Chapter 15: Unregistered Number

1633 Words
After malaman iyon ay lutang akong lumakad. Tutop ang bibig. Ilang beses ko iyong inisip para lang namnamin kung totoo ba ang mga narinig. Ang isa sa mga kaibigan ko at ang class adviser namin ay may relasyon? Totoo ba talaga? Jusko naman. Ano kayang pumasok sa isip ni Glyzel para magdesisyon na mahalin siya? Oo na, gwapo na at malakas ang dating pero ang age gap nila ang laki. Ni hindi niya rin hiningi ang opinyon namin. Siguro dahil alam niyang hindi kami papayag at isa kami sa hadlang sa bawal na relasyon nila? “Hilary, hintayin mo naman kami!” Hinawakan ni Josefa ang kamay ko nang abutan. Hanggang makarating kami sa apartment ay di na ako ulit nagsalita. Gulat na gulat pa rin. “Hilary, sorry. Kaya ayoko ng ipaalam pa sa'yo eh, baka magalit ka sa akin at—” “That's enough. Buhay mo naman iyan. Desisyon mo. Labas na kami sa kung ano ang gusto mo.” awat ko sa kanya right after na makapasok kami sa loob ng apartment, “You don't owe us any explanation. Feelings mo iyan, Glyzel. Hindi namin pwede i-invalidate dahil di namin dama.” Hindi ko na piniling usisain ang ugat ng nalaman kong sekreto ni Glyzel. Ayoko siyang husgahan sa naging desisyon niya. Alam naman na niya siguro ang ginagawa niya. Hindi na siya bata. Oras na may mangyaring mali sa relasyong pinasok niya, siya naman ang magdadala noon. Kaming mga friends niya ay nakaagapay lang sa kanya. Hindi ko rin naman matatawag na itong ginagawa ko ay pangungunsinti. Wala namang asawa ang class adviser namin. Binata siya or baka may jowa. Oo na, bata pa si Glyzel na halos ka-edad ko lang at matatawag na groomer si Sir, pero kapag kung anu-ano ang sinabi namin sa kanya baka mas mag-rebelde ito at layuan kami. Kung against sa relasyon nila ang buong mundo, dadagdag pa ba kaming mga kaibigan niya? Hindi. Saka mukhang gusto rin naman siya ni Sir. Hindi rin ito mukhang hukluban. Sa tantiya ko nga ay parang ka-edad siya ng hilaw kong stepbrother. “Sorry Girls, hindi ko naman gustong ilihim sa inyo ang tungkol sa amin ni Sir. Lalo na sa'yo Hilary. Ayoko lang talaga na baka may makarinig na iba at kumalat sa buong campus natin. Alam naman nating bawal iyon. Mawawalan siya ng work or license at baka ma-expelled pa ako.” “Alam mo naman palang bawal, bakit mo pa—” “Tahimik na!” takip ko ng bibig ni Shanael na tiningnan ako ng masama, pinandilatan ko siya. Baka gusto niya pa yatang kami ang mag-away. “Nangyari na. Naroon na. Nangsisisi ka pa.” “Oo nga, tama na iyan Shanael.” segunda ni Josefa na naglabas na ng juice sa fridge at ilang baso para ihain sa amin, “Ganyan talaga ang pag-ibig. Nakakabulag daw. Baka mamaya niyan mas matindi pa ang maranasan natin diyan.” Makaraan ang ilang buntong-hininga ay nakita kong kumalma na si Shanael. Bagama't masama pa rin ang tingin nito kay Glyzel. Pasasaan ba at aayos din iyan. May punto rin naman si Shanael. Concern lang siya sa mga pwedeng mangyari. I mean pareho silang tama at mali. Ganunpaman ay hindi na kailangan pang e-pointed out ang sisi kay Glyzel. Ang dapat na lang siguro naming gawin ay ang araw-araw itong paalalahanan. “Basta Glyzel, siguraduhin mo na sa bandang huli ay kaya ka talagang ipaglaban ni Sir.” sambit ko na medyo nag-aalala rin sa kanya, “Ang ibig lang naming sabihin ay hindi ka bibitawan at iiwanan kapag ang mundo ay naging against bigla sa relasyon niyo. Hindi man natin iyon hinihingi, pero alam mo rin namang walang lihim na hindi nabubunyag hindi ba?” “Sure na ako sa kanya, Hilary. Huwag kayong mag-alala. Sobrang mapagkakatiwalaan siya.” Gabi na ng umalis kami ng apartment ni Josefa. Nagawa na naming maayos ang gusot. Bukod din sa ang tagal naming maligo na kulang yata ang isang oras kada isang tao ay nagkasundo pa kaming mag-food trip bago umalis. Ang rason? Para raw pagdating namin ng club ay hindi kami gutumin, kaya naman naming bumili ng pagkain doon. Trip lang talaga naming mag-merienda. Sa sobrang kabusugan ko nga ay parang gusto ko na lang humilata at matulog na. Kung pwede nga lang sana akong magdahilan para hindi sumama ay ginawa ko na. Kaso, hindi naman iyon papasa. “Hilary? Ang bagal mo namang maglakad? May masakit ba sa'yo? Mukha kang nananamlay.” si Shanael na ilang beses akong sinukat ng tingin. Ang liliksi nilang bumaba ng taxi, at agad na ring nakarating sa bukana ng maingay na club. Eh ako, parang langgam ang ginagawang paglakad. “Hindi ah!” kaagad na ayos ko ng tindig, ipinakita na hyper ako. “Mayroon lang akong malalim na iniisip. Ano pang hinihintay at ginagawa niyo? Tara na sa loob!” hila ko na sa kanila papasok. Kagaya ng mga nakaraang pagpunta namin dito ay hindi kami hinarang ng bodyguard sa pintuan. Full access kaming nakapasok sa loob ng maingay na night club na punong-puno na ng mga tao. “Table for four!” si Shanael na nauuna sa amin, umiindak-indak ito habang tinataas ang kamay. Ilang minuto pang nag-adjust ang paningin ko sa kislap ng patay-sindi at magalaw na mga ilaw. “Excuse me, makikidaan!” formal ang boses ni Josefa nang sabihin iyon sa ibang grupo na nakaharang upang makapunta kami sa table. Mas prefer namin ang nasa gitnang table para raw highlight ang beauty namin. Sinong nagsabi? Si Shanael lang naman. Noong una ay nakakahiya iyon dahil panay ang tingin sa amin ng ibang tao. Siguro alam nila na mga bata pa kami. Kung sa high end bar kami papasok, pwede kami sa VIP room kaso hindi pa kami legal age at ang bank account or card na gagamitin namin ay pwedeng ma-trace ng mga parents namin. Kaya sa ngayon ay dito na lang muna kami magtitiis. “Girls? Anong drinks ang kukunin?” si Glyzel na nasa mood na rin, hawak na nito ang menu na binigay agad ng waiter pagkaupo pa lang namin. “The usual na lang ba ulit kagaya ng dati?” “Oo, ikaw na ang bahala.” duet naming tatlo. “Okay, ako na ang bahala.” Sa aming apat si Glyzel lang ang may malinaw na isip kahit na malasing. I mean, hindi nakakalimot. Kami kasing tatlo ay burara. Walang maalala lalo na kapag sobra ang ininom na alak. Kaya naman siya ang pinapag-settle ng bills na paghahatian namin the following day kapag nahimasmasan. “Ito nga ang order namin.” simulang turo ni Glyzel sa pahina ng menu, pinapakita sa waiter. Si Shanael ay gumagala na sa paligid ang mata. Si Josefa naman ay halatang atat ng sumayaw sa gitna hindi pa nalalagyan ng alak ang katawan. Ako? Nabubuwisit dahil sa paulit-ulit na tawag. Galing iyon sa unregistered phone number. May hula na ako kung sino pero binabalewala ko lang. Busy ang tukmol kaya imposible na tatawag iyon. Saka, sa loob ng isang Linggo ngayon lang siya tatawag? Pwede naman siyang mag-text na lang. Babasahin ko naman baka mag-reply pa nga ako. “Sino iyan ha?” dukwang palapit ni Glyzel sa akin. Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko rin nga alam. “Ewan, kanina pa tawag nang tawag. Ako ay taka, bakit di mag-text kung importante pala? Tsk, hindi ako nakikipag-usap sa stranger.” Hindi na napigilan si Shanael at Josefa. Humataw na ang dalawa sa dance floor ng may makitang grupo ng mga kalalakihang nagsasayawan doon. “Sagutin mo. Baka mamaya sobrang importante niyan. Ayaw lang mag-text dahil personal na gusto kang makausap? May hula ka kung sino?” Syempre mayroon. Kaso ayokong isipin na siya. “Hmmn, pero imposible naman. Busy iyon.” “Sino ba? Ang stepbrother mo?” Sa sinabi niya ay agad na umasim ang hitsura ko. Nakakasira talaga ng mood ang tukmol na iyon. “Hmmn...” “Luh? Sagutin mo. Sige ka kapag nakarating pa iyan sa Daddy mo, iyon na ang tatawag sa'yo.” Bahala siya. Ayokong masira ang gabi ko. “Punta ka ng restroom, doon mo sagutin. In case na siya iyan, sabihin mo nasa apartment ka ni Josefa. Nagkayayaan dahil tapos na ang—” “Sa tingin mo maniniwala iyon?” “Oo, basta ayusin mo ang explanation.” Umikot sa ere ang aking mga mata. Hindi ko need mag-explain sa kanya. Bakit ko gagawin? Aber? “Ayoko!” mariing tutol ko na agad ng tumungga ng alak na kakadala pa lang ng waiter sa table. Hindi ako nagawang pilitin ni Glyzel. Matigas ako. Kahit maubusan man siya ng battery kakatawag. Tumawa lang si Glyzel sa reaction ko. “Sige. Mapipilit ko ba ang isang Hilary na gawin ang bagay na ayaw niya? Sino ba naman ako?” Nag-apir kami sabay malakas pang nagtawanan. Maya-maya ay bumalik na sa table ang dalawa. Dagnas-pawis. Hinihingal at halatang pagod na. “Time to recharged,” si Josefa na kung lumaklak ay akala mo tubig lang ang iniinom, tuloy-tuloy. Sa patuloy pang pag-usad ng masayang gabing iyon ay unti-unti na rin kaming tinatamaan ng alak. Dama ko na ang pamamanhid ng katawan. “Sayaw na tayo doon Girls, pangtanggal lasing.” suhestiyon ni Glyzel na pula na ang buong mukha. “Tara!” Pinili ko ang magpa-iwan sa kanila, ngunit nang hindi nakatagal ay sumunod na rin. Panay ang irit namin habang sumasayaw. Dalang-dala sa musika. Malayang gumiling. Nakikipagsabayan sa mga party-goer na naroon at hindi namin kilala. “Ano ba iyan? Bitawan mo nga ako!” gulantang at malakas na sigaw ko nang may humawak sa isang braso ko, sa sobrang higpit noon ay feeling ko magkakaroon na ako ng pasa. “Sino ka bang—”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD