Chapter 29: Gusto kita, Chaeus

1607 Words
Pagdating ng bar ay para akong ibong nakawala sa hawla. Siguro ay dahil matagal na noong huli akong makapunta dito kaya naman sabik ako. Ginawa kong parang tubig ang inorder ni Josefa na inumin naming margarita. Ganun na lang ang pagtatakang bumalatay sa mga mata ni Josefa. Titig na titig siya sa akin. Medyo naiiling. Hindi ito makapaniwala sa kung anumang nakikita niya. Siguro ay ngayon niya lang rin ako nakita na maging ganito. Sobrang wasted ang hitsura ko. “Girl? Are you okay?” “Hmmn...” tango kong panay tungga pa rin. Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Umayos siya ng upo sa harap ko at hinuli ang mga mata ko na kung saan-saan bumabaling. “Umamin ka nga sa akin, Hilary. Hindi lang iyon ang problema mo ano? May iba ka pang—” Tinakpan ko ang bibig niya para agad matigilan sa sasabihin niya pa. Ano bang problema ang sinasabi niya? Gusto kong magpaka-wasted ngayong gabi. Huwag niya sanang hadlangan. Ayokong mag-isip ng kahit na anong problema. Hindi pwedeng patuloy naming pag-usapan iyon. Pinatay ko nga ang cellphone ko para hindi ako maistorbo ni Tukmol. Tapos siya heto, hindi niya ba mabasang ayokong pag-usapan pa iyon? Pambihira naman Josefa, naturingan pa naman na bestfriend kita. Ano pang silbi noon ha? “Please lang. Hayaan mong gawin ko ang gusto ko ngayon, Josefa. Huwag mo na akong tanungin. Pwede ba iyon? Sobrang sama talaga ng loob ko. Pagbigyan mo na ako, Girl. Huwag ka na munang mag-usisa. Sasabihin ko rin naman sa'yo eh.” “Okay, kung iyon ang gusto mo.” dampot na ni Josefa ng baso niya upang uminom na rin. Alam ko namang may isang salita siya eh. “Cheers!” Nang parehong makaramdam na ng tama ng alak ay nagsimula na rin kaming magsayaw ni Josefa. Hinayaan naming muling maging malaya gaya ng dati. May mga instances na nakikipag-showdown kami ng kaibigan sa ibang grupo na party-goer. Walang malisya. Literal na nag-e-enjoy na kami. “Whooo!” sigaw kong tuwang-tuwa sa ginagawa. Sa paglalim pa ng gabi, sa patuloy pa naming pag-inom ay may mga iilang lalake na ‘ring humihingi ng number namin ni Josefa. Bagay na malaking no sa amin. Never kaming nagbibigay ng number kahit nga iyong tunay na pangalan. Dati, gumagamit pa kami ang mga alias sa makukulit. May nag-aaya pa nga sa amin na iilan na sumali na kami sa table nila pero agad na tinanggihan namin iyon. Delikado. Red flagged! Buti sana kung kasama rin namin ngayon sina Shanael at Glyzel. May lakas kami ng loob kung buo kaming apat. “Maybe next time, uuwi na rin kami maya-maya. You know? May curfew kami.” palusot ni Josefa na kumindat pa sa lalakeng iba na ang tingin sa katawan naming dalawa. Parang nanghuhubad. “Bakit next time pa kung pwede namang—” “Tara, Josefa. Sayaw muna tayo bago umuwi.” marahas na pag-ahon ko sa upuan sabay hila na kay Josefa dahil for sure ay hindi pa rin titigil ang lalake sa kanyang paulit-ulit na pangungulit. Nagawa naming makatakas sa paningin ng lalake. Ngunit hindi kami umuwi gaya ng naging palusot. Lumipat lang kami ng table sa kabilang banda ng bar upang lumayo. Mabuti na iyong umiwas kami keysa naman pabayaan naming may mangyari pa. “Girl, anong oras ba tayo uuwi? Hindi talaga sobrang enjoy kapag hindi tayo complete eh.” Nilingon niya ako. Kapagdaka ay tumango na ito. “Mamaya na, kapag wala na akong maalala.” sagot kong malakas na bumunghalit ng tawa. “Ha? Anong sabi mo Girl?” Iginalaw ko ang magkabilang balikat. Tamad na akong mag-explain. Gusto ko na lamang uminom. Hindi rin naman niya agad maiintindihan oras na ipaliwanag ko. Saka mahaba ang kwentong iyon. “Pagbigyan mo na ako ngayon, Girl. Huwag ka ng uminom. Ako na lang muna ang maglalasing. Ha?” Makahulugan akong sinuyod ng tingin ni Josefa. Maya-maya pa ay tumango ito at hindi na ulit binuhat ang baso niya ng iniinom naming alak. Susunod din naman pala, ang dami pang arte. “Okay, Girl. Mukhang kailangan mo nga yatang maging lasing para mailabas mo ang lahat. Dito lang ako. Ako na ang bahala sa'yo. Sige. Inom ka lang diyan. Magpakalango ka pa diyan, Hilary!” Hindi ko na maalala pa ang mga sumunod dito na nangyari. Basta ang natatandaan ko ay patuloy lang akong lumaklak kasabay ng pagrereklamo. Panaka-naka ang indak ng katawan. Tinitipa ko pa ang mga paa sa sahog. Gumagalaw ang ulo ko at sumasabay iyon sa mabilis na beat ng tugtog. Nahimasmasan lang ako nang maramdaman na may mahigpit na humaklit sa isa kong braso. Nang lingunin ko ito ay napangisi lang ako dito. “C-Chaeus?” nauutal na tawag ko sa kanya. Ngumisi pa ako. Feeling ko ay sa guni-guni ko lang siya nag-e-exist dala ng sobrang kalasingan. Hindi totoong nasa harapan ko siya ngayon. Dismayado ang reaction siyang umiling-iling. Mababasa sa mukha niya na hindi gusto ang nasaksihang ginagawa ko ngayon sa sarili ko. “Ano bang nangyayari sa'yo, Hilary?!” may diin ang pagkakasabi niya noon na halos magngalit ang magkalapat na mga ngipin. Kinilabutan ako at bahagyang napaatras. Parang tatakasan ng ulirat. “Bakit ka bumalik sa pagiging ganito ha? Akala ko ba ay nagbago ka na? Bumalik ka ulit!” Nagpumiglas ako. Napahiya na sa pagsigaw na ginawa niya kahit malabong may makarinig nito na hindi ko kilala sa lakas pa doon ng tugtog. Si Josefa lang ang malinaw na makakarinig noon. Pilit kong binawi sa kanya ang isang braso na sa diin ay parang babaon na ang kanyang mga daliri. Ngunit dahil sa espirito pa rin ng alak ay wala pa akong lakas at kalaban-laban para umalma dito. “Bakit ka ba narito?” sa halip na sagutin ang tanong niya ay ito ang tinanong ko habang masama na ang tinging pinupukol sa kanya, siya lang ba ang may karapatang samaan ako ng tingin? “Saka paaano mo nalamang narito ako—” “Importante pa ba iyon ngayon, Hilary?” Hindi ko siya pinansin. Nilingon ko na si Josefa na hindi makatingin sa akin nang deretso. Ang gaga, halata sa mga galaw niyang ipinagkanulo ako. Sino ba ang kaibigan niya? Ako di ba? Palibhasa patay na patay siya kay Chaeus. Sinabi niya dito. “Hindi ko siya tinawagan ah? Wala akong alam, Girl. Nagulat na lang akong biglang narito siya.” paliwanag nitong ikinailing ko, di ako naniniwala. Sobrang deffensive ng tono ng pagkasabi niya. “Sure ka? Sinumbong mo pa yata ako, Girl eh.” pabirong akusasyon ko na ikinailing lang niya. “Oo. Wala akong sinabi sa kanya, Hilary.” Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Josefa. Muli ay hinarap ko na ang talipandas na si Tukmol. “Bitawan mo nga ako! Nasasaktan naman ako. Buhay ko naman ito at hindi sa'yo! Huwag mo akong bawalan sa gustong gawin ko, Chaeus!” “Hindi naman kita binabawalan. Pwede ka namang magpaalam. Baka nga samahan pa kita. Hindi eh, tumakas ka tapos ganyan pa ang kasuotan mo.” sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Hindi ml nakikita ang hitsura mo ngayon sa salamin? Ang sagwa mo ng tingnan, Hilary.” Walang pakundangan na namuo na ang luha ko sa mata. Sobrang nasaktan ako nang sabihin niya na masgawa ang hitsura ko. Hindi man tahasang amin ay ito ang nararamdaman ko. Nagsukatan pa kami ng tingin. Parang gusto ko na lang na biglang maglupasay. Walang imik niya na akong kinaladkad palabas ng bar. Nagpabigat na ako pero hindi sapat iyon para hindi niya ako mahila palabas. Mas malakas kasi siya kumpara sa akin. Naiwan namin si Josefa sa loob na malamang ay ise-settle muna ang bills bago sumunod sa amin. “Sabing bitawan mo ako! Bingi ka ba ha?” malakas na sigaw ko nang marating na namin ang parking area, agad binitawan naman ni Chaeus ang braso ko. Marahas na ginulo niya ang buhok. “Masama bang piliin ko na kahit sandali lang ay malimutan ko ang nararamdamang sakit? Masama Chaeus?” Malalim niyang bumuntong-hininga at sinipat ng makahulugang tingin. Gulong-gulo ang reaction ng mga mata niya. Halatang hindi gaanong na-gets ang mga naunang sinabi ko sa kanya. “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang nasasaktan na ako, Chaeus? Ang sakit-sakit na sa puso ko!” Sinubukan niyang lumapit sa akin pero umatras na ako nang makita kong gagawin niya na iyon. “Hilary—” “Gusto kita, Chaeus. Narinig mo? May gusto ako sa'yo kahit na alam kong bawal at may fiancee ka na. Crush kita. Mali, hindi na lang crush iyon!” Laglag ang pangang napako ang mga mata ni Chaeus sa akin. Halatang nagulat sa sinabi ko. “Nahulog ako sa'yo, Chaeus. Hindi dapat ganito.” Masaganang bumagsak pababa ang mga luha ko. Unti-unti ng humikbi ako. Wala ng humpay sa pagtulo ang mga luha ko. Parang iyon lang ang magagawa ko upang e-release ko pa ang sakit. “Mali ang nararamdaman ko sa'yo hindi ba? Hindi dapat ganito. Bakit sa dinami-dami ng mga lalake na may gusto sa akin sa school ay sa'yo pa ako magkakaganito? Bakit hindi na lang sa ibang tao?” tanong kong pinunas ng plad ang mga luha. Naramdaman ko ang pagkalat ng mascara sa aking mata at ilang mga kolorete pa sa mukha. “Ayaw na kitang maging kapatid, Chaeus. Narinig mo? Ayaw na kitang maging kapatid, Chaeus. I want more than that. Sabihin mo nga sa akin kung may gamot ba dito. Paano ito mapipigilan? Sobrang nasasaktan na akong makita kayo ng fiancee mo at hindi mo iyon nakikita, Chaeus!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD