Chapter 48: What if?

1503 Words
Mula ng araw na iyon ay naging regular ang pagsundo ni Chaeus sa akin sa school kahit na may driver naman kami. Hindi ko nga rin alam kung may basbas ba iyon ni Daddy. Malamang magtataka ito kung bakit palaging si Chaeus ang sundo ko. Bilang gusto ko naman si Chaeus ay hindi na ako nag-inarte. Siya na nga iyong nalapit sa akin, aarte pa ako? Ganundin ang naging set up sa mga paglabas namin ng weekend. Naging normal na araw iyon na sa tingin ko ang alam ni Azalea at Daddy ay para mas maging close kami ni Chaeus. Hindi ko alam hanggang saan kami aabot pero gusto ko ang atensyon na nakukuha mula sa Tukmol. Walang explanation kung bakit ginagawa niya ito, nais pa yatang tanggalan ng trabaho ang driver namin. At ang bagay na ito ay napansin na ng mga kaibigan ko. Kung ayos lang ito kina Daddy sa kanila ay hindi naging okay. “Nak's hatid at sundo ka na palagi ni Chaeus? Anong meron sa inyong dalawa?” puna ni Shanael na tunog nagseselos, hindi naman siguro sila manhid. Nagbubulag-bulagan lang. “I smell something fishy sa inyo, Hilary.” “Oo nga, don't tell us na may iba ng namamagitan sa inyo? Umayos ka, Hilary.” puno ng duda na tanong ni Josefa, tumigil pa ito sa ginagawa niya para tingnan lang ako. “Please lang, huwag na huwag kang papasok sa napaka-complicated na relasyon.” Nagawa kong lusutan pa noon ang pangungulit nila kung sino raw ang kasama kong nanood ng meteor shower. Mabuti na lang talaga at hindi nag-upload si Chaeus ng picture namin. Kung ginawa niya iyon? Todas na. Nahuli na kami kaagad. Nahuli? Ano naman kung magkasama kami? Ang mahalaga doon ay wala naman kaming masamang ginagawa di ba? “Wala ah, ang dumi ng isip niyo. Syempre kapatid ako. Natural na susunduin niya ako sa school.” Wala naman talaga. Kahit nga ako ay naguguluhan na rin. Parang kami na hindi. Napaka-overprotective lang. “Kapatid mo siya Hilary, hindi driver.” pamimilosopo na ni Shanael sa akin. “Naku, sinasabi ko Hilary sa'yo huwag mong bigyan ng problema ang sarili mo. Ikaw lang ang mahihirapan. Walang tutulong sa'yo. Sabagay, ano bang pakialam namin sa desisyon mo? Kaibigan mo lang naman kami.” si Josefa na ma-dramang ngumuso. Napipikon na ako. Ano bang gusto nilang sabihin ko? Wala namang masama sa ginagawa namin. It's not like Chaeus and I are having a secret relationship. Hindi naman ganun. Kung mayroon man kami noon ay sasabihin ko naman iyon sa kanila. Aaminin ako. Hindi ako maglilihim. “Sinasabi niyo bang nagsisinungaling at naglilihim ako sa inyo?” utas kong tanong, gusto ko lang may linawin. Makahulugan na silang nagpalitan ng tingin. Nakatambay kami sa tabi ng dagat. Nagpapahangin lang. At lipas oras sa ilalim ng mga puno ng talisay. “Hindi naman sa ganun—” “Sasabihin ko naman sa inyo kung sakaling mayroon man. Wala talaga. Promise. Naguguluhan na rin nga ako sa mga pinapakita ni Chaeus sa akin.” Tumahimik sila. Muling binalik ang tingin sa malayong dagat. Nag-iisip. “Girls, what if?” sambit ni Glyzel na kanina pa tahimik sa aking tabi. Sabay-sabay kaming napabaling sa kanya. Maging ako ay na-curious din kung ano ang sasabihing what if. “Huwag niyo itong pakaseryosohin ha? What if lang naman na itong si Hilary at ang stepbrother niyang si Chaeus talaga ang meant to be?” Napanganga na ako sa tanong niya. Actually hindi lang ako. Si Josefa at Shanael din. Ano ba naman kasi itong naisipang what if daw ni Glyzel, makahulog ng puso at saka panga. “Girls? Nage-gets niyo ba? Anong gagawin natin? Hahadlangan pa rin ba natin o susuportahan ang relasyon nila? Kasi ako hindi ko sure alin dito.” “Nahihibang ka na ba Glyzel?!” pabirong hampas ni Josefa sa likod. “What if lang naman iyon, Josefa. Hindi ko naman sinabing pumayag kayo. Alam niyo naman na mapaglaro ang Tadhana. Tinatanong ko lang rin kayo in case na ganun nga. Hinihingi ko ang opinion niyo bilang friends ni Hilary. Huwag niyo ng masamain.” “Hindi pa rin tama—” “Oo, naroon na tayo sa mali nga ito, Shanael. Pero sa tingin niyo ba ay mapipigilan niyong mangyari kung ano ang nakatadhana? Hindi di ba?” Habang nakikinig sa kanila ay may point naman si Glyzel pero parang imposible rin iyon. Mayroong fiancee si Chaeus. Kaya para rin sa akin ay sobrang labo. Hindi na rin kasi namin napag-usapan ang tungkol mismo doon mula ng mangyari. Hatid-sundo lang niya ako sa school, ganun lang naman. Kumakain kami sa labas at hindi naman iyon date. Normal lang. “What do you think, Hilary? Ikaw lang ang makakasagot ng lahat ng iyon.” baling na ni Glyzel sa akin na para bang pagod na siyang mag-explain. Ilang minuto ang lumipas bago ako makasagot dahil hindi ko rin alam. “Ha?” “Tinatanong ka namin kung ano ang stand ng relasyon niyo ni Chaeus. May pagbabago ba? Improvement? Sabihin mo na sa amin ang totoo. We won't judge you for only saying that.” Umiling ako. Iyon ang totoo doon. “Wala. Gaya pa rin iyon ng dati.” Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit pinili ko ang magsinungaling at ilihim ang lahat sa kanila. Siguro ay dahil ayoko lang na mag-worried pa sila. This is my problem. Bakit idadamay ko pa ang nananahimik nilang utak? Ako ang gumawa ng problema, ako na ang bahalang lumutas sa kanila. “Normal lang naman ang pagsundo niya sa akin ah? Walang malisya iyon. Utos din iyon ni Daddy kaya tingin ko naman ay wala doong ibang mali. Gusto kasi nila ni Azalea na maging magkapatid ang turingan namin nito.” Pinili kong hindi na rin sabihin pa ang about sa paglabas-labas namin ni Chaeus kada weekend kaya hindi ako madalas makasama sa mga lakad nila. Sinasabi ko lang na dahilan ay family outing iyon. Buong pamilya. “Girls, kilala niyo ako. Kapag may bago sa akin, sinasabi ko naman sa inyo. Huwag niyo akong tingnan ng ganyan.” dagdag ko pa nang tingnan nila ako na para bang kailanman ay hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ko. “Kapag mayroong something sa amin ay derekta kong sasabihin sa inyo kahit na alam kong bawal iyon. Huwag niyo na akong tingnan ng ganyan. Pinagdududahan niyo ako.” Ang paninitang iyon ng mga kaibigan ang nagbigay sa akin ng lakas para tanungin na si Chaeus kinahapunan. Gusto ko na rin malaman ang totoo. “Bakit? Ayaw mo bang sinusundo kita sa school at lumalabas tayo kada weekend, Hilary?” iyan lang naman ang sagot na nakuha ko mula dito. Hindi naman sa ayaw ko. Gusto kong linawin niya if brother act iyon. Sa palagay ko naman ay hindi mahirap sagutin ang tanong ko. Nahihiya ba siya o ano? Ang dali lang sumagot. “It's not what I mean, Chaeus. Gusto ko na bigyan mo ako ng specific na sagot kung bakit ginagawa mo ito.” Hindi siya sumagot na parang may malalim na iniisip. Naguguluhan na? Pati ba siya ay hindi sigurado doon? “Kung sasabihin mong as my big brother, fine. Tatanggapin ko iyon—” “What if sabihin ko sa'yong hindi?” Hindi? Ano ba iyon? Ang labo niya namang kausap. Paghuhulain ako. “What do you mean?” “What if sabihin ko na ginagawa ko ito dahil gusto ko? Napapasaya ako? Magagalit ka ba? Ito ba ang sagot na gusto mong marinig sa akin, Hilary?” Humalukipkip na ako. Hinarap siya. “Alam ba ito ng finacee mo? Paano kung bigla na lang akong awayin? Naku, sinasabi ko papatulan ko siya.” “Hilary...” Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero mabilis ko iyong iniiwas. Para akong napapaso dito. “Ayoko ng gulo, Chaeus. At saka ano na lang ang sasabihin natin kina Daddy? Tingin mo ba ay walang pakialam dito ang Mommy mo? Paano tayo mag-e-explain sa kanila?” Ang complicated naman nito. Naroon na ako sa masaya dahil feeling ko ay importante ako pero napakagulo. Saka hindi rin naman malinaw ang lahat. “Gusto kita, Hilary. Gustong-gusto—” “Matagal mo na iyang sinabi sa akin. Alam ko na iyan. Buwan na nga ang lumilipas, Chaeus. Ang gusto kong malaman ay kung ano ba ang plano mo? Hindi pwedeng ganito lang tayo. Linawin mo naman. Hindi ko sinabing magkaroon tayo ng relasyon dahil alam kong bawal at hindi tayo pwede. Mag-set ka ng boundary. Habang maaga pa ay tigilan mo na. May tao kang masasaktan. Nandiyan si Dad at ang mommy mo. Tingin mo may pag-asa tayong maging masaya ha? Wala. Dahil ang kumplikado nito!” mahaba kong linya, gusto ko siyang deretsahing sabihang tigilan niya na. “Okay, I'm really sorry Hilary...” What the heck?! Iyon lang ba ang sagot na makukuha ko sa kanya? Sorry? Hindi niya talaga lilinawin? Hindi niya ako bibigyan ng sagot?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD