Chapter 49: First Date

1683 Words
Sobrang sumama ang loob ko sa maikling naging sagot ni Chaeus. Kaya magmula rin ng araw na iyon ay ibinalik ko ang dating ako. Isa na ang ugali ng pagiging maldita. Sinimulan ko iyon sa pagtigil na sumama pa sa kanya sa paglabas kada weekend. Marami akong dahilan na kahit pilitin niya ay palagi kong tinatanggihan. Patuloy na humahanap at gumagawa ng paraan para hindi niya makasama. Iyong tipong bago pa siya magising s umaga o makalabas ng silid ay lumalabas na ako ng bahay para lang hindi niya maabutan at makaladkad. Saka lang ako babalik once umalis na siya. Kapag susunduin niya naman ako sa school ay pinagtataguan ko siya hanggang sa kusang umalis na. Wala na rin akong ibang option kung hindi ang sabihin na lang sa mga kaibigan ang totoong dahilan sa biglang pagbabago ko. Paano ay nagtataka na naman sila sa mga ikinikilos ko, lalo na sa pagtatago ko kapag si Chaeus ang sundo ko. “Ano? Umamin si Chaeus na may gusto sa'yo?” gulantang na tanong ni Josefa, halatang hindi inaasahan. Marahan akong tumango. Hindi na makatingin sa kanila ng deretso. Feeling ko ay ang laki ng kasalanan. “Bakit ngayon mo lang sinabi, Hilary?” “Bakit Josefa, may magbabago ba kung noon ko pa binanggit sa inyo? Wala naman hindi ba? Ganun pa rin.” “Kahit na, at least nalaman namin agad. Nagkaroon kami ng heads up.” “Sinasabi na nga ba eh, parang may something sa inyong dalawa.” si Shanael na di ko alam bakit hindi na nagulat sa sinabi kong lihim. “Hindi ka ganun ka-sweet, Hilary. Kilala ka namin. Hindi ka papayag. Ikaw pa ba?Ang sama kaya ng pag-uugali mo.” Inirapan ko siya. Oo na, aminado naman ako. Masama naman talaga. “Umamin ka, sinadya mong itago ‘no?” panghuhuli pa nito sa dila ko. “Naku, nakakapagtaka pa ba iyon Shanael?” si Josefa na humanap pa ng kakampi. Humarap na siya sa akin. “Bakit sinasabi mo na ngayon? Noong pinapaamin ka namin. Wala kang imik. Puro ka tanggi. Di ba?” Oo na, kasalanan ko na. Dapat dati ko pang sinabi kaso nga ay nakakahiya. “Gagi, bakit kinikilig naman ako sa inyo?” out of the blue ay bulalas ni Glyzel, may paghawak pa talaga sa magkabila niyang pisngi, namumula. “Itigil mo nga iyan Glyzel, walang nakakakilig. Nakakainis lang!” ang bitter na bestfriend ko na hindi pa rin maka-get over, nagtatampo pa rin. Bahagya akong lumapit kay Josefa. Nilambing siya sa pamamagitan ng pagyakap na nang mahigpit sa kanya. “S-Sorry na Josefa, hindi ko naman sinadyang itago. Ayoko lang na—” Matalim ang matang nilingon niya ako. Itinikom ko na lang ang bibig. “Ayan, matagal mo na iyang pangarap na gustuhin ka niya pabalik hindi ba?” Napakunot na ang noo ko sa kanya. Anong pinagsasabi ng babaeng ito? Ay oo nga pala, nasaksihan niya ang pag-amin ko dating gusto si Chaeus. Ito siguro ang pinanghahawakan. “Anong hitsura iyan? Bakit hindi ka masaya? Dapat magdiwang ka, Girl!” sarkastiko pa nitong dugtong doon. “Bulag ka rin ano, Josefa? Paano niya magagawang magsaya kung alam niyang bawal? Hindi pa rin pwede. Nakakalungkot naman talaga iyon. Iyong tipong gusto niyo ang bawat isa pero wala rin kayong magawa.” madamdaming pagdamay ni Shanael, tinapik pa nito ang isang balikat ko. Hindi ko alam kung dinadamayan ba talaga ako o inaasar lamang din ako. “Sabagay, ang saklap naman.” Aminin ko man o hindi ng harapan sa kanila, alam kong nalulungkot nga ako at bakas ito sa hilatsa ng mukha. Maliban dito ay hindi ko na binanggit pa ang tungkol sa halik at baka ano pa ang marinig ko mula sa kanila. Ito pa nga lang ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya kapag about doon? “Now I get it Girls. Kaya nagtatago itong si Hilary ay para takasan.” si Glyzel na kanina pa naman obvious iyon pero ngayon lang napagtanto. Tumango pa rin ako kahit na gusto ko na siyang pilosopohin. Ang slow ah! “So, anong plano mo ngayon?” si Shanael na hindi pinansin si Glyzel. Umiling ako. Hindi ko rin alam. Kaya nga sinasabi ko sa kanila kasi baka may alam sila. Rescuer ko sila eh. Back up kapag nahihirapan na ako. “Iyong totoo, Hilary. Gusto mo pa rin ba siya? Kasi alam mo ang hirap na pigilan ng sarili kapag gusto mo siya. Alam naming nasasaktan ka rin sa ginagawa mong pag-iwas sa kanya.” Nanatili lamang tahimik si Josefa. Nakikinig sa usapan namin. Halata sa mukhang may malalim siyang iniisip. “Kung sa gusto, oo. Pero iniisip ko ang magiging consequences noon. Kagaya ng sabi niyo, bawal at hindi kami pwede. Hihintayin ko pa bang lumala pa ang sitwasyon namin?” “Kaya mo ba? Baka ngayon ka lang ganyan. Mamaya, sundin mo na naman ang tinitibok ng puso mo.” “Pilit kakayanin hangga't maaga pa.” “Siguraduhin mo lang, Hilary. Ayaw naming bukas o makalawa ay iiyak ka dahil sobrang nasasaktan ka na.” “Seryoso ka diyan, Girl? Sa tingin ko ay head over heels sa'yo si Chaeus.” komento ni Glyzel, pinipilit pa rin. Alam kong gusto niya kami para sa bawat isa, kaso nga ay hindi pwede. “Glyzel? Ano ka ba? Hindi porket kaya mong gawin ang bawal at in love ka ay igagaya mo na si Hilary. Tandaan mo na malaki ang pagkakaiba ng relasyon niyong dalawa. Sa iyo ay bawal lang, kanya ay hindi pwede.” si Josefa na pinandilatan na si Glyzel. “Oo na, Josefa. Makadilat ka naman ng mata. Sayang. Bagay naman sila.” Nasa mga bush kami na tanim sa palibot ng campus. Maingat na nakakubli at pinagtataguan namin si Chaeus na nasa labas. Naghihintay. “Hindi ko rin nga alam. Gulong-gulo ako.” sagot ko sa tanong ni Glyzel. “Naku, mahirap nga iyan. Kung sakali na magkaroon kayo ng relasyon, sa tingin niyo ay hindi kayo mahuhuli?” si Shanael na halatang problemado. “Hindi iyan ang tamang tanong eh. This is the right question, Hilary.” si Josefa na humarap pa sa akin, nakaupo kami sa lupa. Hindi alintana ang duming kakapit sa uniform. “Kung sakali na magkaroon kayo ng relasyon ni Chaeus, hanggang kailan niyo iyon makakayang itago? Alam mong hindi pwede na habangbuhay.” “Hindi ko alam, ayoko ng subukan.” Buo na ang loob ko. Hihingi ako ng tulong sa kanila. Baka lang naman may alam sila ng dapat kong gawin. Naisip ko na mag-boyfriend, baka kasi kapag ginawa ko iyon ay tumigil si Chaeus. At mabaling ang atensyon ko at pagkagusto dito. Baka naman infatuated lang ako. Saglit lang ito. Baka masyado lang ako attached dahil sa time at attention niya sa akin. “So, ano ngang plano mo?” “Mag-boyfriend ka.” desisyon ni Josefa, na nagpatingin sa amin sa kanya na gulat na gulat. Iyon nga ang iniisip ko kanina pero saan naman ako kukuha ng boyfriend na magpapanggap? Wala. Saka may papayag din ba? Kung isa lang din sa nagkakagusto sa akin huwag na lang, baka maging kumplikado pa lahat. “Tama si Josefa, Hilary. Baka kapag nakita ka ng stepbrother mo na may ibang lalake ay kusang tumigil na.” “I don't think so na—” Bago matapos ni Glyzel ang line niya ay tinakpan na ni Shanael ang bibig niya. Pinandilatan na ito ng mata. “Huwag ka ng komontra pa, Glyzel.” Si Josefa na mismo ang tumulong sa akin para i-set up ako sa pinsan niya. Kay Jared. Kung noon ay nagagalit siya, ngayon ay hindi na. Noong una ay nag-aalangan pa ako. Baka kasi masaktan ko lang siya bandang huli. “Josefa, sure ka na ba dito? Hindi ba iyon magiging unfair lang sa kanya?” “Oo naman. Don't worry about him Hilary, he knows the task. Nasabi ko na. Kako may gusto kang itaboy.” “Hoy, grabe ka naman sa akin!” “Iyon naman ang totoo di ba? Bakit ka mahihiya? At least alam niya na gagamitin mo siya. Walang problema kahit na iwan mo na siya after this.” Ngayon pa lang ay tinutubuan na ako ng konsensiya, pero kailangan ko siya. Siya ang magiging kasangkapan para matupad ang goal ko na tuluyang itaboy palayo si Chaeus. “Hi, order ka na, Hilary. Sagot ko. Huwag kang mahiya.” Duh! Bakit naman ako mahihiya? Afford ko lahat iyon. Hindi ko kailangang i-libre niya. Dahil lalake siya kaya siya raw dapat ang may sagot sa lahat. Medyo mahangin siya sa part na ito na hindi ko gusto. Unang araw pa lang namin iyon ng date. Give him a chance, Hilary. Mukha namang okay siya. Well, para sa akin ay ayos siya. Iyong appearance niya is neat and clean. Baka na-misunderstood ko lang kanina. May flowers din siyang dala and gift. Kumbaga ay prepared na prepared. Pero bakit kahit na ganun ay hindi ako masaya? Wala akong maramdaman sa kanya kahit na katiting na excitement at paghanga. As in empty. Wala kahit anong pilit ko. “Ano ba ang favorite mong dish or foods? Ako na ang pipili para hindi ka na mahirapan.” offer niya na para sa akin ay medyo nakaka-offend, kaya ko naman kasing pumili huwag lang niya akong e-pressure na gawin agad. Syempre pinag-iisipan ko pa kung ano. “If gusto mo lang naman, Hilary.” “Sure, sige. Ikaw na ang pumili. Lahat naman ay kinakain ko. Wala rin akong allergy.” pagpapaubaya ko sa kanya. “Are you sure? Ako na ang bahala?” “Hmmmn, yeah sure.” lahad ko pa ng kamay para hayaan siyang gawin iyon. “You can do it for me, Jared.” kawala ng pilit at hilaw na ngiti sa labi ko. Nakita kong kumislap sa saya ang mga mata niya. Ganun na ganun ang nararamdaman ko tuwing napagbibigyan ako ni Chaeus sa mga gusto ko. Hindi nga yata ako makakawala sa bawal na pag-ibig dito. Palagi ko silang pinagkukumpara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD