Sinadya kong halos lunch time na nang lumabas ng silid kinabukasan. Maaga pa rin akong nagising kahit late ng natulog, pero pinili kong humilata sa kama. Pagulong-gulong habang nag-e-scroll ng social media account. Tinatamad pa akong bumangon lalo na at naiisip kong may possibility na ang tukmol lang namang iyon ang aabutan sa kusina. Ayokong masira niya muli ang araw ko. Ako na lang ang iiwas at mag-a-adjust sa amin.
“Goodmorning, Hilary.”
“Morning din,” tipid na bati ko pabalik sa maid na nakasalubong ko pagkalabas pa lang ng kwarto.
Suot ko pa ang terno na pinangtulog ko kagabi. Naghilamos lang ako at nag-brush ng ngipin kanina kagaya ng nakaugalian ko kada umaga. Hindi naman na bago ito sa paningin ng lahat ng kasama namin sa bahay kaya hindi na rin ito big deal. Mamaya pa ako maliligo, mga bandang hapon pa. Wala rin naman akong pupuntahan.
Mapanuri ang mga mata kahit na pasimple ang naging paglinga-linga ko sa paligid. Hinahanap ang anino ng tukmol na sure akong may hang over. Baka kasi magkagulatan kami. Mabuti na iyong alam kong makakasalubong siya o makikita para naman mapaghandaan ko rin ang reaction.
Seriously, Hilary? Paghahandaan mo? Bakit?
“Salamat sa pagkain.” sambit ko habang nauupo sa dining table kung saan nakahain ang almusal.
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi makita si Chaeus hanggang makarating ako ng kusina. Baka maaga siyang umalis? Imposible iyon. Saan iyon pupunta ng maaga? Sunday ngayon. Baka kamu tulog pa dahil sobrang sakit ng ulo niya.
“Walang anuman.”
Maingat na dinala ng maid ang baso ng fresh milk ko sa aking sa harap. Matamis na nginitian ko lang siya bilang aking pasasalamat. Tango lang ang naging sukli niya sa ginawa ko. Tahimik ko ng sinimulan ang pagkain na parang normal lang ang lahat. Nagawa kong iwaglit sa isipan ang imahe ni Chaeus nang hindi ito makita sa loob ng bahay.
Ang buong akala ko ay ayos na ang lahat ngunit nang halos malapit na akong matapos sa pagkain ay nagulat ako sa biglaang pagpasok ng tukmol ng kusina. Sa sobrang gulat ko ay halos mabuga ko ang tubig na kasalukuyan kong iniinom. Saglit siyang natigilan nang makita ako na para bang may naalala siyang nangyaring kakaiba. Baka nag-flashback sa isip niya ang ganap kagabi. Sa isiping iyon ay hindi ko na mapigilang mairita. Akala ko nakalimutan ko na iyon. Hindi pa pala. Nang makabawi ay nagpatuloy siya. Pasipol-sipol pa ito na para bang naging maganda ang tulog at ang paggising niya ngayong araw.
Wow ah! Wala man lang ba siyang hang over sa ininom? Parang hindi siya naglasing kagabi ah?
Wala akong choice kung hindi i-angat ang tingin sa kanya at salubungin na ang mga mata niya. Bihis na bihis ang loko ng kulay sky-blue polo shirt, black slacks ang partner noon at hindi maong pants kagaya ng suot niya kagabi. May suot pa siyang necktie na aminin ko man o hindi ay bumagay sa suot na damit. Nagpatikas pa ito ng tindig niya. Gusto kong matawa kahit bagay naman iyon sa kanya. Bakit? Nagmukha siyang kagalang-galang na tao pero para siyang isa sa mga matandang proffesor namin sa school. Ganitong-ganito ang pormahan nila. Ibinaba ko na ang tingin. Pinipigilang malakas na tumawa.
Saan kaya ang lakad ng tukmol?
May pupuntahan ba siyang business meeting?
Kung maka-porma ngayon akala mo ay banal.
Nang muli kong i-angat ang mata ay dumako na iyon sa ulo niya. Noon ko lang napansin ang maayos na pagkakasuklay nito ng buhok niyang tumutulo pa ang bawat dulo ng hibla sa tubig. Nakakapanibago tuloy ano ang hitsura niya. Taliwas iyon kagabi na sobrang sabog at gulo.
Baka pagligo lang ang gamot niya sa hang over kaya wala siya noon? Bakit ba ako nakikialam?
Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya nang titigan niya ako at bigyan ng malapad na ngiti. Kung makangiti siya akala mo ay bati na kami. Kahit tunawin pa niya ako sa ilang matamis na mga ngiti, hindi ko pa rin siya matatanggap na kapatid. Iyong tipong kahit na mapunit pa ang labi niya kakangiti sa akin araw-araw ay hindi ko pa rin iyon susuklian at ibabalik din sa kanya. Hindi ako madadala sa galawang iyon ng tukmol.
Habang idinidikta sa isip iyon ay biglang mabilis na pumintig ang puso ko. Para saan iyon? Bakit para akong kinikilabutan sa laman ng isipan?
Akala niya yata nakalimutan ko na ang mga ginawa niya kagabi? Sorry, matandaanin ako.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain kahit na nanunuot sa butas ng ilong ko ang shower gel na ginamit niya sa katawan. Malayo ang agwat ng distansya niya sa akin pero amoy na amoy ko pa rin iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ang daming puna sa kanya. Kahit sa isip ko lang iyon alam kong nanghihimasok na ako sa buhay niya.
“Goodmorning, Hilary.”
Inignora ko ang ginawa niyang pagbati. Kunwari ay wala akong narinig. Hindi naman require na porket bumati siya sa akin ay kailangang bumati ako pabalik. Walang rules na ganun sa bahay. Dahil kung mayroon, napagsabihan na ako ni Dad o kasama iyon sa araw-araw niyang sermon dahil madalas ko ‘ring gawin iyon kay Azalea.
“Ang sungit pa rin,” narinig kong bulong niya.
Ano namang pakialam niya kung masungit ako? Masyado siyang apektado. Pinapansin kasi ako! Subukan niya kayang huwag akong pansinin.
Nagtungo siya sa counter kung saan ay abot tanaw ko pa rin mula sa dining table upang magtimpla ng kanyang kape. Tinanong siya ng maid kanina kung ano ang kailangan para ihanda nila, sinabi niya sa kanilang siya na raw ang bahala sa sarili. Hindi na dapat pang alalahanin.
Dapat lang naman na mahiya siya. Siya na nga iyong nakikitira sa bahay tapos abusado pa? Hindi naman siya bisita kaya dapat nagkukusa.
“Huwag na kayong mag-abala. Kaya ko na ang sarili ko. Ako na rin ang bahala sa pagkain ko.”
Habang nakatingin sa malapad na likod niya ay napaisip ako. Siguro dahil lalake siya at namuhay mag-isa sa New Jersey kaya siya independent. Kaya ko rin namang maging independent kung gugustuhin ko habang bata pa ako, kaso si Daddy rin naman ang may ayaw at gustong maging dependent pa ako sa aming mga maid. Katwiran niya anong gagawin ng mga ni-hire niyang maid? Marapat lang daw naman na pagsilbihan nila ako.
“Hindi mo pa rin ba ako kakausapin, Hilary?”
Napalingon na ako kay Chaeus na nagawa ng maupo sa harapan ko nang hindi ko namalalayan. Sinundan ng mga mata ko nang ilapag niya ang umuusok na tasa ng kape sa tabi ng plato niya. Matapos niyang itukod ang dalawang siko sa lamesa ay pinagsalikop naman ang dalawang palad. Isinandal niya ang kanyang baba sa ibabaw ng kamay. Nakakakilabot pa rin ang ginagawa niyang paninitig sa akin ngayon.
“Sige ka, mapapanisan ka niyan ng laway.”
Hindi ako natawa kahit alam kong nagpapatawa siya. Ang corny ng utak niya. Mabuti ng mapanis ang laway ko keysa naman piliing kausapin siya. Akala niya ba matatakot ako? Sanay naman din akong walang kausap maliban sa aking sarili. Ano pa bang bago doon? Wala namang pagkakaiba.
Awtomatikong umirap ang mga mata ko sa kanya matapos uminom ng tubig. Lakas niya talagang mang-asar. Walang pinipiling oras at saka lugar.
“Kapag iyang mata mo nahanginan kakairap sa akin, tingnan mo hindi na iyan babalik sa dati.” aniyang binuhat na ang kape upang sumimsim.
Nakakatawa iyon? Ang dami niyang problema!
“Pwede ba na itikom mo iyang bibig mo kung wala ka namang mas matinong sasabihin sa akin?” hindi na napigilang sagot ko, napipikon na ako.
Nagkibit-balikat lang siya kaya mas lalo akong nainis. Bingi-bingihan siya? Akala mo kaya mo ako? Sa una ka lang makakatiis sa gaspang ng ugaling mayroon ako. Hindi ka sa akin tatagal. Magsasawa ka ‘ring kulitin ako nang kulitin.
Nang hindi na siya magsalita ay itinuloy ko ang pagkain kahit sa mga oras na iyon ay malapit na akong tumayo upang piliin na lang mag-walkout. Kumuha na siya ng pagkain na inilagay sa plato.
“Wala ka bang lakad ngayon, Hilary?” pag-iiba niya ng usapan, gusto talagang kausapin ako.
Ang sarap niya ‘ring sagutin ng pabalagbag. Sa hitsura ko bang ito na nakapangtulog pa at hindi naliligo, mukha ba akong may mahalagang lakad?
“Wala. Saan naman ako pupunta?”
“Hmmn, gagala after magsimba? Ganun ang normal na routine ng mga ka-edad mo, Hilary.”
“That so old-fashioned!”
Hindi ko dapat ibaba ang guard ko. Baka hinuhuli niya lang ako para may mai-report siya kay Dad. Madalas ganito ang napapanood ko sa drama eh. Pakunwaring mabait at matapos kunin ang loob sa bandang huli ay may masama palang plano.
Tumikwas ang gilid ng kanyang labi para sa isang makahulugang ngiti sa sagot ko. Mataray ako. Hindi ko naman iyon itatanggi. Lalo sa taong ayaw ko pero bakit hindi naman siya apektado?
“Hindi ka nagsisimba tuwing Linggo?” gulantang na tanong niya, nabitin pa sa ere ang kutsara.
Bakit ba ang kulit niya? Hindi nga sabi eh!
“I mean wala kang lakad or gala kasama ng mga kaibigan mo? Ganitong araw ang normal na gala ng mga ganyang edad sa'yo. Hindi sa gabi, Hilary. What I mean is hindi dapat sa dis-oras ng gabi.”
Sino ba siya sa akala niya? Sini-sermunan niya ba ako? Ang kapal din naman ng pagmumukha niya!
“Hindi ako pala-simba o isa sa mga kaibigan ko.” sagot kong ini-emphasize ang mga bawat salita.
“Bakit hindi na lang ikaw ang magsimba tutal ay ikaw ang nakaisip niyan? Huwag mo akong isama o idamay sa routine mo tuwing araw ng Linggo.”
Mabilis kong tinakpan ang bibig ng palad ng may mapagtanto. Muling pinasadahan ang hitsura.
“Wait, don't tell me na magsisimba ka ngayon kaya ganyan ng suot mong damit?”
“Hmmn, tama ka. Gusto mong sumama?”
Ganun na lang ang pag-iling ko. Ano ako hibang?
“Ayoko. Dito lang ako sa bahay. Hindi ako aalis.”
“Why not? Hindi pa naman huli ang lahat. Bata ka pa. Pwede mo pang simulan iyon ngayong araw.”