Pumuwesto ako sa kung saan abot-tanaw ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Chaeus. Hindi rin kalayuan ang cafe na halos kahilera lang ng resto na pinapagawa niya. Buo na ang pundasyon noon. Siguro ay hindi na rin magtatagal at matatapos na. Nakatitig lang ako sa labas ng salamin habang patuloy ang kain ng cake at inom ng smoothie. Pinapanood ko pa rin sina Chaeus.
“Mabait naman pala si Tukmol, mabilis rin mauto. Siguro ay mabuting tao talaga siya. Pangit lang ito sa paningin ko dahil nilalamon ako ng galit.” muli kong kumbinsi sa aking sarili sa pagiging lihim na mabuting tao ng lalake, “Tama kaya?”
Habang pinagmamasdan pa ang features niya ng lihim ay doon ko napagtanto kung bakit ang mga kaibigan ko ay humaling sa kanya. Magandang lalake nga naman ito. Matangkad. Maskulado rin. Pang-display, dahil sa good looking. Nakadagdag pa ng asset niya ay ang pareha ng mga mata niyang kulay grey. Para sa akin iyon ah? Hindi ko alam sa mata ng ibang tao kung ano ang gusto nila. British na british ang dating niya sa lahat ng features ng hitsura. Kumbaga, nangingibabaw ang pagkakaroon niya ng ibang lahi sa genes. Kanina habang nasa loob siya ng cafe ay halos mabali ang leeg ng ilang kababaihan kakatingin sa kanya. Akala ata ay makukuha ang atensyon.
“May girlfriend kaya siya?” wala sa sariling usal ko habang kagat-kagat ko pa ang kutsara.
Don't get me wrong ah? Hindi ako interested sa buhay niya. Curious lang ulit ako sa part na ito. Dugong marites ika nga, para may pang-inis ako sa mga kaibigan kong bet na bet din ang tukmol.
“Ang abnormal naman kung wala di ba? Malamang ay meron. Sa hitsura niya siguro naman ay hindi siya mawawalan kahit isa, baka nga marami pa.”
Navi-visualize ko na ang hitsura ng mga friend ko oras na malaman nilang taken na si Tukmol. Bagsak ang balikat. Parang katapusan ng mundo. Nagdidiwang na tuloy ang loob ko ngayon pa lang.
“Ano kayang hitsura niya? Malamang maganda. Baka nasa New Jersey din siya, naiwan. Sa tingin ko hindi kukuha ang Tukmol na ito ng average looking woman as his girlfriend. Choosy iyan. Maliban na lang kung hukluban na siya at wala nf ibang choice. I'm looking forward na makilala ang babaeng iyon. Baka magkasundo pa kaming dalawa. Matanong ko na nga siya mamaya.”
Bago mag-alas dose ng tanghali ay binalikan ako ni Chaeus sa loob ng cafe. Hindi ko pa ubos ang smoothie. Tapos ko ng kainin ang slice ng cake. Pagdating niya sa table ko ay hindi na siya naupo. Tuloy ang utos niya sa aking tumayo.
“Tayo na diyan. Halika na at aalis na tayo.”
Tumalima na ako sa utos niya. Masigla akong tumayo lalo na nang makita kong naglalaway na naman ang mata ng mga babaeng nakatingin. Ano kaya sa tingin nila ang relasyon namin? Ew, kung iisipin niyang girlfriend niya ako ah! Kadiri iyon!
“Saan na tayo pupunta? Uuwi na ba?” malikot ang mga mata sa paligid na tanong ko, conscious ako dahil baka nga iniisip nilang jowa ko nga siya.
“Hindi. Hahanap lang tayo ng resto para kumain. Hindi pa ako tapos makipag-usap sa architect.”
Nagkibit-balikat lang ako sa sagot niya. Akala ko ay uuwi na kami. Mukhang babalik pa yata kami dito mamaya dahil hindi pa siya tapos sa visit. Okay lang naman sa akin basta dito sa cafe niya ako ulit iiwan lalo at tumindi pa ang init sa labas.
“Gusto kong kumain ng seafood.” out of the blue ay request ko sa kanya, wala lang, cravings lang.
“Sige, hahanap tayo kung mayroon dito.” sagot niyang nagsimula ng e-drive paalis doon ang kotse. “Favorite mo ba ang seafoods, Hilary?”
“Hindi naman masyado. May mga certain days lang talaga na gusto kong kumain ng mga iyon.”
Napailing ako. Bakit ang komportable ko na sa kanya? Parang kailan lang ay galit na galit ako. Well, baka kasi hindi naman talaga ako galit sa kanya. Sa Mommy niya lang may sama ng loob.
“At isa ngayong araw sa mga certain days?”
“Yup.” sagot kong kinuha ang cellphone sa bag upang i-check ang walang katapusang rant ng mga kaibigan na hanggang ngayon ay lumalaklak.
Hindi ko na narinig pang nagsalita si Chaeus. Siguro ay nakita niya akong busy sa cellphone. Pagkatapos ng ilang minutong pag-ikot namin sa lugar ay huminto na kami. Nilingon ko ang paligid. Halos magningning ang mga mata ko nang makita na isang seafood restaurant nga ang hinintuan.
“Wow! Paano mo nahanap ang restaurant?” tanong ko habang umiibis na ako ng sasakyan.
“Iyon ang request ng kapatid ko, bibiguin ko?” proud na sagot nitong nauna ng maglakad.
Kung lahat ng gusto ko ay ibibigay niya dahil sa tingin niya ay kapatid niya ako, feeling ko ay matatanggap ko siya in no time. Syempre, gusto kong makuha ang lahat ng gusto ko. Kung kinuha ni Azalea ang attention ni Daddy, bakit hindi ko kunin ang atensyon ng anak niya? Quits na kami. Baka matauhan siya oras na makita niya kung gaano kami ka-close ng unico hijo niya di ba?
“Ano pang tinatayo-tayo mo diyan, Hilary?”
Nabalik ako sa realidad ng lumingon ang Tukmol. Nasa may pintuan na ito ng restaurant. Kumuha na ng table na aming ookupahin sa loob ng resto. Kuminang pa ang mga mata ko nang makita ang mga buhay na seafood na naka-display sa gilid. May lobster na malalaki, may shrimp, may crabs, named it. May mga shells din at different fishes.
“Alin ang gusto mong e-try natin?” si Chaeus habang hawak ang menu, “Ikaw na ang mamili.”
“Sure? Ako na ang bahalang mamili?”
“Hmmn, first treat ko sa'yo as your brother.”
Hindi ko na siya pinansin at isa-isa ko ng ini-scan ang mga putahe ng seafoods na ino-offer ng restaurant. Nang tanungin ako ng waiter ay tinuro ko na iyon sa kanya. Maligaya naman itong tumango at kapagdaka ay umalis na rin.
“Pwede kayang e-take out kapag hindi naubos?”
“Yes, kung gusto mong i-uwi why not? Bayad naman natin iyon kaya hindi sila magagalit.”
Tinanong ko lang iyon kasi medyo awkward ako sa paninitig ni Chaeus sa akin. Mukhang ngayon lang yata ako nakita nang malapitan at masaya.
“Subukan lang nilang magalit, hindi na ako ulit babalik sa restaurant nila para kumain.” usal ko pang ibinaling sa labas ng bintana ang mga mata.
How to describe this place? Hindi siya typical na resto na may aircon at pangmayaman tingnan. Masyadong crowded ang place at electric fan lang din ang gamit pampalamig ng lugar. Ganun pa man ay marami pa rin silang customer dito. Dikit-dikit din halos ang table na yari sa bamboo. The way they served is unusual too. Nasa dahon iyon ng saging nakalagay at hindi sa mga plate.
“Let's see, kapag masarap balik tayo ulit dito.”
Ibinuka ko ang bibig ko para sabihing love ko ang idea na babalik kami dito. Ngunit hindi ko na nagawa nang itaas niya ang isang palad dahil sa naghuhuramentado niyang tawag sa cellphone.
“Labas lang ako saglit, sagutin ko lamang ito.”
Sinundan ko ng tingin ang paglabas niya habang sinasagot ang tawag. Base sa reaction ng mukha ay masaya siya at halatang gusto ang kausap.
Sino kaya iyon?
Baka ang girlfriend niya?
Tanungin ko na nga siya mamaya. Hindi naman niya siguro mamasamain. Magtatanong lang.
Pagbalik ni Chaeus mula sa labas ay nagdala na rin ng small plate and utensils ang waiter sa table. May plastic gloves if ever na gusto naming gumamit ng kamay sa pagkain. Feeling ko ay magkakamay ako. Si Chaeus kaya? Nawala na sa isipan kong itanong kung sino ang kausap niya at ang about doon sa may girlfriend ba siya.
“Maghuhugas lang ako ng kamay.” paalam ko kay Chaeus na tumayo na, kahit naka-plastic gloves ay kailangan ko pa rin na maghugas. Galing pa naman kami sa site, ang alikabok kaya doon.
“Sige, pagbalik mo dito ay ako naman.”
Kumakanta pa ako sa excitement habang nasa loob ng bathroom at naghuhugas ng palad ko. Ngayon pa lang ay nai-imagine ko na ang lasa ng malaking lobster na pinili kong isa sa mga order. Subalit, agad na nawala ang ngiti ko pagbalik ng table at maabutan kong may average looking woman doon na trying hard maging maganda.
“Hilary, si Lailani nga pala fiancee ko. I hope you don't mind na mag-join siya sa atin this lunch.”
Na-stuck ang utak ko sa sinabi niyang fiancee.
What? Fiancee niya ang babaeng ito at hindi lang basta girlfriend? Ang taas ng expectation ko tapos lalagapak lang sa ganitong hitsura? Hindi siya maganda. Oo, sexy siya. Kutis artista pero iyong hitsura niya. Hindi pang-display or should I say na mahihiya kang isama sa lakad. Saan kaya napulot ni Tukmol ang babae? Bukod doon ay pandak din siya. Mukhang maliit na ibon.
“Hi, Hilary. Nice meeting you...” tayo pa nitong inilahad ang kamay sa akin, tiningnan ko lang ito.
Wala ako sa mood makipag-plastican sa kanya. Ngayon pa lang ay aaminin kong hindi ko gusto ang babae para maging hipag ko in the future.
“Pagpasensiyahan mo na, Lai.” saad ni Chaeus na mukhang alam kung bakit ganito ang hitsura ko.
“It's okay, walang problema.”
Walang reaction akong naupo sa harap nila. Iyong gana kong kumain kanina mukhang wala na. Parang gusto ko na lang umuwi sa bahay.
“Hilary, anong klaseng paninitig iyan? Ayos nga!” natatawang wika ni Chaeus pero halatang pikon.
Hilaw na akong ngumiti. Ni hindi iyon umabot sa aking mga mata na alam kong napansin ng babae.