Chapter 13: Paladesisyon

1657 Words
Bigla na akong napaahon sa upuan nang marinig ang sinabi niya. Ano raw? Pwede kong simulan ngayong araw dahil bata pa naman ako? Ayos ah. Paladesisyon siya. Sa reaction ko ay malinaw na makikita niyang hindi ko nagustuhan iyon. Sino ba siya para pilitin ako? Dinidiktahan niya ako? “Ayoko nga! Bakit ba mapilit ka? Magulang kita? Si Daddy nga hindi ako mapilit, ikaw pa kaya?” pagtataas ko na ng boses sa kanya. Ikinagulat niya iyon base sa hitsura niya pero mas pinili niyang huwag na lang palakihin ang isyu. “Huwag na huwag mo akong pilitin sa bagay na ayaw ko!” Ilang beses na ibinuka niya ang bibig. Halatang nais niyang magpaliwanag. Kumibot-kibot pa iyon. Bahagya pang napahawak sa batok niya. “Calm down, Hilary. Nagsu-suggest lang ako—” “Seryoso ka na suggestion lang iyon? For your information lang Chaeus, hindi mahina ang utak ko. Pinipilit mo akong sumama sa'yo magsimba. Pinapagbihis mo nga ako di ba? Di ka namimilit?” Tumayo na siya at dumukwang palapit sa akin. Kita ng mga mata ko kung paano at saglit na mamutla ang kaniyang labi. Dahil iyon siguro sa reaction ko. Aba, eh sino bang matutuwa? Gamit ang mahaba niyang kamay ay inabot niya ang magkabila kong balikat at inakay ako paupo. Gusto ko pa sanang magmatigas, pero napuno ang mga mata niyang nakatingin ng pakiusap. “Oo na, sige na. Hindi na. Huwag ka ng magalit.” kalmado ang boses niya na animo ay natalo. Nanlambot ako sa pakiusap na pinapakita ng mata niya. Hinihigop nito ang lakas kong magmatigas pa. Maya-maya ay wala na akong nagawa kung hindi pagbigyan ang gusto niya. Dahan-dahan akong naupo ngunit hindi nabago ang hilatsa ng aking mukha. Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa maging panay ang irap ng mga mata ko sa kanya sa sobrang inis. “Ang sa akin lang naman, kung nagagawa mong mag-spend ng mahabang oras sa club ay bakit hindi ka makapagbigay ng oras magpasalamat?” Aba, talagang sinusubok niya ang pasensiya ko! Pati ba naman iyon ay kailangan niyang isipin? Jusko ah, ano ba naman itong taong ito! “Ano bang mahirap intindihin sa salitang ayoko? Bakit pinipilit mo pa rin ako sa bagay na ayaw?” Naikuyom ko na ang kamao na nakapatong sa kandungan. Doon ko na iniipon ang pagkairita ko. Hindi siya kumibo. Napawi na rin ang sigla sa mukha niya na nakalarawan kanina. Ang aga-aga ito ang pinagtatalunan namin. Kung gusto niya na magsimba, sumimba siya. Bakit idadamay ako? “Kakasabi ko lang sa'yo na huwag mo akong papakialaman, pero ano ito? Nakikialam ka!” “Ano rin bang masama na ayain kang sumimba? Hindi naman sa kung saan ang punta natin. Sa simbahan naman. After noon pwede na—” “Eh, ayoko nga! May magagawa ka ba?” Nagsukatan kami ng tingin. Nang hindi ko na iyon makayanan ay pikon na akong tumayo. Galit na ini-atras ang upuan habang nalilisik ang mga matang nakatingin pa rin sa kanya. Nagbigay iyon ng ingay na bumulabog sa buong kusina. Padabog kong binitawan ang kutsara at tinidor. Nawalan na ako ng ganang kumain. Ang sarap pa naman ng ulam, favorite ko pero dahil inis ako sa mga pinagsasabi ng kaharap ay parang hindi yata ako matutunawan. Pahampas na ipinatong ko sa mesa ang dalawang palad. Mas tinaliman pa ang mga tinging ipinupukol ngayon sa tukmol. “Ito ang huling pakikialaman mo ako. Oras na gawin mo pa ito sa akin, hindi ako mangingimi na pagbuhatan ka ng kamay! Maliwanag Chaeus?” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Bagama't hindi pa ako gaanong busog ay pinili ko na lang ang mag-walkout. Kahit na magwala ako, hindi na nito mapapawi ang pagkainis ko. Iniiwasan ko iyong mangyari dahil baka madamay sa galit ko ang mga pagkain. Hindi naman iyon pwe-pwede. “Hilary, sandali lang—” Hinarap ko siya habang nandidilat ang mga mata at parang asong muling inangilan. Hindi pa ako nakuntento doon. Itinaas ko ang panggitnang daliri sa kanya dahilan para matigilan ang tukmol sa mga sasabihin pa. Gulat na gulat na nakatingin sa akin ang kanyang mga mata. “Huwag mo na akong kakausapin kahit kailan! Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang inuutusan ako at paulit-ulit na minamanduhan sa gagawin.” Ipinagpatuloy ko ang paglalakad paalis doon. Dama ko ang init ng paninitig niya sa likod ko. Hindi niya na ako kinulit. Natameme na siya. Oh, e ‘di naumid ang dila mo sa ginawa ko ngayon? Wala pa akong isang minuto na nasa loob ng kwarto nang marinig ko ang katok sa pintuan. Tsk, malamang ang tukmol iyon. Pipilitin pa ako. “Hilary? Buksan mo nga ito. Mag-usap tayo.” See? Hindi ako nagkamali sa hula ko. “Hindi maganda iyong inasal mo. Nakakabastos. Saan mo natutunan iyon? Inaaya ka lang naman magsimba. Pwede namang tumanggi ng maayos.” Huh! Nakakabastos? Hindi kasi siya makaintindi. At anong pwedeng tumanggi? Tumanggi naman talaga ako, pero bingi siya. Di niya pinakinggan. Sa halip na pagbuksan siya ay nagtalukbong ako ng kumot. Wala akong planong kausapin siya at pag-aksayahan ng laway. Ang dami niyang ngawa kalalake niyang tao. Hindi niya muna alamin kung palasimba ba ako o ano. Basta-basta na lang siya mag-aaya, malamang tatanggi ako. At isa pa kahit naman palasimba ako ay nungkang pipiliin kong sumama sa kanya. Mamaya niyan ano ang isipin ng mga taong makakakita sa amin. Marumi pa naman ang utak ng karamihan. Malamang magiging laman na naman ng usapan ang pamilya namin, na para bang problema ng lahat ang pagkakaroon ng ibang pamilya si Dad. Totoo naman ang tsismis. Kaso ayoko ng marinig ulit. Palasimba naman ako dati, pero dahil sa tsismis at madalas nilang pag-usapan kami tinamad na akong gawin iyong tuwing araw ng Linggo. “Hilary?” Manigas ka. Hinding-hindi kita pagbubuksan! “Isang oras lang naman iyon. Hindi ikakabawas ng buhay mo. Mas mahabang oras pa nga ang ginugugol mo sa club. Maligo ka na. Samahan mo na ako. Hihintayin kita sa labas. I'll give you twenty minutes para ihanda ang saril. Okay?” Paladesisyon iyan? May timer pa talaga? Ewan ko sa'yong tukmol ka. Bahala kang maghintay hanggang hapon pero hinding-hindi ako lalabas. Iyan ba ang hindi namimilit? Parang timang! Disabled ba siya at kailangan niya ng kasama? Pwe-pwede naman siyang umalis ng siya lang. Isang oras ang matuling lumipas matapos na kumatok siya. Siguro naman ay nakaalis na iyon. Tanga ba siya para hintayin ako? Alam niya ngang galit ako. Bobo siya kung umaasa siyang susundin ko ang lahat ng gusto niya. Ngayon niya malalaman kung gaano katigas ang ulo ko. “Hindi pa umuuwi si Chaeus,” sambit ng maid nang nasa table na ako upang kumain ng dinner. Hindi ko naman tinatanong, mukha ba akong interested kung umuwi na siya? Pinili ko na lang ang tumahimik. Walang mangyayari kung papatol pa ako at igigiit na wala ako ditong pakialam. “Okay.” Tingnan mo na? Kung sumama pala ako e ’di hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa bahay. Hindi pa rin sana ako nakakauwi. Akala ko ba ay magsisimba lang siya? Malamang may iba pa iyong dinaanan or pinuntahan. Gastog talaga! Matapos kumain ay bumalik ako sa silid. Need kong matulog ng maaga dahil bukas ay may pasok na. Kailangan kong ihanda ang sarili bukod sa exam week namin ay dahil paniguradong kukulitin din ako ng mga kaibigan at pipiliting magpaliwanag. Malamang aalamin nila kung anong nangyari nitong mga nakakaraang araw dahil hindi ko magawang makipagsabayan sa kanilang lumabas. Hindi ko magawan ng paraan. “So, anong nangyari sa'yo Hilary ng weekend?” bungad ni Shanael Lunes ng umaga pagkaupo ko sa cafeteria na nakasanayan namin kada umaga. “Oo nga? We are dying to know, Girl.” segunda ni Glyzel na nagawang humalumbaba sa harapan ko. “Spill the tea. Huwag mo kaming pag-intayin.” si Josefa na nagpapungay pa sa akin ng mga mata. Natawa ako. Umiling. Para silang mga shunga. “Wala. Ano bang ini-expect niyong mangyari?” “Seryoso ka Hilary? Hindi mo ikukuwento ang nangyari sa muling pagkikita niyo ni Chaeus?” Napaiwas ako ng tingin. Sa totoo lang hangga't maaari ay ayoko siyang pag-usapan. Masisira ang araw ko kahit marinig ang pangalan niya. “Ano pa bang inaasahan niyo doon? E ‘di ayon naging battlefield para sa amin ang bahay.” “Tapos? Bakit hindi ka rin lumabas? Imposible na hindi mo malusutan ang Daddy mo? Wala kayang nakakapigil sa'yo. Curious lang kami kung bakit.” si Josefa na parang may ibang inaabangan pa. Hay naku! Hindi ko alam paano ko naging friend ang tatlong ito na may dugong mga marites. “Basta.” “Girl, hindi namin tatanggapin iyang palusot mo. Kailangan mong sabihin sa amin ang details.” si Shanael na nagawang tikwasan pa ako ng kilay. “Wala nga. Gusto niyo bang gumawa na lang ako ng kwento para ma-satisfy iyang pagkakaroon niyo ng dugong marites? Sabihin niyo lang...” Dismayado silang umayos ng tayo sa harap ko. Nag-senyasan na tigilan na ang pangungulit sa akin dahil wala silang makukuha at mapapala. Kung naging busy ako buong linggo sa school ay pansin kong ganun din ang nangyari sa tukmol. Paminsan minsan ko lang siyang nakikita sa loob ng bahay. May pagkakataon na naaabutan ko siya sa umaga sa hapag, kung minsan ay sa gabi na. Hindi niya na ako ulit kinausap gaya ng hiling ko. Titingin lang siya sa akin pero hindi iimik. Bet ko nga iyon, pero hindi ko mapigilang ma-curious. Sa kanya. Sa mga ginagawa niya at pandalas na wala siya sa bahay. Ganun ba ang nagbabantay? Ang gulo mo naman, Hilary. Hindi ba at ikaw ang nagsabi sa kanya na huwag kang kausapin? Sa malamang ay sinusunod niya lang ang gusto mo. Ano? Balot na balot ngayon ang katawan mo sa curiousity sa mga ginagawa niya? Teka nga, nakokonsensiya ka na sa pagtrato mo sa kanya? No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD