Chapter 18: Site Visit

1732 Words
Gabi na nang magising ako. Bukas na rin ang dim light ng silid ko na sure akong gawa ito ng maid. Matapos na maghilamos ay piniling lumabas na. Umaalboroto na naman ang patay-gutom kong mga bituka. Wala talaga silang kabusugan, aba! “Pahanda na ng dinner.” anunsyo ko pagkapasok ng kusina, hindi pa naman iyon late pero hindi kasi sila naghahain kapag walang kakain nito. Agad na sumunod ang maid na nakarinig sa akin. “Wala si Chaeus?” pormal na tanong ko habang kumukuha ng pagkain upang ilagay na sa plato. “Umalis after lunch. Ang sabi sa amin ay sabihin sa'yo na may lalakarin siya kapag hinanap mo.” Tumango lang ako. Ano pa bang comment ko? Alangan namang itanong ko kung nasaan na ito? “Okay.” Matapos kumain ay saglit akong tumambay sa sala. Panay ang sulyap ko sa main door. Hindi ko man aminin pero hinihintay ko si Chaeus umuwi. Nang mapansing lumalalim na ang gabi ay tumayo na ako upang magtungo na sa silid. Dahil siguro sa pagod ako at kulang din sa tulog ay hindi naglaon at muli akong iginupo ng antok. Umaga na rin nang ako ay maalimpungatan. “Goodmorning, Hilary.” Napa-preno ako sa pagpasok ng kusina nang marinig ang masiglang bati ni Chaeus sa akin. Bihis na naman ito. Noon ko naisip na Linggo. Baka sisimba na naman siya pero kakaiba ang suot niya. Plain gray t-shirt lang iyon at maong pants. Naka-rubbershoes lang din ang Tukmol. “Morning...” labas sa ilong na bati ko pabalik. “Kumusta ang tulog mo? Mukhang ang haba ah.” Malamang, nagbabawi ang katawan ko. Inaasar niya ba ako? Eh kung patulan ko na kaya siya? Walang emosyon na humila na ako ng upuan. Agad namang naglagay ang maid ng extra plate. “Gusto mo bang sumama—” “Kung kagaya last Sunday ang reason kung bakit mo ako inaaya, alam mo na agad ang sagot ko.” pagputol ko sa kanya habang kumukuha ng rice. “Hindi doon ang punta ko. May iba akong lakad.” Natigilan ako sa pagsandok ng ulam. Hinihintay na sabihin niya kung saan ang lakad niya, ngunit hindi niya na dinugtungan ang kanyang litanya. Gusto pa yatang itanong ko kung saan. Hays! At dahil curious na naman ako kaya gagawin ko. “Saan ba ang punta mo?” “Malalaman mo iyon kung sasama ka sa akin.” “Nagtatanong ako dahil—” “Walang silbi kung tatanggi ka. Mapipilitan ka pa ‘ring sumama sa akin sa ayaw at sa gusto mo.” Pikon ko siyang tinitigan. Umagang-umaga ay sinisira na naman niya ang araw ko. Wala ba siyang ibang gagawin kung hindi ang galitin ako? “Fine! Pero pwede bang pakainin mo muna ako?” mataray na turan kong inirapan siya paulit-ulit. “Sure, take your time.” lahad pa nito ng kamay na binuhat na ang tasa ng mainit niyang kape. Tahimik na akong kumain. Kanina pa tapos sa pagkain si Chaeus pero hindi siya umalis ng table. Alam kong hinihintay niya akong matapos. Panay ang scroll niya sa screen ng hawak na cellphone. Halatang may kausap dahil sa galaw ng emosyon sa mukha niya. Pabago-bago iyon. “Bilisan mong maligo, Hilary. We have to go.” utos niya nang maingay na akong tumayo. Tinalikuran ko lang siya at hindi sinagot. Kung naiinip siya sa tagal kong maligo, eh ‘di umalis na siya. Mauna na siya kung saan papunta. Bakit kasi kailangan niya pa ako doong isama hindi ba? “Anong klaseng damit iyang suot mo? Hindi beach ang pupuntahan natin, Hilary. Magpalit ka nga!” Napipikong umikot ako upang talikuran siya. Naka-short akong maong na kalahati ng hita. Naka-boots ng black, medyo puffy ang manggas ng croptop. Kitang-kita ang hubog ng katawan. “Malay ko ba kung ano ang pwede kong isuot? Sana man lang ay nagbigay siya ng specific na damit na pwede sa pupuntahan. Ang arte niya!” Muli akong naghalungkat ng mga damit. Naisip ko na mag-pantalon na lang pero hindi pinalitan ang croptop. Baka sakaling papasa na ito sa kanya. “Ano? Bawal pa rin ba ito doon? Sige, pagbihisin mo pa ako ng isa at talagang mag-isa kang aalis.” banta kong pinatulis ang nguso sa sobrang inis. “Sige, pu-pwede na iyan. Huwag ka sanang saktan mamaya ng tiyan dahil sa labas ang pusod mo.” Tumikwas lang ang isang kilay ko sa kanya dahil nakita ko kung paano siya ngumiti. Hindi ito ngisi na kagaya ng dati. Genuine na ngiti niya iyon. “Eh ‘di dalhin mo ako sa pagamutan.” pilosopong sagot ko sa kanya, nauna ng lumabas ng bahay. Ang corny ng joke niya ha? Pang-old na talaga. Tuloy-tuloy kong tinungo ang sasakyan niya. Hinintay na buksan niya iyon bago dumeretso sa shotgun seat. Pagagalitan niya ako ‘pag sa likod kaya ako na ang magkukusa dito sa unahan. “Ayoko lang na mabastos ka sa pupuntahan. Alam mo na ang makasalanan sa tao ay mata.” paliwanag niya habang naglalagay ng seat belt. Ginaya ko ang ginagawa niya. Hindi pinansin ang explanation niya. Malay ko nga kung saan iyon? Hindi niya rin sinabi sa akin ang exact place at kung bakit din kami ngayon pupunta sa lugar. Pagdating sa area ay gusto kong pagsisihan kung bakit hindi ako nagpalit ng pang-itaas. Kung bakit di ako nakinig sa sinabi ng Tukmol kanina. Puno ng galit ang matang lumipad na sa kanya. “Bakit hindi mo sinabing construction site pala ang pupuntahan natin? Saka ano bang gagawin natin dito? Bakit tayo pumunta dito, Chaeus?” Malutong siyang tumawa. Memoryado ko na ang susunod niyang linya. Malamang ay sisisihin niya ako kung bakit hindi ako nakinig sa mga bilin niya. Subalit, nagkamali ako. Hindi niya ako sinisi. “Ayan, isuot mong pang-itaas. Next time makinig ka sa akin dahil alam ko ang makakabuti sa'yo.” hagis niya ng puting hoody jacket sa akin na di ko alam kung saan niya nakuha, hindi sa kanya iyon sure ako dahil maliit ito at pang-babae rin. “Huwag mo ng itanong kung saan ko nakuha iyan. Isuot mo na. Bumaba ka at sumunod na sa akin.” Nauna na itong lumabas ng sasakyan. Iniwan ako doong walang masabi. Para akong sinupalpal niya. Ngumiwi na ako nang amuyin ang jacket na bigay niya. Amoy iyong nakulob sa lalagyan. Ayos na rin na may ganito keysa naman lantarang makita ko ang paninitig ng mga taong lihim nanghuhubad. “Bakit kasi bumuntot ka pa dito, Hilary?” sita ko sa sarili matapos na isuot ang jacket, kasya lang iyon sa akin, medyo maluwag pa nga ito. “Kung nagmatigas ka at nanatili na lang sa bahay eh ‘di hindi ka nagngingitngit sa galit!” Nang sulyapan ko sa labas ng kotse si Chaeus ay kausap na ito ng ilang mga lalake na lumapit sa kanya. Sibalubong siya ng mga ito ng makita. Ano ba kasi itong pinapatayo niya? Bahay nila? Lumabas na ako ng kotse. Saglit na nabaling ang atensyon ng mga trabahador sa akin. Saglit pa silang natigilan nang humakbang ako lalapit kay Chaeus na proud ang matang nakatingin sa akin. “Bunsong kapatid ko.” anunsyo niya kahit wala naman ni isang nagtatanong kung sino ba ako. Sa mga sandaling iyon ay ni wala sa isip ko na itanggi na kapatid ko siya. Ewan ko ba, parang biglang nakaka-proud na maging kapatid niya. “Halika na dito, Hilary. Bilisan mo at mainit.” Para akong robot na sumunod sa kanya. Iyong feeling na ayaw ng utak ko pero iyong katawan ko ay walang choice kundi ang sumunod dito. Sa pagsunod ko sa Tukmol at ilang mga trabahante ay napag-alaman kong restaurant ang tinatayo. May branch iyon sa New Jersey at gusto niyang makilala rin iyon dito sa Pilipinas. Aba, at parang gusto na talaga niyang dito na lang manirahan? Saan siya titira? Sa bahay? Sana nagpagawa na rin siya ng sariling bahay. Mukhang narinig yata ng langit ang hiling ko dahil ang sunod na sinabi ng kausap nito ay ang tungkol na sa sarili kuno nitong pamamahay. “Kagaya ng suggestion ko noon Sir Parkenson ay pwede kang magtayo ng bahay sa bandang likod nitong restaurant mo. Tago naman ito at least malapit sa main branch ng restaurant mo.” “Sige ho, pag-iisipan kong mabuti.” “Kami na rin ang kunin mong contractor.” “Let's see.” tapik pa nito sa balikat ng lalake. May tent na nakatayo sa hindi kalayuan at doon ako dinala ni Chaeus upang buruhin lang. Ano ba ang rason ng lalakeng iyon para ibuntot ako? Wala rin naman pala akong gagawin dito kung hindi ang tumunganga at magmasid sa paligid. Ang init pa naman ng singaw ng paligid. Idagdag pa ang suot kong makapal na jacket. Feeling ko ay maso-suffocate ako kapag di pa kami umalis. “Anong gusto mong smoothie? Mag-oorder ako doon sa malapit na cafe.” tanong niya nang bumalik sa pwesto matapos makipag-usap. “Hindi pa ba tayo aalis? Sobrang naiinitan ako.” paypay ko ng palad sa may banda ng aking leeg. “Maya-maya pa. Pagtiisan mo na lang ang init. Bibilhan na lang kita ng smoothie, saglit lang.” Awtomatikong inirapan ko siya. Hindi naman na siya apektado. Natawa lang siya sa akin at kapagdaka ay ginulo ang buhok kong gulo na nga sa malakas na ihip ng halos nagbabagang hangin. “Ako na ba ang bahala? Sige ako na. Dito ka lang.” Nakalayo na siya nang mapagtanto ko na dapat pala ay nag-suggest akong sa cafe tumambay. Malamang ay mas malamig doon kumpara dito. Walang pag-aatubiling sinundan ko siya. Malalaki ang mga hakbang ko para lang abutan siya. “Anong ginagawa mo dito?” unang tanong niya pag-ikot dala ang order ko at nakita ako doon. “Ang init sa labas. Dito na lang ako tatambay hanggang matapos ang pakikipag-usap mo.” Hinawakan ko pa ang braso niya para pumayag. Pinaamo rin ang mga mata. Hindi siya pwedeng tumanggi. Magwawala ako dito, sige siya! “Sige, pero hindi ka dito aalis? Hindi mo ako tatakasan upang kung saan lang pumunta.” Paulit-ulit akong tumango sabay turo sa slice ng cake na naka-display. Favorite flavor ko iyon. “Bilhan mo ako para may itutulak ang smoothie.” Nilingon niya ang itinuro ko at kapagdaka ay ngumisi. Walang magawa kundi pagbigyan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD