Chapter 11: Master Hilary

1641 Words
Malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Nagawa ko ng maglinis ng kuko sa paa at kamay, nalagyan ko na rin sila ng nail polish. Tuyo na at lahat ang mga iyon ay hindi pa rin ako inaantok. “Baka hindi lang ako pagod ngayong araw kaya hindi ako agad inaantok, o baka dahil alam ko na wala naman akong pasok sa school bukas?” Inabot ko ang cellphone na nakapatong sa may gilid ng lampshade. Dumapa na ako at nag-scroll. “Manood kaya ako ng movie para antukin? Ano namang magandang panoorin? Horror? Ayoko. Baka lalo lamang na hindi ako makatulog nito.” Kalahating oras ang lumipas nang humikab ako. Pinatay ko na ang cellphone at umayos ng higa. Baka this time, tuluyan na akong makakatulog. Unti-unti nang naiidlip ang diwa ko nang bigla na lang dumaan sa balintataw ang imahe ni Chaeus. Malaking napadilat ang aking mga mata. Bakit ba bigla ko siyang naisip? Ayon na. Patulog na ako. “Peste naman oh!” mura kong mabilis bumangon. Ilang biling na sa higaan ang ginawa ko. Wala pa rin iyong epekto. Hindi na ako binalikan ng antok. Mas lalo lamang akong naaalibadbaran ngayon. Bakit? Patuloy lang namang ginugulo ang isipin ko ng tukmol na iyon. Kung saan ba siya pumunta kanina at kung nakauwi na ba ng mga oras na iyon? Hay naku! Bakit parang ako pa yata ang magbabantay sa kanya at hindi siya ang gagawa noon sa akin? Matanda na siya. Hindi ko na dapat pang inaalala. Eh, paano kung napahamak na pala siya? Hindi naman siya sanay sa bansa. Tapos mukha pa siyang foriegner. Mamaya ay mapag-tripan. Wala akong kamalay-malay. Kargo de konsensiya ko iyon. Lalo at wala si Azalea. Hindi ko rin alam ang mobile number niya para matawagan siya. “Unang araw pa lang na wala dito sina Daddy, pinapasakit niya na kaagad ang sentido ko!” Hindi na maipinta ang mukhang tumayo ako. Gigil ang reaction na sinipa ko na ang kumot. Nahulog iyon sa kama pero agad ko rin namang dinampot. “Sa halip na ako ang maging stress niya para lumayas siya dito sa bahay, nagkabaligtad pa. Humanda talaga sa akin ang tukmol na iyon!” Padabog akong bumaba ng kama. Hindi alintana ang bagong nail polish na kuko kung masira. Hindi ito pwe-pwede. Kailangang niyang malaman kung ano ang rules sa bahay na ito. Hindi porket siya ang matanda ay siya na ang magpapasaway! Hindi rin matatahimik ang kaluluwa ko at sure na hindi ako makakatulog hangga't hindi nasasagot ang tanong na paulit-ulit nagre-replay sa utak ko. Iyon ay kung nakauwi na ba siya sa bahay. Inayos ko ang buhaghag na buhok, inikot-ikot pabilog hanggang maitali sa tuktok ng ulo. “Susubukan kong magtanong-tanong sa maid, saka pa lang ako aayos oras na malaman ko na nasa loob na siya ng room niya. In case na mag-usisa kung bakit ko siya hinahanap ay gagawa na lang ako ng katwiran. Hindi naman na nila siguro iyon bibigyan ng ibang kahulugan.” Magaan ang mga paang lumabas na ako ng silid. Noong una ay medyo nag-aalangan pa ako kung itutuloy ko ba ang plano o babalik na lang ng kwarto at pipiliing wala maging pakialam sa kanya. Hindi ko mailarawan kung bakit ako kinakabahan, baka kasi mamis-interpret ng ibang maid ang paghahanap ko kay Chaeus. “Bahala na nga.” Matapos lumunok ng laway ay pigil ang hiningang naglakad ako papunta sa quarter ng mga maid. Hindi pa man ako umaabot doon ay narinig ko na ang maingay na pagbukas ng main door ng bahay. Parang shungang, mabilis akong tumakbo pabalik ng silid. Sa sobrang bilis ko ay parang namuti ang magkabilang talampakan ko. Halos maputulan ng hininga habang pilit kong itinatago at pinagkakasya ang sarili sa likod ng pintuan nito. “Si Chaeus na ba iyon? Feeling ko nga ay ang tukmol na iyon. Wala namang ibang uuwi ng ganitong oras sa bahay.” abot-abot ang kabang tanong ko habang sinisilip kung sinong papasok. Sapu-sapo ang dibdib ay naramdaman ko na ang agos ng panlalamig ng pawis at ang panunuyo ng lalamunan. Nanlalambot na rin ang aking dalawang tuhod na parang anumang oras ay babagsak ako sa sahig. Buong buhay ko ay ngayon lang ako naging kabado nang ganito. Feeling ko ay nahuli akong may ginagawang kabalbalan. Hindi ko iyon ma-explain kung bakit. “Teka nga lang? Bakit ba ako nagtatago sa kanya? Bahay naman namin ito? Ano bang kasalanan ko? Hindi dapat ako ang mahiya. Sa aming dalawa kung may makakaramdam ng takot at kaba, si Chaeus dapat iyon.” kapagdaka ay ayos ko ng tindig, pinagninilayan ang reaction. Ilang minutong nameywang na ako. Sinundan ng pagak na pagtawa. Sinapo na ang noo. Hindi makapaniwala na ganito ang magiging reaction. Para ka na namang shunga, Hilary! Ano bang pumasok sa utak mo ha? Bakit ka ganyan? Bakit kailangan mo siyang pagtaguan? May mali ka? Kung agawan lang ito ng mana, paniguradong wala na ni singkong duling sa akin ang natira. Malakas na akong tumikhim upang e-peke ang pagkasamid. Hinaplos-haplos ko pa ang leeg upang maging makatotohanan iyon sa mata ng makakakita. Lumabas na ako ng silid. Mabagal na naglakad patungo ng kusina. Iinom ako ng tubig. Bakit ba? Gusto kong ma-sure na ang tukmol ito. Matapos ng ilang sandali kong paglalakad palabas ay para na akong nakalutang sa alapaap. Naghuramentado na sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ang t***k ng puso ko nang matanaw sa gilid ng mga mata ang bulto ng katawan ni Chaeus. Para akong bigla na lang hihimatayin, wala naman siyang ginagawa sa akin. Dama ko na saglit niya akong tinitigan nang mahagip ng paningin. Napakurap-kurap ako. Kahit gusto ko ng magback-out ay hindi ako natinag. Ano bang pakialam ko sa lalakeng ito? Takot ba ako? Bakit naman ako matatakot? Ewan sa'yo Hilary! “Oh? G-Gising ka pa?” Alam kong akong ang kinakausap niya pero wala akong panahon para harapin siya. Nilagpasan ko siya. Dere-dereto ako sa fridge matapos na kumuha ng baso na lalagyan ng malamig na tubig. “Hinintay mo ba akong umuwi?” Hindi ko pa rin siya nilingon kahit naramdaman ko na ang ginawa niyang pagbuntot sa kusina. Sa tono ng boses niya ay para siyang nakakainom. Hindi iyon ang normal na boses ng lalakeng ito. “Kumain ka na ba? Huwag mong sabihin na hindi pa dahil sa hinihintay mo ang Kuyang umuwi?” Naririndi man sa pangungulit niya ay hindi ko pa rin siya pinansin. Nilagok na ang tubig na sinalin sa baso. Baka pagkatapos nito ay kumalma ako. “Huwag kang magpapagutom. Dapat mauna ka ng kumain kapag wala pa ako. Napasarap kasi—” Salubong ang mga kilay na nilingon ko na siya. Makakatikim talaga siya sa akin ng sermon! Hindi niya ba mabasang ayaw ko siyang kausapin? My god! Ito na nga ang sinasabi ko. Stressful siya. “Ang ingay mo! Pwede bang—” Nanlalaki ang mga matang napaatras ako nang makita kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko na magawang ituloy ang sasabihin. Naramdaman ko na ang pagdikit ng likod ko sa fridge. Gusto ko siyang bulyawan pero parang iyong dila ko ay bigla na lamang na umurong. “Ang sungit mo na naman. Hindi pa iyan expire?” Gusto kong mapalatak sa walang kwentang sagot niya. Namumula ang mukha niya habang ang mga mata niya ay namumungay. Magulo ang buhok. Ilang butones sa polo niyang suot ang nakabukas na parang may ibang gumawa nito. Nakasilid sa magkabila niyang bulsa ng suot na maong na pantalon ang dalawang kamay. Sa galaw ng katawan niya ay masasabi kong under influence nga siya ng alak sa sandaling ito. “Ang baho mo!” malakas na reklamo kong pinisil na ng dalari ang ilong para takpan ang butas. Mahina siyang napahaagikhik. Halata sa mukha na natutuwa sa reaction ko. Gumilid pa ako habang pinapaypay ng palad ang nakapisil kong ilong upang ipakita na hindi ko gusto ang amoy. Kumpara sa mga alak na iniinom namin ng mga kaibigan ko, matapang ang amoy ng alak na ininom niya. Parang gaya ng alak na iniinom ni Daddy kasama ng mga kaibigan niya. Sabagay, matanda na nga pala siya kaya bakit pa ako magtataka? Pang-old people na malamang ang iniinom niya hindi kagaya ng mga ka-edad ko. “Sorry, hindi naman ako lasing. Nakainom lang—” “Wala akong pakialam kung anong ginawa mo sa labas. Hindi mo kailangang mag-explain ng sarili pero next time, pwede ba na kung uuwi kang nakakainom ay sa silid mo na ikaw dumeretso?” mataray na angil ko sa kanya, “Ang baho-baho pa naman ng alak na ininom mo! Nakakadiri ka!” “Yes, master Hilary. Tatandaan ko ang bilin mo.” gumegewang-gewang ang katawang yuko nito. Sa ginawa niya ay hindi ko mapigilang mainsulto. Naghahanap ba talaga ng away ang lalakeng ito? Pasalamat siya at lasing siya. Hindi ko ugali ang pumatol sa taong hindi malinaw ang pag-iisip. “Sorry na. Sa sunod ay—” Bago niya pa matapos ang sasabihin ay iniwan ko na siya. Wala akong panahon makinig sa kanya. “Goodnight kapatid kong masungit.” pahabol nito na sinundan ng malakas na halakhak, narinig ko pang nasinok siya pero hindi ko pa rin nilingon. Bahala siya sa buhay niya. Malaki na siya. Alam na niya ang ginagawa. Bakit ko pa aalalahanin? Sana ay hindi na lamang ako lumabas kanina. Napasama pa tuloy na nagpakita ako sa kanya. Pagdating ng kwarto ay padapa akong bumagsak sa kama. Para ako doong pagod na pagod gayong halos ay wala naman akong ginawa buong araw. “Matulog ka na nga, Hilary!” kastigo ko sa aking sarili matapos na umayos ng higa, pilit ng ipinikit ang nanghahapding mga mata. “Anong oras na? Aba!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD