Chapter 26: Wrong timing

1642 Words
Hindi ko namamalayan ay nasanay na rin ako sa presensiya ni Chaeus. Hindi na iyon big deal sa akin. At magmula ng panay ang tambay namin sa bahay ay nabawasan na rin ang pagiging mainitin ko ng ulo. Minsan din kapag umuuwi si Tukmol ng Sunday galing sa kung saan ay may pasalubong pa siyang pagkain sa amin. Kaya naman ang mga haliparot na kaibigan ay tuwang-tuwa at wiling-wili na gawing hideout ang bahay namin. “Sana palagi na lang ganito.” hiling ni Shanael na akala mo ay napanalunan na ang puso ni Chaeus. “Di mo sure, baka sa una lang iyan.” basag ko sa kasiyahan niya, pabiro niya akong binato ng buto ng manok na naubos na niyang papakin. “Panira ka talaga ng moment, Hilary!” Mula rin noon ay napansin ko ang naging ugali ni Tukmol na sunduin ako sa school at ihatid kapag may pagkakataon and I don't mind that. Ni hindi ako nagtatanong sa kanya kung nasaan ang driver namin. Kahit hindi ko kasama ang mga kaibigan ay ayos lang. Pakiramdam ko nga ay bumabawi siya sa akin dahil sa mga nakaraang araw ay wala siyang time na samahan akong kumain ng dinnier or baka ganito talaga ang treatment ng mga mayroong matandang kapatid at hindi lang ako doon maka-relate? Teka! Kapatid? Kailan mo pa siya tinanggap Hilary? Ayusin mo nga ang takbo ng isip mo! Minsan ay kasama niya rin si Lailani. Natagpuan ko na lang ang sarili na wala na ‘ring pakialam sa kanya. Naisip ko na masisira lang ang mood ko kapag papatulan pa ito. At lately, ay napansin ko na parang walang Lailani na buntot nang buntot sa Tukmol. Baka naging busy ito sa trabaho or may ibang pinagkakaabalahan sa buhay. Gusto ko sanang tanungin si Chaeus, kaso tinatamad akong pakinggan ang magiging explanation niya. Hindi rin naman kami close para hanapin siya. “Sasabay ka sa aming mag-dinner?” pag-iiba ko ng vibe sa loob ng kotse, para magbago na rin ang tingin ng mga kaibigan kong nasa likuran. “Yup. Wala naman akong lakad mamaya.” Gamit ang gilid ng mata ay sinulyapan ko ang mga kaibigan na makahulugan ng nagkatinginan. Alam na alam ko talaga ang likaw ng bituka nila. “Parang gusto ko ng pizza.” “Sa labas na ba tayo kumain bago umuwi?” tanong niyang ikinalapad na ng ngisi ko. Nakikinita ko na ang mariing pagtutol ng mga kaibigan na nasa likod sa suggestion ni Chaeus. Paano kasi once na sa labas kami kumain, hindi sila magsasawa na pagmasdan si Chaeus ng lihim dahil may natitira pa rin naman silang hiya. Iba pa rin ang sitwasyon ‘pag nasa bahay lang kami. “Huwag na. Sa bahay na lang. Save na lang natin sa ibang araw iyong kinakatakaman kong pizza.” Halos mapapalakpak sa galak ang dalawa sa likod namin sa naging sagot ko. Pabor iyon sa kanila. “Are you sure, Hilary?” “Hmmn...” Hindi lang iyon ang nagbago sa amin ni Chaeus. Nasanay na rin ako na madalas kaming kumain sa labas. Iyong kaming dalawa lang. Minsan kasama si Lailani at wala na rin doong anumang ilangan. “Salamat, Hilary!” duet ng dalawang gaga. Bahagyang natawa lang si Chaeus sa kanila. Siguro ay understood na niya kung bakit. “You're welcome, Girls!” malaki ang ngising lingon ko sa kanila, proud na proud sa aking sarili. Sa paglipas pa ng mga Linggo na humantong sa buwan ay tuluyang naging palagay na ako kay Chaeus. Hindi ko man maamin na tanggap ko na siya bilang kapamilya, pero parang ganun na nga yata. Hindi ko na rin ma-explain ang sarili ko eh. Basta palagay na akong palaging kasama siya. Panay din ang naging sama ko kay Chaeus sa site ng resto niya kapag inaaya niya ako kahit pa mayroong pasok kinabukasan. Wala siya ni isang excuse na narinig mula sa akin. Sa labas na kami noon kakain ng dinner. Tutulog na lang pagkauwi. Naging smooth ang treatment namin sa isa't-isa at kung makikita ito ni Daddy at Azalea, for sure ay masisiyahan ang dalawa dahil matagal na rin nilang hangad na magkapalagayan kami ng loob. “Bakit hindi mo na isinasama ang fiancee mo?” lakas-loob ko ng tanong sa kanya isang gabi. Hindi na ako nakatiis. Curious na curious na ako. Kakagaling lang namin sa site. Patungo kami sa place kung saan nagkasundo na mag-dinner. “Nasa ibang bansa, last week pa siya umalis.” sagot ni Chaeus ng tanungin ko kung asan ito. “Ah, kaya naman pala hindi ko nakikita. Anong ginagawa niya doon?” “May competition ang company nila doon at need siyang sumama as representative nila. Isinasama nga niya ako kaso, marami naman akong responsibility dito na hindi maiwan.” Tumango-tango lang ako. Siguro iniisip niya na malulungkot ako kapag umalis siya. Ayos lang naman sa akin. Sanay naman akong mag-isa. Unless, ang inaalala niya ay iyong pangako niya kay Dad at kay Azalea na siya ang bahala sa akin. “Dapat sumama ka. Magtatagal yata siya doon.” “Hindi naman. Mga isang buwan lang siguro.” Hindi lang sa ganun kaming paraan naging close ni Chaeus. Aaminin ko, nasisiyahan ako sa buong atensyon na binibigay ni Chaeus para sa akin. Iyong tipong salat ako sa atensyon ni Daddy pero siya sobra-sobra ang ibinibigay niya. Doon ako unti-unting lumambot. Lalo na iyong tipong isang tawag ko lang sa kanya para magpasundo sa mga sandaling may gala kaming magkakaibigan ay agad na siyang pupunta. Ilang beses kong sinalat ang damdamin. Parang iba na kasi ang kahulugan noon. Lihim na naiinis na ako sa mga kaibigan kapag pinagpapantasyahan siya nila. Hindi ko lang iyon magawang isatinig sa kanila. Hindi ko napapansin ay nagiging maramot na ako pagdating kay Chaeus. Ayoko na siyang e-share. I mean, iyong atensyon na ibinibigay niya. “Bakit hindi kami pwedeng mag-sleep over sa inyo ngayon, Hilary?” puno ng pagtatakang tanong ni Josefa, puno ng kuryusidad ang mata. Nagsabi kasi sila at sa unang pagkakataon ay nagawa kong tanggihan at huwag payagan. Basta, agad lumabas na lang iyon sa bibig ko. “Next week na lang. Wala naman doon si Chaeus. Saglit na umalis ng bansa. Pumunta sa fiancee.” “Ano naman? Tayo-tayo na lang. Dating gawi.” Nagawa ko pang magsinungaling sa kanila. Hindi totoo na umalis ito ng bansa. Ang dahilan nito ay ang usapan naming mag-hiking sa dinadayong bundok this weekend. Hindi iyon gaanong malayo. Ilang hours lang drive iyon. Sa totoo lang ay pwede ko namang isama ang mga kaibigan. Ika nga the more, the merrier kaso nga lang ay naisip kong huwag na lang muna. Kami na lang munang dalawa ni Chaeus ang magbo-bonding. “Hindi pwede, may mga relatives kaming pupunta sa bahay. Masyado silang conservative. Ayaw nila sa maingay. Next weekend na lang mga Girls.” sagot kong pinanindigan ang kasinungalingan. “Hay, ano pa bang magagawa namin?” si Shanael na parang lantang gulay, wala itong energy. “Kung gusto niyo, sa apartment mo na lang tayo Josefa.” nakokonsensiyang pagbawi ko dito. “Hindi pwede. May pest control ang building.” Alam ko iyon, kaya nga iyon ang sinuggest ko para hindi pwede at hindi matuloy ang plano. Ang sama ko bang kaibigan? Hindi naman di ba? “What if sa bagong condo ni Glyzel? Blessing?” giit ko pa kahit na malabong mangyari rin iyon. Busy palagi si Glyzel at alam namin kung kanino. “Sa condo ko?” tanong nitong itinuro ang sarili. Sabay-sabay na kaming napatingin kay Glyzel at ilang ulit na tumango. Ganun na lang ang ginawa niyang pag-iling. Sabi ko na eh, hindi ito papayag. “You can't Girls, naroon sina Mom and Dad. At saka may lakad din ako ngayong weekend. Pasensiya na ha? Sa sunod na lang.” muli ay dahilan ni Glyzel na alam kong totoo naman. “Lumabas na lang tayo. Clubbing. It's been a while magmula noong huli tayong pumunta. Ekis na si Glyzel,” lingon pa ni Shanael sa kaibigan namin na palaging tumatanggi na sa aming pag-aaya. Gets naman namin na busy siya, pero lately halos hindi na namin siya nahahagilap. “Tayo na lang tatlo. Masaya pa rin naman iyon.” “Oo nga, mag-party na lang tayo sa labas.” labas sa ilong na tugon ko kahit na alam kong this time ay bibiguin ko sila at hindi rin ako sasama. “Alright, deal na iyan ah?” Pagdating ng Friday afternoon ay nag-rason ako na masakit ang tiyan ko kaya naman buong aftrnoon ay nag-stay ako sa infirmary. Bago mag-uwian ay nagpaalam akong okay na sa nurse na doon ay naka-duty. Pinayagan na rin akong umalis nito. Nag-send na lang ako ng message sa mga kaibigan na I can't make it. Sila na lamang. “Ano ba iyan? Napaka-wrong timing naman!” halos pamaktol na padyak ni Josefa ng mga paa. Kausap ko siya through videocall. Kitang-kita ang frustration sa kanyang mukha. At ngayon pa lang ay sobrang guilty na ako sa ginawa ko. Nakahiga ako sa kama para magmukhang hindi maayos ang pakiramdam ko. Ang sinungaling ko! “Sorry na, hindi ko naman akalain na—” “Oo na, naiintindihan ko naman. Kaso pati itong si Shanael nag-cancel. Labas na labas kaya ako.” Kung normal na araw iyon ay aayain ko siyang sa bahay na matulog. Kaso hindi nga pwede. Maaga kaming aalis bukas para mag-hiking ni Chaeus. Kapag pinatulog ko siya dito, malalaman niya ang kasinungalingan ko. Sa sunod na lang ako babawi. “Bawi ako soon Girl, sorry talaga.” “Oo na, take a rest. Magpagaling ka na lang.” “S-Salamat.” Napakagat na lang ako ng labi matapos ng tawag niya. Sobrang nagui-guilty na talaga ako ngayon. “Sorry Josefa, babawi talaga ako sa'yo soon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD