Chapter10: Indian Lady

1558 Words
Napasabunot na ako sa sariling buhok. Aaminin ko nag-aalala ako kay Daddy na di sumagi sa isip ko dati. Mukhang eye opener nga yata iyong mga pinagsasabi ni Chaeus kagabi. For the first time, I felt worried to my Dad. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi pwedeng solo lang si Daddy. Nawalan na ako ng ganang ubusin ang breakfast. Hindi ko na iyon malunok sa sama ng aking loob. “Uulitin ko sa'yo ang mga dahilan ko Hilary—” “Are you nuts?!” hindi ko na napigilang sumigaw, Wala ba talagang utak ang babaeng ito? Akala ko ba ay mahal niya talaga si Daddy? Ano ito, aber? “Hinayaan mong mag-isa si Daddy. Kailangan ka niya doon. Alam mo iyon. Akala ko ba mahal mo siya? Kailan mo pa naisip ang mga iisipin ko? Totoo ba talagang minahal mo siya? O baka naman nagpapanggap ka lang? Oo nga pala, narito ang anak mo hindi ba? Siya siguro ang dahilan kung bakit hindi ka sumama kay Daddy!” “No, hindi iyan ang dahilan—” “Sino ang mag-aasikaso doon kay Daddy? Wala. Paano kung uminom iyon after ng meeting nila? Paano kung malasing? Sinong mag-aalaga? Wala, dahil narito ka. Hindi mo siya sinamahan doon!” “Hilary, why are you acting like that? Anong meron? Nakakapanibago ka. Walang sakit ang Daddy mo at malakas pa iyon. Kaya niya ang sarili niya. Hindi mo rin kailangang mag-alala.” “Kahit na, sana ay sinamahan mo siya! Akala ko ba hindi kayo pwedeng paghiwalayin? Ano ito?” Nasa ganung pagtatalo kami ni Azalea nang pumasok si Chaeus ng kusina. Kagaya ko ang reaction niya nang makita ang kanyang ina. Malamang, inaasahan niya rin na wala ito dito. “Mom, why are you still here? Hindi ba tuloy ang pag-alis niyo ni Tito ngayong araw?” tanong nitong lumipad na sa akin ang mga mata, nabasa niya sigurong hindi maipinta ang aking hitsura. Ngumiti lang si Azalea at nagkibit ng balikat niya. Pahapyaw na sinulyapan ko si Chaeus. Sandong manipis lang ang suot nito at normal na boxer. Gulong-gulo pa ang buhok na halatang bagong bangon lang sa higaan. Inaantok pa ang hitsura. “Hindi ako sumama. I choose to stay here—” “What did you say, Mom?” Halos magbuhol ang makapal na mga kilay nito. Kung galit ako kanina ay halatang mas galit siya. “Anong masama kung hindi ako sumama? Gusto ko lamg naman na—” “Pinauwi niyo ako ng bansa for nothing? Kung alam ko na hindi ka sasama. Hindi ako umuwi.” “Chaeus—” “Hilary was right. Dapat sumama ka kay Tito. Iyon ang unang plano hindi ba? Bakit nagbago?” Namilog na ang mga mata ko. Kinakampihan niya ba ako? O dahil gustong hawakan ako sa leeg? “Kayong dalawa lang naman ni Hilary ang inaalala ko. Paano kung hindi kayo magkasundo? Baka mamaya ay may hindi sa inyo kumain o kung hindi naman ay magkasakitan na kayo physically.” Humalakhak si Chaeus. Halatang di makapaniwala sa kung anong sinabi ng kanyang ina. Gusto ko rin sanang tumawa. Talaga ba? Iyon lang ang inaalala niya? Akala ko ba ako ang dahilan niya? Mukhang may saltik na talaga itong babaeng ito. “Malaki na kami ni Hilary. Kaya na namin ang sarili. At isa pa may mga maid. Sa tingin niyo ba ni Tito pababayaan ko siya? Matanda ako sa kanya at matured na kung mag-isip. Sumunod ka na kay Tito, kami na ang bahala sa sarili namin ni Hilary. Huwag mo na kaming alalahanin. Okay?” Nais ko na sanang sumabat. Lalong-lalo na nang tingnan ako ni Azalea nang mayroong kahulugan. Hinihingi ba niya ang opinyon ko? Pakialam ko? Silang dalawa ng anak niya ang mag-usap. Ayoko na siyang kausapin. Nakaka-buwisit lang kaya. “Mom, please? Book your flight. Sumunod ka kay Tito doon. Sige ka, baka makahanap iyon ng iba.” Si Azalea naman ang tumawa. Bahagya pa nitong hinampas ang braso ni Chaeus. Namumula na ang mukha. Kung maglambingan sila parang ‘di anak. “Oo na, sige. Susunod na ako sa kanya kung iyon ang gusto niya. Bukas—” “No, Mom. Ngayon na. Mag-book ka na ng flight.” Hinawakan pa ito ni Chaeus sa magkabila niyang balikat ang itinulak paalis ng kusina. Sinundan ko silang dalawa ng tingin. Sana ay ganundin ang bonding namin ni Daddy kahit may iba ng asawa. Kaso ay hindi, baka mabatukan noon ako kapag umarte ako sa harapan niya. Iyong kinukuha ko nga lang ang attention niya ay ang hirap na. Tapos iyong ganitong bonding pa ang gusto ko? Seriously, Hilary? Huwag ka ngang inggitira! Nang mawala sila sa paningin ko ay muli akong naupo. Ilang beses na bumuntong-hininga. Di na mainit ang pagkain na nasa harapan ko pero ni hindi ako doon nagreklamo. Muli ko iyong kinain. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang paninitig ng ilan sa mga maid na nakakita ng reaction ko. Bakit ba? Hindi naman ako inggit. Iniisip ko lang naman na what if ganun kami ni Daddy hindi ba? Hindi naman masama ang mangarap kung minsan. “Hilary, gusto mo bang palitan ko ang baso ng gatas mo?” nag-aalangang lapit nito sa table. Dala siguro ng awa kung bakit tinanong niya ako. Marahan akong tumango. Tatanggihan ko pa ba? Nang araw na iyon ay nagawang pilitin ni Chaeus na umalis si Azalea. After lunch nang marinig ko ang usapan nilang ihahatid niya ito ng airport. Hindi na ako nag-usisa. Wala nga akong pakialam. “Ang boring naman. May ganap kaya sina Glyzel?” tanong kong umayos ng dapat sa lounger sa likod ng bahay namin kung nasaan ang pool. Dito na ako tumambay after lunch at tanawin si Chaeus at Azalea paalis ng bahay. Hindi na nila ako inaya na sumama sa airport dahil siguro na tatanggihan ko rin naman iyon. Mabuti naman at alam niya. Mapapahiya lang siya kung ginawa. “Oh? Hilary? The indian lady!” pambungad ni Gly right after na sagutin na nito ang tawag ko. Sa tono ng boses niya ay nai-imagine ko na kung gaano kataas ang isang kilay niya. Hindi pa rin ata niya nakakalimutan ang hindi pagpunta ko sa club kagabi. Kailangan ko tuloy na mag-explain. “Sorry kagabi. Nahuli kasi ako ni Daddy kaya—” “Sabi na eh! Hindi mo ugali ang hindi pumunta lalo na kung nakabihis ka na. Wanna come over here? Narito si Josefa at Shanael. Nagtatanggal kami ng hangover.” anitong nagbago agad ang tono. “Ngayon? Too bad, nakababad din ako sa pool.” “Okay, hindi mo nga pala ugali ang lumayas ng bahay niyo kapag weekend. Sorry, nakalimutan namin.” anitong wala namang bahid ng tampo. Hindi ko sinabi sa kanila na umalis si Daddy for business trip. Naku, for sure kung saan nila ako kakaladkarin mula ngayon hangganf bukas. Nais ko namang magkaroon din ng pahinga sa buhay. Hindi ko na iyon ipagdadamot pa sa aking sarili. “Sige na, magkita na lang tayo ng Monday.” “Okay, see you on monday Girl.” Pagkababa ng tawag ay inabala ko ang sarili sa pag-scroll sa social media account. Ilang beses kong tinitigan ang inbox ni Daddy. Parang gusto ko na mag-send sa kanya ng message kaso nga lang ay medyo nag-aalangan ako. Baka hindi niya rin basahin. Sayang lang ang magiging effort ko. “Just try it, Hilary.” sulsol ko sa sarili dahil hindi ako mapalagay, gusto ko rin talagang mag-chat. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na may compose message na para sa kanya. Wala naman akong ibang sinabi doon maliban sa alagaan niya ang sarili niya habang wala sa bansa. Iyon lang. Hindi na rin ako gaya ng dati na sasabihin kung gaano ko siya kamahal at looking forward ako sa pagbabalik niya kahit walang pasalubong ay ayos lang. Basta umuwi ng safe. That's so childish! Ginugol ko buong maghapon sa harap ng pool. Nang bumaba na ang araw ay pumasok na rin ako sa loob at naligo. Pagbaba ko ay handa na ang dinner. Pahapyaw na iginala ko ang paningin sa paligid. Hinahanap nito si Chaeus. Aware akong nasa bahay siya. Narinig ko lang naman ang pagdating ng sasakyan niya kanina. Malamang ay nasa room ito nagbabawi ng tulog at pahinga. “Ako lang ba?” tanong ko sa maid ng hainan na ako ng dinner, na-gets naman niya iyon agad. “Oo, Hilary.” “Iyong bisita? Bakit hindi niy tawagin? Sabay na kaming kakain.” somehow curious ako sa kanya. “Wala siya dito, Hilary. Umalis siya ng bahay—” Napakunot na ang noo ko sa sinabi ng maid. Umalis? Hindi ba at nakabalik naman na siya? “Umalis? Narinig ko ang sasakyan niya kanina.” giit ko, baka nagkamali lang naman ang maid. “Bago ka bumaba ay nagmamadali siyang umalis. Mukhang may iba siyang lakad ngayong gabi.” Tumango-tango ako. Hindi nagpahalatang medyo nadismaya ako. Ganyan ba ang aalagaan ako? Ni hindi siya nagpaalam kung saan pupunta di ba? “Okay.” dampot ko na sa utensils at nagsimula ng kumain, alangan din namang magsalita pa ako. Mabuti nga iyong ganito, para wala siyang paki kung ano ang gagawin ko sa buhay. Iisipin ko na lang na he doesn't exist dito sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD