Chapter 46: Tensyon sa hapag

1750 Words
Dilat ang mata ko buong magdamag. Paano pagkauwi namin ay hindi rin naman ako agad nakatulog. Medyo nagkaroon pa nga ako ng regrets na nag-aya na agad umuwi. Dapat pala ay hindi na muna. Dapat sinulit ko ng kasama siya tutal wala ‘ring pasok sa school kinabukasan. Saka ko lamang iyon naisip ng nasa bahay na. “Ayan Hilary, padalus-dalos ka kasi ng desisyon! Hindi ka nag-iisip muna.” Habang pabalandrang nakahiga sa kama ay binalik-balikan ko sa isip ang ginawang paghalik ni Chaeus sa akin. Ni hindi pa ako nakakabihis ng damit. Parang sinisilaban ang mukha ko ng maalala na ang mga sandaling iyon. Itinaas ko sa ere ang dalawang paa at isinipa-sipa sa hangin. Kilig na kilig na naman ngayon ang buong katawan. Dapat talaga ay sinulit ko na iyon eh! Niyakap ko pa siya nang mahigpit. Pagkakataon ko na iyon. Pinalagpas ko pa. Dangan lang at hindi ako marunong humalik. Kung nagkataon ay baka mas tumagal pa ang halikan. Kainis, hindi ko rin iyon nasuklian. “Paano ka naman matututo, Hilary ay wala ka namang experience doon? Siya naman mismo ang una mong karanasan. Nagtataka ka pa ba?” kastigo ko sa sariling muling tumili. Wala sa sariling gumulong ako sa kama. Nangingisay ang katawan na parang invisible na kinukuryente. “s**t ka namang, Tukmol ka!” bulalas kong paulit-ulit muling gumulong sa higaan habang yakap nang mahigpit ang unan at impit pa rin ang mga tili. Halatang ngayon pa lang nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari kanina. Sariwang-sariwa pa ang lahat sa utak ko. Iyong lasa at lambot ng labi niya. At iyong paraan din ng paghalik niya. Para akong sinasapian ng ibang tao. Real talk, siguro dahil first time ko rin kaya nakakapanindig balahibo iyon. Mukha lang akong party girl, pero di ako nangangalantari ng lalake. Alam ko ang limitasyon ‘pag puma-party. Ano bang ginawa niya sa akin para magkaganito ako? Ginayuma? Bakit kahit na alam kong bawal ay kilig na kilig pa rin ang puso ko sa kaniya? “Kainis ka! Nakakainis kang Tukmol ka!” gigil na kagat ko sa laylayan ng blanket at parang kiti-kiti na doong hindi mapakali. “Love potion ba ha?” Idagdag pa na parang ang daming insekto ang gumagalaw sa loob ng kalamnan ko habang naiisip ang naganap sa pagitan namin nito. “Saan niya kaya iyon inilagay? Sa chocolates? Tama, baka doon nga!” Nang matapos na sa pag-iisip ng puro kalokohan ay dumapa na ako. Hindi rin matapos-tapos ang pagtitig ko sa mga pictures namin ni Chaeus. Kanina ko pa iyon binabalik-balikan e-scroll pataas at pababa. Kung hindi lang masyadong complicated kami ay bagay na bagay kaming couple. Gwapo siya at maganda naman ako. “Iyong kasama kaya siya ang gawin kong profile picture?” tanong ko sa kawalan. Niloloko ko na naman ngayon ang sarili. Kung gagawin ko iyon, jusko baka sugurin ako ng mga kaibigan. Hindi lang iyon, si Azalea at Daddy ay sure din na mawiwindang unless ay hindi nila bibigyan iyon ng malisya. “Sigurado akong mawiwindang sila at hindi matatahimik. Magde-demand sila ng explanation sa mga nangyari.” Napahagikhik na ako. Nai-imagine ko na ang reaction ng mga kaibigan ko. “Surely, they will kill me kapag hindi ko inamin at sinabi ang totoo.” Matapos ang matagal na pag-iisip ay nagpalit na rin ako ng profile picture. Wala namang nagtanong kung saan kuha ito. Ilang oras akong naghintay sa mga magbibigay ng comment na nasa friend list ko pero nag-aksaya lang ako ng panahon. Ni isa ay wala. Taliwas iyon sa sinabi ni Tukmol. O baka dahil sa tulog pa at pagod sa party ang karamihan ng friends ko? “Bahala nga sila.” Tama doon ang hula ko. Nagising ako kinabukasan sa ingay ng notification ng aking cellphone. Walang patid ang tunog at vibration noon. Pagdilat ng mata ay ang comment ni Glyzel ang kauna-unahang tumambad sa akin. Wala naman din siyang ibang sinabi. Bukod sa mention lang ito sa dalawa pa naming kaibigan. Mga marites na kung bombahin na ang comment section ay akala mo ay may ginawa akong mas nakakahiyang kalokohan. Shanael: Hoy! Saan at kailan mo picture iyan, Hilary? Kagabi lang ba iyan ha? Wow! Ang galing mo talagang babae ka. Hindi mo man lang kami isinama. Josefa: Oo nga, nakakatampo. Sino ang kasama mo? Nakipag-date ka ng hindi namin alam kung kanino? Sabi ko na nga ba eh. Iyong kausap mo iyon sa cellphone bago ka maglaho, ano? Ang lakas ng kutob ko sa'yo! Shanael: Ah, kaya ka pala bigla na lang nawala kagabi kasi nakipag-date. Sino iyan? Umamin ka na. Ipakilala mo sa amin. Kailangan niya munang pumasa sa panlasa naming tatlo bago ka niya magawang paibigin. Walang shortcut. Kailangang makaliskisan muna iyan. Ano raw? Ginawa pa talaga nilang isda si Chaeus. Humalakhak na ako. Josefa: Hoy, ano na?! Tulog ka pa ba? Aba naman. Gising ka na at mag-explain. Glyzel: Naku, kanina pa iyan gising Girls. For sure, dini-deadma niya lang tayo kasi alam niyang hindi natin siya titigilan. Hindi natin tatantanan hangga't di niya inaamin kung sino ang kasama. Pambihira! Ang mga walanghiya, ginawa ng chatbox ang comment section. Wala talaga silang hiya! “Mga aning talaga sila. Hindi ba uso sa kanila ang salitang matulog? I'm sure puyat ang mga iyan. Baka gusto pa nilang tawagan ko sila ngayong bago pa lang akong kakagising para marinig nila ang bedroom voice ko?” Nagpasya na rin akong bumangon na pagkaraan ng ilang minuto. Hindi na ako ulit makatulog kahit na pilitin ko. Wala pang isang oras ang tulog ko. Alam ko iyon dahil bago matulog ay tiningnan ko ang oras. Binilang ko pa. Binitawan ko na rin ang cellphone matapos mag-scroll at basahin ang mga hinaing nila Josefa. Ang ilan sa mga friends ay papuri ang sinasabi. Sobrang lucky ko raw at napanood ko iyon. Hindi kagaya ng mga bruhildang bitter at puno ang katawan ng inggit. Manigas sila, wala akong planong sumagot kahit na isa man sa kanila. Matapos maghilamos at magsuklay ay lumabas na ako ng silid. Sakto lang iyon sa oras ng breakfast ng family namin kaya hindi na rin ako nagtaka ng abutan ko sila sa hapag. “How was the party last night, Hilary?” si Daddy na halatang maganda ang gising at mood. “It was fun and memorable, Dad.” Totoo naman iyon. Hindi lang ako umi-imbento. Fun naman talaga eh. Naroon na rin si Chaeus. Nakaupo. Tahimik lang na nakikinig sa amin. Halatang puyat din ito dahil sa pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata. Ni hindi pa nga yata siya natutulog. Haggard na haggard na. “That's good.” “Ikaw naman Chaeus, saan ka galing kagabi at mukhang puyat na puyat? Hindi ka naman nakipag-party gaya ni Hilary. Mas mukha ka pang pagod at puyat sa kanya.” puna na ni Azalea sa anak matapos ilapag ang tasa ng kape nito sa gilid ng kanyang plato. “Night out, Mom.” maikling tugon nito na binuhat na ang kape at humigop. Naku, ang sinungaling niya naman. Kulang-kulang ang sagot niya. Dapat ang sinabi niya ay night out which means nanood siya ng meteor shower with me after niya akong sunduin sa party. O baka hindi rin alam ni Daddy na sinundo niya ako? Aba, mukhang may kalokohan siya. Nade-demonyo na ang utak kong pahapyaw na sinulyapan na siya. Sinalubong niya agad ang tingin ko. Alam niya sigurong magre-react ako. Punong-puno iyo ng pakiusap. Alam niya na siguro ang tumatakbo sa isip kong kalokohang sabihin ngayon. What if, sabihin ko kaya sa kanila na sinundo niya ako? Tapos kung ano ang mga ginawa niya sa akin. Kapag ginawa ko iyon paniguradong lagot siya. Hindi lang kay Daddy kung hindi paniguradong pati iyon kay Azalea. Ano kayang mangyayari? Subukan ko kaya para malaman ko ang resulta? “Alam ba ni Lailani ang paglabas mong iyan? Dapat kahit nasa ibang bansa iyon ay nagpapaalam ka rin.” Panira talaga itong si Azalea. Naroon na eh. Moment lamang namin dapat ni Chaeus ang laman ng isip ko. Bigla na lang niyang isiningit ang babae! “Mom, hindi naman pu-pwede na ang lahat ng ginagawa dito ay kailangang i-report ko pa at ipaalam sa kanya.” napupunong salungat na ni Chaeus. “I have my own life too. Hindi pa kami kasal. Hindi ko kailangang ipaalam ang lahat ng gusto kong gawin dito.” Ma-dramang napahawak si Azalea sa dibdib niya. Napakurap-kurap. Halata sa emosyon sa mukha niya ang gulat. “What's wrong with you now, Chaeus? Bakit ganyan ka sa aking sumagot? Ipinapaalala ko lang naman sa'yo.” Hindi umimik si Chaeus. “Nag-away ba kayo ng fiancee mo? Bakit ganyan na ang mindset mo sa sinabi ko? Concern lang naman ako na baka mag-away kayo. Na baka pag-awayan niyo ang paglabas mo.” May punto naman si Azalea. Hindi lang iyon nagustuhan ni Chaeus. “We are perfectly fine, Mom. Kami na ang bahalang magdesisyon kung itutuloy pa ba namin iyon oras na mag-away kami about this. Hindi mo kailangang panghimasukan. Matanda na kami. Alam namin ang ginagawa.” Pinili na lang ni Azalea na tumahimik kahit na halatang marami pa siyang gustong sabihin sa anak. Nahihiya siyang bahagyang nilingon si Daddy. Pahapyaw siyang sumulyap sa akin. Sa unang pagkakataon ay ako na ang naunang nagbigay ng ngiti sa kanya. Ewan ko ba kung bakit. Maybe just because to cheer her up? O baka lang nakokonsensiya ako sa nangyari. Ako ang dahilan ng paglabas ni Chaeus. “Alright. Hindi mo kailangang magalit at pagtaasan ako ng boses, Chaeus. Nagtatanong lang naman ako. Walang masama doon kung wala ka rin namang maling ginagawa.” “Azalea that's enough.” sabat na ni Dad na mukhang nakalimutan ng babae na kasalo namin. “Nasa harap tayo ng mga pagkain. Kung gusto mo siyang pagalitan, mag-usap kayong mag-ina pagkatapos nating kumain.” “Pasensiya ka na, Mateo.” Nagpatuloy lamang ako sa pagkain. Tahimik. Nakikiramdam. Panaka-naka ang sulyap ko sa kanila. Dama ko na ang pamumuo ng tension sa pagitan nilang mag-ina. Noon ko lang din naisip ang tungkol sa fiancee niyang si Lailani. Naging dahilan iyon upang mapatitig ako sa mukha ni Chaeus. “That's not okay with me. Igalang ang dining table natin kung saan tayo kumakain ng salu-salo. Huwag niyong sanayin ang sariling magalit habang kumakain. Kung may gusot man, ayusin niyo ito after our meal.” “Pasensiya na po, Tito.” Titig na titig pa rin ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD