Maaga pa lang ay umalis na kami ng bahay ni Chaeus. Nanunuot pa ang lamig sa aming buto ng mga sandaling iyon kahit balot kami ng jacket. Hindi maitago ang excitement sa mga mata ko. First time kong makakarating sa pupuntahan namin. Feeling ko tuloy ay para akong bumalik sa pagkabata at ang trip na ito ay bahagi ng field trip ng school. Buong biyahe ay na-enjoy ko ang tanawin bagama't madilim pa iyon at wala akong gaanong makita. Sapat na sa akin ang malabong langit na nagbabadya na ang panibagong umaga. Sabayan pa ng mga iba't-ibang kulay ng ilaw. May iilang mga tao na rin kaming nadadaanan. Hindi traffic kung kaya mabilis kaming nakarating.
“Isuot mo ito, Hilary. Masyadong malamig pa at mahamog ang dadaanan natin at baka kapitan ka ng sakit.” abot sa akin ni Chaeus ng earmuffs na yari sa malambot na tela, panlaban sa lamig.
Malapad ang ngiting tinanggap ko iyon. Isinunod niyang ibigay sa akin ay ang walking stick. Sa halip na magreklamo ay tinanggap ko na lang ito. Hindi siya magdadala nito kung hindi kailangan.
“Madalas ka bang pumunta dito?” hindi ko na napigilang itanong iyon sa kanya, paano parang balewala na la mang sa kanya ang pag-akyat.
“Pang-ilang beses ko na ito.”
Ah, alam ko na. Hula ko, kapag hindi siya umuuwi ng weekend sa bahay ay malamang narito siya.
“Si Lailani ang kasama mo?”
“Hmmn...”
Sana hindi ko na pala iyon tinanong dahil parang may pumiga lang sa puso ko sa naging sagot niya.
“Tara na, Hilary para before ng sunrise ay nasa itaas na tayo. Napakaganda doon ng view.”
Nagkibit-balikat na lang ako at sumang-ayon sa kanya. Fiancee niya si Lailani kaya bakit pa ba ako magtataka kung dalhin niya ang babae dito?
“Okay.” tipid kong sagot na sumunod na.
Sa paglalakad namin paakyat ng bundok ay hindi ko alintana ang pagod. Marami kaming kasabay. May bata, matanda, at mga magkakapareha pa. Sumagi sa isip ko na ano kaya ang iniisip ng ibang tao kapag nakikita kami? Naiisip ba nila na kami ay magkapatid o baka naman magkasintahan. Mariin kong kinagat ang labi sa huling naiisip ko.
Siraulo ka na, Hilary. Bakit mo naiisip iyon ha?
Ganun na lang ang gulat ko nang pagdating sa tuktok ay makita ang kaibigan kong si Glyzel.
“Hoy? Anong ginagawa mo dito?” gulantang na tanong ko sa kanya nang ma-espatan siya sa gitna ng maraming mga kasabayang umakyat.
Kailangang paluin ko pa ang balikat niya para makuha ko ang atensyon niya. Hindi na ako nagulat ng kasama niya ang class adviser namin na tumango lang sa akin nang makita ako. Mukha na sinabi ni Glyzel sa kanya na alam na namin ang tinatago nilang relasyon. Dapat bigyan niya kami ng mataas na grades, friend kami ni Glyzel ah!
“Hilary? Luh! Anong ginagawa mo dito?” tanong niyang wala ng hiya sa akin kahit na makita ko pa kung sino ang kasama niya. Parang normal na.
Natutop niya ang bibig nang paglingon sa likod ko ay makita niyang naroon ang Tukmol na si Chaeus. Alam kong hindi siya bingi at bulag sa pag-uusap namin nina Josefa. Batid kong alam niya rin ang ginawa kong pagtanggi sa kanila. Ngayon pa lang ay nahuhulaan na niyang ang mga sinabi ko sa iba naming friend ay di totoo. Ganunpaman ay nungkang aamin ako. Pwede ko namang sabihin na noong una ay hindi planado.
“Akala ko aalis siya ng bansa?”
Imposible man na maniwala siya sa dahilan ko pero sinubukan ko pa rin. Baka lang naman makalusot. Baka mabilog ko ang kanyang ulo.
“Ah, hindi na siya tumuloy. Ewan ko kung bakit.”
Si Chaeus ang tinutukoy ko doon na bahagya pa itong nilingon. Abalang nagmamasid ito sa paligid kaya naman hindi niya napapansin si Glyzel dito. Mabuti na rin iyon, baka ano pa ang masabi niya at mabuko ako sa sinabi kong kasinungalingan.
“Biglaan lang din ang punta namin dito. Hindi siya planado kung iyon ang iniisip mo. Kilala mo ako. If this was planned ahead of time, malamang ay isasama ko dito ang dalawa nating kaibigan—”
“You don't have to explain your reason to me, to us, Hilary. Ang deffensive mo naman pakinggan.” pagak itong natawa, nanunukso ang mga mata pero hindi naman niya isinatinig. Baka guni-guni ko lang ang pang-aasar niya. “Aminin natin na minsan naman talaga ay kailangan din natin ng alone time. Hindi rin kailangang palagi tayong makihalubilo. Naiintindihan kita sa puntong ito.”
Napaawang na ang bibig ko. Bakit bigla na lang nag-matured ang kilos ng babaeng ito? Totoo? Naiintindihan niya ako? Saang banda naman?
“Sige na, enjoy lang Hilary. Para naman ito sa sarili mo. Tama na rin muna ang pag-iisip sa kapakanan ng ibang tao. Treasure this moment. Minsan lang itong mangyari sa buhay natin.”
Bago pa ako makapagsalita ay tinapik niya na ang likod ko at tumakbo na palapit kay Sir na kanina pa ang ginagawang pagsulyap sa amin. Hindi ko mapigilan ang sariling kiligin sa kanila nang tanggapin ni Glyzel ang nakalahad nitong kamay at sabay na nagtungo sa kabilang side.
Ang cute nilang tingnan. Bagay na bagay! Kinilig pa ako sa kanila nang magsimulang kunan ni Sir si Glyzel ng picture gamit ang cellphone niya. Nak's sana lahat na lang talaga sa kanilang dalawa!
“Hilary, halika dito!”
Mabilis akong napalingon nang marinig ang boses ni Chaeus na tinatawag ako. Nasa kabilang side na siya ng bundok. Medyo malayo iyon sa side nila Glyzel at ina-assemble ang dala na upuan. Dalawa iyon. Isa iyon sa laman ng dala niyang back pack. Nagmamadali na akong lumapit.
“Dito ka na, ano pang tinitingnan mo doon?”
Hindi ko na sinabi ang tungkol kay Glyzel. Naupo na ako sa upuan. Dume-kwatro at tinanggap na ang bote ng tubig na kanyang ini-abot sa akin.
“Salamat.” tugon kong hindi siya nililingon.
Lumamig pa ang ihip ng hangin. Pinagmasdan ko ang malawak na kalangitan. Napakaganda naman. Payapa. Parang sobrang layo sa mga problema. Siguro kaya maganda ito sa paningin ko dahil sa lumaki ako sa mas maingay at magulong siyudad.
“How was it, Hilary? Do you like this place?”
Naramdaman ko ang ginawa niyang pag-upo sa tabi ng inuupuan ko. Bahagyang sumagi kasi iyon sa inuupuan ko kaya napalingon na ako sa kanya. Hinablot niya ang isang kamay ko at mahigpit hinawakan dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka tumumba na ako. Parang nasunog ang balat ko at nakuryente nang dumilkit ang balat niya.
“S-Sorry, hindi ko sinasadya.”
“A-Ayos lang...”
Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ibinaling sa mga kasamang halatang may sariling mundo. Binalot kami ng nakakabinging katahimikan ng ilang minuto. Ngunit pagkaraan noon ay muli na naman siyang dumaldal kahit na alam niyang hindi ko naman siya pinapakinggan. Bakit? Grabe lang naman ang kalabog ng puso ko sa nangyari.
What's wrong with you ba, Hilary? Di ka naman dating ganyan. Huwag mong sabihin na crush mo ang Tukmol? Naku, malaking problema mo iyan!
Maya-maya pa ay tumayo si Chaeus. Naglakad ito palayo sa akin matapos sagutin ang tawag.
Tsk, malamang ay si Lailani iyon.
Habang pinagmamasdan siya mula sa malayo at nakikitang nakangisi dahil sa kausap ay bakit parang pinipiga ang puso ko? Nasasaktan ako. Nagseselos? Baka kasi feeling ko ay inaagaw ng babaeng iyon ang atensyon ni Chaeus sa akin.
“Imposible iyon, Hilary. Umayos ka nga!”
Nawala ang atensyon ko sa kanya nang bigla akong hilahin ni Glyzel upang mag-picture kami. Aniya ay pababa na raw sila maya-maya dahil may iba silang plano ngayong araw. Kitang-kita ang saya sa mukha niya. Halatang sobrang inlab.
“See you on Monday, Hilary!”
“Oo, sige ingat kayo.” kaway ko pabalik sa kanya.
Ilang minuto lang naming na-enjoy ang sunrise dahil nag-aya na rin si Chaeus bumaba. Ayaw ko pa nga sana kaya lang wala na akong nagawa. Lalo na nang banggitin niya sa akin ang rason.
“Kailangang sunduin ko si Lailani sa airport.”
Huh? Akala ko ba ay one-month siya doon?
Napansin niya siguro ang katanungan sa mga mata ko kaya napilitan na siyang sagutin ito.
“Pinauwi na siya dito at iba na lang ang ginawang representative ng company nila doon. Nakalapag na ang eroplano nila kaya sama ka na lang sa akin sa airport. Wala na akong time para ihatid ka sa bahay. Ihahatid lang natin siya tapos—”
“Okay.”
Bagsak ang balikat na tumayo na ako. Inayos na ang inupuan ko. Feeling ko nasayang lang ang effort na pumunta kami dito. Sana tinulog ko na lang or sumama na lang pala ako kina Josefa eh.
“Nagtatampo ka ba, Hilary?”
“Hindi ah!”
“Balik na lang tayo dito. Marami pa namang—”
“Ayos lang ako, huwag mo na lang pansinin.” iwas ko ng tingin sa kanya na nauna ng humakbang.
“Teka Hilary, kuha tayo ng picture natin dito. Send ko kina Mommy at Tito mamaya pagbaba.”
At dahil bad mood ako kaya naman sure ako na nakasimangot ako sa mga kuha naming dalawa. Dapat kasi, kanina pa siya nag-picture noong time na nasa good mood pa ako. Malamang ay iisipin ni Daddy na napilitan lang akong sumama.
“Okay na? Tara na. Baka humaba na ang leeg ni Lailani kakahintay sa atin. Awayin ka pa noon.”