ayaw. Mag-aaway lang kayo. Ihatid na lang muna natin siya sa inyo bago natin gawin ang original nating plano.” “Sige, I'll drop you off, Hilary.” suko nito na halatang wala ng iba pang choice. Malamang, kapag makikipagmatigasan siya ay wala rin namang mangyayari. Ako pa rin ang masusunod sa aming dalawa at hindi siya. “Mag-uusap tayo mamaya pag-uwi ko, Hilary.” Nag-make face ako habang panay ang irap. Hindi iyon nakatakas sa paningin ni Lailani na kanina ko pa napapansing nakatitig lang sa akin. Paki ko sa kanila? Gagawin ko pa rin ang gusto ko kahit na ayaw niya. Hindi niya ako mapipigilan. Saka sino naman siya sa akala niya para utusan ako. “Tara na, Chaeus. Umalis na tayo.” malambing na sambit ni Lailani na bahagyang humilig pa ang ulo sa isang braso ni Chaeus na lalong ikinainis ko. Pagtigil ng sasakyan ay padabog akong lumabas. Pamartsa silang iniwan at hindi na inintindi pa ang mga sinabi ni Chaeus. Wala akong pakialam! “Pakihanda ng dining table!” sigaw ko kaya naman gulantang na napalingon ang mga maid sa akin. “Kahit ano. Hindi pa ako kumakain ng almusal.” De-deretso akong pumunta ng kusina. Sinundan ang ilan sa maid na natatarantang maghanda. Masama pa rin ang loob kong kumain. Sa sobrang sama nga ay parang hindi nga ako matutunawan. Ilang beses ko lang sinulyapan ang cellphone na kanina pa naghuhuramentado sa tawag. Sino pa ba iyon? Malamang iyong Tukmol na makulit. “Bakit kailangan niya pang tumawag? Para mas asarin ako? Manigas siya diyan. Di ko sasagutin.” Nahiga na ako sa kama. Ini-unat ang mga braso. Parang sobrang pagod na pagod ang katawan ko. “Hindi na rin ako sasamang mag-hiking kahit na ayain pa ako ng Tukmol. Hinding-hindi na talaga.” Pinatay ko na lamang ang cellphone dahil hindi talaga tumitigil ang Tukmol sa pagtawag sa akin. “Si Lailani ang kausapin mo, huwag ako...” Saglit na ipinikit ko ang mga mata. Sa busog ay bigla akong nakaramdam ng antok. Hindi ko namalayan na bigla na lang akong nakatulog. Madilim na ng magising pero ganun pa rin ang pwesto ko sa kama. Iinot-inot akong bumangon. Binuhay ang cellphone na nagbigay ng saglit na liwanag sa loob ng kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw. Naghikab pa. Halatang antok na antok pa. Kung anong ganda ng gising ko, napalitan iyon ng pagkabuwisit ng sunod-sunod na pumasok ang message ni Chaeus pagbukas ko ng phone. Sabi niya ay hindi raw siya makakauwi. Iyon lang ang natatandaan ko sa dinami-dami ng text niya. “Malamang, pakulo na naman iyon ni Lailani.” Natapos na ako at lahat kumain ng dinner ay hindi pa rin nawawala ang tuminding galit ko sa kanya. Sakto namang tumawag sa akin si Josefa. Kinakamusta ako. Walang pakundangan akong nagreklamo at naglabas ng sama ng loob about kay Chaeus. Feeling ko, magwawala ako oras na hindi ko magawang ilabas ang lahat ng iyon. “Hilary, tutal ay bad mood ka na ngayong gabi what if samahan mo na lang akong lumabas? Mag-party tayo. Ano G ka? Sunduin kita diyan?” Walang patumpik-tumpik akong pumayag. Hindi na inisip na minsan na akong nangako sa sarili na hindi na tatakas. Magpapaalam kung pa-party. Si Tukmol kasi. Sinagad niya na naman ang galit ko. “Sure Girl, magre-ready na ako ah? Hihintayin kita dito. Bilisan mo. Ayokong maghintay ng matagal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD