Chapter 14: Glyzel, Secret Relationship

1634 Words
Hapon ng Friday nang magkayayaan kaming magkakaibigan na magtungo mamayang gabi ng club. Tutal ay wala naman kaming pasok bukas. Dating gawi, kumbaga. Sa totoo lang ay kahapon pa naman namin iyon napag-usapan kaya naman pagpasok ko kaninang umaga ay may dala na akong damit na susuotin na nakalagay sa maliit na paperbag. Hindi ko na rin pinili pang tumutol at salungatin ang gusto nila nang dahil sa hindi ko pagsipot at pagsama sa kanila noong nakaraang linggo. Bukod sa nahihiya akong biguin sila ay kilalang-kilala rin nila ako. Hindi ko ugali ang mag-rason ng kung anu-ano, kung gagawin ko man iyon ay paniguradong uulanin nila ng mga katanungan at dapat may sagot ako. “Tama lang na lumabas tayo mamaya. Sobrang hell week kaya ang pinagdaanan natin ngayong Linggo. Kailangang magsaya ng mga utak natin. Deserve na deserve natin iyon, mga Girls.” si Josefa na patalon-talon ang paglakad, halatang sobrang excited sa gagawin namin mamaya. Mukhang nahawa na siya ni Shanael, na sa aming apat ay sobrang active ang social life. Liberated siya at lumaki sa pamilyang hindi conservative. Siguro dahil hindi local ang family niya. Migrate lang sila sa bansa noong nasa elementary siya. May business ang family niya na lumago rito. “Sinabi mo pa!” sang-ayon ni Glyzel na sinundan ng timid na ngiti, sa aming apat siya iyong medyo mahiyain pero lately makapal na rin ang mukha. Usad-pagong na tinatahak namin ang pathway palabas ng campus ng paaralan. Sumasabay sa dagsa at sumusunod sa agos ng paglabas ng mga mag-aaral sa nakabukas na malaking gate. Samu't-sari ang mga hinaing na maririnig sa mga mag-aaral. Iyong iba nagpla-plano ng food trip, iyong iba normal na kain ng street foods to distress their self due to hell week. At ang iba naman ay plano pang mag-short escapade. Taliwas ito sa plano ng aming grupo na paglunoy sa alak. Iyon ang mas ikakasaya ng aming tropa. Maliit akong napangiti sabay iling. Sana minsan ay magbago naman ang mindset ng mga friends ko at subukan din ang short escape sa malayo. Sa next naming exam, i-suggest ko nga iyon para naman maiba. Siguro naman ay papayag sila. Nagbabadya ng lumubog ang araw na humahalik sa bawat mukha ng mga estudyanteng bahagya ang pagkasilaw sa matingkad na liwanag nito. Ang iba ay tinakpan ang mukha gamit ang palad bilang panangga. Hindi naman iyon mainit, kaya di need ng payong o anu pa man. Iyong ilan naman sa kanila ay tinatakpan ng panyo ng mga jowa nila o kung hindi naman ay suitors nila. Sana lahat ay may mga jowang kagaya nila. Wala pa iyon sa vocabulary ng aming barkada. Ayaw pa namin kahit na mayroong mga nagpapahiwatig. Masaya ang mukha ng karamihan. Paano, tapos na ang exam at tsaka long weekend din nga iyon. Wala kaming pasok til Tuesday, dahil sa holiday. Pabor iyon sa karamihan, pero sa akin ay hindi. Mabuburo ako sa bahay at palagi kong makikita ang tukmol. Aalis pa rin siguro ako ng bahay. Wala namang nakakaalam na wala kaming pasok. Unless, tumawag ang principal kay Daddy at si Daddy sinabi kay Azalea. Malamang ay malalaman nga ni Chaeus iyon dahil sa madaldal niyang ina. “Oo nga naman, isipin na lang nating ito ang pinaka-reward sa ating naging paghihirap. Huwag na tayong makonsensya. Magsaya tayo mamaya bilang early celebration sa pagpasa.” sagot kong nahawa na agad sa excitement nila. Inakbayan ko pa si Glyzel at Shanael na tuloy pa rin ang lakad palabas. Sa gilid namin ay naroon si Josefa na kanina pa mapanuri ang mga titig hindi sa akin kundi sa dalawa naming kasama. “Sinabi mo pa, Hilary. Nakaka-stress naman talaga this past week. Kung alam lang nila.” “Kaunting patak ng alak lang, sapat ng reward.” si Shanael, nilingon na si Glyzel na busy ang mga mata sa screen ng hawak niyang cellphone. Nilingon ko na rin si Glyzel na walang pakialam sa paligid niya. Tutok na tutok pa rin ang mata sa cellphone. May pagkagat pa ito sa ibabang labi. Namumula ang mukha na animo ay kinikilig siya. Akmang magtatanong na ako nang magsalita muli si Shanael, dahilan para hindi ko na ituloy. “Tara na, bilisan na natin nang makarami tayo!” “Teka lang, masyado pang maaga. Huwag kang atat, Shanael!” pakli ko dito na binangga lang ako ng balikat, malakas siyang nagpakawala ng tawa. “Hoy, masakit iyon ah!” turo ko sa kanyang bumitaw na sa pagkakaakbay kay Glyzel. “Talaga, Hilary? Bakit hindi ko naramdaman?” Sinubukan ko siyang habulin, gigil na gigil ako sa kanya. Ngunit ang gaga, mabilis agad nakalayo. “Habulin mo ako kung kaya mo!” dila pa nito sa akin na parang munting batang nang-aasar. Sinamaan ko siya ng tingin. Humanda siya sa akin oras na mahawakan ko. Sasabunutan ko talaga! “Dating gawi? Daan tayo sa apartment ko?” si Josefa na pahapyaw na sumulyap sa banda ko. Halatang tapos na ito sa kanyang mga iniisip. Nabaling na ang atensyon sa akin. Siguro dahil hindi maitago sa mukhang badtrip kay Shanael. “Let's go!” si Glyzel na tapos ng kiligin sa kung anumang nasa screen ng kanyang cellphone. Bumagal ang hakbang ni Shanael. Kinuha kong pagkakataon iyon habang hindi niya napapansin. Hinila ko ang buhok niyang agad na ikinasigaw. “Aray ko naman, Hilary!” Humalakhak na ako sa reaction niya. Paano halos mamuti ang mga mata niya sa pagkainis. “Binalaan kita kanina hindi ba? Quits na tayo! Huwag kang gaganti. Kasalanan mo naman ito.” Inirapan niya lang ako habang inayos ang ilang hibla ng buhok na nalagas. Hindi namin alintana ang ilang mga student at mga teacher na kasabay at nakuha namin ang buong attention. Pakialam ba nila kung maingay kami? Wala ng klase. Pauwi na rin naman kami. Reklamo sila? “Pakihinaan naman ng volume mga anak, nasa loob pa rin kayo ng campus ng school natin. Iwasan ang harutan at baka may masaktan.” naulinigan naming pakiusap na ng class adviser. “S-Sorry po, Sir!” napipilitang kurong saad namin matapos na magkatinginan ng may kahulugan. Bakit namin ginawa? Nasa amin na kasi ang halos lahat ng mata ng mga student. Meaning kami ang tinutukoy nito at hindi ang ibang grupo na sa tingin ko ay mas maingay sa amin. Pinili naming lakihan ang mga hakbang namin para makalabas na, nakakahiya naman sa kanila! “Si Sir naman ang KJ, iyon na nga lang ang saya natin after class ayaw niya pang palagpasin!” si Glyzel na bahagyang nilingon ang teacher namin. Muling niya pang kinuha ang cellphone sa bulsa at seryoso na ang mukhang may itinitipa. Kung hindi ako nagkakamali ay minsang inasar siya nina Josefa na crush niya iyon si Sir kaso nga lang dawa ay hanggang doon lang ang lahat. Bawal iyon. At saka ang layo ng agwat ng edad. “Seryoso ka diyan sa comment mo, Glyzel?” si Shanael na halatang gusto lang itong asarin. Mula sa screen ng hawak na cellphone ay nag-angat ng tingin si Glyzel para harapin si Shanael. Agad akong lumingon kay Josefa. May kahulugan ang mga titig na pinapakita sa kanya. Nagtatanong ako kung anong mayroon sa kanila. “Malay ko?” buka niya ng bibig pero basa ko kung ano ang ibig niyang sabihin doon, “Yaan mo sila.” “Oo Shanael, mukha ba akong nagbibiro?” Nagsukatan na ang dalawa ng tingin. Mukhang may nangyaring hindi maganda na hindi ko alam. “Tama na iyan. Mag-aaway ba talaga kayo? Sige, hindi na lang ako sasama. Uuwi na lamang ako.” banta ko para maawat sila, nagbibiro lang ako. “Tigilan mo nga kami, Hilary!” sabay nilang sigaw. Wow ah, ang perfect ng timing ng dalawa. Sabay. “Kasalanan niyo. Ano bang nangyari? Anong ganap sa inyong dalawa? May away ba kayo?” Hindi nila ako sinagot. Piniling itinikom na lang ang bibig. Malamang kapag nagsalita pa sila ay lalayasan ko na talaga. Ayokong may kasamang maligalig papunta ng club. Mostly, nagca-cause sila ng gulo at mga komosyon kapag nakakainom na. Doon na lalabas ang lahat ng mga sama ng loob at hinanakit nila hanggang magkasumbatan. “Huwag mo ng alamin, Hilary. Mabu-buwisit ka!” si Josefa na humalakhak, ilang beses pang umiling. “Talaga? Sa sinabi mo ay lalo akong na-curious.” Tumigil ako sa paglalakad. Pinag-krus ang braso sa harapan ng dibdib. Dere-dereto lamang sila. Walking distance lang ang apartment ni Josefa mula sa school na aming pinapasukan. Nang mapansin na hindi nila ako kasabay ay agad nila akong nilingon. Tinikwasan ko pa sila ng kilay. “Sasabihin niyo sa akin o hindi ako sasama? Akala ko ba walang taguan ng sekreto sa barkada?” Hindi na maipinta ang mukha ni Glyzel ng lingunin si Shanael na bigla na lang nag-iwas ng tingin. “Ang daldal kasi. Daming comment. Hindi na lang manahimik.” bulong-bulong nito na mas lalong bumuhay sa curiousity ko, may something nga. “Bakit mo kasi iyon ginawa? Alam mong mali?” “Kailan pa ba naging mali ang magmahal ka ah?” namumula na ang mukha ni Glyzel, naiiyak na ito. “Baka kapag ikaw na ang naka-experience noon Shanael, baka pati parents mo ay suwayin mo.” Nakabalandra na ang iritasyon sa mukha ni Shanael gayong siya ang may kasalanan dito. “Huwag mo nga akong igaya—” “Tumigil nga kayo!” sigaw kong napahilot na ng sentido, “Tinatanong ko kung anong meron? Hindi ko sinabing magsumbatan kayo, Girls!” “Sige, e-highblood niyo pa si Hilary.” sulsol pa ni Josefa na animo ay tuwang-tuwa sa nangyayari. Wala silang ibang choice kung hindi ang aminin sa akin ang tunay na nangyari. Sobrang ikinagulat ko iyon. Guess why? Glyzel and our professor is having a secret relationship! Pambihira naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD